Unduh Aplikasi
4% Chasing My One Month Husband (TAGALOG) / Chapter 3: After Two Years

Bab 3: After Two Years

Catherine

2 years later.

"Good Morning, Ma'am!"bati sa akin ng mga tauhan ko, pagpasok ko sa greenhouse. Ngumiti naman ako sa mga tauhan ko.

"Good Morning din po."sagot ko habang naglalakad ako papunta sa lamesang gawa sa kahoy. Pagkasuot ko ng gloves, agad akong nag-ikot sa loob. Sumunod naman sa akin si Mang Castro, ang punong tagapangalaga ng mga greenhouse.

Lalo lang akong napangiti ng makita ko ang mga rosas na unti-unting namumulaklak na.

"Wala naman po bang naging problema?"tanong ko, isang linggo kasi akong wala sa farm dahil dumalo ako sa isang seminar.

"Naku, wala po Ma'am. Bahagyang bumaba pa ang temperatura dito sa Tagaytay kaya naging malaking tulong ito sa pamumukadkad ng mga rosas."sagot ng isa kong tauhan, tumango naman ako, yumuko ako at tinignan mabuti ang mga rosas.

"Mabuti naman po."saad ko.

"Kung gayun, bibisitahin ko narin ang iba."tumango si Mang Castro, sumunod siya sa akin ng lumabas ako at nagtungo sa isa pang greenhouse.

Nadatnan ko ang mga iba ko pang tauhan na nag-aani na ng mga rosas. Katulad kanina, binati rin nila ako.

"Ma'am, may tumawag po pala sa akin."agad na balita ng assistant ko pagkalapit niya sa akin.

"Natatandaan niyo pa po ba yung ikinuwento kong taong bumili sa atin ng thirty boxes na rosas?"tanong ng assistant ko habang nagsimula na ulit akong mag-ikot.

"Ah yung customer na binantaan kayong huwag ipagsasabi na bumili sila."sabi ko, wala ako ng araw na 'yun pero kung meron sana ako baka hindi ko pinalagpas ang pagbabanta nito. Sinong matino ang magbabanta sa pinagbilhan niya.

Sinenyasan ko ang mga tauhan kong magpatuloy sa kanilang ginagawa dahil napapatigil sila kung napapadaan ako sa mga pwesto nila.

"Sila po 'yung tumawag sa akin."napabaling ako sa assistant ko.

"At?"

"Gusto raw po kayong maka-usap ng may-ari. Kung maayos raw po ang pag-uusap niyo, maaaring maging major-supplier po kayo sa kanila."tumigil na ako.

"Talaga?"

"Opo Ma'am."nakangiting sabi ng assistant ko.

"Magiging milyonarya ka na Ma'am."tumawa ako.

"Bakit naman ako magiging milyonarya?"sabi ko tapos nagpatuloy na ako sa paglalakad ulit.

"Sa tono po ng tumawag sa akin, pakiramdam ko po hindi basta-basta. Tignan niyo nga po, kumuha sila ng thirty boxes sa unang bili pa lang nila. Ma'am, eto na 'yun."sumulyap ako sa mga tauhan na nagsasaya narin.

"Naku, huwag muna nating pangunahan baka sa huli umasa lang ulit tayo."saad ko naman dahil ilang beses na kaming napeke, may mga iba pang nagsasabing may kontrata pero sa huli hindi nila itinutuloy.

"Pero matanong ko lang, anong kompanya ito? Saan nila gagamitin ang mga rosas kung sakaling kukuha sila sa atin?"tanong ko sabay lingon sa assistant ko.

"Ano na ulit 'yung pangalan?"napapa-isip ang assistant ko habang hinihintay ko naman siyang sumagot.

"Hindi ko na po maalala pero perfume po ang product nila."

Perfume.

Sa tuwing maririnig ko ang salitang ito, isang tao lang ang pumapasok sa isipan ko. At sa tuwing maaalala ko siya, bumabalik ang lahat-

"Ma'am. Ayos lang po kayo?"napabalik ako sa presensya ko ng tawagin ako ng assistant ko.

"Baka pagbantaan ulit tayo niyan."hindi ko na pinansin ang tanong sa akin ng assistant ko.

"Ma'am, hindi po. Gusto lang nila na walang makaalam na bumibili sila ng mga rosas para sa kanilang produkto."

"Bakit ayaw nilang ipaalam?"tanong ko.

"Kilala po kasi ang kumpanya nila na may sariling farm para sa mga rosas na ginagamit nila sa kanilang pabango."napatango ako, kaya naman pala.

Kung malalaman ng mga consumer nila na hindi na sa kanila nanggagaling ang mga rosas na ginagamit, baka ayawan nila ito at hindi na sila magtitiwala sa quality ng perfume.

"Paano pala kami mag-uusap?Pupunta ba ako sa company nila?"

"Hindi po. Sinabi ko po kahapon na nasa daan na kayo pauwi kaya sinabi ng assistant ng may-ari na ngayong araw na sila pupunta rito."

"Pupunta sila rito?"

"Opo, gusto raw makita ng may-ari ang farm."

"May ipapakita pa ba tayo sa kanila?"nababahala kong tanong.

"Huwag po kayong mag-alala Ma'am. Hindi ko po ipinagalaw ang pang-huling green house."napahawak ako sa bandang dibdib ko at lumuwag na ang paghinga ko.

"Pero Ma'am, kailangan pong maging strikto kayo para alam po ng may-ari kung sino ang may kapangyarihan sa magiging deal niyo."

"Siyempre naman."

*****

Dale

"Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan ang may-ari ng farm na 'yun?"seryosong tanong ko kay Greg.

"Opo Sir. Wala naman po silang pinagsabihan na bumili tayo sa kanila. At nakasulat po sa kontratang pipirmahan ng may-ari na hindi dapat nila ipagsabi."tumango ako.

"Talaga bang maayos ang mga tanim nila?"sunod kong tanong.

"Opo Sir. Magaling po 'yung may-ari ng farm. Ipinabackground check ko po ang farm at ang may-ari po talaga ang nagsimulang magtanim at mag-alaga ng mga rosas. Hanggang sa kumuha na siya ng mga tauhan niya at tinuruan niya ang mga ito kung paano magtanim at magpalaki ng mga rosas. Alam niyo po, kilala talaga dito sa Tagaytay ang farm. Magaling daw po 'yung may-ari."napatango ako sa mahabang paliwanag ni Greg.

"Sir, may naisip po ako."bumaling ang tingin ko sa shotgun seat, nakadungaw si Greg.

"Kung idagdag po kaya natin sa kontrata na buhayin nila ang farm niyo. Hindi po habang buhay na maitatago natin sa publiko na hindi na sa sariling farm niyo kinukuha ang mga rosas."

"The owner will not agree to your idea. Alam niyang sa oras na maayos ang farm, hindi na ulit tayo kukuha sa kanila."

"Pwede naman niyong sabihin na magiging supplier parin sila ng Royal Fragrance."tumitig ako kay Greg.

Unang bumaba si Greg pagkarating namin sa farm. May kina-usap siyang dalawang tao sa labas. Ilang sandali pa ay naglakad na siya pabalik at lumapit sa nakabukas na bintana ng sasakyan.

"Sir, nasa greenhouse po raw ang may-ari."tumitig ako kay Greg.

"Ako ang pupunta sa may-ari?"

"Sir, tutal naman po susuriin niyo rin ang farm, kayo na lang po."malakas kong binuksan ang pinto ng sasakyan habang napa-atras naman si Greg.

Pagpasok namin ni Greg sa greenhouse, lahat ng tao nakatingin sa akin maliban sa isang babae. Nakayuko siya at tinitignan ang mga rosas. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakaharang ang lampas balikat niyang buhok.

"Ma'am, nandito na po 'yung may-ari."umayos ng tayo ang babae at bumaling sa akin.

Napatitig ako sa kanya.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C3
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk