Unduh Aplikasi
81.81% The Mythic God / Chapter 54: Chapter XI

Bab 54: Chapter XI

CHAPTER XI. A Goddess Visitors

SA NAPAKAGANDANG palasyo matatagpuan si Selene na nakaupo sa kaniyang Trono. Ang kaniyang napakagandang mukha ay may taimtim na ekspresyon mga ilang Araw na din ng huli niyang makita ang kaniyang estudyanteng si Zuki.

Batid niyang sa loob ng Mystical Astrad Mirror ay nagsimula na itong maging malakas at batid niya na din na nagpakilala na ang dati nitong katauhan. Ang kaniyang masugit na taga sunod isang siglo na ang lumipas

Ito ay si Tsuki Tsukino ang pinakabatang naging Emperador sa mundong kinabibilangan nito. Si Tsuki Tsukino ang kaisa isahan niyang binigyan ng espesyal na ranggo ngunit maaga itong napaslang dahil sa pagtataksil ng mga kaibigan nito.

At nagkataon na ang kasalukuyan niyang apprentice ay siyang bagong katauhan ng kaniyang masugit na taga sunod isang siglo na ang lumipas. Ngayon ay nasa harap niya ang kaniyang mga tauhan pinatawag niya ang ilan niyang mga tapat na taga sunod. Ang limang mundong siya ang nag buo.

Ang una ay ang Eldri Planet

Na may Tatlong Kontinente at ang mga naninirahan dito ay may ranggo bronze Rank hanggang Legend Rank at iilan palang sa mga naninirahan dito ang nakalagpas sa limitasyong ranggo nito at kasama sa mga ito ang mga namumuno sa bawat kontinente nito.

Ang pangalawa naman ay ang Zalarri Planet

Ang kontinente sa planetang ito ay may apat na bahagi at sa apat na kontinente nito ay may dalawang namumunong emperador. Ang dalawang emperador ay parehong nalagpasan na ang kanilang limitasyon at kapwa mga taga sunod ito ni Selene.

Ang pangatlo naman ay ang Sacca Planet

Ang planetang ito ay may dalawang kontinente at may dalawang emperador ang namumuno rito. Ang mga ito ay mga nag kamit ng Extrang mga ranggo dahil sa pagiging malapit ng mga ito kay Selene. At ang pang apat ay ang Chrone Planet kung saan ay may Limang kontinente at may Limang Emperador.

Masagana ang planetang ito at payapa ngunit sa kabila nito ay marami ang mga malalakas na Adventurer ang mga naninirahan dito at kapwa tapat sa mga namumuno lalo na sa kanilang diyosa. At ang pang lima ay ang Planetang kinabibilangan ni Tsuki ang Realm Planet

Ang planetang ito ay may Pitong Kontinente at karamihan sa pitong kontinente na ito ay sadyang tahimik at walang nagaganap na gyera ngunit sa dalawang kontinente ay may sigalot na umabot na nang isang siglo. At ito ang Twilight Continent at ang Demon Continent.

Ang dalawang kontinenteng ito ay nag hudyat ng gyera sa isat isa at nag pasimula ang gyerang ito isang daang taon na ang lumipas matapos magtagumpay na paslangin ng Prinsesa ng Demon Continent na si Fumi at nang katipan nitong si Dracious ang Pinaka bata at pinaka malakas na Emperador ng Twilight Continent walang iba kundi si Tsuki Tsukino.

Walang nag mana ng trono ng dating emperador sapagkat inubos ng mga kalaban ang Buong Tsukino clan kaya naman walang namuno bilang bagong Emperador ngunit ang mga tapat na meyembro ng Twilight Continent ay nag sama sama upang ipag higanti ang sinapit ng Angkang nag taguyod ng Twilight Continent nang Halos isang libong taon.

Ang pansamantalang namuno ay ang Ymir Clan dahil ito ang pinaka malapit na Angkan sa Tsukino clan.

At dahil sa kanila ay naisalin sa mga bagong henerasyon ang kanilang hangaring mag higanti sa Demon Continent. Para makamit ang Hustisya para sa Tsukino Clan.

Tumingin si Selene sa kaniyang mga tauhan na mga representante ng bawat kontinente ng kanilang mga planeta. Ang mga ito ay may Bilang na labing siyam na indibidwal.

Tatlo mula sa Eldri Planet Dalawa sa Zalarri Planet Dalawa rin sa Sacca Planet Lima mula sa Chrone Planet at Pito sa Realm Planet.

Ang Representante sa Twilight Continent ay ang Pinuno sa Ymir Clan si Reiss Ymir na may ranggong 10th Level Demon Rank. Hindi man siya Isang Emperador ay isa naman siya sa kasalukuyang namumuno upang ipag higanti ang pag kalipon ng Tsukino clan.

Sa lahat ng Bisita ni Goddess Selene siya lang ang bukod tanging hindi Dugong bughaw. Dahil Hindi siya nag mula sa Royal Clan.

