CHAPTER XIII. The War Begins
SA SILID kung nasaan si binibining Riess matatagpuan ang kaniyang katawan na nakahandusay sa sahig. Sa ngayon ay puno siya ng sugat sa kaniyang katawan, Hindi ganoon kalalim ang kaniyang mga sugat ngunit labis labis ang sakit na kaniyang dinaranas ngayon sa kamay ng lalakeng kaniyang kalaban.
Dahan dahan siyang pinapaslang ng kaniyang kalaban. May parte sa kaniyang kalooban ang panghihinayang. Sa pagkat ang ilang dekada niyang pag sasanay ay mababalewala lamang dahil sa lalakeng biglaan nalang pumasok sa kaniyang silid at pumaslang ng isa nilang miyembro na mukhang mag hahayag ng balita sa kaniya.
Doon ay na alala niya ang wangis ng kaniyang pinuno. Ang wangis ng pag kadismaya dahil sa kaniyang kahinaan hiyang hiya siya sa paulit ulit niyang pagbigo rito. Pinuno patawad! Sabi niya mula sakaniyang isipan.
Sa harapan naman ng dalaga makikita ang lalake na tila ba may ini-isip sa lalim ng kaniyang pag iisip ay natanggal na ang mga patalim na nakabaon sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan at doon nga ay mabilis na nag hilom ang kaniyang mga sugat.
Lumipas ang ilang minuto ay wala parin itong kibo, hindi ito kumikilos ngunit mababakas sa kaniyang mukha ang pagtataka, pag tataka dahil siya at ang kaniyang pinuno ay nagagawang mag usap mula sa kanilang isipan
Clemson! Sisimulan na namin ang pag salakay tandaan mo ang parte mo sa labanang ito, ang tatlong bata ang bahala sa mga mandirigma ikaw naman ang bahala sa mga komandante at ako na ang bahala sa kanilang heneral at sa iba pa. sabi ng isang lalake na nag sasalita mula sa kaniyang isipan.
Ang boses nayun ay nag mumula kay Zuki Takigawa nag uusap sila ni Clemson sa pamamagitan ng Telephaty, si Clemson at Zuki ay nagkaroon ng ugnayan sa kanilang isipan sapagkat isa ito sa mga kakayahan ng mga bampira at ng isang Celestial at sa kakayahan ni Zuki na mag bagong anyo tulad nang beastman, angel, demon, ghoul at iba pang nilalang na matatagpuan sa lower hanggang mythical realm.
Ang kakayahang ito ay isang magandang biyaya mula sa may kapal sa mga diyos at diyosa
Masusunod pinuno sagot ni Clemson at ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa nakabulagta paring katawan ni Reiss sa ngayon ay nakatuon ang atensyon ni Reiss sa pag sagap ng enerhiya sa kaniyang paligid nag hahanap siya ng pamilyar na aura upang siya ay humingi ng tulong.
Ngunit mukhang hindi na niya kailangan na sumagap dahil may isang enerhiya ang papalapit ngayon sa kaniyang kinaroroonan ang aura nito ay pamilyar sa kaniya, ito ay ang malapit niyang kaibigan si Razor Scavenger ang matalik niyang kaibigan noong simula pa man at isa ito sa mga komandante ni Grim Blackburn.
Si Clemson naman ay naramdaman ang enerhiya na paparating batid na niya na ito ay kasamahan ng babaengnasa kaniyang harapan napansin niya na nagagawa nang makagalaw ni Reiss sinuportahan ni Reiss ang kaniyang pag tayo at mapag malaking tumingin sa mga mata ni Clemson.
Ano mang sandal mula ngayon may darating para iligtas ako! sabi ni Reiss at ang katawan niya ay nabalutan ng puting enerhiya ang aurang inilalabas niya ay simbolo ng kaniyang kasalukuyang ranggo.
Si Reiss ay isang Angel Ranker, siya ay isang 6th level angel rank ito ang kaniyang ranggo ito ang pinaka mababang rangoo para sa kanilang mga komandante at siya ang pang sampung komandante ni Grim Blackburn si Reiss Hovier.
Doon nga ay dumating ang isang pigura sa kanilang kinaroroonan at ang dumating ay walang iba kundi si Razor Scavenger mayroon itong maayos na pangangatawan at may suot itong itim na damit at sa kaliwang kamay nito ay may hawak itong baril.
Ang baril na ito ay hindi ordinaryong sandata ang baril na ito ay kahalintulad ng sandata ni Saylsia ang Mana Pistol ngunit sa baril na hawak ni Razor ay nag tataglay ito nang mas malakas na enerhiya.
Ang sandata ni Razor ay nag tataglay nang enerhiya at ang enerhiya nito ay naglalaro sa mid tier Angelic Armament.
Razor! Tawag ni Reiss kay Razor at agad naman siyang nakita nito, Reiss kamusta ka! Nasaktan kaba? Tanong ni Razor at tiningnan ang kabuoan nang dalaga.
Ayos lang ako! Kaunting galos lang at pagod! Ang lalakeng iyan tiyak na mula siya sa ikalawang palapag, hayag ni Reiss kay Razor.
Lumingon si Razor kay Clemson at masamang binigyan ng tingin ang binata, ang lakas ng loob mo na umatake nang nag iisa rito ngayon na nandito na ako ay kayang kaya kitang tirisin ng na parang ipis. Mapag malaking saad ni Razor at ang kaniyang baril ay itinutok niya kay Clemson.
Si Clemson naman ay hindi natinag sa pag tutok ni Razor nang sandata nito sa kaniya na tila kompyansa siya na kaya niyang kalabanin si Razor at maging si Reiss na ngayon ay nakatayo na nang maayos at nakahanda na rin ang dalawa nitong patalim.
Ang patalim na hawak ni Reiss ay iba sa mga nauna niyang ginamit na sandata ito ang kaniyang orihinal niyang sandata pandigma.
Si Clemson ay nag handa narin ang kaniyang katawan ay napalibutan nang itim na usok nabigla naman sila Reiss at Razor sa inilabas na Itim na usok nito naalarma din sila dahil sa pag aakala na ang inilabas nito ay aura ng isang aktwal na demon rank.
Ngunit nang wala silang maramdamang marahas na enerhiya ay nakahinga sila nang maluwag, alam nila sa kanilang sarili na wala silang binatbat sa isang aktwal na demon rank.
Sa ngayon kayo palang ang makakakita nang kapangyarihan ko! Hayaan niyang iparanas ko sa inyo ang kawalan ng pag-asa sabi ni Clemson at sa isang iglap ay may biglang lumitaw na sandata sa harapan niya.
Isa itong itim na espada na maihahalintulad sa itim na kalangitan ang pagiging itim nito, at sa handle naman nito ay may desenyo ito nang pulang likido tila isa itong mantsa ng dugo kung titingnan at mas kapansin pansin sa sandatang ito ang inilalabas nitong aura.
Ang sandata ni Clemson ang nag panganga kila Razor at Reiss, hindi sila maaaring mag kamali ang kalidad nang enerhiya nito ay nasa mid tier demonic armament.
Papaanong ang lalake na nasa kanilang harapan ay may hawak hawak na demonic armament.
Simulan na ang laban! Sabi ni Clemson na ikinabigla nang dalawa at sa isang iglap ay nasa harapan na siya ni Razor.
Para sa aking panauhin ikaw ang unang makakatim ng una kong teknik sabi ni Clemson at ang kaniyang espada ay nabalutan ng itim na enerhiya. " ShadowBringer Technique: 1st skill: Shadow Blade Slash!!!" sigaw ni Clemson na nag pagulantang kila Razor at Reiss.
Samantala sa lugar naman kung nasaan ang tarangkahan matatagpuan ang mga nag kalat na katawan sa sahig karamihan sa mga katawan ito ay mga patay at ang ilan naman ay mga sugatan at mababakas sa kanilang mga sugat ang thread marks na gawa ng heaven's thread na pagmamay-ari ni Alena.
Si alena ay Malaki na ang ipinagbago ng kaniyang lakas at karanasan ang kaniyang pag gamit sa kaniyang sandata ay sadyang kahanga hanga, sa edad na labing anim na taong gulang ay naging isa itong kahanga hangang adventurer at sa lakas niya bilang isang 5th level angel rank at sa mahusaynitong pag gamit sa heaven's thread ay magagawa niyang kumalaban ng higit isandaang kalaban ng sabay sabay.
Si recon naman ay mabilis ang pag lakas ng kaniyang pisikal na abilidad tila namana niya ang pisikal na lakas nang kaniyang ama at bilis nito sa pag gamit ng sandata. At ngayon nga ay may kaharap siyang sampung mandirigma mula sa hukbo nang mga kalaban.
Siya at ang kaniyang nakababatang kapatid ang bahala sa harapang labanan samantala si Alena naman ang bahala sa Depensa at maging sa opensa ang formation nilang mag kakapatid ay ang mismo nilang sandata sa labanang ito.
Si Zuki naman ay kasalukuyang nakaupo sa ibabaw ng tumpok nang mga bangkay nang kaniyang mga pinabagsak na mga kalaban, hindi siya makikitaan nang away sa kaniyang mga mata, ang makikita sa kaniyang mga mata ay panganib na dala ng kamatayan.
Sa madaling salita walang pag aalinlangan na pumatay si zuki, gagawin niya ito sapagkat parte itong kaniyang misyon. Ang tapusin ang lahat ng heneral sa bawat palapag at ang lahat ng haharang ay makakamtan ang lupit ng kamatayan.
Ang mga mandirigma naman na nakapaligid kay zuki ay napatulala na lamang nasaksihan nila ang mga ginawa ng binata sa kanilang mga kasama, walang awa nitong pinaslang ang nasa isandaang nilang mga kasamahan. Nakita nang kanilang mga mata ang pag patay ng binata sa mga kasama nila na para ba ang mga ito ay mga hayop na handa nang katayin.
At nagawa iyun lahat ng binata dahil sa dalawa nitong matatalim na buntot na humiwa at bumutas sa katawan ng kanilang mga kasamahan.
Hindi nila batid kung ano ang bagay nayun subalit tiyak na nila na nasa pinaka mapanganib na silang sitwasyon subalit gustuhin man nila na tumakas ay hindi nila magawa sapagkat may kakaibang pwersa ang pumipigil sa kanilang pag kilos.
Arrgh! Sigaw mula sa kaliwang bahagi nang labanan at makikita ang batang beastman na napapalibutan nang berdeng enerhiya at sa tindi ng enerhiya na inilalabas nito ay mag sasagawa ito ng malakas na pag atake.
PHANTOM BLADE TECHNIQUE 2ND SKILL "FLASH WIND FANG"!!!! sigaw ng batang beastman at ang napaka lakas na enerhiya na nakapalibot sa kaniya ay napunta sa kaniyang sandata at doon nga ay kaniyang iwinasiwas ang kaniyang espada.
Nag karoon ng mga naglalakihang matatalim na hangin ang tumama sa mga mandirigma na naroroon! Ang mga nakakita sa pwesto ni Zuki ay pinanlamingan sa kanilang nasaksihan. Ang lahat ng mga sumalakay sa kanila ay sobrang mapanganib! Kailangan nila ang kanilang pinuno! Kailangan nila ang kanilang punong heneral.
Samantala kadarating lamang ng mga mandirigma sa kanilang mga pupuntahan at naipamalita na nila ang nagaganap sa kanilang mga komandante at sa silid kung nasaan naman si Grim at kasama niya si Freda na kagagaling lamang sa kanilang pag papaligaya sa isat isa.
Nag susuot sila nang kanikanilang kasuotan nang bigla biglang pumasok sa silid ang isa nilang kawal.
Kyah!!!! Sigaw ni Freda nang Makita niya ang pag pasok bigla sa kanilang silid ng isang kawal.
Nang Makita naman ni Grim ang kalapastanganang pag pasok ng kawal sa kaniyang silid ng wala niyang pahintulot. Isa kang pangahas sa pagpasok mo saaking silid nang wala kong pahintulot! Sigaw ni Grim sa kaniyang kawal at nakaramdam naman nang takot ang lalake.
Hindi niya sinasadya na maabala ang kaniyang pinuno sa ginagawa nila ni lady Freda naririto siya upang ihayag ang masamang balita.
Pinuno naparito ako upang ihayag sayo na ang mga mandirigma mula sa ikalawang palapag ay sinasalakay tayo ngayon! Pinuno kailangan nang lahat ang inyong tulong! Pinuno1 sabi ng kawal. At nang marinig ni grim ang balitang iyun ay inilabas niya ang napaka bigat na enerhiya.
MGA LAPASTANGAN!!!! Sigaw ni Grim Blackburn na umalingawngaw sa buong palapag.
Sa lugar naman kung nasaan si Zuki mapapansin ang kaniyang biglaang pag ngiti, sa wakas nabatid din ng heneral nang palapag na ito ang aming pag salakay. HAHAHAHA!!! Halakhak ng binata at pangilangilabot na nagsalita.
Mag sisimula na ang totoong digmaan!!!! Sigaw niya at sa isang iglap ay nag labasan ang siyam na buntot sa kaniyang likuran. Nang Makita ito nang lahat nang naroron ay nakaramdam sila nang pangamba.
Dalawang buntot palang ay wala na silang panama ano pa kaya sa siyam na buntot na, ito na ang kanilang katapusan…