Unduh Aplikasi
61.76% Online It Is / Chapter 62: Chapter 31.0

Bab 62: Chapter 31.0

Chapter 31:

Abby's POV: 

"Why did you took so long to change?" 

Halos mapatalon ako nang biglang bumungad si Rigel sa harapan ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng fitting room.

"Jusko Rigel, nakakagulat ka!" Pabulong na sigaw ko habang mahinang tinatapik ang dibdib ko, sa may tapat ng puso.

"I-I'm sorry." Napakamot ito sa batok. "It's just that, ang tagal mong nagbihis, inabot ka pa ng limang minuto."

"Eh pake mo ba." I flipped my hair saka siya nilampasan.

"Girls will always be girls." Rinig kong bulong niya.

Pero bigla din akong napahinto sa paglalakad palabas ng shop nang mapagtanto ko kung ano'ng suot ni Rigel.

"Bakit naka-ganyan ka? Bakit mo suot 'yang shirt na kapareho ng sa akin?" 

"Basa rin ang damit ko, and I don't wanna be sick. So I also changed my clothes." 

"Oh I see." Hindi na ako nagreact pa, pero sa totoo lang ay naiilang ako. 

We're wearing a couple shirt for petes sake! 

Pero infairness, ang ganda ng text nakasulat sa shirt. Ang nakasulat sa shirt ko ay "ʻO kāna wahine" at kay Rigel naman ay "Kāna kāne." I don't know what are the meaning of these words pero ang cute lang pakinggan. Hindi ko na naitanong sa sales lady kung ano ang meaning, pero siguro ay isesearch ko na lang ito sa google pagbalik namin sa hotel.

Nang matapos kami sa iba pang mga activities gaya ng kayaking, snorkling, at swimming ay napagpasyahan ulit naming panuorin ang sunset sa tabing dagat. Hindi gaya ng rock climbing ay mas naging madali at enjoyable ang oras namin sa dagat. As usual ay lagi kaming nagbabangayan ni Rigel during the activity, pa'no ba naman kasi ay lagi siyang umeeksena.

The staffs arranged a beach picnic for us, a gourmet spread in a "curated" location on the sand while we watch the sunset next to some beaching turtles. 

Mabuti na lang ay maraming sinerve na pagkain ang staffs dahil ako ay talagang nagugutom na! Matapos ba naman ang buong araw na physical activities, idagdag pa ang excess energy ko na nauwi sa pakikipag-bangayan kay Rigel, ay deserve ko talagang kumain ng marami at the end of the day!

"Oh ba't ang tahimik mo? Napagod ka ba?" Tanong ko kay Rigel bago sumubo ng pagkain sa aking bunganga. Kanina pa kasi siya tahimik, nakakapanibago dahil hindi siya umeeksena.

"I'm just happy and at the same time sad." Saad nito habang nasa papalubog na araw pa rin ang kaniyang tingin.

"Bakit naman?" Kahit ako ay gano'n rin ang nararamdaman. Masaya kasi totoong nag-enjoy ako sa lugar na 'to kahit papaano, at malungkot naman dahil pakiramdam ko ay may kapalit itong kasiyahang nararamdaman ko sa ngayon. Kaya minsan ay natatakot ang mga taong maging masaya kasi iniisip nila na baka pagkatapos ng nararamdaman nilang saya ay dobleng lungkot ang magiging kapalit nito.

Well, ilang beses ko na ring naranasan iyan, but in my case, siguro ay susulitin ko na lang habang nandiyan pa, habang nandito pa ang saya na nararamdaman ko. Kasi hindi ko alam kung kailan ko ulit mararanasan ang kasiyahang ito. Kung mapapalitan man ito ng dobleng sakit o lungkot ay pananagutan ko na lang, tutal gano'n naman talaga ang buhay, hindi palaging masaya at hindi rin palaging malungkot.

"Do you wanna know why I feel this way?" 

"Kaya nga nagtatanong 'diba?" Natatawang sagot ko.

"Well, I am happy or should I say I feel ecstatic right now because I got to spend even just a short period of time with my favorite person in my favorite place. And also sad because this happiness  that I am feeling right now will come to an end soon." He bitterly smiled.

"Rigel..."

"Kung pwede ko lang sanang sabihin sa'yo ang lahat right here right now-- But I just couldn't because I don't want to ruin the happiness that you are feeling right now. Sobrang saya at kuntento mo na sa buhay Abby para lang umeksena ulit ako at sirain ulit ang ilang taon mong ipinundar. But remember this, I will always be here waiting for you. Kapag sa tingin mo ay handa ka ng makinig sa sasabihin ko, kung sa tingin mo ay handa ka ng malaman ang totoo ay lagi akong nakahandang sabihin sa'yo ang lahat. Sa ngayon ay mas gugustuhin kong makita ang mga ngiti mo sa labi kahit pa sa piling ng iba."

Sandaling katahimikan ulit ang namutawi. Kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang iisipin at kung ano ang mararamdaman sa mga sinabi niya.

P-Paano niya nasasabi ang mga 'to sa akin? Bakit niya sinasabi ang mga 'to? Nahihibang na ba siya? Ano'ng pinaplano niya? Nasa tamang pag-iisip pa ba siya? Pa'no niya nagagawa 'to kay Steph?

"Just Kiddin! Kaya tumayo ka na diyan dahil pupunta tayong night market!" From malungkot na Rigel at bigla na lang itong nag-transform back to normal as maeksenang Rigel! Gustuhin ko mang mag-isip pa tungkol sa mga sinabi niya ay hindi ko na nagawa dahil bigla na lang niya akong hinila sa aking palapulsuhan dahilan para umusbong ulit ang iritasyon na nararamdaman ko sa kaniya.

"Night Market?" May gano'n ba dito?

"Yes, kagabi ko lang din nalaman. Maybe we can get some souvenirs and pasalubong there."

Ahh shoot! Oo nga, bibili pa pala ako ng mga pasalubong at souvenirs na iuuwi ko sa Pinas. I almost forgot, I mean I totally forgot about it, kung hindi lang pinaalala ni Rigel.

"Teka, saan ba 'yang night market na 'yan at parang napakalayo naman? Kanina mo pa ako kinakaladkad, hello? Tsaka pwede naman tayong maglakad lang 'diba? Bakit ba kasi tayo tumatakbo?" Hinihingal na sabi ko habang tumatakbo kami. 

Mukhang natauhan naman ata siya sa sinabi ko kaya huminto kami sa pagtakbo.

"Kita mo, ikaw rin hinihingal! Bakit ka ba kasi nagmamadali ha?" Mabilis ang aking paghinga hapag hawak ang dalawa kong tuhod, napagod ako teh!

"I'm just excited, and besides, the earlier we get there, the more souvenirs and pasalubongs we can get." Gaya ko ay hinihingal din siya, pero mild lang ang sa kaniya, hindi gaya sa akin na halos kapusin sa hininga. Ang bilis kasi niya tumakbo! Kabayo lang?

"Uso pala sa'yo ang mga bagay na 'yan."

"Like what?"

"Duh, yung mga pasalubong at souvenirs."

Ginulo niya ang buhok ko habang humahalakhak. "Silly, wala naman akong papasalubungan. I am more concern about those people na pinangakuan mo ng pasalubong. Matagal mamili ang mga babae, kaya gusto ko ay makarating tayo agad doon para makapili kang mabuti ng mga gusto mong bilhin. Mas dumarami ang mga tao habang lumalalim ang gabi."

"Oh I see. Well, thank you sa concern. Pero hindi naman na natin kailangang magmadali kasi hindi naman ako magmadali. Saan ba iyang tinutukoy mong market?"

"Well, you see uhh it's not literally a market but a shop. They call it night market because they sell a lot more products at cheaper price at night, so it's like a crowded night market. They expanded the shop I think last two years ago? To accomodate more customers during the night market. The shop is located at Hana Town, and it will take just 10 minutes if we ride a cab to get there."

The idea of shop that he's talking about excites me. Kaya dali ko siyang inaya pabalik ng hotel to get cash  and a credit card dahil hindi namin pwedeng gamitin doon ang black card na ibinigay sa amin ni Cris. 


PERTIMBANGAN PENCIPTA
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C62
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk