*****
pagkauwi ko ng bahay ay tsaka ko lang naramdaman ang pagod sa buong katawan ko. Nakahiga ako habang nakatingin sa hena ni jesthle. Ang ganda talaga nito.. Tinitigan ko pang mabuti. "ah.. May initial pala ito na nilalagay" ngayon ko lang napansin kasi maliit lang ito at hindi mapapansin kung hindi ito tititigan.
Nakatulog ako habang nakatitig sa kamay ko na may hena kaya naalimpungatan nalang ako sa katok ni nanay.
Nagmadali ako bumangon para pagbuksan ng pinto si nanay "nay! Anong oras na po?" sabi ko dito habang nagtatanggal ng muta. "ano ka bang bata ka.. Mag aalas otso na" sabi ni nanay na kinabigla ko. "nay! Bakit ngayon mo lang ako ginising? Alam mo naman na may event samin diba? Anong oras na! Wala pa ako sa school!" naiinis na sabi ko habang nagmamadali maghanap ng masusuot,habang naliligo ay hindi ko maiwasan maasar sa sarili ko kasi nalimutan ko mag alarm.
Umalis ako ng sandwich lang ang laman ng tyan ko kasi nagmamadali na ako tapos need ko pa mag abang ng tricycle. Lagot talaga ako sa mga yun!.
Pagdating ko ng school ay nagtatatakbo ako sa booth namin. "tsk! Yan na ang mahal na prinsesa natin!" sarcastic na sabi ni bakla ng makita ako. " anong nangyari sayo at ngayon ka lang?" si she na busy sa pagluluto. Napatingin ako sa pila at madami na ito ngayon kahit sobrang aga pa. Kinuha ko ang apron para makatulong na. "sorry talaga guys! Nalimutan ko mag-alarm! Sorry na!" hinging paumanhin ko sa mga ito.
Kumukulo na ang tyan ko habang nagluluto kasi hindi ako kumain ng kanin bago umalis eh. Tapos ganto pa na madami pang bumibili samin. Mamaya nalang siguro ako kakain pagkakaunti na ang tao.
"miss namumutla kana.." sabi ng kaharap kong lalake na may pag alala ang tono. "hala! Oo nga bes!may masakit ba sayo?" natataranta na sabi nito kaya napalapit na din sa pwesto ko si deo at rica. "pasensya na.. Wag nyo na ako pansinin.. Gutom lang ito." sabi ko sa mga ito. "okay lang ako!" sabi ko pa at sinenyasan na bumalik na sa kani kanilang pwesto na.
Napatigil naman ako ng may nagabot ng tinapay sakin. Si kuya harry lang pala.. "oh! Kainin mo muna.. Baka mahimatay ka pa dyan!" sabi nito sakin. "ah salamat! Mamaya nalang pag natapos ko na ito" sabi ko dito at bumaling na sa lutuin. "tsk!" hinigit ako nito at tinanggal sakin ang apron at sinuot nya. "kumain kana.. Ako muna bahala dito!" habang ginagawa na nito ang ginagawa ko kanina.
"aww! Ang sweet!" sabi ng mga babaeng kinikilig. Sinimulan ko na kainin ang tinapay na bigay nito. "grabe girl! Galing mo umarte!" sabi ni rica sakin habang naka smirk. Binatukan naman ito ni deo "tumigil ka nga!".
Napatingin naman ako kay bes na parang hindi mapakali sa pwesto nya kasi katabi nito ang crush nya. Sakto! Nakakakilig silang tingnan. "kuya ano name mo?" sabi nung babaeng bumibili ngayon. "harry.." sabi nito at ngumiti. Yung babae naman kinilig habang inipit pa ang buhok sa tenga nito. Tss.. Flirt!
Tumingin sakin si she at nasenyas na gusto nyang sabunutan ang babae kaya napatawa naman ako. "pwede ba mahingi number mo?" sabi pa nito habang inaabot ang cellphone. "a-ah.. Hehe.. Pasensya na pero may gusto na akong ibang tao" napakamot pa ito sa batok nito na halata mong nahihiya sa pag amin nito. Nakita ko naman si bes na ang laki ng ngiti nito ngayon. "ay! Sayang naman!" sabi nito at tinago na ang cellphone sa bulsa nito. Bleh! Buti nga sayo!
"okay na ako kuya harry.. Ako na dyan." sabi ko dito. Mapalitan na ito at baka makapanabunot pa si bes sa mga babaeng manlalandi kay kuya harry hihi. "ah! Okay ka na ba talaga?" tanong pa nito sakin. " opo.. Baka may makapanabunot pa kasi dito" pabulong na sabi ko.
"ano? Ano yung sabi mo?" tanong nito sakin. "ang sabi ko okay na ako" sabi ko dito na natatawa. Kinuha ko na ang apron dito kaso wrong move kasi ang tangkad nito pag kukunin ko sa leeg nya mayayakap ko ito. "ah.. Hehe.. Hindi ko abot.." turo ko sa leeg nya. Kaya sya na ang nagtanggal nito at sinuot sakin. Napatingin naman ako kay she na nakasimangot ngayon kaya lumayo ako dito at ako na mismo ang nag ayos ng apron saking sarili.
Pinaiwan ko nalang ang order nya kasi sobrang dami pa ng tao kaya hindi ko pa maluto ang order nila at syempre nagpasalamat na din.
"nagselos ako sa ginawa nya sayo…" si she na nakasimangot ngayon na hindi natingin sakin. "gaga! Wag ka nga magisip ng kung ano! Mabait lang ang tao… IkAw talaga!" sabi ko dito para mawala na ang tampo sakin. "kunsabagay tama ka nga dyan!" sabi nito at napangiti na sa akin.
Lumapit ito sakin at may binulong "sino kaya ang tinutukoy nya kanina noh?" kinikilig na tanong nito sakin. "baka ikaw na yun? Malay natin diba? Uyy…" sinusundot ko pa ito habang nagtatawanan kami.
After maubos ng customer namin ay inasikaso na namin ang order nina kuya baka kasi mainip na ang mga ito sa pagkain.
"ang dami nyan win.. Samahan na kita!" sabi ni deo habang hawak ang tray ng drinks. "sige!" sabi ko dito para madala na namin sa pwesto nina kuya. Habang naglalakad ay nakita ko na suot ni deo ang bracelet na gawa ko dito. "wow! Bagay na bagay sa kamay mo!" sabay senyas ko sa bracelet na napangiti naman ito sakin. "yung sayo din" napatingin naman ako sa hena at naisip ko na naman ai jesthle.
Pagdating sa pwesto nila ay napansin ko na lahat sila ay free na.. At hinihintay ang pagkain. "nandito na pala ang foods eh!" sabi ni kuya james. Lahat sila ay napatayo at excited lumapit sa pagkain napansin ko naman na wala si jesthle sa pwesto nila. "pasensya na at di ko na nasundo ang pagkain kasi katatapos lang din namin" sabi ni kuya harry.
"okay lang yun. Si kuya nga pala?" tanong ko dito kasi wala din ito. "naku! Kasama nito ang girlfriend nya pati si jesthle may double date ata? Pero babalik din yun mamaya" sabi nito na kinagulat ko.
Pabalik na kami ni deo sa pwesto namin pero hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni kuya harry… SiNo kaya ang sinasabi nito? "huy! Kanina ka pang tulala dyan!" sabay hawak nito sa braso ko "siguro gutom kana ano?" tumango nalang ako para hindi na ako tanungin pa nito.
Pagdating namin ay kumuha lang kami ng pera ni deo para makabili ng pananghalian naming apat. Pumunta kami sa 7/11 malapit sa labas ng school namin para makabili ng makakain. Sobrang daming tao kaya hinintay namin na makalabas ang iba bago pumasok. Namili kami ng kakainin ng mapansin ko si kuya na may kasamang babae.. Ah baka ito ang sinasabi ni harry na gf ni kuya? Napansin ko naman ang katapat nito si jesthle? Kaya nagtago ako para makita ang babaeng kasama nito. So? Tama nga na may double date na nagaganap?.
"sinong sinisilip mo?" si deo na tinitingnan ang bahagi nina kuya "aba! Kuya mo yun oh.." tinakpan ko naman ang bibig nito para di makaagaw atensyon ito. At sinilip ulit ang pwesto nina kuya, umalis naman sa pwesto ang babaeng katabi ni kuya kaya nakita ko na itsura ng katabi ni jesthle. Shit! Sikat sa school namin yung babae kasi beauty and brain ito. Ito siguro ang tinutukoy ni kuya na madalas na nalapit dito kay jesthle. May part sa puso ko na kumirot.. Kaya minabuti na bumili nalang kami ng makakain.
Palabas na kami ngayon ng may makabangga ako.. "ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" pa asik na sabi ng babae sakin kaya halos ngayon ay nakatingin samin. Napatingin naman ako sa pwesto ni kuya na nakatingin na samin ngayon. Nagkatinginan kami ni jesthle at ako ang unang bumawi ng tingin. "sorry po!" sabi ko dito at nagdiretso na lumabas habang nasa likod ko si deo "hindi ka dapat nag sorry sa kanya! Sya ang bumangga sayo!" sabi nito na katabi ko na ngayon. Hindi ko ito pinansin kasi nawalan ako ng gana sa mga nakita ko kanina.
"okay ka lang ba talaga?" tanong ni deo sakin habang ako ay nakatungo na naglalakad."oo wag mo na ako intindihin" sabi ko dito at pinagpatuloy namin ang paglalakad. Pagdating namin ay kumain kaagad kami "anyare sayo?" si she habang nanguya na ngayon. "mahabang kwento.. Okay lang ako." malumanay na sabi ko dito.
"picture tayo para may memories naman tayo!" si beks na hawak na ngayon ang camera ni she "say cheese!" sabay click ng camera. "ano ba yan! Ang papangit naman natin dito!"reklamo nito habang nakatingin sa shot namin.
"ikaw lang ang pangit!" sabi ni deo habang talsikan pa ang kanin habang nagsasalita. "eww! Ano ba! Wag ka nga magsalita ng puno ang bibig mo!" si she na tinatanggal ang tumalsik na kanin sa braso nito. "wag na kayo magaway.. Kung ayaw nyo na pumangit pa lalo tayo!" sabi ko sa mga ito. Feeling ko di pa natatapos ang araw ay stress na stress na ako.
Read. Comment. Vote😉😘