Chapter XXXIX: Saylsia Vs Zuki Part 2
---
Dark Element!! Dark Bullet's!!! Mahinang turan ni zuki takigawa at mabilis na ibinato ang limang itim na bala ng enerhiya patungo kay Saylsia
Nagkaroon nang malakas na pagsabog sa kinaroroonan ni saylsia at isang kagimbal gimbal na tanawin ang kanilang nasaksihan.
Mayroong nahulog mula sa kinaroroonan nila napapalibutan ito ng usok ngunit ng mawala ang usok ay lumitaw ang isang buong braso at sa kamay nito ay may hawak itong isang baril.
Ang braso na ito ay kumpirmadong nanggaling kay saylsia.
At ilang sandali pa ay umalingawngaw sa buong silid ang malakas na hiyaw ni Saylsia.
Aaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!
Dahil sa pagsigaw ni saylsia ay naalis ang usok na nakapalibot sa kaniya at doon tumambad ang saylsia na wala na ang kaliwang kamay at patuloy na nagdurugo ang tinamo nitong sugat.
Walang hiya ka!! Papatayin kita!!! Galit na sigaw niya sa binatilyong may gawa ng kaniyang pinsala.
Papatayin mo ko! Papaano mo yun magagawa? Tanong ni Zuki takigawa na ngayon ay nasa harapan parin nito.
Zerek!!!! Clemson!!!! Patayin ang mga kasama niya ngayon din!! Sigaw ni Saylsia
Kaya naman nagulat sila Olivia at Estevan sa Isinigaw ng babaeng heneral.
Napahawak ng mahigpit si Estevan sa kaniyang espada at si Olivia naman ay naikuyom ang kaniyang mga kamao.
Si Alena naman ay inihanda ang kaniyang sarili ganun din si Recon at Ophir na maingat na sinusuri ang kanilang pwesto.
Tiningnan ni zerek ang pamilya ni estevan at tiningnan ang mga gamit ng mga ito.
Mga Beastman na may mga kayamanan!! Nagpalabas ito ng itim na enerhiya dahilan para ihanda nila estevan ang kanilang sarili sa ano mang pwedeng mangyari.
Si Zuki naman ay hindi nagbago ang ekspresyon dahil sa sinigaw ni Saylsia
May tiwala siya sa kakayanan nila estevan kung isang Kalaban lang ang kanilang kakalabanin.
Hindi siya nag aalala sa lagay ng mga ito dahil nakita naman niya ang kakayahan nang mga ito.
Kapag lumaban sila ng mag kakasama walang kahit sino ang makakapigil sa kanila.
Ibinaling niya nalang ang tingin sa babaeng masama parin ang tingin sa kaniya.
Hanggang kailan ka titingin dyan Diba sabi mo Papatayin mo ako! Mapang asar na sabi niya na mas ikinainis ni Saylsia.
Isa kang lapastangan anong karapatan mo para putulin mo ang braso ko!! Galit na bulyaw ni saylsia at nagliwanag ang kaniyang kanang palad at pilit na inabot ang kaniyang sugat.
Ang liwanag na nanggagaling sa palad ni saylsia ay kulay berde at ng itapat niya ang liwanag na iyon sa kaniyang sugat ay mabilis itong nag hilom.
Pero ngayon bakas na ang pagkawala ng kaniyang kaliwang braso.
Kung ganun lalabanan mo ako gamit ang espadang yan.
Alam mo ba na kahit hindi ako gumamit ng enerhiya ay kayang kaya kitang pabagsakin.
Sabi ni Zuki takigawa
Walang makikitang pagbibiro sa kaniyang sinabi.
Si Clemson naman ay parang nabingi sa sinabi ni zuki takigawa
Kahit malayo siya sa kinaroroonan nito ay malinaw niyang narinig ang sinabi nito.
Kahit hindi gumamit ng enerhiya kaya niyang pabagsakin si Saylsia.
Kalokohan!
Agad lumipad si Clemson papunta kay Saylsia
Nagtungo siya sa harap ni Saylsia at hinarangan ito mula sa binatang kaharap niya ngayon.
Hindi hindi ko hahayaan na saktan mo ulit ang master ko! Galit na sigaw ni Clemson at ang kaniyang mga mata ay biglaang kumislap.
Ang kulay ng mga ito ay kulay Pula natural para sa isang bampira.
Nang makita naman ni Zuki ang pag protekta ni clemson kay Saylsia ay napangisi nalang siya.
Ngisi na mas ikinainis ni clemson kaya naman tumalas ang mga kuko nito at isang mabilis na pagkilos ang kaniyang ginawa.
Isang sigundo ang lumipas ay isang malakas na pagtama ng kamao ang umagaw ng pansin ng ibang naroroon.
Si zerek ay tiningnan ang kinaroroonan ng ingay.
Sila estevan naman ay nakahanda parin sa anumang pwedeng mangyari.
Samantala si Zuki naman ay sinalo ang atake ni Clemson gamit ang kaniyang palad.
Napansin niya ang papalapit na binti nito at akmang sisipain siya nito nang magawa niyang makailag nang halos wala pang isang sigundo bago niya maiwasan ang atake ni Clemson.
Napangiti nalang siya dahil may naisip siya na ikakasaya ng laban.
Tumungin siya ng nakakaloko kay clemson kaya naman ng makita nito ang tingin ni Zuki ay mas nainis siya rito.
Ang kaniyang enerhiya ay lumakas at pansin ang marahas nitong enerhiya.
Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at mabilis na sumugod kay zuki.
Si Zuki naman ay agad naiwasan ang unang atake ni Clemson.
At sumunod ay ang paparating na Right hook mula sa kalaban pero nagawa niya din itong ilagan.
Sunod sunod ang ginagawang atake ni Clemson kay Zuki takigawa pero kahit isa ay walang tumama sa mga ito.
Nagawa itong iwasan lahat ni Zuki.
Yan ba ang kakayahan ng isang bampira
Kulang ka sa lakas at bilis! Mas makupad kapa sa pagong! Sabi ni Zuki at isang malakas na Sipa ang biglang tumama kay Clemson Dahilan nang biglang pagtalsik nito sa pader.
Isang malakas na pag sabog ang naganap! Nagulat si saylsia at Zerek sa Ginawa ng binata.
Nagawa nitong mapatalsik si Clemson sa pamamagitan ng isang Sipa.
Si Saylsia ay bakas ang pagkagulat sa pag talsik ni Clemson.
Ramdam niyang walang ginamit na enerhiya ang binatang nasa harapan niya.
Hindi ito maganda! Iyun ang nasa isip niya pero mas nanaig ang galit nita sa binata.
Napahigpit ang kapit niya sa kaniyang espada at walang habas na Inatake ang binata.
Pero si zuki ay inilagan lang iyun ang walang kahirap hirap.
Iwas pakanan Iwas pakaliwa
Malaya siyang nakakaiwas sa mga malalakas na atake ni Saylsia.
Ang atake ni Saylsia ay puno ng enerhiya subalit hindi iyon sapat para matamaan ang binata.
Mas mabilis itong kumilos kesa sa kaniya
Hindi niya matatanggap ang kalapastanganang pag putol nito sa kaniyang braso.
Mag babayad ka!!!! Sigaw ni Saylsia at Iwinasiwas ang kaniyang espada.
Puno iyon ng enerhiya at tiyak na mawawasak ang nasa paligid niya pag tumama ito sa kung saan.
Nang mapansin ni zuki ang klase ng atake ni saylsia ay nag-iba ang ekspresyon niya.
Wala siyang pakealam kung may madamay na mga alagad niya.
Sambit ni zuki takigawa at nagliwanag ang kaniyang kaliwang palad.
BANG!!!!
Isang malakas na pag sabog ang naganap
Nagkaroon ng malakas na bugso ng hangin mula sa banggaan nila Zuki at Saylsia
Arrrrrghhhh! Mamatay ka!!! Sigaw ni Saylsia at mas lumakas pa ang enerhiyang bumabalok sa kaniyang katawan.
Ibinubuhos na niya lahat sa atake niyang ito.
Wala na siyang pakealam sa mga mangyayari.
Ang mahalaga sa kaniya ay mapatay ang binatang may gawa ng pagkaputol ng kaniyang braso.
Si Zuki naman ay napapikit nalang at bakas ang pagkadismaya.
Wala kang pinagkaiba sa kaniya! Sabi ni zuki at ang kaniyang palad ay nagliwanag.
Nagkaroon ng marahas na Enerhiya ang nabuo sa Kaliwang palad niya.
At ang enerhiyang iyon ay nabaliyan nang kakaibang liwanag ito'y kumikinang na ani mo'y mula sa mahiwagang nilalang.
Pero ang pag kinang ng kaniyang palad ay mas lalong gumanda ng biglang nabuo ang Puting apoy.
Ito na ang katapusan mo!
God's Flame!!!!!
Sabi ni Zuki at ang puting apoy ay mabilis na bumangga sa espada ni saylsia.
Ngunit dahil sa kakaibang pwersa ng puting apoy ay napaatras nito si saylsia at nilamon ng naglalagablab na puting apoy si saylsia.
Si zerek ay natulala sa pangyayari! Ang kaniyang master
Natalo! Natalo ng isang misteryosong binata.
:To be Continued:
Hello It's a prank
Hehe akala niyo di na ako mag uupdate
Akala niyo lang yun hihihi
Thank you very much sa pag support sa storyang ito.
And sana ganun padin kayo sa volume 2
Vote and comment