CHAPTER 32
--JACOB:
"Thanks Vince."
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Alexa habang yakap-yakap niya ako.
Now I know, kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.
I don't like her anymore as a friend. I do like her more than a friend.
--ALEX:
Hindi ko alam kung bakit ko niyakap si unggoy, siguro dahil natuwa ako sa sinabi niya. All these time pala nag-aalala siya sa akin pero wala akong ginawa kundi sungitan siya.
Bihira lang ang mga taong katulad ni Vince. Siguro I should give him a chance para mapalapit sa akin, tutal napatunayan ko naman na he really cares for me.
After kong bumitaw sa yakapan moment namin, ningitian naman niya ako at ginulo-gulo ang buhok ko.
Agad ko namang tinampal ang kamay niya palayo sa ulo ko. Aba syempre, kahit sinabi kong pwede na siyang mapalapit saken, it doesn't mean na papayag na rin akong magpa-api sa isang unggoy na tulad niya. No way!
"Tama na 'yang drama, kain na tayo." At pumunta na ako sa kusina para kumain, buti na lang at naghanda siya ng makakain, gutom na rin kasi ako ngayon.
"So okay ka na ba?" Tanong niya habang kumakain kami.
"OO naman, okay na talaga ako, kaya nga kaya ko ng lumabas mamaya para hanapin natin si Ella Catillo."
"Uhm, y-yeah. We should find her as soon as possible." Nakita kong medyo uneasy siya habang nagsasalita, pero 'di ko na 'yon pinansin at pinagpatuloy na ang pagkain ko.
-
Naging maganda naman ang pakikitungo namin ni unggoy sa isat-isa. Mas naging comfortable kami sa isat-isa. Nakakatawanan ko na rin siya at hindi na ako gaanong nahihiya sa mga pinapakita ko sa kanya na ugali ko. Magmula nang mangyari ang hug moment namin, marami ng nagbago.
Yung pagtibok ng puso ko at electricity sa katawan ko kapag nagkakadikit kami, hindi pa rin nawawala. Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin neto, na nagkakaroon na rin ako ng feelings sa kanya as the time passes by na nakakasama ko siya. Hinahayaan ko lang ang feelings na ito hindi dahil gusto ko, kundi dahil pinapakiramdaman ko pa ang sarili ko para iconfirm ang nararamdaman ko.
Ayaw ko rin namang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil wala pang kasiguraduhan ang nararamdaman ko para sa kanya at baka kapag nalaman niya, mas lalo pang lumaki ang ulo niya.
Ayaw kong magpadalos-dalos ng desisyon kasi baka sa bandang huli, makasakit ako ng ibang tao or baka ako din lang nag masaktan sa huli. Syempre, kahit na may nararamdaman ako sa kanya, hindi ko pa rin ito pinapahalata. Cool lang ako kapag andiyan siya. Tutal magaling naman akong magtago ng nararamdaman ko.
"Ahh, Alexa sagutin ko lang itong tawag." Sabi ni unggoy sa akin sa kalagitnaan ng panonood namin ng movie.
"Sige." Sagot ko habang nakatutok ang tingin ko sa tv.
Napagdesisyunan kasi naming magmovie marathon sa bahay tutal Sunday naman ngayon at araw ng pahinga namin. Nagsimba kasi kami kaninang umaga then dumaan kami ng mall parabumili ng dvd kasi nga gusto niyang manuod ng movie pagdating namin sa bahay. Siya na rin ang gumagastos halos lahat ng kailangan namin dito sa bahay mapa-basic needs namin at mga bagay na trip lang din naming bilihin. Minsan nga kapag bibili ako sa mall, gusto niya siya na ang magbayad, siyempre pumapayag na rin ako kasi kahit na anong pilit ko na ako na ang magbabayad kasi gamit ko naman, eh ayaw niya parin na ako ang magbabayad kaya pinapabayaan ko na lang siya. Kaya ang labas, halos hindi ko nababawasan ang pera ko at nakakatipid pa ako. Kunsabagay richkid naman siya. At may pandagdag na rin ako sa ipon ko, remember? May pinag-iipunan ako pero hindi ko muna sasabihin hehe.
Patapos na ang movie pero hindi parin bumabalik si unggoy kaya I decided to follow him at hindi naman ako nahirapang hanapin siya kasi nasa terrace lang siya habanag may kausap parin sa cellphone niya hanggang ngayon.
Haiissst, nakakaasar talaga akapag nakikita kong hawak ni unggoy yung cellphone niya samantalang ako bawal mag-cellphone sa hindi ko maintindihan na dahilan. Tinanong ko si unggoy dati kung bakit kinonfiscate ang cellphone ko pagdating namin dito sa Pangasinan samantalang siya, pwede siyang gumamit ng cellphone, sabi niya for my safety, eh hindi naman ako mapapahamak eh kaya ko ang sarili ko. Mas mapapahamak naman ako kasi paano kung nakahiwalay kami, edi hindi ko alam kung nasaan siya. Kung may cellphone sana ako, pwede ko siyang itext pero wala akong cellphone edi hindi ko siya matitext.
Pinlano ko na rin na bumuli ng cellphone ko pero pinigilan niya ako. At kahit na naiinis ako sa kanya kasi hindi ko talaga maintindihan kung bakit bawal akong magcellphone, idagdag pa ang hindi niya pagpapahiram sa akin ng cellphone niya na parang may tinatago siya na s*x scandal niya sa cellphone niya sa sobrang protective niya dito. Sinusunod ko na lang ang gusto niya kasi sumasakit ang ulo sa kanya.
Nang makalapit na ako sa kinatatayuan niya, sakto namang kakababa niya lang ng tawag.
"Wtf?! WHAT ARE YOU DOING HERE?!" Gulat na sabi ni unggoy habang hawak hawak ang dibdib pagkalingon niya sa likod niya kung saan ako nakapwesto.
"HAHAHAHA!" Hindi ko napigilan ang tawa ko kasi super epic lang talaga ng mukha niya to the point na muntikan niya niyang mahulog ang cellphone niya sa sobrang gulat.
"Oh ba't ka tumatawa?" Naiinis na sabi ni unggoy habang hawak pa rin ang dibdib niya.
"Hahahaha, ang epic kasi hahahah ng ano hahaha ng reaction mo bwhahahaha." At nilamon na ako ng malakas kong tawa.
"Huh?! Epic pala huh." Sabay hakbang niya papalapit sa akin kaya napaatras naman akong bahagya kasi nakakakilabot ang tingin niya sa akin.
"O-oh anong gagawin mo huh?" Kinakabahang sabi ko habang nakakrus ang dalawang daliri ko sa harap niya, takte tumataas ang balahibo ko sa tingin niyang nakakakilabot hanggang sa naging nakakaloko ang ngiti niya.
"Hahahahahahaahah." At siya naman ngayon ang humagalpak ng tawa with matching gulong sa sahig habang nakahawak siya sa tiyan niya habang pumapadyak padyak siya. Anyare? Nakadrugs ba 'tong unggoy na 'to? Anong nakain niya?
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.