Unduh Aplikasi
25.84% M2M SERIES / Chapter 98: Daniel (Chapter 7)

Bab 98: Daniel (Chapter 7)

"ANG POGI ng anak ko ah..." puri ni nanay nang makita ako. "Umupo ka na at kumain na tayo!"

"Thank you, nay, siyempre may pinagmanahan, e," natatawa kong sabi.

Umupo na ako. Nilagyan ni nanay ng kanin ang pinggan.

"H'wag mong masyadong damihan, nay, baka hindi na masulit ang pagpunta ko sa birthday party ng kaibigan ko niyan," reklamo ko.

"Asus! Kaibigan lang ba talaga, ha!" nanunudyong sabi ni nanay Lea.

Saka ako napatawa sa naisip ko. Hindi ko kasi sinabi kay nanay ang tunay na pangalan ni Ruby.

Baka nasa isip niya ay babae talaga si Ruby. Hinayaan ko na lamang siya sa kanyang iniisip.

"Kaibigan lang po talaga, nay!" sabi ko na nag-umpisa ng kumain.

"Gano'n? Ang hina mo naman. Dapat ligawan mo na. Kasingganda ba ni nanay, 'nak?" tanong niya.

Tumawa na lang ako. "Basta makikilala mo rin siya, nay, balang-araw."

"Kailan pa kaya ang araw na 'yon, nak?"

Sumubo siya ng pagkain kapagkuwa'y muling nagsalita.

"Basta ito lang tandaan mo, ha... h'wag mo muna seryosuhing mabuti ang ganyang bagay. Focus on your studies first, okay?"

"Don't worry, nay, pag-aaral po talaga ang priority ko. Ibibili muna kita ng mansion bago ako mag-asawa," seryoso kong sabi.

"Tandaan mo 'yan, nay!" Nginitian ko siya.

Halata namang na-touch sa sinabi ko ang aking nanay Lea. "Ay... ang bait ng anak ko. Tatandaan ko talaga 'yan, 'nak!" sabi niya.

Biglang nag-ring ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa bulsa. Si Ruby ang tumatawag. Sinagot ko naman agad ito.

"Daniel, where are you na?" tanong nitong halata sa boses ang pagkainip.

"Just wait, Ruby. Kain muna ako. Basta pupunta ako diyan. I promise!" tugon ko naman.

Halatang kinikilig si nanay Lea. Kung alam lang talaga niya na bakla si Ruby.

"Bakit ka pa kumain? Ang dami namang pagkain dito sa bahay," sabi ni Ruby.

"Wala kasing kasabay si nanay, e. Sinabayan ko muna siya. Saka mahiyain ako, Ruby. Baka mahiya akong kumain diyan sa inyo."

"Asus! This is my party remember? Saka ikaw kaya ang special visitor ko. Hinding-hindi naman kita pababayaan dito, 'no!"

Ang laki talaga ng tama ng baklang ito sa 'kin. Pagbigyan ko kaya?

Kahit isang beses lang. Natawa ako sa aking naisip nang mga sandaling iyon.

Parang hindi ko yata kayang manglason ng kapwa ko.

May biglang sumagi sa aking isipan. Nagamit na nga pala ako ng isang bakla.

Maraming beses. Napapikit ako sa isiping iyon. Ayoko nang balikan ang malagim kong nakaraan noon sa piling ng aking pinsang bakla.

Masyado pa akong bata noon. At wala na ang pinsan kong iyon kaya dapat ko na ring ibaon sa limot ang lahat. Isa iyong bangungot para sa 'kin.

"Anak, are you okay?" tanong ng aking nanay Lea.

Napansin kasi niyang para akong natulala saglit. Nginitian ko lamang siya para mapanatag ang kanyang kalooban.

"Ruby, I'll call you later. Basta darating ako!" sabi ko na hindi sinagot ang nag-aalalang tanong ni nanay.

"Can't wait to see you, Daniel. Excited na ako sa 'yo. Ang sabi mo kanina ha... baka akala mo nakalimutan ko," makahulugang sabi ni Ruby.

"What? A-ano 'yong sinabi ko sa 'yo?" naguguluhan kong tanong.

Tumawa lang ito at tinapos na ang tawag. Saka biglang pumasok sa aking isipan ang sinabi ko rito.

Gusto nga pala nitong maamoy ang kilikili ko. Napatawa na lamang ako dahil doon.

Sobrang naka-relate talaga ako kay Ruby. Fetish ko rin kasi ang mabuhok na kilikili ng isang lalaki.

Ang sexy tingnan at nakakalibog talaga. Pumasok sa isip ko ang mabuhok na kilikili ni Brad.

Napabuga ako ng hangin. I don't want to think about him anymore. Nabubwesit lang ako.

"Nay, ingat ka rito ha... I have to go!" mayamaya ay paalam ko kay nanay Lea at tumayo na.

"Ikaw nga ang dapat mag-ingat, e. Basta h'wag kang magpaumaga ha. Kapag may alak do'n kunti lang ang inumin mo. 'Di ka pa naman sanay uminom. And you're not allowed to smoke, 'nak! Do I made myself clear?" puno ng pag-aalalang sabi ni nanay Lea.

Totoo nga ang sinabi niya. Hindi pa talaga ako sanay uminom ng alak.

Dalawang beses pa lamang akong nalasing sa buong buhay ko at labis kong pinagsisihan iyon. I hate hung-over!

"Thank you so much, nay. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa buhay kung wala ka," seryoso kung sabi.

Na-touch naman si nanay Lea sa aking sinabi.

Mahal na mahal ko talaga si nanay. Mawala na sa akin ang lahat h'wag lang siya.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C98
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk