Unduh Aplikasi
34.32% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 23: Bespren Shamari and the New Friend

Bab 23: Bespren Shamari and the New Friend

Dollar's POV

Natigil ako sa paghahalungkat sa bag ko nang maalala ko na tinapon ko na nga pala ang golden lighter.Tsk. I have this familiar itch again to set fire.

"Stop this Dollar, before it harms you."

Psh! Hinagis ko nang marahan ang bag sa kabilang bleacher. Oo nga pala, magbabagong buhay na 'ko. Bagong buhay... Pero parang wala akong motivation na baguhin ang kahit anong aspeto ng buhay ko. Kainis naman kasi si Unsmiling Prince! Dalawang linggo na simula nong may nangyari samin sa kotse niya? Teka, tama ba ang sinabi ko? Let me rephrase it, dalawang linggo na simula noong hinatid niya 'ko pauwi. At simula noon, iniwasan na din niya 'ko!

But come to think of it, simula umpisa naman talaga ay iniiwasan na niya 'ko di ba? Pero iba ngayon!

Ni hindi man lang ako mabiyayaan ng konting sulyap kahit alam niyang nasa paligid lang niya 'ko. As in, hindi man lang gumalaw ang eyeballs niya sa direksyon ko. Hinahabol ko siya lage sa hallway pero lumiko lang siya, nawawala na agad! Hindi ko na ulit marinig ang monosyllabic niyang yes/no kahit bulong lang kahit anong pangungulit ko. Pumupunta lage ako sa parking pero usok na lang naabutan ko. Ang galing niyang umiwas, pumuslit at magtago! He's a total snob!

But well, I'm not Dollar Mariella Viscos if I will remain sitting here and do nothing. Tama! Tumayo ako at tiningnan ko ang relo ko. Alas-doce pa lang at may tatlong oras pa 'ko para mabago ang buong mundo. Ha!

Aabutin ko na sana ang bag ko nang mapansin ko sa ibabang bleacher si... Samari? Yeah. Si Shamari nga. At napakunot noo ako nang makita ko siyang pinupunasan nang maigi ang bleacher ng isang minuto at pagkatapos ay sinapinan ng panyo at umupo?

Akalain mong may pagka-OC si bespren? Tiningnan ko siya habang bumababa ako papunta sa kinauupuan niya. Hmn....

Hapit na hapit ang pagkakatali ng buhok niya. Walang kumakawalang hibla at parang hindi man lang dinadaanan ng hangin. Samantalang ako? Basta ko na lang ginagapos ng mataas ang mahaba kong buhok at nag-uumalpas ang mga ilang hibla sa batok ko. Ganyan na lagi ang ayos ng buhok ko 'mula pa noon. Sa bahay lang ako naglulugay ng buhok. At yung uniporme ni Shamari? Tama ang pagkakalapat at sukat sa kanya. Siya talaga ang tamang imahe ng isang mabuting mag-aaral.

Now I know kung bakit ilag ang karamihan ng mga estudyanteng lalake sa kanya. Because she possessed the strict arrive. Yung parang bawal magkamali sa harap niya. She's the type you may called perfectionist. The prim and proper. *Evil grin. Yeah, the prim and proper Shamari, kaya enjoy siyang asarin. Nakalapit na 'ko sa tabi niya at nakita ko naman kung gaano niya punasan nang mariin ang kutsara at tinidor. May lunchbox sa lap niya.

"I'm so thankful at hindi mo pa nasusunog ang buong lugar na to Viscos." She said without looking at me.

"Grabe ka naman Shahari, pyromaniac lang ako at hindi arsonist. At ikaw ha, hindi mo sinasabi sa'kin na obsessive-compulsive ka pala. Pareho lang tayong neurotic, hahaha!"

Inirapan lang niya 'ko at tinigilan ang pagpupunas sa mga kawawang kubyertos. "There's nothing wrong to be clean."

"It's wrong if you're overdoing it."

"Whatever. Now, you go to wherever you want bago pa 'ko mawalan ng gana sa lunch ko."

"Bakit naman ako aalis eh teritoryo ko kaya 'to?"

"Matagal na 'kong pumupunta dito bago ikaw, so I guess mas may karapatan ako kesa sa'yo." She said and made a face.

"Tss! So bakit ngayon lang ulit kita nakita dito?"

"Dahil hindi talaga ako pumupunta dito nang malaman kong naging tambayan mo 'to. Ayokong ma-cremate nang buhay."

"Nagbabagong buhay na 'ko no, thanks to my Unsmiling Prince."

"Unsmiling Prince -Unsmiling Prince, kabaduyan mo." At sumubo siya ng broccoli.

Vegetables for lunch? Walang ding rice? Vegetarian siya?

Samantalang ako, kulang ang two cups ng kanin pag kumakain ako umagahan, tanghalian o hapunan man. Buti na lang at mabilis ang metabolism ko kaya hindi ako tumataba. Tiningnan ko ang marahan niyang pagkain. Kahit malaki ang appetite ko, may breeding din naman ako, pero... kailangan bang may iisang angle ang siko kapag sumusubo ka ng pagkain?

"Shawari-wariwap, uy, naalala ko nga pala, 'di ba na-confirm ko dati sayo na hindi mo boyfriend si Rion, kung ganon...bakit iisang bahay ang inuuwian ninyo? Yaya ka ba niya? Bodyguard? PA?"

Hindi siya sumagot.

"Uy." Siniko ko siya ng konti.

"Itanong mo sa kanya."

"Sus... Iniiwasan niya nga ako these past two weeks , hindi ko alam kung bakit. Alam mo ba kung baket?"

"No. And the hell I care!?" she shouted.

"Ooops, bad si Shawariwariwap nasa harap ka ng pagkain. Sabi ni Zilv pag nasa harap ka daw ng biyaya ng Diyos ay igalang mo daw, kaya nga pag kumakain kaming tatlo ay nagsisipaan na lang kami ni Moi sa ilalim ng lamesa. Strikto din kasi si Zilv, like you and Rion."

"How could a jerk tell that thing?" she rolled her eyes.

"Jerk? Si Zilv? Jerk ka dyan, pang-terorista lang ang arrive niya pero mas mabait pa siya sa amin ni Moi, me and Moi combined. Gusto mo bang ipakilala kita sa kanya ?"

"Not in this lifetime, duh!"

"Hayaan mo ipapa-schedule kita sa isa sa mga dates niya. At sabi din nga pla niya, dapat da--"

"Nasabi din ba niyang wag kang mang-iistorbo ng mga taong nagtatanghalian!?" mataray niyang sabi sa 'kin.

"Ahmn, hindi, pero wag kang mag-alala, itatanong ko sa kanya kung bad din 'yon, hahaha!"

Inirapan lang niya 'ko at tinuloy na niya ang pagkain niya. Parang nagdadabog ang kilos niya at parang masyado niyang pinag-isipan ang mga sinabi ko. Pero hindi din pala alam ni Shamari kung bakit iniiwasan ako ni labidabs UnsmilingPrince. Tsk! Hay...Bakit nga kaya? May nagawa ba 'kong masama nang huli kaming magkasama?

Itinukod ko ang siko ko sa tuhod ko at nangalumbaba. Tinanaw ko ang dagat sa harap namin. Maganda ang panahon ngayon. Maganda na ang sikat ng araw. Nandito kami ni Shamari sa part na nalililiman ng mga puno kaya hindi masyadong masakit sa balat.

Pero parang mas gusto ko pa na umuulan. Who could tell? Baka ihatid ulit ako ni Rion? At kapag nangyari 'yon, sisiguruhin kong may mga naghambalang na mga puno sa gitna ng kalsada para mas matagal kaming ma-stuck together. *Dreamy eyes

Tapos ng kumain si bespren at pinapasok na niya ang lunchbox sa isang paperbag.

"Shawarip, hindi ko na tatanungin kung ano ang relasyon mo kay Rion basta isama mo lang ako sa bahay niyo, what do you think?" I grinned.

"I don't wanna think about that, Viscos. Because the last thing I will do in this earth is to be with you anywhere at pagtiisan ang kaingayan mo! Gah! Pwede bang manahimik ka naman kahit isang minuto lang?"

"Hahaha! Hhindi din naman kita masyadong gustong makasama bespren,hehehe, gusto ko lang malaman kung saan nakatira si Rion. At kaya ko namang tumahimik ng isang minuto no."

"Whatever!"

"Sige na Shamamawri. Gagawin ko lahat ng gusto mo! Baka kasi kakausapin na niya 'ko kung ako mismo ang pupunta sa bahay ninyo." *Pleading eyes

"Bakit hindi ka sa city hall gumawa ng eksena at itanong mo sa mga tao doon kung saan kami nakatira?!" at nagsimula siyang maglakad paalis.

Sinabayan ko siya sa paglalakad. "Eh hindi ko nga alam kung nasaan ang city hall!"

"Ugh! Sumakay ka sa balsa, mamaya nandoon ka na!"

"Nagjo-joke ka naman eh, pero sige na nga dahil bespren kita tatawa na ko, bwa-ha-ha-ha-ha! So, payag ka na ba?"

"No, you're crazy, hopeless, desperate and... etcetera.!"

"Sige na, bespren, wag mo na lang akong samahan, kita na lang tayo sa bahay ninyo pagkatapos mong ibigay ang direction sa'kin. So? Saan ako liliko? To the left or to the right? Magkano ang pamasahe papunta? Ilan ang aso niyo? Pang-ilang pinto ang kwarto niya?"

"Kung alam mo sanang banggitin ang pangalan ko nang MAAYOS, baka natuwa pa 'ko sa'yo at ibigay lahat ng personal info niya. Hmp! Dyan ka na!" at iniwan niya ko at pumasok siya sa building nila.

"SHAMARI!!!" (T_T)

^^^^^^^^

Shamari's POV

That girl! That crazy girl!

Kung si Zilv ang nag-iisang lalakeng nakakapag-pawala ng composure ko, si Dollar naman ang babaeng gumagawa niyon!

Magkaibigan nga sila! Nakaka-irita pareho! But I had to admit, she has tons of guts.

Akala ko katulad din siya ng ibang babae na nagkakandarapa kay Rion, pero kapag naranasan na nila ang rejection mula sa 'kapatid' ko, titigil na sila at magkakasya na lang sa pagtanaw sa malayo.

But not Viscos. Ilang linggo na silang naghahabulan. At nagtaka ako noong una kung bakit hindi pa gumagawa ng paraan si Rion para tumigil si Dollar. Pero base sa sinabi ng baliw na 'yon kanina, nagsisimula na siyang umiwas.

Well that's a good thing for her. Hindi niya kailangang ipilit ang sarili niya sa lalakeng hindi nagtitiwala sa lahat ng babae. Dahil na rin siguro 'yon sa naranasan niyang pag-reject ng mga magulang niya sa kanya. I don't know. Hindi kami masyadong close ni Rion and he is so secretive para sabihin niya sakin ang mga nararamdaman at iniisip niya.

But I know little things about him. Maybe, that's a thing between siblings. Kahit bihira kaming mag-usap.

As for Dollar's case, hindi ako kahit kelan gagawa ng paraan para mapalapit siya kay Rion. Ang dahilan ko ay marahil dahilan din ni Rion. Na ayaw niyang may mapalapit na tao sa kanya para hindi mapahamak ang taong 'yon. Hindi ko feel maging kaibigan si Dollar, pero hindi ako ganoon kasamang tao para hayaan siyang mapalapit sa isang komplikadong tao para mapahamak lang.

Yeah. I know from the start what Rion's doing these past five years. I'm not a fool para hindi ko malaman ang ginagawa niya sa tuwing matatanaw ko siya sa bintana ko at umaalis ng kalaliman ng gabi. At ang mga lakad niya tuwing bakasyon na umuuwi siyang puro galos o kaya ay pasa. I don't know what it is exactly but I had this feeling that it is somewhat dangerous. Hindi ko alam kung may alam din si Don Marionello na madalas ay abala sa mga negosyo. Bihirang-bihira lang kami magkasabay sa dinner.

Napadaan ako sa bulletin ng Business Education at nakita ko ang monthly ranking ng mga estudyante. As expected, I ranked first. Pangalawa lang si Rion sa 'kin. Pero wala akong nararamdamang katuwaan. Dahil alam kong hindi ako deserving sa pwestong 'yon. At hindi talaga ako ang pinakamagaling. Rion does. Sa maraming pagkakataon ay pinagbibigyan niya lang akong manguna sa klase. And that irritates me! Ilang beses ko na siyang kinompronta dahil doon pero ikikibit lang niya ang mga balikat niya at sasabihing 'you deserved it sister.'

And thinking of the devil himself, eto nga at kasalubong ko sa hallway. With one of the campus' It girls. Yeah, that's it. He only settles for short term affair. No emotions attached. Tumango lang siya sakin bilang pagbati. And I did the same way.

Ganoon lang palagi, wala naman kasing nakakaalam na magkapatid kami. Don Marionello made sure of that. Binayaran ang mga taong kailangang manahimik. Pero hindi ako nagagalit kung hindi man ako ipakilala ni Don Marionello sa mga tao.

Hindi ko pinag-aaksayang umiyak sa mga ganoong maliit na bagay lang. I only have one mission. At susulitin ko ang pribilehiyong natatanggap ko bilang apo niya para maisakatuparan ang gusto kong mangyari. Use all the resources I have, money, brains and connections.

I'll use them to finish one thing... Isang bagay na dapat matagal ng nangyare...bago pa man ako tumuntong sa lugar na 'to...

^^^^^^^^

Dollar's POV

Ok, wala akong aasahan kay Shamari.

Tss! Sinipa ko ang nakita kong lata. Pauwi na 'ko samin. Lakad lang. Alangan!

Simula kasi ng ihatid ako ni Unsmiling Prince, parang hindi na 'ko sanay maglakad ng kulang-kulang isang kilometro. Samantalang dati, tumatanaw pa 'ko sa ibaba ng bangin, kinakausap ang mga puno at talahib sa daan, nakikipaghabulan sa mga kulisap... Hay!

Ang nakakainis pa neto, bago ako lumabas sa gate ng University kanina ay nadaanan pa 'ko ng kotse ni Unsmiling Prince, hahabulin ko sana pero nakita kong may kasama siyang babae. Kainis lang ha! Pwesto ko yung inuupuan ng bruhang 'yon! Nakakayamot! Gusto ko sana silang habulin kung hindi lang ako magiging pathetic tingnan.

Yung iiwasan ka ng taong mahalaga sa'yo nang hindi mo alam ang dahilan?! Mahalaga sa'kin si Rion?!

Tss! Parang ngayon ko lang naamin iyon ah. Pero ano pa nga ba? Gagawin ko ba lahat ng mga ginawa ko kung hindi mahalaga sa'kin si Rion? Manghahabol ako ng isang mailap na lalake nang walang dahilan? Para naman akong baliw noon.

Sinipa ko ulit ang lata at nagtuloy sa paglalakad. Nilapitan ko 'yon at sinipa ulit hanggang bumangga iyon sa isang... Buko ?

Nilapitan ko ang buko at dinampot. Tinanaw ko ang kaliwa ko at nakakita ako ng maraming puno ng niyog. Hindi ko matanaw kung hanggang saan. Pero kelan pa nagkaroon ng hacienda ng niyog sa tabi ng kalsadang dinadaanan ko araw-araw?

Tiningnan ko ang pinanggalingan ko pero hindi ko na matandaan kung saan ako lumiko. Nasaang lupalop ako ng Luzon ngayon? Babalik na sana 'ko para hanapin ang daan nang may sumulpot na malaking kalabaw sa daan ko at nagsimulang tumakbo. Tumatakbong kalabaw!

"Aaaaahh! Uncle ko po!" Tumakbo ako nang mabilis habang yakap ko pa din ang buko.

Kalabaw ba talaga ang humahabol sa 'kin? Bakit tumatakbo? Nakakatakot ang mga yabag ng kalabaw na 'to na tumatama sa daanang graba.

Umakyat kaya ako sa puno ng niyog? Pero ang sagwa yata? Tinuloy ko lang ang pagtakbo ko hanggang sa hinihingal na 'ko. Tumakbo pa din ako ng tumakbo. Nilingon ko ang kalabaw at nakita kong.... Nakakita lang ng pond at hayun! Tinigilan na ang paghabol sa 'kin! Nanliligo na nang todo! Pero salamat naman dahil hindi ko na talaga kaya.

Nakipagtitigan ako sa kalabaw at patakbong bumalik sa pinanggalingan ko. Hindi ko hiniwalayan ang tingin niya, baka kasi umahon siya at habulin na naman ako. Pagkalagpas ko sa kanya ay tinodo ko na ulit ang takbo ko.

Tae naman kasi eh! Ilang taon na 'kong umuuwing lakad pero ngayon lang ako naligaw!

Bigla akong nagpreno nang may makita naman akong matandang lalake na naglilipat ng mga buko sa isang malaking kariton.

Pero nakahinga na 'ko ng maluwag dahil nakakita na 'ko ng tao. Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siyang maglipat ng buko mula sa isang mataas na tumpok papunta sa kariton na may dalawang gulong. Nakakailang buko na 'ko nang mapansin ako ng matanda.

"Anong ginagawa mo dito, hija?" tanong niya.

Hindi naman siya nakakatakot, mabait nga ang bukas ng mukha niya...But there's something in this old man that spoke... power and authority.

"Naligaw po kasi ako eh, hehehe, kayo po anong ginagawa nyo dito?"

"Kung hindi mo napapansin hija, naglilipat ng buko." At tumawa si Lolo.

"Hahaha, oo nga po no? Bakit po nagtatrabaho pa kayo, Lo? Wala po ba kayong mga anak o apo?" Usisera talaga 'ko. Pero para kasing napakatanda na ni Lolo para lumabas pa ng bahay. He must be around sixties to seventies.

"Kailangan, hija." And he gave me an all-knowing smile. "Huwag mo na 'kong tulungan apo, kayang-kaya ko na 'to."

"Ok lang po 'yon, kailangan ko pong may mapagbuhusan ng sama ng loob. Kainis kasi eh." At binato ko ang isang buko sa kariton.

"Bakit naman, hija?" tanong niya at pinampaypay sa sarili ang sumbrelong buli.

"Ganito po kasi 'yon, Lo. Nagkagusto ako sa isang lalake, itago na lang natin siya sa pangalang Marionello Flaviejo, a.k.a Rion a.k.a Unsmiling Prince. Masungit, tahimik, masikreto, antipatiko minsan at lalakeng tumatawa sa konting tatak lang ng powerpuff girls. Pinaghihirapan ko talaga araw-araw na magkaroon kami ng moment together. Nililigtas niya nga 'ko sa lahat ng pagkakataong maaksidente ako. At sino ba naman ako para hindi mas lalong malulong sa 'Rion's spell' na kalat na kalat sa buong University di ba? Pero 'yong lalakeng 'yon, iniiwasan na 'ko, nang hindi ko alam ang dahilan! As in, konti na lang Lo, ramdam ko ng malapit na kaming maglevel-up pero isang maulang hapon noong nakaraang nakaraang linggo ang pinagsamahan namin at pagkatapos noon hindi na niya ko pinansin, wala kahit sulyap man lang. At hindi ko alam kung bakit!?" *Hingal. Hingal. Hingal.

Sa sobrang inis ko, nakwento ko na tuloy sa kanya ang buong kwento namin ni Unsmiling Prince. Pero mas lumuwag ang pakiramdam ko at di ba nga sabi nila, mas magandang kausapin ang stranger?

"Bakit hindi mo-corner-in apo, at pilitin mong magkausap kayo?"

"Naisip ko na nga yan, Lo kaso di ko alam kung saan siya nakatira." (T_T)

Ngumiti lang siya at itinuloy na ang paglilipat ng mga buko.

"Tulungan ko na kayo 'Lo ah? Salamat po sa pakikinig."

"Wala ;yon hija, hayaan mo at matatauhan din 'yang lalakeng tinutukoy mo."

"Sana nga 'Lo."

Natapos naming ilipat ni Lolo ang mahigit isandaang buko. Masakit din sa braso, pero nag-enjoy naman ako. Ang sayang kakwentuhan ni Lolo.

Nakahanap ako ng isang matandang kaibigan.

Nalaman kong sa kanya palang kalabaw 'yong humabol sa 'kin at iyon ang katulong niya sa paghahakot ng mga buko. Inalok niya nga akong ihahatid sa bahay pero hapon na din at malayo pa yata ang tirahan niya. At masaya kaming nagpaalaman sa isa't isa.

Nakahanap ako ng isang matandang kaibigan sa katauhan ni Lolo... Teka, hindi ko natanong ang pangalan niya!


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C23
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk