Unduh Aplikasi
42.15% Online It Is / Chapter 42: Chapter 21.5

Bab 42: Chapter 21.5

Chapter 21.5:

Abby's POV:

"Hindi naman lahat ng ex ay ex jowa. Ikaw girl ah, kung anu-ano ang iniisip mo." Sinundot-sundot pa ako ni Joyce habang sinasabi ang mga ito.

"Baliw, syempre kapag sinabing ex ay matic na ex jowa ang iisipin ng nakararami. Pero oo nga, I didn't expect na makikita ko siya after five years. Hindi ko ineexpect na magiging ambassador siya ng kumpanya."

"Pero hindi ko lubos akalain na papasok sa showbiz itong si Rigel after niyang iwan ang pagvovlog."

"Syempre, sinundan si Steph."

"Oh bakit parang ang bitter mo?"

"Ako bitter? Hindi ah, masaya nga ako para sa kanilang dalawa. Tsaka masaya na rin ako sa buhay ko ngayon, so walang dapat ika-bitter."

"Hmm, I see. Past is past nga pala ang pagalawang motto mo sa buhay. Anyway, maiwan na kita girl at magreready na ako sa flight, alam mo na." Oh, bukas nga pala ang grand opening ng ikatlong branch ng studio ni Joyce sa Davao.

"Sige girl. By the way, congrats! Pasensya ka na ah, hindi ako makaka-attend sa opening." Mahigpit kaming nagyakapan.

"Ano ka ba girl, ayos lang. Hindi naman ako kagaya ni bakla na sentimental." She chuckled, baliw talaga 'to.

"Oh siya, ingat ka ah. Pasalubong pagbalik mo, aabangan ko." 

"Thank you girl!" Nagbeso kami at saka siya dumiretso sa area kung saan nagshoshoot si Rigel. May sinabi siya sa director, at agad rin siyang umalis pagkatapos nito.

Tumayo na rin ako at lumapit sa tabi ng director. 

"Sir malapit na po ba matapos?" Tanong ko dito at saka sinipat ang wrist watch.

"Ah ma'am Abby ikaw po pala. Opo, malapit na matapos ang scene para sa araw na 'to. Ang galing nga po kasi ang professional ni sir Rigel at isahang take lang ang ginagawa namin kada scene. Iba po talaga kapag imported." Nakangiting sabi ng director. 

"That's good then. Ano na po ba 'yang shinoshoot niyo?"

"Tagline po ma'am." Tumago na lang ako bilang sagot.

"Miss. Ang taMiss na iyong babalik-balikan~" Rinig kong sabi ni Rigel habang hawak ang isang pakete ng chocolate. Wow, ang fluent naman niya managalog. 

"Cut! Wow sir Rigel, you nailed it!" Sabay palakpak ng director. Totoong agaw pansin ang pagkakasabi niya sa line na 'yon, halatang isa siyang professional pagdating sa mga gan'tong bagay.

Agad naman siyang dinaluhan ng isang maputing babaeng nasa mid 30's na sa tingin ko ay ang kaniyang manager. Binigyan siya nito ng malamig na tubig at saka inabutan ng towel. 

Well, tapos na ang trabaho ko dito. Mabuti pa ay umalis na ako para naman matrabaho ko na ang kailangang trabahuin sa kumpanya at nang  makatulog na rin sa opisina. Damn, ang sakit ng ulo ko. Kailangan ko talagang itulog 'to mamaya.

Dinampot ko na ang bag ko at saka lumabas. Habang naglalakad ay nagkakalkal ako sa bag para kunin ang susi ng sasakyan. Agad ko rin itong nakita sa bag at sakto ring nakarating na ako sa tapat ng kotse.

Pero bago ko pa man din mabuksan ang sasakyan ay may biglang humawak sa aking siko.

"Aalis ka na lang ba without saying any words sa naging performance ko sa loob Miss Dizon?" Ani ng isang baritonong boses. Medyo slang ang pananagalog niya ngayon unlike kanina sa shoot na pinoy na pinoy ang tono niya.

Wow! Ang lakas ng loob niyang magsabing aalis ako nang wala man lang sasabihin na kahit ano sa naging performance niya, eh siya nga yung-- argh, nevermind.

"Oh it's you Mr. Petterson." Surpresa kong bati sa kaniya at hinarap siya. "Well you did great back there. Keep up the good work!" Nakangiting sabi ko at saka siya pinakitaan ng thumbs up. 

"This is not what I am expecting from you Abby." Wow, first name basis na ba kami?

"What do you mean Mr. Petterson?" Diniinan ko ang pagkakasabi ng apelyido niya para i-point out na hindi kami close. "If you have something to discuss with me, then maybe magpa-appointment ka na lang sa secretary ko. Have a nice day Mr. Petterson." Bago pa man siya makapagsalita ay binuksan ko na ang aking sasakyan at agad pumasok dito. Pinaandar ko ito agad nang maiswitch ko ang engine. 

Kita ko sa side mirror ang pagkatulala ni Rigel habang nakatayo sa parking lot.

~

Nang makarating ako sa aking opisina ay basta ko na lang itinapon ang bag ko sa sofa, damn ang sakit ng ulo ko. Ang hirap talaga umiwas sa tukso ng K-Drama, kapag nasimulan mo ay napakahirap ng panagutan ang "Isang episode na lang" lalo na kung maganda talaga ang pinapanuod mo. But we should try our best to avoid such behavior, lalo na kapag sa tingin natin ay nakakasama na ito sa kalusugan at hindi na natin nagagampanan ang mga responsibilidad sa buhay. 

Well, anyway, minsan lang naman ako mag-binge watch. Sadyang ang malas ko lang ngayon dahil nakalimutan kong maaga pala dapat ako papasok kinabukasan.

Binuksan ko ang bag ko at iyon na lang ang aking tuwa nang may makita akong Bioflu dito. 

Umorder muna ako ng sandwich sa company cafeteria bago i-take ang gamot. 

Ang plano kong gawin muna ang trabaho bago matulog ay hindi rin lang natuloy dahil sa sakit ng ulo ko.

Nakakainis, hindi na ako sanay magpuyat. Samantalang dati ay kahit umaga na ako matulog ay parang wala lang. Siguro ay hindi na ako sanay dahil matagal ko ng hindi nagagawa ang pagbi-binge watch. Kada pagkarating ko sa bahay mula sa trabaho ay magpapahinga na ako agad, at kung mag-iistay ako ng late ay haggang midnight lang.

~

Nagising na lang ako nang may maamoy akong parang masarap, hmm. 

Pati sikmura ko ay naexcite dahil sa naamoy ng ilong ko-- wait, sa pagkaka-alala ko ay nasa opisina ako, so bakit may naaamoy akong masarap? Hind naman sariling amoy ang naaamoy ko, kaya ano kaya ang masarap ang naaamoy ko. 

Nanatili akong nakahiga sa sofa habang paulit-ulit na nilalanghap ang masarap na amoy, guessing what might it be.

Agad akong napabalikwas nang mapagtanong ang naaamoy ko kanina pa ay ang amoy ng sinigang na baboy! Oo tama, sinigang na baboy, pero bakit mayroon dito sa opisina?

Dinalhan ba ako ni mama? 

Madali akong tumayo at hinanap ang pinanggagalingan ng amoy. Damn, nag-ccrave na tuloy ako.

Teka, nasaan na ba yung kapares ng sandal ko? Iisa lang kasing pares ang nakikita ko sa ngayon. Hinanap ko ito sa ilalim ng sofa, pati na rin sa ilalim ng maliit na lamesa pero hindi ko mahanap. 

Letse, mamaya ko na nga lang hanapin. Magpapakita din 'yon for sure. Sabi nga nila, na minsan ay kapag tumigil ka na sa kakahanap ng isang bagay ay saka nanan ito kusang magpapakita sa'yo. 

Anyway, naka-paa lang ako na naglakad sa opisina at tumungo sa storage room. Doon kasi naka-pwesto ang cooking tools ko na hindi naman nagagamit as well as the coffee maker na laging nagagamit, syempre coffee is life para sa mga katulad kong laging subsob sa trabaho.

Habang papalapit ako sa storage room ay mas lalong nanunuot sa aking ilong ang amoy ng sinigang.

"Hello mama, ang bango naman ng niluluto-- WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!"


PERTIMBANGAN PENCIPTA
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C42
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk