Lyrics's POV:
***Condo
Kasulukuyan akong nandito sa terrace ng unit namin ni Roan.Pinag mamasdan ang katahimikan ng gabi.Katatapos lang kasi ng malakas na pag ulan.Hindi pa ako makatulog,nasanay na kasi akong gising sa ganitong oras,pagtingin ko sa relo ko 2:00am na ng madaling araw.Cancel kasi ang gig namin,dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Natutulog na si Roan kaya wala akong makakwentuhan,madami akong iniisip,una na dito ang mga sinabi Hikari na hindi si Tristan ang nanakit kay Ram na kabaliktaran naman ng statement ng boyfriend ko.Simula ng makausap ko si Hikari sa pinagtatrabahuhan nyang coffee shop,hindi ko pa nakakausap ulit si Ram.
Nakaramdam ako ng gutom bigla,gusto ko sanang kumain kaso naalala ko na hindi pa kami nakakapag grocery ni Roan.Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang kulay puti kong cardigan para isuot,dahil naka pulang sando lang ako at naka pink na pajama,pagkatapos kong isuot yun kinuha ko ang wallet ko at ang susi ng condo.Pupunta ako sa 7/11 na nasa kanto sa labas ng tinitirhan namin.
Habang naglalakad ako naisip ko yung gabi na sinabi sa akin ni Ram na sinaktan sya ni Tristan.Nangyari ito sa dressing room ng bar.
[FLASHBACK]
Katatapos lang ng set ko at pabalik na ako sa dressing room ng makasalubong ko si Roan.
"Friend,nasa backstage si Ram,hinahanap ka,gusto ko raw makausap."-Roan
" Tungkol saan na naman?mag eexplain sya sa biglaan nyang pag wo-walk kagabi?"-ako
"Malamang.Saka baka nanghinayang yun sa pa bulaklak na tinapon nya lang haha"-roan
" Ano ba kasing problema neto?"-ako
"O sya!puntahan mo na yun,at sasalang na ako sa stage."-roan
Mabilis umakyat ng stage si Roan para sa pa request na kanta nya para sa mga guest ng bar na ito,habang ako mabilis na pumunta sa dressing room backstage.
Pagkabukas ko ng pinto nakita kong nakaupo si Ram sa isang monoblock chair,nakayuko ito.Hindi ako agad pumasok,sa halip tinitignan ko muna sya,iniisip ko kasi kung bakit bigla na lamang syang umalis kagabi ng walang paalam and ang pinaka worst hindi ko sya makontak sa messenger,sa text o sa tawag.Mya mya pa'y napatingin sa gawi ko si Ram.
"Babe?."-Ram
Tumango lamang ako at marahang pumasok sa loob.Tumayo naman mula sa pagkakaupo si Ram.
" Im sorry babe."-Ram
Hindi ako sumagot sa sinabi nya sa halip ay umupo ako sa upuan sa tapat ng salamin.Lumuhod naman si Ram sa gilid ko.
"Anong ginagawa mo?"-tanong ko
" Humihingi ng sorry sa babe ko ?"-Ram
Bahagya akong humarap sakanya
"Ano bang problema mo?ang sabi ni Roan,makikipag ayos ka daw sakin kagabi,may dala ka pang bulaklak pero bakit umalis ka?bakit hindi kita makontak?-ako
" Uhmm,Im sorry babe,nagkaroon lang ng konting emergency sa bahay,medyo na rattle ako kaya nagmamadali akong umalis.Im sorry."-Ram
"Anong emergency?"-tanong ko
" Okay na yun babe,dont worry."-Ram
Pagkasabi nyan ni Ram,niyakap nya ako at may binulong sa akin.
"Babe,Nagkita pala kami ni Tristan."-Ram
Nagulat ako sa sinabi nya.Bahagyang kumalas mula sa pagkakayakap si Ram.
" Si Tristan?"-Ako
"Oo,babe.katunayan nga nasapak nya ako."-Ram
" Ano?Okay lang ba si Tristan?nasaktan mo din ba sya?"-tanong ko
"Hi..hindi..Nakaiwas sya e."-Ram
Pagkasabi nun ni Ram,tumayo sya mula sa pagkakaluhod,hindi ko maipinta ang reaksyon ng mukha nya.
" Mahal ka pa ng ex boyfriend mo,nakita nya lang kasi ako at dahil nakainom sya,hindi nya napigilang manakit."-Ram
Hindi ako umimik,sa sinabi ni Ram.Ayoko nang magkaroon ng rason para magaway kami.Ang dapat ko lang gawin ay kausapin si Tristan,kailangan kong sabihin sakanya na kung may galit sya sa akin hindi nya dapat dinadamay si Ram.
[End of Flashback]
Nandito na ako ngayon sa 7/11 pumipili kung anong kakainin ko?sawa na ako sa mga sausages,sandwiches na inooffer nila.Dumako ako sa side ng mga cup noodles,at dito nakakita ako ng pwede kong kainin,bigla kasi akong nag crave sa ramen.Kaya isang instant ramen ang kinuha ko,agad akong pumunta sa counter para bayaran na ang binili ko.Tatlo kaming nakapila, medyo may kabagalan ang crew na nag aassist sa naunang customer kaya nagaantay pa ako.Kung hindi lang ako nagugutom hindi ko na ito bibilhin.
Napadako ang tingin ko sa labas ng store na ito.Napansin ko na kahit madaling araw at katatapos lang ng pag ulan ay marami pa ring tao.Napukaw ang tingin ko sa isang lalaki na nakaupo sa gutter,pamilyar ang suot nitong damit,wari koy uniform nya ito at sa tingin ko ay basang basa sya.Yung tindig nung lalaki ay parang nakita ko na somewhere maging ang kanyang suot ay parang nakita ko na din.
"Next po ma'am"
Napatingin ako sa nagsalita,yung crew na pala.Ako na pala ang iaasist nya.Nang nakapag bayad na ako at nailagay na ng crew ang binili ko sa paper bag,agad na akong lumabas.Dito muli akong napatingin sa lalaking nakaupo sa gutter.
Napatayo ako sa tapat ng entrance ng convenient store na ito,may kakaibang pakiramdam akong naeencounter ngayon.Pinagmamasdan ko ang lalaking kanina pa nakaupo sa gutter.Tama nga ako kanina,basang basa ang suot suot nya.Napansin ko rin na medyo nanginginig sya.Sa hindi malamang dahilan bumalik ako sa loob ng store na ito,dumiretso ako agad sa coffee vendo machine,ibibigay ko ito sa lalaking kanina pa pumupukaw sa atensyon ko.Nang mapuno na ang hawak kong cup,nagmamadali akong lumabas.Nakita ko pa rin ang lalaki na nakaupo,palapit na sana ako ng may biglang tumawag sa akin.
"Babe!!"-Ram
Napalingon ako sa kabilang side ng kinalalagyan ko.Nakita ko si Ram na patawid mula sa kabila papunta sa pwesto ko.
"Ram?"-ako
Nabaling ang atensyon ko ngayon kay Ram.Nasa harapan ko na sya ngayon.
" Anong ginagawa mo dito mag isa babe?bakit wala kang kasama?buti pala dito ako bumaba,bibili sana ako ng sandwich e."-Ram
"Ano ka ba?sanay ako sa ganitong oras.Tulog na kasi si Roan,E nagugutom ako kaya pumunta na ako magisa."-ako
" Ganun ba?nabili mo na ba yung kakainin?ihahatid na kita?"-Ram
"Oo nakabili na ako,Instant ramen,nag ke-crave ako ii."-ako
" Haha masarap yan Babe,hati tayo?"-Ram
"Hehe.Sige."-ako
" May kape ka palang dala e?salamat babe kanina pa ako giniginaw e.Akin na lang ito ha."-Ram
Hindi ko pa nasasabi kung para kanino itong hawak kong kape ay kinuha na ito ni Ram at marahang ininom ito.
"Sarap babe.Mainit init pa."-Ram
" Hehe,bibili pa ako ng kape."-Ako
"Huwag na,hati na tayo dito.Saka halika na ihahatid na kita sa unit nyo para matikman na natin yung ramen na binili mo."-Ram
Hindi na ako nakatangi sa alok ni Ram na umuwi na,hindi ko na rin ulit nabili ng kape yung lalakeng nakaupo sa gutter.Inakbayan na ako ni Ram at marahang naglakad palayo.Pero hanggang sa huling pagkakataon,sinulyapan ko pa rin ang lalaking yun.
Ano bang meron sa taong yun?bakit pakiramdam ko tinatawag nya ako.Sino nga kaya yun?Sayang hindi ko nakita ang mukha nya.
Gutom lang siguro ako kaya kung ano ano ang nararamdaman ko.
[End of Lyrics POV]
...........................
Ram's POV:
Kasalukuyan akong nakasakay sa jeep.Pauwi na ako galing sa trabaho ko bilang call center sa BGC.Nakakaramdam ako ng gutom sa mga oras na ito.Kaya napagpasyahan ko na bababa ako sa pinaka malapit na 7/11 na makikita ko.Buti na lamang at dito ako napaupo sa harap ng jeep.Madali para sa akin na makita ang bababaan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag,tatawagan ko sana si Lyrics pero naisip ko na baka natutulog na ito.Sa mga susunod na araw kailangan kong bumawi sakanya.Kahit hindi nya alam ang nagawa kong mali sakanya,kailangan kong maitama yun.Huwag lang mangingielam ang ex boyfriend nyang si Tristan.Nakita nya lahat ng nangyari,nakita nyang may kasama akong babae.
Hindi ko dapat hayaan na magkita sila.Alam ko kasing mahal pa nya ang girlfriend ko.Naramdaman ko yun nung araw na magkita kami.
Natatanaw ko na sa mga oras na ito ang signage ng 7/11.Isinuot ko na ang bag ko,at naghanda na sa pag baba ko ng jeep.
Nang malapit na ako,natanaw ko mula sa sinasakyan ko si Tristan,nakaupo sya sa gutter,napaisip ako kung anong ginagawa nya duon.
"Manong sa kanto lang po."-ako
Tumango naman si manong driver.Ibinalik ko ang tingin ko kay Tristan,sa tingin ko problemado ang isang ito,Nang papahinto na ang jeep na sinasakyan ko,may napansin akong isang babae na palabas ng store,may dala syang kape at nang matitigan ko ang mukha nya nagulat ako ng makita ko na si Lyrics pala iyon.Nasa likuran sya ni Tristan at akmang papalapit ito sa lalaking iyon.
Halos talunin ko ang sinasakyan ko,makababa lamang ako kaagad.Hindi maaring magkita ang dalawang ito.Bukod sa maari akong ibuko ni Tristan kay Lyrics baka maging dahilan din ito para maagaw nya ang atensyon ng girlfriend ko.
Papalapit na si Lyrics sa nakaupong si Tristan ng kuhanin ko ang atensyon nya.
"Babe."-sabi ko
Napalingon naman sa akin si Lyrics,naagaw ko ang atensyon nya sa lalaking iyon.
" Ram?"-lyrics
"Anong ginagawa mo dito mag isa babe?bakit wala kang kasama?buti pala dito ako bumaba,bibili sana ako ng sandwich e."-ako
"Ano ka ba?sanay ako sa ganitong oras.Tulog na kasi si Roan,E nagugutom ako kaya pumunta na ako magisa."-Lyrics
" Ganun ba?nabili mo na ba yung kakainin?ihahatid na kita?"-ako
"Oo nakabili na ako,Instant ramen,nag ke-crave ako ii."-lyrics
" Haha masarap yan Babe,hati tayo?"-ako
"Hehe.Sige."-lyrics
" May kape ka palang dala e?salamat babe kanina pa ako giniginaw e.Akin na lang ito ha."-ako
Sadya kong kinuha agad ang kapeng hawak ni Lyrics,may pakiramdam kasi ako na ibibigay nya ito kay Tristan,hindi ko alam kung bakit ko naiisip ang mga bagay na ito pero ang kailangan kong gawin sa oras na ito ay ang mailayo si Lyrics kay Tristan.Buti na lamang at malalim ang iniisip ng lalaking yun at hindi nya kami napapansin.
"Sarap babe.Mainit init pa."-ako
" Hehe,bibili pa ako ng kape."-Lyrics
"Huwag na,hati na tayo dito.Saka halika na ihahatid na kita sa unit nyo para matikman na natin yung ramen na binili mo."-ako
Inabyan ko na agad si Lyrics at bahagyang inalalayan palayo kay Tristan.Pero habang naglalakad kami palayo makailang beses pa lumingon si Lyrics kay Tristan.Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang girlfriend ko,paano kaya kung nakita nya ang mukha ng lalakeng yun?na kaninay nasa harap lang nya?Mag uusap ba sila?magkakamustahan o magbabalikan?.Hindi na ako papayag na mabawi pa ni Tristan si Lyrics.Akin lang ang girlfriend ko at hindi ko matatanggap na makuha ulit sya ng lalaking yun.
[End of Ram's POV]
...........................
Tristan's POV:
Nakaupo ako ngayon sa gutter dito sa tapat ng 7/11.Nagpapalipas ng oras.Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkasira na kami ng bestfriend ko,hindi rin kasi ako makapaniwala na gagawin nya yun kay Lyrics.Bakit nya pinigilan yung tsansa sana na magkausap kaming muli ng pinakamamahal ko ?Alam nyang matagal na akong nag aantay sa pagkakataon na yun?bakit pinigilan pa nya?Hanggang kailan ba ako aasa na sa huli kami pa rin ni Lyrics ang magkakatuluyan?Hanggang kailan?
Napaka mapagbiro kasi ng tadhana,Napakalapit na sayo,pero parang pilit pa rin kayong pinaglalayo.Maraming hahadlang.Maraming tututol.Pero kahit ganon ang mangyari hindi ako susuko.
Gusto ko man na ako na mismo ang maghanap sakanya para magkausap na kami,hindi ko ginagawa dahil tumutupad lang ako sa ipinangako ko sakanya na hanggat wala pa yung ika pitong taon,iiwasan ko na puntahan ang mga lugar na maari naming pagkitaan.
Hanggang saan ko ba kakayanin yung pagiging tapat sa pangako namin?Napapagod ako pero ramdam ng puso ko na magiging magkalapit muli ang aming mga puso.
Napagpasyahan kona na umuwi na,tumayo ako mula sa aking pagkakaupo,pinagala ko ang aking mata,napansin ko na marami pang tao sa daan.Hanggang sa mapadako ang mata ko sa isang babae at lalake.Magkaakbay sila.Mag syota siguro,nakaramdam ako ng kaunting inggit,kung sana kami pa hanggang ngayon ni Lyrics,marahil ganun din ang hitsura namin.Nakaakbay ako sakanya habang nakayakap sya sa akin.
Sana mabigyan ako ng pagkakataon na muli syang mahalin at ako'y mahalin nya muli.
Dahil kung mabibigyan ako ng ganoong pagkakataon,sisiguraduhin kong hindi na sya mawawala sa akin.
[End of Tristan's POV]