Unduh Aplikasi
68.51% HOT vs COLD / Chapter 36: Chapter 36

Bab 36: Chapter 36

CHAPTER 36

--ALEX:

"Nasa Manila na po tayo."

Napabalikwas ako nang marinig kong nagsalita ang konduktor ng bus na sinasakyan ko pabalik ng Manila.

Yes, nasa Manila na ako. Matapos ang pag-uusap namin ni Jacob, napagpasyahan kong umuwi na ng Manila dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pang makasama siya sa iisang bubong.

May pera naman ako kaya easy lang sa akin ang umuwi ng Manila. Bago ako umalis ng bahay na tinirahan namin ni Jacob, nag-iwan ako ng sulat sa bedside table ng kwarto na tinuluyan ko for the past few weeks. Kahit naman na naiinis ako kay Jacob at gustong-gusto ko siyang bugbugin, nagpaalam pa rin ako sa kanya na aalis na ako para hindi siya mag-alala, kung nag-aalala nga talaga siya sa akin. After all, tinuring ko siyang kaibigan ko even though for a short period of time only.

Sinabi ko sa sulat na "I'm leaving". Two words lang 'yan pero sure ako na naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Hindi ko na kailangang magsulat ng nobela para lang maintindihan niya ang gusto kong iparating.

After all, siya si great Godyr na kagaya kong hinahangaan sa underworld society. Paano ko nalaman na siya si Godyr? Simple lang. Nang may pinuntahan siya na hindi man lang niya sinabi sa akin kung saan, I decided to roam around his room. And viola! A familiar mask is on top of his bedside table. Nang nilapitan ko ito, narealized ko na ang Godyr na kilala bilang isa sa mga sub-member ng mga gang at ang Jacob na kilala ko bilang one of the most annoying person in the world ay iisang tao lang pala.

Hindi na ako magugulat kung iisa sila. Mahahalata naman kasi sa kilos nila na parehas sila. At parehas sila ng mata na nagigingkulay Maroon kapag nasisinagan ng araw.

Hindi ko din alam kung bakit pa siya nagsinungaling sa akin from the very first place na naaksidente si Godyr para lang magpanggap siya bilang siya. And wala na din akong balak alamin kung ano man ang dahilan niya.

Matapos ang ilang oras na biyahe, nasa Manila na rin ako sa wakas. Haiisst, nakakamiss rin pala ang manila kahit nagkalat ang polusyon at sobrang traffic sa EDSA.

Pumara agad ako ng taxi at sinabi ang address ko sa driver and after an hour, nandito na rin ako sa tapat ng bahay ko.

Namiss ko rin ang bahay ko, pati na rin si Sky. Sana naman hindi siya pinapabayaan ni Anthony at pinapakain ng mabuti.

Dahil hindi naka-lock ang front door, dumeretso na ako sa loob ng bahat at laking gulat ko na lang nang makita ko ang itsura ng buong sala.

Nagkalat ang pinag-kainan ng mga chips, mga pinag-inuman ng incanned softdrinks, nakakalat na magazines, wala rin sa tamang posisyon ang mga sofa, basta it's a mess!

Wtf! Magmula nang ipagawa ko ang bahay ko, ngayon ko lang nakita itong makalat. Tss.

"Wag ka ngang makialam dito Ants, kung gusto mo, magbake ka ng sarili mong cake, wag kang nangingialam sa binibake ko! alissssss shuuupi!"

"So gaganyanin mo na ako ngayon?! Matapos lahat ng sakripisyo ko sa'yo sa pagtuturo para lang ma-perfect mo ang cake at hindi sunog, gaganyanin mo ako? Wala kang utang na loob!!! Tandaan mo, kung hindi kita tinuruan from the very first place kung paano magbake, wala ka ngayon diyan sa posisyon mo ngayon. So I deserve a credits!"

"Oo na! Ang drama mo talaga Ants, bibigyan na kita pero mamaya pa kasi hindi pa ako tapos mag-bake. Kaya if I were you, maglilinis na ako ng sala at pati dito sa kusina kasi kung andito si Alex, suregurado akong magagalit 'yon sa atin kasi ang kalat ng pinakamamahal niyang bahay. At si Sky paliguan mo na din kasi ang dungi--"

"Talagang magagalit ako kapag in 10 minutes ay hindi pa malinis itong bahay ko. So you better clean my fckin house kung ayaw niyong itapon ko kayo sa labas ng pamamahay ko." Nagulat silang dalawa nang makita akong nakapameywang sa harapan nila, hindi siguro nila napansin na kanina pa ako nasa kusina.

"K-kanina ka pa andiyan bes?" Nauutal na sabi ni Aira.

"O-o nga babes, totoo ka ba talaga? O multo ka lang?" Sabay hawak ni Anthony sa mukha ko at pinagkukurot ito, sht! Ang sakit!

"Araaayyssshh bishawan mwo awooo!" Sabay tampal ng kamay niya at napakurap-kurap naman siya.

"Totoo ka nga pren." Ani Aira at humakbang siya papalapit sa akin then niyakap akong mahigpit.

"Aaaacck! I....can't....breath."

"Ow sorry pren, namiss lang talaga kita huhu." Sabay bitaw niya sa akin.

"Namiss ko din naman kayo pero I think that it's better kung maglilinis muna kayo ng pamamahay ko kung ayaw niyong palayasin ko kayo ng wala sa oras." Agad din naman silang kumilos. Natatawa lang ako kasi sa sobrang pagkataranta nila sa paghahanap ng gamit na panlinis, hindi nila napansin na wala sa kusina ang hinahanap nila.

"Baka gusto niyong pumunta sa stock room para kumuha ng walis tambo, kasi kahit ilang beses niyong libutin ang kusina ko, hindi talaga kayo makakahanap ng panlinis." Sabay ngisi ko sa kanila ang mukhang natauhan naman sila at napakamot ng ulo.

"Ikaw kasi Ants eh." Paninisi ni Aira kay Anthony.

"Oh ano'ng ako? Ikaw kaya naghahanap ka ng walis tambo sa kusina."

"Ikaw kaya diyan."

"Ikaw kaya noh."

"Heh! Panget."

"Tomboy."

"Jerk."

"Mataba."

"So mataba ako?"

"Nagtanong ka pa."

"Aba't!"

"O tama na 'yan, pinapatagal niyo ang trabaho eh."

"Sorry na." Sabi ni Ants at hinila na si Aira papuntang stock room.

Naiwan naman ako sa kusina nang nakangiti. Hayst, kahit nakakabadtrip silang dalawa dahil sa ginawa sa bahay ko, mahal na mahal ko pa rin yung dalawang 'yon kasi lagi nila akong napapangiti in their own simple ways.

Narinig kong tumunog na ang oven at saktong kumalam ang sikmura ko kaya naman I decided to get the cake that Aira baked. Bahala na kung magalit siya mamaya ang importante gutom ako.

It's a round strawberry cake kaya mas lalo akong nagutom. Kaya nag-slice agad ako ng cake. Kalahati ang kinuha ko at nilagay sa plato at dali-daling kinuha ko ang maleta ko sa sala at pumunta sa kwarto habang dala-dala ang cake hehe. Yummmieee.

Pagkasarado ko ng pinto ng kwarto ko, agad kong nilantakan ang cake and it tastes good. Hindi ko akalaing makakagawa si Aira ng ganito kasarap na cake. Dati kasi lagi na lang nasusunog ang binebake niyang cake o 'di naman kaya'y mapait at nasobrahan sa tamis. Dati kasi kapag tinuturuan ko siya, lagi pa rin siyang palpak. Kaya naman saludo ako kay Anthony kasi naturuan niya si Aira kung paano magbake ng maayos. Well, ano pa ba ang aasahan ko sa isang napakagaling maglutong architect? Haha.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C36
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk