Unduh Aplikasi
26.47% Online It Is / Chapter 26: Chapter 13.5

Bab 26: Chapter 13.5

Chapter 13.5:

Abby's POV: 

Ano'ng petsa na, napakatagal namang makipag-chismisan nitong si Rigel. Kanina pa niya kachikahan sa Zoom ang mga tropa niya. Kanina pa naghihintay ang mga admirer niyang gabundok sa dami.

Ang sinasabi kong admirer niya ang mga pinagkainan namin na nasa lababo. Well, schedule niya ngayon, kaya it's his time to shine sa dishes. Pero sa nakikita ko ay mukhang napapasarap sila sa kwentuhan.

Siguro ay huhugasan ko na lang ang mga 'to.

Pero hindi pwede! Magiging unfair 'yon para sa akin kung ako ang maghuhugas. Sana lang kung kakaunti ang huhugasan, pero hindi eh, napakadami. Tinitignan ko pa lang ang mga hugasin ay pakiramdam ko ay pagod na ako dahil sa sobrang dami.

Eh minsan lang naman 'to. Pwede naman sigurong ako muna ang maghugas ngayong umaga tapos siya naman mamayang tanghali at gabi.

Marami rin kasi akong kailangang gawin ngayon, I need to attend the online meeting with tita Liza together with Mar Vista staffs para planuhin ang nalalapit na re-opening nito sa susunod na buwan.

It has been 8 months since the Community quarantine started due to Covid-19, and Philippines is slowly catching up with the current situation.  Paunti-unti nang inaalis sa bawat barangay at probinsya ang quarantine.

Nagbubukas na rin ang iba't-ibang establishments pero pinatutupad pa rin ang pagsusuot ng face masks lalo na sa public places. May mga mangilan-ngilang pasaway pero karamihan naman ay sumusunod sa ipinapanukalang batas. Mga pinoy nga naman.  Tsk, tsk, tsk.

Hindi naging madali ang buhay sa mga nagdaang buwan. Nakaranas hindi lamang ang Pilipinas kundi pati na rin ang buong mundo ng labis na paghihirap. Marami ang nagutom at nasawi, pero sa kabila no'n ay marami ring nangyaring maganda.

Habang nasa loob ng kani-kanilang mga tahanan ang mga tao, ay unti-unti namang naghihilom ang mundo mula sa polusyon at iba pang gawain na kagagawan ng tao.

Napakatagal na mga buwan pero napakarami rin namang natutunan.

Ang inaakalang mangyayaring giyera pagkatapos ng pandemic ay hindi na natuloy, na siya namang ikinatuwa ng nakararami. Jusko, mabuti na lang talaga dahil kung hindi ay hindi ko na alam ang mangyayari sa mundo. 

Naka-schedule na rin ang graduation namin. Oo, may magaganap na graduation ceremony which is ang ikinatuwa ng mga estudyante. Magaganap ito bago magpasko.

Well I guess, we will be celebrating new year with full of joy and happiness. Kung ano ang ikinasama ng 2020 ay sana naman bumawi ang 2021 at maging full of positivity ang mga ganap.

"Abby? Abby? Hey." Napitlag ako nang yugyugin ako ni Rigel. Damn, nagdaday-dream pa ata ako.

"A-ah?" 

"I've bee calling you a couple of times already but you're spacing out. What's the matter?"

"Ah ano wala. Ikaw kasi, ang tagal mo makipag-chismisan sa mga tropa mo ayan tuloy nagdaday-dream na ako."

"So early in the morning ang you're day dreaming about me eh?"

"Alam mo ang kapal mo, hugasan mo na nga 'yang mga pinagkainan nang hindi na langgamin." Umagang-umaga ineeksenahan nanaman ako ng loko. Ilang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagbabago, nasa kaniya pa rin ang lahat. Nasa kaniya pa rin ang lahat ng kalokohan. Pati ata puso ko ay nasa kaniya na rin. Charot!

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano'ng relationship status namin ni Rigel. Ang sweet niya nitong mga nakaraang buwan, sa kasweetan ay ang sarap niyang ibalibag dahil nagwawala ang sistema ko lalo na kapag pinapakitaan niya ako ng mga damoves niya.

Maalaga din siya, lagi niyang pinapakita na lagi siyang nandiyan para sa akin especially during the bad times. Pinaparamdam niya sa akin palagi na mahalaga at worth it ako.

Hindi ko pa masasabi as of now kung ano nga ba ang nararamdaman ko para sa kaniya, naguguluhan pa rin ako. Pero isa lang ang masasabi ko, espesyal na siya para sa akin. 

Patuloy pa rin kami sa paggawa ng mga Peak-A videos, mga twice a week kung magpost upload kami ng duet ni Rigel. 

Boyfriend ko pa rin naman siya online, yun nga lang ay hind maiiwasan ag kuru-kuro ng mga tao. May mga nagsasabing nag-lilive in  daw kami at mayroon ding nagsasabing buntis daw ako at si Rigel ang ama. Mga people of the world nga naman oh, hindi ba pwedeng tumaba lang dahil sa quarantine? Nagdadalantae gano'n. Nagkalaman lang ako ng kaunti, eh buntis na raw ako. Very wrong people, very very wrong.

Heto pa ang malupit, umabot na sa 3 milyon ang subscribers ni Rigel sa youtube! Walastik 'diba? Simula nang iupload niya ang video na ginawa niya dito sa Pinas ay nagsidagsaan ang followers niya sa social media accounts at subscribers sa youtube. 

At dahil laging nakasingit ang magandang si ako sa videos niya ay nakatulong din 'yon para madagdagan ang followers ko. Syempre, kung may new followers ay mayroon din syempre akong new judgers. Normal na 'yon sa mga kagaya namin kaya hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin.  

May mga bago rin akong sponsors kaya kaliwa't kanan ang photoshoot namin ni Rigel dito sa Mar Vista. Pinapadala ang mga merch through courrier dito sa Pangasinan kaya hindi masyadong hassle. Pinapayagan na ang pagpunta sa dagat kaya kadalasan ay doon kami kumukuha ng litrato.

Nakausap ko na rin sila Joyce at Jackie, pupunta raw sila dito sa araw ng re-opening ng resort kaya excited na akong makita sila. 

Damn, miss ko na ang outside world. Pakiramdam ko ay isa ako sa PBB housemate ni kuya dahil sa tagal kong pananatili dito. Dalawa lang naman kami ni Rigel kaya for sure ako na ang tatanghalin na big winner if ever. Baka nga magkaroon pa ako ng special awards gaya ng "Best in Tulog", "Best in Lamon", "Best in Puyat" at "Best Dishwasher" dahil 'yon lang naman madalas ang ginawa ko during the quarantine.

~

"Eh kung ito kaya, ano sa tingin mo?"

"Any will do."

"Ehh, seryoso kasi.  Sige na, pili ka na. Kaya ko nga hinihingi ang opinyon mo dahil lalaki ka, alam mo kung ano yung kaaya-ayang damit para sa mga babae."

"Tsk, are you going to attend a seduction ceremony? For god sake Abby, you're going to attend a graduation ceremony!"

"Oh bakit ka galit? Eh nagtatanong lang naman ako." Kanina pa ako nagtatanong sa kaniya kung ano'ng magandang dress ang isusuot ko para sa graduation tapos lagi niyang sinasabi kahit ano daw. Eh aanhin ko ang kahit ano? Kung online lang sila Joyce at Jackie ay hindi ko na siya tatanungin, pero eksena ang dalawa, simula pa kasi kahapon ay hindi pa sila nag-oonline sa kahit ano'ng social media account nila. 

"As I have said, any will do. Lahat naman bagay sa'yo, it's just that revealing dresses are not my taste so I can't decide. Maybe if you can show me a decent one then I can surely give you a decent answer too." At itinuloy niya na ulit ang pag-eedit ng video. Ang ganda niyang ibalibag!

"Eh matatakpan naman kasi ng toga yung dress. Alangan namang balutin ko ang sarili ko ng tela edi sobrang init naman na 'yon."

"The venue is airconditioned."

"Eh kahit na, mainit pa rin duh."

"Then don't ask me anymore. Alam mo naman pala ang gusto mong isuot so why ask my opinion if in fact, it doesn't matter."

"Aish! Alam mo Rigel naiinis na ako sa'yo. Hindi mo kasi ako naiintindihan--"

"Yes, I really can't understand why you want to dress like that. As far as I know, the dresscode is a formal attire not a party attire." 

"Edi mag-papajama na lang ako! Kung 'yan ang gusto mo!" Napahilamos siya ng namumula niyang mukha. Okay, nagkakasigawan na po kami ng pinaka-maeksenang nilalang mga kababayan at hindi ako papatalo syempre. Actually, ako lang ang sumisigaw halata naman 'diba. Malakas lang ang pananalita ni Rigel pero hindi siya sumisigaw.

"Then that would be better!" Saka siya nag-walk out. Aba't!

"Hoy Rigel, 'wag mo nga akong tinatalikuran! Hoy! AHHHHHHHH UMEEKSENA KA NANAMAN!"


PERTIMBANGAN PENCIPTA
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C26
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk