Unduh Aplikasi
82.35% Online It Is / Chapter 83: Chapter 41.5

Bab 83: Chapter 41.5

Chapter 41.5:

Abby's POV:

"I was hesistant at first to read the letter, pero binasa ko pa rin out of curiosity. Hindi ko nga alam kung paano ko natapos basahin ang sulat dahil sa mga luhang nagsisilabasan sa mata ko. Mom really made an effort to write the letter just to say sorry to me and that she missed me so damn much. She was sorry for blaming me all these years about dad's death, at dahil do'n ay nagsisisi daw siya dahil hindi niya nagampanan ang pagiging ina sa akin which is ayos lang para sa akin dahil hindi naman ako nagalit sa kaniya. Siguro ay medyo nagtampo at lumayo lang ang loob ko sa kaniya."

"But what made me feel so devastated is the time when she's reaching out for me but I just ignored her. Ni minsan ay hindi ko sinagot ang mga texts at tawag niya sa akin, she also sent me a lot of letters pero ni isa ay wala akong binasa. Masyado akong nag-focus sa sarili ko, masyado akong naging makasarili. Nasaktan ako sa pagkamatay ni dad, pero ni hindi ko man lang naisip na sobra rin pa lang nasasaktan si mama. Naging makasarili ako Abby."

"Nang marating ko ang last page ng sulat ay may isang pinakiusap sa akin si mama. Inihabilin niya sa akin si Steph dahil buntis ito. Yes, alam ko sa sarili kong hindi ako ang ama dahil ni minsan ay walang nangyari sa amin. But Steph is like a family to us, maaga siyang naulila kaya para na siyang inampon ni mom dahil kaibigan niya ang parents ni Steph. Matagal na pinilit ni mom na maging kami ni Steph, but a sister is a sister to me. Magkarelasyon kami sa harap ng camera, pero hanggang doon na lang 'yon."

"Matapos ding mailibing ni mama ay mas lumala ang anxiety at depression ni Steph. Binalak niyang ipalaglag ang bata dahil iniwan siya ng boyfriend niya na hindi ko kilala kung sino. Suicidal din siya that time, siguro ay nagsama-sama yung sakit na nararamdaman niya dahil naiwanan siya ng mga taong mahal niya. Ikaw ba naman maiwanan ng mga magulang mo, ng boyfriend mo without him knowing na buntis ka, at ng taong itinuring mong magulang sa mahabang panahon, malaki talaga ang tsansang mawala ka sa katinuan."

"Steph really needs a proper medication that time. Kaya pala sa akin siya inihabilin ni mom dahil alam niyang hindi kakayanin ni Steph kapag nawala siya dahil mag-ina talaga ang turingan nila sa isa't-isa. Para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ay napag-desisyunan kong mag-stay muna sa tabi niya hanggang sa maging okay siya. I tried calling you para ipaaalam ang tungkol dito, but I can't reach your number. All you social media accounts were deactivated also."

"Kaya naghintay ako ng ilang araw para ma-contact ka ulit, pero naka-block na pala ako sa lahat ng social media accounts mo. Huli na nang malaman kong si Steph pala ang may kagagawan ng lahat. Hindi ako ang nag-blocked sa'yo, pero siya. I was really mad at her that time, pero inintindi ko na lang ang sitwasyon niya."

"I also contacted your family para kamustahin ka, nag-explain na rin ako sa kanila tungkol sa totoong nangyari, at naiintindihan naman daw nila ako. Pero sinabihan nila akong 'wag ka munang kausapin o lapitan ka dahil sobrang mainit ang dugo mo sa akin. Sinabi nilang mag-focus muna ako kay Steph dahil mas kailangan niya ako at hintaying kumalma ka bago ka lapitan. At 'yon nga ang ginawa ko, nag-stay ako sa tabi ni Steph at ako ang tumayong ama sa anak nila ng ex niya habang binabantayan ka sa malayo. I told your family not to say anything to you dahil mas gusto kong ako mismo ang magsabi ng mga gusto kong sabihin."

"Yes Abby, alam ko ang lahat ng ganap sa buhay mo kahit nandito ako sa Texas at nasa Pinas ka. Marami akong source, lalo na sa pamilya mo kaya sobrang saya ko dahil inuupdate nila ako tungkol sa'yo kahit hindi ko hinihingi."

"Lagi rin akong nagpapabalik-balik sa Pinas due to different reasons, pero ni isang beses ay hindi kita nagawang lapitan dahil laging nakabantay sa'yo ang boyfriend mo na ex mo na ngayon."

"Oo Abby, mahal na mahal pa rin kita kahit nasa piling ka ng iba."

"Sobrang sakit Abby na makita kang masaya sa iba, to the point na muntik na kitang sukuan nang malaman kong magpapakasal na kayo. But I guess destiny was on my side, aksidente kong nalaman na ang matagal ko ng hinahanap na nakabuntis kay Steph at ang boyfriend mo ay iisa, kaya nagkaroon ulit ako ng dahilang huwag kang sukuan. Pero wala din lang ang pag-asang 'yon dahil nakikita kong mahal na mahal mo siya. Ang sakit lang Abby kasi kahit na alam kong si Nicholai ang ama ni Philip ay wala akong magawa. Hindi ko pwedeng basta na lang sabihin sa'yo ang totoo lalo na't alam kong masasaktan ka lang. Ayaw kong sa bibig ko mismo manggaling ang salitang ikawawasak mo dahil ang saya mo na sa buhay, eeksena pa ba ako? Isa pa, alam kong gumagawa rin pala ng paraan si Steph para makuha niya ulit si Nicholai."

"Kaya hinintay ko na lang na ikaw mismo ang makaalam at sa bibig mismo ni Nicholai manggaling ang confirmation. Gumawa lang ako ng paraan kung paano mapapalapit sa'yo kahit alam kong hindi ka na sa akin interesado, kahit alam kong hindi mo ako gustong makita dahil akala mo ay ginusto kitang iwan dati. Kung alam mo lang Abby kung gaano ko kagustong sabihin sa'yo ang lahat, pero pinangunahan ako ng takot dahil iba ang pinaniniwalaan mo. Kaya naghintay ako ng tamang tiyempo para lapitan ka, pero sa kakaantay ko ng tiyempo ay napunta ka sa iba which caused you a lot more pain. I really didn't expect na aabot si Steph sa puntong 'yon. Alam kong nananakit si Steph dahil palaban talaga siya, pero hindi ko akalaing aabot siya sa puntong kaya niyang pumatay. That's all, and you know what happened next. I'm sorry Abby, I really am."

Narinig ko ang pagsinghot niya.

He must be crying.

Ilang minutong katahimikan rin ang nakalipas bago ako makarinig na umalsa ang kutson ng kama.

Pero bago pa siya tuluyang makatayo ay agad kong hinawakan ang kaniyang palapulsuhan.

Inalis ko ang comforter na nakapatong sa buong katawan ko at tumayo.

*PAK!*

Nagulantang si Rigel nang bigla ko siyang sampalin sa kaliwang pisngi.

"A-Abby--"

*PAK!*

Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang mga panga sa pangalawang sampal, but he didn't do anything. He just stood there while looking on the floor.

"Wala Rigel, wala akong nakitang sulat na iniwan mo noong gabing 'yon."

"What?" Shock is written all over his face.

"Kung mayroon akong nabasa ay maiintindihan ko naman Rigel. Pero wala! Wala akong nakita!" Napaupo ako sa sahig.

Gustong-gusto kong paniwalaan si Rigel, pero may isang bagay na hindi tumutugma. Wala talaga akong nabasang sulat!

"But I put the note on the side table!"

"Wala nga kasi Rigel! Kung may nabasa ako ay hindi ako magrereact ng gan'to. At saka, bakit kasi note pa? Bakit hindi mo ako tinext para masisigurong nabasa ko?"

"Lowbat ang cellphone ko."

"That's b*llsh*t Rigel! Pinagloloko mo ba ako? Gusto kitang paniwalaan Rigel, gustong gusto ko. Pero kung gan'tong hindi tumutugma ang mga pinagsasabi mo, ay lumabas ka na lang dahil hindi ko na gustong makinig pa sa'yo."


PERTIMBANGAN PENCIPTA
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C83
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk