Tristan's POV:
Almost two weeks na simula nung huli kaming nagkausap ni Hikari.Hindi na rin kami nagkakasabay ng duty.Bale nirequest ko kay manager Asher na huwag na muna kaming pagsamahin sa iisang duty.Silang dalawa ni Miguel ang opening at kaming dalawa naman ni Lia ang closing.
Naaabutan ko pa rin naman sina Hikari at Miguel dito sa shop pero ang ginagawa ko ay sa crew room ako tumatambay,kung hindi naman maiwasan,nakikihalubilo ako sakanila ngunit hindi ko pinapansin ang ex bestfriend ko.
Nandito ako ngayon sa gawing kanan ng shop,naka break ako for 30 mins,si Lia naman ay nasa counter,iilan lang ang customer namin,mga estudyante lang na nakiki wifi.
Nandito pa rin si Manager Asher,simula ng maging closing ang schedule ko ay sinasamahan na nya kami ni Lia mag duty.Pero sa pagkakatanda ko sa tuwing may closing sched ako ay sinasamahan ako ni Sir Asher.
Sa loob ng dalawang linggo,nag aantay pa rin ako na bumalik dito sa shop si Lyrics,mukhang engot na nga ako na kada may papasok dito sa shop na customer iniisip ko agad baka si Lyrics na ulit yun.Kaso wala e.Hindi na nya ako siguro pupuntahan dito dahil sa mga sinabi ni Hikari.
Kung nagkausap lang sana kami nung araw na yun?siguro nagkaayos na kaming dalawa.
Miss na miss ko na si Lyrics,sana naaalala pa rin nya ako.Dahil sya ni minsan,hindi sya naalis sa isipan ko.
Patapos na ako sa pagkain ko ng marinig kong mag salita si Lia.
"Good evening Sir,Welcome to McLibee cafè"-Lia
Napatingin ako kay Lia at napansin ko ang lalaking nasa counter ngayon.Umoorder na yata ito.
Inayos ko ang aking pinagkainan at agad ng tumayo mula sa pagkakaupo,nag mamadali akong pumunta sa mini kitchen ng shop para hugasan ang pinagkainan ko,mabilis ko din naman ito natapos.Pabalik na ako ngayon sa counter, at dito naabutan kong iseserve na ni Lia ang isang order ng barrako coffee.
"Ako na ang magseserve nyan Lia"-sabi ko
" Ayy,Tris.Ikaw talaga ang inaantay kong bumalik para dalhin yan dun sa lalaking customer natin.Nagrequest kasi sya na ikaw ang magdala ng order na ito sa table niya."-Lia
"Hmmp?talaga?bakit daw?kilala nya ako?"-tanong ko kay Lia
" Siguro,kasi binanggit nya sakin ang buong pangalan mo e,Tristan Medrano diba fullname mo?"-Lia
"Oo.sino daw sya.?"-tanong ko
" Hindi sya nagpakilala e,pero.ayun sya oh,naka polo na red na may stripes na black."-Lia
Tinuro sa akin ni Lia ang lalaking nagrerequest na ako ang mag serve sakanya ng inorder nya.Bahagyang nakatalikod sa amin ang lalaki kaya hindi ko makilala kung sino sya.Siguro regular customer namin sya dito.
"Pamilyar ba sya sayo?"-tanong ni Lia
" Nakatalikod sya Lia?paano ko makikilala?adik kaba?haha"-biro ko
"Ayy Oo nga pala,kala ko nakilala mo na sya agad sa suot nya."-Lia
Nginitian ko na lamang si Lia at agad kinuha ang tray na pinaglalagyan ng order ng customer na nagrequest na ako ang magserve sakanya.Papalapit na ako sakanya ngayon.
" Sir,here's your order.Isang barrako coffeee for dine in."-ako
Nasa likuran na nya ako sa mga oras na ito,marahan akong pumunta sa gilid ng lamesang kinalalagyan nya para maipatong ang inorder nyang kape.
"Kumusta?"
Napatingin ako sa lalaking nagsalita.Kaya naman pala ako ang inirequest ng customer ko na ito na mag serve ay dahil,kilala ko pala talaga sya.
"Ram?."-sabi ko
Kinuha ni Ram,ang kapeng isinerve ko sakanya at marahan itong inamoy.Nakatingin lamang ako sakanya.
" Napaka bango ng kape nyo ah.Imported ba ito?."-Ram
"No,Sir.Exported from Amadeo,Cavite po ang mga kapeng sineserve ng McLibee Cafè.Bale po sa coffee capital ng Pilipinas galing ang lahat ng klase ng kape na inooffer namin"-sagot
Pagkasabi ko nun,marahang tinikman ni Ram ang kapeng kanyang inorder.
" Ikaw ba ang nag timpla nito?"-Ram
"No.Sir,yung isa sa mga kasamahan ko dito sa shop ang nag prepare ng order mo."-ako
" Masarap ang pagkakatimpla nya,hindi mapait,tamang tama ang lasa,kung ikaw siguro ang nagtimpla nito,panigurado iba ang lasa neto,Mapait,bitter sa ingles.Haha,biro lang."-Ram
Nginitian ko lang ang sinabi ni Ram.Ayokong patulan ang kung ano mang gusto nyang mangyari,dahil nasa trabaho ako.
"Well,Sir?may kailangan pa ho ba kayo?"-sabi ko
" Wala na naman.Gusto lang kita paalalahanan.Na maghanap ka ng para sayo?hindi yung pagmamay ari na ng iba,gusto mo pang kuhanin.Hindi ka itong kape na sinerve mo na napaka pait kung hindi lang nilagyan ng asukal."-Ram
"Thanks sa concern mo Sir.Kung sa inaakala mo na singpait ako ng kape na yan?i respect your opinion,Hindi naman kasi ako gatas o creamer na masabi lang na kaaya aya ang lasa ay pipilitin pa ring inumin kahit ang sa totoo lang ay mas mapait pa sya sa iniinom nyang kape.Kapeng barrako ang inorder mo Sir,pampagising at nakakagising malay mo sa pag inom mo nyan magising ka sa katotohanang hindi permanente ang mga bagay,Oo nasayo ngayon malay mo bukas nasa ibang kamay na."-ako
Nginitian ko si Ram.Tumitig naman naman sya sa akin na akala mo pinsan ng kalaban ni Lord.Padabog din nyang ibinaba ang hawak na mug sa lamesa.
"Kung may kailangan pa ho kayo Sir,nasa counter lang po ako,always happy to assist you."-Ako
" Wala na akong ibang kailangan sayo,ang gusto ko lang kaya ako pumunta rito ay para sabihin sayo na tigilan mo na ang girlfriend ko"-Ram
Pagkasabi ni Ram nyan.Tumayo sya mula sa pagkakaupo.Tinitignan ko lamang sya.
"Matagal ko nang tinigilan si Lyrics.Hindi ko alam kung bakit mo sakin yan sinasabi."-sabi ko
" Talaga bang tinigilan mo na?Bakit parang sa mga kinilos mo at sinabi sa akin nung huli tayong nagkita ay umaasa ka pa ring magkakabalikan kayo.?Mahal mo pa ba?haha,Mukhang ikaw yata ang dapat magising sa katotohanan.Tanggapin mona na hindi na mangyayari yun."-Ram
"Oo mahal ko pa sya,Oo hindi ko matanggap na tapos na kami.Pero ikaw nakakasiguro kaba na gwardiyado mo na si Lyrics?kung umasta ka kasi,parang hindi ka tiwala sa sarili mo na mahal ka nya?"-Ako
Bakas sa mukha ng kausap ko ang labis na pagka inis.Alam kong napipikon sya sa mga sinasabi ko.
"Tanggapin mo na lang na ako ang pinili ng babaeng mahal mo.Tanggapin mo sa sarili mo na talo ka at hinding hindi ka mananalo sa akin.Ako na ang mahal ni Lyrics,hindi na ikaw Tristan."-Ram
Inaamin ko.Nasaktan ako ng sabihin nya yan,napatingin ako sa mga taong nandirito sa shop,nakatingin na pala sila sa amin.Nakaramdam ako ng kaunting pagkapahiya,alam kong narinig nila ang mga sinabi ni Ram sapagkat may kalakasan ang boses nya ng sabihin nya ang mga salitang iyon.
"May mga single ba rito?Baka naghahanap kayo ng boyfriend?Heto!libreng libre ang lalaking ito!Single sya at walang magawa sa buhay nya kungdi mang agaw ng girlfriend!!"-Ram
Pasigaw yang sinabi ni Ram,kinuha nya ang attensyon ng mga tao dito para ipagsigawan ang kasinungalingan nya.Nakita kong nag aalala na si Lia,hindi kasi sya mapakali sa kinaroroonan nya.Nakita ko rin na lumabas ng office nya si Sir Asher.
"Ram,pwede bang tigilan mo yang ginagawa mo?nasa trabaho ako.Kung may iba ka pang sasabihin sa akin,magusap na lang tayo sa ibang araw."-ako
" Bakit Tristan?nahihiya ka?"-Ram
Bahagyang lumapit sa akin si Ram.Isang mapang asar na mukha ang pinakikita nya sa akin.Pinipigilan ko ang aking sarili na patulan ang taong ito.Kahit papaano nagiisip ako na hindi ito ang tamang lugar para magkagulo kami.Tinititigan ko lamang sya.
"O?Ano?Ilabas mo ang angas mo ?Naduduwag kaba sakin?-Ram
Nakangiting aso sya habang sinasabi nya sa akin yan.
" Bro?ang galing mo nang mag memorize ng lines mo ah!Congrats!"-ako
Kasabay ng pagkasabi ko nyan ay inakbayan ko sya.Sinuntok ko pa ng bahagya ang kaliwa nyang braso.
"Anong sinasabi mo ?-Ram
Takang taka sa sinasabi ko si Ram.Kitang kita rin na naaasar na naman sya.
" Guys!Listen up.This dude is just rehearsing his lines.He did a great job!palakpakan natin sya."
Napatingin ako sa nagsalita si Sir Asher pala.Anong sinasabi nya?Pagkatapos nyang magsabi nyan nagpalakpakan naman ang iilang taong nandito sa cafè.
"Sa tingin mo Tristan?natalo mo ako ngayon?"-Ram
" Kailan ba ako nakipag kumpetensya sayo Ram?"-ako
Tinitigan ako muli ng masama ni Ram,bahagya rin syang nakangisi.Habang ako isang matamis na ngiti ang isinukli.
"Guys,hindi ko alam kung anong problema nyo,hindi ito ang lugar para magusap kayo ng ganyan.Tris,bumalik kana sa ginagawa mo,at ikaw naman Sir,maging proffessional ka.Yung personal na problema hindi mo dapat dinadala sa trabaho.Lalo na kung hindi ka taga rito."-sir Asher
Nakatingin lamang ako kay Sir Asher.Napaka hinahon nya magsalita,wala kang makikitang bakas na naiinis sya sa kausap nya.
"Hindi pa tayo tapos Tristan."-banta ni Ram
" Aabangan kita Ram."-sabi ko
Tumingin sa paligid si Ram,napansin nya ngayon na nakatingin sa amin ang mga customer ng shop.Padabog syang lumabas.Halatang halata na inis na inis sya sa nangyari.
"Good luck to your theater debut!"-sigaw ni Sir Asher.
Bahagya akong nakahinga ng maluwag,buti na lamang at hindi kami nagkagulo ng taong yun,kung nagkataon,sobrang nakakahiya kay Manager Asher at sa mga customer.
" Okay ka lang ba Tris.?"-asher
"Oo,Sir.pasensya na sa abala.Salamat din sa tulong na ihandle ang mga ganung customer."-Ako
" Wala yun.Tris,ginawa ko yun bilang manager mo.Hindi ako papayag na ipahiya ka at kung sino man sainyo dito ng isang customer na power trip."-Asher
Napangiti naman ako sa sinabi ni Sir Asher.Kung ganito lang siguro kabait ang lahat ng superior,gaganahan ang lahat magtrabaho.
"Sir Asher,pwede ba akong makahingi ng pabor?"-Ako
" Ano yun Tris?"-Sir Asher.
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Sir.Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko sakanya.
"Tris?"-Sir Asher
" Gusto ko lang sana may makausap ngayon?masasamahan mo ba ako?"-ako
Yan ang mga salitang lumabas sa aking bibig.Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yan,pero tama rin siguro na may makausap ako ngayon.Inaamin ko nasaktan ako sa mga sinabi sa akin ni Ram,tama naman kasi sya,dapat tanggapin ko na ang katotohanan.Kailangan kong pilitin ang sarili ko na kalimutan na si Lyrics.
"Oo,naman basta ikaw Tris,were friends kaya im always here for you."-sir asher
Napangiti naman ako sa sinabi nya,kahit wala si hikari nakahanap ako ng bagong kaibigan.Sa katauhan ni Sir Asher
" May alam akong lugar na marerelax ka at the same time mabubusog ka"-Asher
"Saan?"-ako
" Sa foodpark"-nagiting sabi ni sir Asher
Tumango naman ako at biglang natakam sa mga pagkain na naghihintay sa amin.
"Uyy Sir Asher,Tristan sama nyo naman ako?Huwag kayong madaya."
Napatingin kami ni Sir Asher kay Lia,Narinig pala nya ang usapan namin.
"Oo naman Lia,makakalimutan ka ba namin?Ililibre ko kayo ngayong gabi,kaso may isa lang ako na hihinging kundisyon?"-Sir asher
" Ano yun?"-tanong ko
"Kakain lang tayo dun?magpapakasaya at hindi iinom ng kahit anong alak!Okay ba?" -Sir Asher
"Ayy Sir,bawal akong uminom kaya kakain lang talaga ako dun haha."-Lia
" Thats nice Lia,hindi porket may problema sa alak kumakapit."-Sir asher
Nakangiting tumigin sa akin si Sir.Parang ako yata ang pinariringan nito.Ngumiti rin ako sakanya.
"Hay nako Sir huwag mo na akong paringgan,ayoko rin namang uminom gusto ko lang magrelax sa gabing ito."-Ako
" Good.So what are we waiting for?tapusin na natin ang mga gawain natin para makapunta na tayo sa foodpark!Naghihintay na sa atin ang inihaw na baboy,lechon paksiw,bagnet at sizzling sisig.!"-sir asher
Ilang sandali lang ang lumipas ay nagmamadali kaming pumunta sa foodpark.Sa gabing ito ko uumpisahan ang paglimot sa nakaraan.Kailangan ko nang mag let go.Kailangan ko ng pag aralan ang mga bagay na hindi ko kayang tanggapin.
...........................
**Foodpark
"Sarap uminom!!!Kampai!!!"-sigaw ko
Nandito na kami ngayon sa foodpark at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may isang event pala ang nagaganap dito.
" Ano bang month ngayon Lia?"-asher
"October,Sir Ash."-sagot ni Lia
" Sa dinami rami ng lugar na pwedeng pag dausan ng October fest dito pa talaga sa foodpark,tignan mo tuloy itong kasama natin?Lasing na."-Sir Asher
"E?Sir?bakit hindi na lang tayo mag hanap ng ibang foodpark?"-Lia
" Uyy!Sher!Nakaktatlong san mig pa lang ako!Hindi pa ako lasing.Inom tayo!!Lets party!!!haha"-ako
"Tris?sabi ko diba walang iinom?"-asher
" Oo nga?e yung alak naman ang kusang lumapit sa akin?haha.That's what call Destiny haha tama ba english ko?!"-ako
"Sir Ash?lasing na nga ito."-Lia
Tumingin ako sa dalawang kasama ko.Nakatingin lang ang dalawang ito sa akin.Actually hindi pa talaga ako lasing.Konti lang at kaya ko namang ihandle.
"Tris,tama na yan ha.Kumain na lang tayo ang dami kong inorder oh,mabubusog ka neto.Kaya itigil mo na"-sir asher
" Ayy nako pag si Sir A.pala ang kasama natin hindi tayo magugutom"-Lia.
"Nako.Food is life Lia."-Sir asher
" Sir Asher.Lia.."-ako
Napatingin naman sila sa akin.Bago pa man ako ulit magsalita,ininom ko na muna ulit ang isang bote ng San Mig light.
"Ano yun Tris?"-Sir asher
" Ititigil ko na ba talaga?"-ako
"Ang alin?"-Lia
" Ang magmahal"-ako
"Ano kaba?napapatigil ba yun?lasing ka lang Tris kaya mo yan nasasabi."-Lia
" So hindi ko dapat itigil?"-ako
"Syempre hindi?kapag tumigil ka magmahal,parang itinigil mo na rin yung chance na maranasan maging masaya."-Lia
" Paano kung yung kaisa isang taong minamahal mo?pag mamay ari na ng iba.?"-ako
"Ayy?yun lang hindi ko alam."-Lia
Pagkasabi nyan ni Lia,muli kong ininom ang isa pang bote ng san mig light.
" Tris, sa pagmamahal kailangan mo matutunang magpalaya at maging malaya.Palayain mo yung taong minamahal mo kahit masakit.Palayain mo yung sarili mo kahit hindi mo kaya.Kailangan mo lang ito tanggapin ng maluwag dyan sa puso mo."-Sir asher
"Paano yung pangako namin?"-ako
" Hindi nasusukat ang pagmamahal ng dahil lang sa pangako Tris.?As long as nagawa mo na yung part mo,pinanindigan mo na yung ipinangako mo,tama na,pahinga kana.May iba pang para sayo."-Sir Asher
Napaisip ako sa sinabi ni Asher,tama nga kaya ang sinasabi nya?Napanindigan ko na nga ba?yung pangakong ipinangako ko sa babaeng pinakamamahal ko?Paano kung bigla akong tumigil tapos si Lyrics inaantay lang pala ako?Naguguluhan pa rin ako.
"Uhmm,excuse me for a while."-ako
"Saan ka pupunta Tris?"-Lia
" Tatapusin ko na itong sakit na nararamdaman ko.Pagod na ako."-ako
Pagkasabi ko nyan ay nagmadali na akong umalis,hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman kong sakit.Pagod na pagod na ako umasa.Malayo layo na ako sa kinaroroonan nila Sir Asher at Lia.
Dito ko sa lugar na ito tatapusin ang lahat..
[End of Tristan's POV]