Rion's POV
How does this girl think that my tattoo symbolizes another girl much more Sherry? But then again, paano niya din maiisip na siya ang kahulugan ng tattoo ko? At kahit sinabi ko na, pinagtawanan lang naman ako.
And that kicked me. Paano niya naisip na nag-jo-joke ako? Hell! Ni wala sa bokabularyo ko ang salitang joke.
Nilingon ko siya na abalang naglalaro sa tablet niya at parang nakalimutang kasama niya ko. She's back from her usual self.
Memories from the past six years flooded my vision before I could stop them...
Pagod kaming humigang tatlo sa maduming basement ng Al's Restaurant matapos ang ilang oras na pag-aaway. Si Moises, ang labindalawang taong gulang at pinakabata sa 'min ay kanina pa naghihilik.
Bumangon ako at pinatong ang dalawang siko sa mga tuhod ko. Kinapa ko ang mukha ko at napa-igik dahil sa sakit mula sa mga tinamong pasa galing kay Moises at Zilvestrio. Mahina akong napamura nang maisip ang magiging reaksyon ni Lolo kapag nakita niya ang kondisyon ko. Hindi ako natatakot sa mga sasabihin niya kundi sa gagawin niyang pagpapadala na naman sa 'kin sa kung saang bansa. Hanggang ngayon ay umaasa pa din siya na titino ako. Sa loob ng walong taon mula nang mangyari ang trahedya sa pamilya, sinasama na 'ko ni Lolo sa iba't ibang bansa kung saan siya nagpapalago ng negosyo para doon mag-aral.
At hindi na mabilang sa daliri ang mga school na napasukan ko. Palipat-lipat ako dahil sa mga gulong sinangkutan ko, mula sa basag-ulo, alak, sugal at iba pang bisyo. At hindi din miminsan na napapadpad ako sa detention cell para sa mga kabataang katulad ko na walang ibang ginawa kundi gulo.
Naputol ang pag-iisip ko nang makitang bumangon si Zilv at nagbato ng kung ano sa direksyon ko. Hinawi ko iyon ng braso ko at sinugod siya.
Ang lalakeng 'to ang nanggitgit sa'kin kagabi sa karera kaya hindi ako nanalo. At dahil pareho kaming aminadong may kadayaan, kami ang nagpasimula kagabi ng riot ng mga kabataang pare-parehong walang magawa sa buhay. Siya at ang kasama niyang bata na si Moi ang nagtulong-tulong sa'kin. Hanggang sa damputin kaming tatlo ng dalawang malaking lalake na nasa treinta pataas ang edad at dalhin dito sa basement.
Nagkubabawan kami ni Zilv at nagsuntukan hanggang maramdaman namin ang malamig na tubig. Binigyan kami ni Alvaro o kilala sa tawag na Uncle Al ng tig-isang suntok hangga't maghiwalay kami.
"Iyan na ang huling pakikipag-basag mukha ninyo! Naiintindihan ninyo?! Ikaw Rion---"
"Got it. But I won't sit my ass when that as*hole---"
"F*ck you!"
"Tigil!" Sigaw ulit ni Alvaro.
Pinahid ko ang dugo sa labi ko at binagsak ang sarili paupo.
Tiningnan lang kami isa-isa ni Alvaro matapos kaming sabihan ng ilang bagay tungkol sa grupo at saka umalis na kasama ang dalawang lalake na nagdala sa'min dito. Pinababalik kami ng grupo ni AL para sa mga dapat naming malaman tungkol sa grupo.
I don't know what made me agree to become a member of this elite group. Maybe because of this huge rebellious side of me or this devil kicking in my chest yearning to get even with those bastards who killed my mother. Pero kahit ano man, pangangatawanan ko ang pagsali ko dito.
Pinagpagan ko ang pantalon ko at tumayo na.
"We're not through, Macario."
"Yeah sure, Flaviejo." Zilv said and gave me a dirty finger.
Sinuot ko ang bull cap ko at dumaan sa opisina ni Al para makadaan papuntang restaurant.
Tanghali pa lang at konti pa lang ang mga patron sa restaurant at maging sa billiards wing. Mas maraming parokyano kapag gabi base na rin sa huling punta ko dito. Mabilis akong nakapunta sa backdoor at lumabas.
"Psst! Psst!"
Hindi ko nilingon ang tumatawag sa'kin at patuloy na naglakad kung saan nakaparada ang motor ko. Hanggang humarang sa daraanan ko ang isang maliit na batang babae.
A very cute kid. Nine or ten years old? I can't tell. Maliit siya, bahagya lang umabot sa dibdib ko. She's watching me through her big brown eyes. Her long deep brown hair was pulled in a high, messy pigtail. At kahit halatang mestisa, walang bakas ng freckles ang maputi at malinaw niyang balat. She's really cute, and her cuteness promises a very beautiful and elegant lady someday.
"What are you looking at?" I barked at her. Pero ni hindi man lang natakot sa tono ko.
"Ikaw ba ang kaaway nila kuya Zilv?"
Hindi ako sumagot, nilagpasan ko siya pero hinarangan niya 'ko.
"You seem kind naman, hindi katulad ng ibang kaaway niya. They deserved to be knocked by him."
"I'm not kind little girl, patunay na pwede kitang ihagis kapag hindi ka umalis sa dadaanan ko."
Nag-pout lang siya.
"Pero bakit ba kayo nag-away? Look at your face, puro sugat at pasa. Di tuloy ako makapag-decide kung gwapo ka o hindi. Gusto mo bang gamutin natin yan? You know, I want to be a doctor someday, kaya pwede kitang pag-practice-san, don't worry I'll be gentle. Hehehehe! By the way I'm Dollar."
Hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay niya. Tinitigan ko lang ang maliit niyang kamay. Hindi ako sanay na may nag-aalala sa'kin kahit isang inosenteng pag-aalala lang. Before, no one did. Not even my long lost mother and never my unknown father. Kung nag-aalala man sa'kin ang mommy ko bago niya 'ko iwan, who will know? Baby pa 'ko noon. And not also Don Marionello, he's always busy making money. At hindi din si Shamari na pinipili pang magkulong sa kwarto niya o sa library. May nurse at family doctor kami na gumagamot sa'kin kapag nasusugatan o nagkakasakit ako. Pero mga tao silang ginagawa lang ang trabaho nila, walang pag-aalalang kasama para sa'kin.
"Anong alam mo bukod sa pagbubukas ng takip ng alcohol?"
"You're so rude, typical of rich frat boys. Tara, wag ka ng mahiya."
"No."
"Okay."
Nilagpasan ko siya at paika-ikang naglakad sa motor na niregalo sa'kin ni Lolo nang dumating ako dito sa Pilipinas noong isang buwan. Na malamang na bawiin din niya kapag nalamang ginamit ko 'to sa pagkarera.
Inalis ko sa pagkakalapat ang kickstand ng motor at sasakay na sana nang mapalingon ako sa direksyon ng makulit na bata.
"What are you doing?" I yelled at her. At bumalik ako sa tabi niya. Nag-uusok at nagsisimula ng mag-apoy ang gulong ng BMX Bike na nakahiga sa lupa.
"Ginaganti ka kay Zilv. He's a brother to me but somebody has to teach him a lesson. Hindi ko alam kung bakit kayo nag-away, mus be a 'big guy thing'. Pero wag kang mag-alala, mag-iimbento ako ng pangalan ng nagsunog ng bike niya para iyon naman ang aawayin niya tapos makakalimutan na niyang kaaway ka niya." then she smiled.
Mula sa gulong ng bike ay umakyat na ang apoy. Naaamoy ko na ang goma at bakal at papalaki na din ang apoy. Tiningnan ko ang batang si Dollar na umiikot sa paligid ng bike at nagsasayaw.
'She has mental issues, really'
"Does it make you feel better now?" tanong niya sa 'kin.
"No."
I wonder kung anong magiging reaksyon ni Zilv pag nalaman niya 'to. Pero ano na lang ba ang isang bike? That as*hole came from a well-off family.
"Well, it makes me feel better. C'mon sayaw tayo!"
Nagpatuloy siya sa pagsasayaw at parang nakalimutang nandito ako. Naglakad na ulit ako sa motor ko at nirebolusyon iyon at pinaharurot palayo.
Nakita ko sa side mirror ang makulit na bata na umiikot pa din sa apoy.
And I don't know why seeing her brought a smile to my lips. At dahil sa ginawa kong pagngiti, kumirot ang sugat sa labi ko at napamura ulit ako.
And that one afternoon five years ago was the start of all. Mula sa opisyal na training na pinagdaanan naming tatlo, ang madalas at palihim na pagpunta ko sa basement, ang unang misyon na binigay sa'min ni Uncle Al at ang mga personal na lakad na ginagawa ko para ipaghiganti ang ina ko.
Sa loob din ng mga panahon na iyon ako binigyan ni Lolo ng ultimatum para magbago. Na mahirap sa 'king sundin pero ginawa ko. Hindi naman nawala ang katigasan ng ulo ko, nabawasan lang ang pagsali sa mga gulo at natuto akong magseryoso. Siguro dahil na rin sa pang-didisiplina ni Uncle Al o dahil tinalaban na 'ko ng mga pangaral ni Lolo.
Pero ang mas matinding nakapagpabago sa'kin ay ang isang hapong nakita ko ang magkakaibigang Dollar, Moi at Zilv. The adoration and respect from Dollar's big brown eyes kicked me. May be that was the thing that keeps Moi and Zilv sane. Kahit mula din ang dalawa sa magulong pamilya. Mas maswerte nga lang sila dahil may kaibigan sila na hindi tinitingnan ang nakaraan nila o ang kinahinatnan ng pamilya nila. And that was Dollar.
Hindi katulad ko na dalawang uri ng tao lang ang kilala sa mundo: ang mga taong tumitingin sa yaman ng pamilya namin at ang mga taong nililibak ang pagkatao ko dahil sa mga magulang na parehong umabandona sa'kin.
At ng hapon na iyon ko nalaman kung anong malaking kulang sa buhay ko. Isang taong makakaintindi sa'kin, makikipagbiruan at ituturing akong normal na tao.
Pero hindi na siguro mangyayari ang ganoon lalo na't pinasok ko ang madilim na mundo ng mga taong halang ang kaluluwa. Where dog eats dog. Na hindi nangingiming pumatay ang mga taong kalaban namin ng bata, matanda, babae man o lalake katulad na lang ng ginawang pagpatay sa ina ko.
Five years ago and I've swear my life to this filthy job. At mas marami pa 'kong magagawa na magpapahamak hindi lang sa'kin kundi sa mga taong mapapalapit sa'kin.
Five years ago at tinigil ko na din ang pagrerebelde ko sa sarili ko at kay Lolo. At bago matapos ang ultimatum, pinilit kong magbago. No. hindi ako nagbago. Inalis ko lang ang mga bisyo at umiwas lang ako sa mga gulo. I even became a responsible student body.
At ginawa kong tanda ng pagsisimula ko ang pagpapa-tattoo. Hindi ko alam kung bakit. Pero kapag palihim akong pumupunta sa Al's at nakikita ang makulit na bata na mahilig mag-pout, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko siya nilalapitan, tutal mukhang nakalimutan na din niya 'ko. Madalas pagkatapos kaming kausapin ni Uncle ay pinipili kong umupo sa madilim na sulok ng Billiards Wing at tahimik na umiinom. And watch her all the time.
Iyon lang ang magagawa ko lalo pa't pinagbawalan ako ni Uncle Al na makipagkilala sa kanya. Not that I'm afraid of Alvaro. Pero tama siya, hindi ko kailangang ipahamak ang pamangkin niya.
And my irritation to her mischievousness grew to something I wouldn't dare give a name.
And that was when I decided to tattoo her sign on my chest. A dollar sign on fire.
Isang bagay na magpapaalala sa'kin na iyon lang ang magagawa ko para makasama siya.
And five years have passed at binigyan ako ng pagkakataon na mapansin niya ako. An opportunity I couldn't grab at any cost. Sa pag-aalala sa kaligtasan niya. Call me, coward. Cause I'd rather stay away from her and see her safe than be with her and see her dead...
But help me God, cause she's weakening my defenses sa mga pinaggagawa niya...
Napangiti ako sa sinabi niya kanina. 'You're for me and I'm for you. Hindi mo pa nga lang nare-realize.'
Nilingon ko siya na tuwang-tuwa na naglalaro pa din.
As much as I want, baby, as much as I want...
Hi! Please vote and leave a comment if you think the story is deserving. Lots of love!
Like it ? Add to library!