Maligayang pag dating mga tapat kong mga tagapag lingkod. Sabi ni Selene at napatingin sa kaniya ang labing siyam niyang panauhin.

Mga Emperador at Emperatris ikinagagalak ko na sa unang pag kakataon ay makita kayo lahat at sama sama batid ko na ang iba sa inyo ay may mga sigalot sa isat isa ngunit may kailangan akong ipaalam sa inyo! Lintanya ni Selene at inilahad niya ang kaniyang mga palad at doon ay lumitaw ang imahe nang isang binata.

Nagulat ang Dalawang bisita sa imahe ng binata lalong lalo na ang Emperador ng Demon Continent. Ang Binatang isang daang taon nang patay ay nakita niya muli sa ikalawang pag kakataon.

Kagalang galang na Diyosa bakit ang imahe ng namayapang emperador ang nasa imahe?. Tanong ni Emperador Valefar at bakas na bakas sa kaniyang mukha ang pag kakilabot.

Emperador Valefar alam ko na may alitan kayo ni Tsuki noon ngunit hindi ko akalain na Naaalala mo pa ang kaniyang wangis kahit isang siglo na ang nagdaan. Ngunit may dahilan kung bakit siya ang nasa imaheng iyan.

Reiss Ymir nais kong ipamalita mo ito sa lahat ng nasasakupan ng Twilight Continent dahil ilang taon mula ngayon ang inyong Emperador ay mag babalik na.

Isang kagimbal gimbal na pahayag ni Selene na ikinabigla naman ng iba pang Emperador at Emperatris.

Goddess! Ako'y naguguluhan anong ibig niyong sabihin? Buhay ang Namayapang Emperador ng Twilight Continent Papaano? Tanong naman ni Caseath Hunithelrvis na siyang Emperatris sa Elven Kingdom sa Realm Planet.

Si Caseath ay isa sa mga matalik na kaibigan ng namayapang emperador ng Twilight Continent kaya naman nabigla siya at nag taka sa itinuran ng kanilang diyosa. At ito lang ang tumatakbong palaisipan sa kaniya paano nangyari na ang aking kaibigang niyang si Tsuki ay buhay matapos lumipas ang isang daang taon.

Caseath ang iyong tanong ay aking bibigyang linaw. Si Tsuki Tsukino ay muling mag babalik sa bago nitong katauhan. Sa madaling salita siya ay na reincarnate bilang bagong indibidwal ngunit sa kabila ng lahat ay taglay niya parin ang mga katangiang meron siya noong siya pa si Tsuki.

Nang bigkasin ito ni Selene ay natulala ang iba pang Emperador at Emperatris. Na Reincarnate ang isang nilalang at taglay parin nito ang dati nitong katangian. Isang kahanga hangang pang yayari.

Ahhh! Goddess bakit? Bakit siya pa! Sa dinami rami ng pwedeng mabuhay muli bakit siya pa! Hindi makapaniwalang saad ni Valefar.

Valefar! Sa pakiwari ko'y! Ikaw nababahala sa iyong nalaman! Nangangamba kaba na sa muli niyang pagbalik ay maisakatuparan na niya ang pag hihiganting ninanais niya.

Mapanghamak naman na saad ni Alazair Tyrthym

Si Alazair ay ang Emperador ng Elwood Continent sa Chrone Planet.

Si Alazair ay batid ang nagaganap na digmaan sa dalawang kontinente ng Realm Planet. Dahil minsan na niyang nasaksihan ang madugong digmaang ito sa kaniyang balintataw. Nang marinig naman ito ni Valefar kaya naman pinanlisikan niya si Alazair.

Nanggagalaiti siya dahil sa sinambit nito sa kaniya hindi siya nangangamba dahil iba na siya sa dating Valefar na nakalaban ni Tsuki.

Siya na si Valefar na ngayon ay isa nang ganap na 7th level Divine Rank. At Hindi niya papalagpasin ang kalapastangan ni Alazair kahit ito'y isang emperador sa ibang planeta.

Aking mga panauhin ikinagagalak ko na kilala pa ninyo si Tsuki Tsukino. Sa lumipas na Isang siglo ay nababatid niyo pa kung sino ito. At nais kong sabihin na ang dahilan kung bakit siya nabuhay.

Dahil sa isang Propisiya na dapat niyang gawin, Sabi ni Selene na nag patahimik sa lahat. Anong Propisiya ang gagampanan niya Mahal na Diyosa? Tanong naman ni Mythir Hlaeanea

Si Mythir Hlaeanea ay isang Emperatris mula sa Eldri Planet at emperatris ng Aciebard Continent at isa siyang Elf. Emperatris Mythir! Magandang katanungan.

Ano ang gagampanan niyang propisiya?! Ito lang naman ay ang tapusin ang gyera ng mga diyos. Siya ang Mag tatakda ng pagtatapos ng digmaan laban sa Hukbo ni Hades, Ang Diyos ng Kadiliman at pagkawasak…


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C54
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk