Unduh Aplikasi
84.31% Online It Is / Chapter 85: Chapter 42.5

Bab 85: Chapter 42.5

Chapter 42.5:

Abby's POV:

"WELCOME BACK MISS ABBY!" Laking gulat ko nang ito ang sumalubong sa akin pagkaapak na pagkaapak ko pa lang sa kumpanya. Party poppers and balloons are everywhere at may pa-banner din sila! 

Grabe, nakaka-overwhelmed naman. Nakatanggap na nga ako ng welcome back party sa bahay, pati ba naman dito.

I'm touched.

Pero wait lang, baka hindi lang para sa akin ito. Baka may magcecelebrate din ng birthday at sinabay lang sa welcome party ko?

"Para sa'yo lang 'tong party ngayon girl~" Muntik pa akong mapasigaw nang bumulong si Joyce sa tainga ko.

"Ayy letse ka Joyce! Bakit ba kung saan-saan ka sumusulpot ha?" Nabuntis lang, naging kabute na rin. Jusko huwag naman po sana, ayaw kong magmukhang kabute ang inaanak ko.

"Shunga! Kanina pa kami nandito, kami nga yung nagpaputok ng party popper. Haynako, umagang-umaga lutang ka nanaman bakla. Tignan mo nga oh, alas kwatro pa lang ng umaga ay nandito na ang mga empleyado niyo para surpresahin ka tapos malilate ka lang? Ilang oras na kaming nandito sa tapat ng entrance ng kumpanya niyo tapos tatanghaliin ka pala ng pasok? Superb ka bakla!" Iritang-iritang sabi ni Jackie habang hawak ang walang laman ng party popper.

"Aba malay ko bang may pa-surprise kayo. At saka, bakit kasi hindi niyo ako tinawagan para inagahan ko."

"Edi hindi na surprise kapag tinawagan ka namin. Tsaka baka ma-haggard ka pa kakamadali, alam mo na~ single ka na ulit kaya dapat always fresh looking ka para maka-attract ka ulit ng mga fafi." May point naman si Joyce, but still...

"Teka, bakit nga pala kayo nandito? Wala ka bang trabaho bakla? At ikaw girl, wala ba kayong landian session ni Jherwin?"

"Meron."

"Meron."

Wow! Sabay pa talaga sila.

"Pero siyempre, doon kami sa may pachibog. Alam mo na bakla, masarap kumain lalo na 'pag libre."

"Tumpak ka diyan, tsaka gusto ko ring matikman ang luto ng mga empleyado niyo. Balita ko ay nag-ambag ang lahat para dito sa welcme party mo at sila ang nagluto ng mga pagkain!"

Really? 

Ginawa nila ang lahat ng 'to para sa akin?

Oh my gosh! 

Natouch talaga ako ng bonggang-bongga to the highest level!

Magsasalita pa sana si Jackie nang lapitan ako ni Miss Cheska para daw sa aking welcome back speech. Ay wow ganern!

Nang matapos ang munting kamustahan at yakapan ay sabay-sabay naming pinag-saluhan ang pagkain na nasa ibabaw ng mahabang lamesa.

As a token of appreciation, I told the the whole CosmiCandy fam na dodoblehin ko ang sahod nila para sa araw na 'to na siyang ikinasaya nila ng bongga.

The day went smoothly, everyone of us had fun because we finally see each other again after two months. Pakiramdam ko nga ay biglang bumalik ang lahat ng lakas ko nang makita ko silang lahat na masaya ngayong araw. Yun bang pakiramdam na naeexcite na akong magpaka-stressed ulit sa buhay dahil nandiyan na sila as my everyday energizer.

I really am so lucky to have them here not only as an employee, but also as a family.

~

I was busy checking the papers on my table when the intercom beeped.

"Yes Miss Castro?" Malambing na tanong ko. Wala lang, good mood kasi busog ako eh.

"Ahh Miss Abby, nandito po si Mr. Petterson at gusto daw po kayong makausap."

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi sa kilig, pero sa kaba.

Dalawang linggo ko ding hindi naramdaman ang presenya niya simula noong walk-out moment niya sa bahay.

"Miss Abby? Are you still there?"

"A-Ah yes! Please let him in Miss Castro. Thank you."

"Yes Miss Abby." Narinig ko sa kabilang linya na sinabihan na niyang pumasok si Rigel.

Nang bumukas ang pinto ay tumuwid ako ng upo at nagkunwaring nasa mga papel ang atensyon ko at saka ko na lang iniangat ang tingin ko para batiin si Rigel.

"Good morning Mr. Pe......tter....son." Halos mahulog ang panga ko nang makita ng hitsura ni Rigel!

Mula sa may kahabaang medyo kulot na blandeng buhok, makapal na kilay, malalim na kulay tsokolateng mata, mapilantik na pilik-mata, matangos na ilong, mapulang mga labi, makisig na pangangatawan, at hanggang sa katamtamang kulay ng kaniyang balat... Para kong nakikita sa ngayon aking harapan ang Rigel from the past!

Ang Rigel from five years ago.

Hindi ko alam kung ano'ng ginawa niya at bumata siyang tignan ngayon. Is it her hairstyle? Or maybe his newly shaved beard?

I don't know, basta bumata siya tignan.

Try ko rin kayang mag-walk out minsan tapos huwag magparamdam ng dalawang linggo, baka maging "21 again" ako.

Dang.

Oh my gosh, palapit na siya dito sa pwesto ko.

What to do?

What should I do?

Ano ka ba self!  Kumalma ka!

Bakit hindi ka makagalaw Abby? Si Rigel lang 'yan!

Oh gosh! Yung puso ko, lalabas na ata!

Ayan naaaaaaaaa.

Isang metro na lang ang layo niyaaaa.

*Plak*

Napakurap ako nang ibinagsak niya ang isang folder sa ibabaw ng lamesa ko.

Hindi naman malakas ang pagkakabagsak, medyo malakas lang. Pero sapat na pabalikin ako sa realidad.

"What is this for?" Nagawa ko pa ring tanungin ito ng seryoso sa kaniya kahit halos pumiyok na ako.

"I'm breaching the contract. Just talk to my lawyer for this matter." Cool na sabi niya saka dumiretso sa may sofa at doon umupo nang naka-dekwatro.

"What?" Yung kabang nararamdaman ko kanina ay biglang naglaho dahil sa sinabi niya.

"You're what? Are you freaking serious Mr. Petterson?" Hindi ko na napigilang magtaas ng kilay.

How could he do this? And why is he doing this?

"Yeah~ I'll be busy these coming days so I might not be able to do my work here properly." Ani nito habang nakasandal sa sofa at sa kisame ang tingin.

"Is this all about what happened at my house?" Wala akong ibang naiisip na rason bukod doon. Hindi siya yung tipong magbi-breach ng kontrata dahil lang sa busy siya.

"Of course not. I'm just too busy on my other projects  and--"

"And what Rigel ha? Akala ko ba professional ka? Eh bakit mo pinepersonal ang mga bagay-bagay?" Malalalim na ang paghinga ko. Dahil ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay dinadamay ang personal matters sa trabaho.

Yes, ginusto kong ibreach ni Rigel ang kontrata niya dati to the point na ako pa mismo ang pumunta kay mama para lang ipakiusap 'yon. But things right now are different!

Breaching contract now is a different thing.

Maraming nakapilang projects para sa kaniya dito sa kumpanya, at mahihirapan kaming humanap ng bagong kapalit niya.

"You don't get it."

"Of course Rigel I don't really get it!" Napatayo na ako at saka huminga ng malalim at saka tumanaw sa nagtataasang building dito sa syudad.

"But if this is what you want, then I can't do anything about it. Mahirap piliting manatili ang ayaw manatili." Madiin pero mahinang sambit ko sa aking huling sinabi.

"Inside that envelope is also the biodata of a person that I can suggest to replace me. Although he's not that popular, but he's really good in things like these. He'll surely do a very good job here in your company so you don't need to worry. And the reason why--" 

"Don't. Please Rigel, if you want to leave this company, then you can leave now. I don't want to hear any of your reasons anymore. Thank you for your excellent service here in the company, you may go now." I coldly said while still looking outside the glass window.

Nang marinig ko ang papalayong hakbang niya at at pagsarado ng pinto ng opisina ay muli akong napabuntong-hininga.

Eksena ka talaga Rigel. Ang hilig mong mang-iwan.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C85
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk