Unduh Aplikasi
57.44% No More Promises / Chapter 162: Chapter 11: Café Nueve

Bab 162: Chapter 11: Café Nueve

Bumyahe din kami agad ni Lance patungong restaurant na sinasabi nya.

"Sure kang hindi magtatampo si Bamby?.." kanina ko pa ito gustong itanong pero nagdadalawang isip ako dahil baka maging malamig mamaya ang hangin sa pagitan namin. Nangyari na kasi yan minsan nang niyaya nya akong lumabas ulit at nangyaring hindi ulit sumama si Bamby dahil may biglaang lakad kila Jaden. Hindi ko alam kung anong naging rason nya bat sya biglang nanlamig o ayaw pag-usapan ang hindi pagpunta ng kapatid nya. Hindi mapakali ang isip ko sa tuwing iyon ang sumasagi. Gusto ko syang tanungin pero may kung ano sa akin ang pumipigil. My gut feelings said that na huwag nang buksan ang usapang iyon dahil mauuwi lang sa isang malamig na pangyayari ang lahat.

"Pretty sure babe.. sabi ko naman sa'yo.. she's too busy with Jaden. Actually, gusto ko nga syang samahan kaso nangako ako sa'yo.." he glance at me while releasing a heavy breathing.

"Bakit hindi iyon ang ginawa mo?.." oo nga! Bakit hindi iyon ang ginawa nya kung iyon pala ang plano nya? Nalito ako bigla at nakaramdam ng kaunting sama ng loob. Tumingin ako sa labas para wag ipakita ang pagkadismaya.

"Dahil nangako ako sa'yo babe. Nagpaalam naman ako sa kanya.."

"Sana hindi nalang tayo natuloy kung ganun pala.." di ko alam bat nasabi ko nalang ito basta. Walang takot o bahid ng pagsisi sa akin.

"Are you mad?.." he asked me after a span minutes of time. I don't know why he turned quiet.

Ngayon, hindi ko na rin alam kung paano sasagutin ang mga tanong nya, at ang susunod pang mga itatanong nito.

"Hey!.. wag ka ng magalit, please.." noon ko lang narealize na huminto pala ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hinawakan nito ang dalawa kong braso saka ako pinihit paharap sa kanya. "Andito naman ako diba?.."

"Pero ang isip mo ba ay kasama?. Look Lance. Hindi ako galit o kahit na ano. Ang sa akin lang. Kung ganun pala na may plano kayo ng kapatid mo. Sana iyon nalang ang inuna mo.."

"Pero nagkausap naman kami ni Bamblebie.. she said okay without any further arguments.."

Isang buntong hininga ang kumawala sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Para akong nababaliw bigla.

Kagat labi ko nalang sinambit ang totoong laman ng isip ko. Ayos lang naman sakin kung di kami natuloy ngayon. Alam ko namang priority nya lagi ang bunso nila dahil kargo nya lagi ito. Hindi ko iyon masabi sa kanya. Ewan ko ba. Masyado na yata akong takot makarinig ng katotoohanang maaaring makapanakit sa akin ng lubusan. I must say, I'm not yet used to it.

"Hear me please. Can we just enjoy this moment of ours babe?. I miss you so much.." malungkot nyang sabi habang ako'y hinahalikan sa tuktok ng buhok. "And I'm telling you. I can't afford losing you again.."

Napapikit ako sa rahan ng paghalik nito sa noo ko. Ang mainit nitong hininga na tumatama sa noo ko ay nagbibigay sa akin ng pahinga. Pahinga sa pag-iisip.

"Can we go on now??.." tinanguan ko na lamang sya. Isang dampi ng halik sa labi ang ginawa nya bago muling nagmaneho. Isang luha ang bumagkas galing sa kaliwa kong mata.

I can't afford losing you again?. Kingwa! Bumibilis tibok ng puso ko sa huling sinabi nya. Damn it! Ako rin naman. Hindi ko na yata kayang mawala ka pa.

At sa haha ng byahe namin. Nakatulugan ko na sya. Isang malamig at preskong hangin na ang gumising sa akin. "We're here.." masayang ipinakita ni Lance sakin ang kapaligiran. Puno ng malalaking puno ang paligid ng restaurant na kaharap namin ngayon. May iilang sasakyan na nakaparada rin. Ang loob ng restaurant ay may sampung pares din siguro. At may isang grupo. Ang ilan sa kanila ay bahagyang napasulyap sa amin. Nagtaka ako kung bakit?. Anong meron?. Tanong ko nalang saking sarili. Sulyap lang naman ang mga iyon ngunit pinakaba ako ng basta nalang.

"Babe! Hey Babe?. Babe? Hello?.. Are you okay?.." kung di nya pa ako pinitik sa noo ay baka tulala pa rin ako. At hindi ko alam na dumaan na pala ang minuto. "May masakit ba sa'yo?.." nag-aalala na nitong tanong. Umiling ako. "Then what?.." he asked curiously. Ngumuso ako't hindi inaalis ang paningin sa loob ng restaurant. Lumingon sya doon. Sinuyod ng tingin ang mga andun saka nya ako binalikan. "Tsk! Just don't mind them.." hinila na ako papasok sa kabilang banda kung saan andun naman ang coffee shop.

Pumasok kami't dumiretso ako ng upo. Kinausap nya yung tauhan sa shop bago sya umupo.

"Kilala mo sila?.." tanong ko ng medyo normal na ang paghinga nya. Naging mabilis din kasi ito kanina matapos suyurin ang loob ng restaurant.

"Just friends of friends.."

"Kilala mo nga?.."

"Hmmm.." pag-iwas nya ng tingin sakin.

"Kaya ba hindi tayo duon pumasok?.."

"Nope.. Of course not.."

"Yes it is Lance.." he looked at me. "Bakit?. May hindi ba sila dapat malaman?.." I don't know where I got this brave tongue of mine today. Masyadong matabil magsalita.

"Babe, it's babe. Don't call me my first name please.." mahina nitong himig. Bahagya pang lumapit sakin. Magkaharap kasi kami. "Ayaw mo ba dito?."

Hindi ko sya sinagot. Tinignan ko lang sya pailalim. "Okay then. Lilipat tayo dun.." he just grabbed my hand at wala ngang atrasan na pumasok kami ng restaurant. Hinila nya ako hanggang dulo kung saan duon nakaupo ang isang malaking grupo.

"Dude, long time no see.." unang kumaway ang medyo singkit na maputing lalaki.

"Bro, what's up?.." sumunod rin na bumati at sumaludo pa ang lalaking kayumanggi ang balat ngunit pakiramdam ko ay malakas ang dating nito dahil sa buhok nitong nakatayo.

"Hey Baby Lance?. You look good huh?.." at ang sumunod naman ay ang babaeng may sobrang iksing suot na short. Bitin pa maging ang suot na t-shirt. Hay. Lihim akong napabuntong hininga. Anong laban ko dito kung ex nya ito?. Maganda, matangkad, pang modelo ang katawan. At mukhang mayaman. Asan ako?.

Sa puso ni Lance!

Oh Joyce! Here you are again.

"Dude, who's with you?.." sa sabay sabay na nagsalita, yung huli lang ang naiintindihan ko. Hinigpitan ni Lance ang hawak nito sa kamay ko at sa tutok kong ngitian isa isa ang mga taong nakaupo. Dumausdos na pala ang kamay nito sa baywang ko. Duon nya rin ako natyempuhang hapitin palapit sa kanya.

"Meet Joyce.. my girlfriend.." pakilala nya sakin. May nadinig akong nag cat calling. Mostly kalalakihan ay natuwa o nagdiwang. Lima nga sa pito ay nakipag-apir pa sa kanya. Ang mga babae naman ay laglag ang mga panga. Isa lang sa anim ang ngumiti at nakipag-kamay sa akin.

"Oh! Nice meeting you. Gorgeous lady.." she said smiling. Hindi umimik ang iilan.

Ang mga lalaki ay mas piniling makipagkamay at makipagkilala sa akin. Hindi ko nga lang natandaan ang mga pangalan nila.

"Can I excuse us?.." ani na ni Lance matapos ang medyo mahabang kamustahan ng mga lalaki. Girls are too quiet na para bang may lihim silang pag-uusap gamit lang ang mga tinginan.

"Of course! Of course! We'll catch up dude. Call me okay.. We'll go visit your house. I miss Bamblebie..". one of the boys. Sya ata yung pinakamatangkad sa kanila. At kung titignan ko ang itsura nila batay sa lahat ng aspeto ng pisikal. Sya yung pwedeng ihelera kay Lance. Ang lakas ng dating nya na kahit yata isang kindat lang nya sa mga babae ay makukuha na nya ito. But of course, not literally me. Sa iba siguro. Iyong mga sinabi ko ay obserbasyon ko lang din. But I don't know him either so whatever.

"Oh boy! Come on!!.." pagbibiro ni Lance na may halong banta sa lalaking sa tingin ko ay pilyo talaga.

"Hahahaha.. just kidding dude!.." tinapik nito si Lance. Saka na kami umalis patungo saming upuan pagkatapos namaalam.

"Get lost Ander.. hahaha.." pang-aalaska ng isang kaibigan nito.

"Damn you!.." mura nito sa nang-asar kanina.

"Ahahahaha.. loser.." dagdag pa ng isa.

"Oh fuckers.." mura na nito sa mga kaibigang inaasar sya.

"They knew Bamblebie?.." without even thinking. Nasabi ko na ito. Tumango si Lance bago nagkwento.

"Some of them likes her.." he said while we're busy setting up on our table.

"Some?.." nagtataka kong tanong. Tapos lumingon muli ako sa mesa nila. Kumaway pa nga sila. It's the boys. And girls?. They just rolled their eyes. Well. That's when insecurities hits you.

"Hmm.. I warned those some but Ander have this hard headed attitude.. kahit pagbantaan o pagbawalan ginagawa pa rin.."

"What did he do?.."

"He stalked her.."

Laglag ang panga ko. Really?.

"And then?. Paano mo nalaman na stalker sya?.."

"One of the girls told me.. nagalit ako't kinausap sya.. ngunit papilit pa rin.."

"Kaya ba si Jaden?.." duon biglang pumasok si Jaden sa isip ko.

Matagal bago sya sumagot. Mukhang nag-isip pa muna kahit halata naman na ang sagot.

"Parang ganun na nga.."

"Pero bakit?.."

"Anong bakit?.."

"Bakit ka pumayag kay Jaden para sa kanya?.."

"Dahil mas may tiwala ako sa kanya kaysa sa mga iyan. Hindi sa sinisiraan ko sila subalit sadyang hindi lang para sa kanila ang kapatid ko. Masyado syang inosente at sila'y hindi maganda ang ginagawa. Baka maimpluwensyahan.. ayokong mangyari iyon.."

Duon ko nakuha ang lahat. Kaya pala bigla nalang syang pumayag na ligawan ni Jaden si Bamblebie dahil dun sa bad influence na stalker. Aha! Good boy! Marunong din pala.

"Good decision babe.. I'm proud of you.." sabi ko sabay halik sa kamay nya. Nagulat sya duon sa ginawa ko kaya bigla nalang syang naestatwa.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C162
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk