Unduh Aplikasi
53.7% HOT vs COLD / Chapter 28: Chapter 28

Bab 28: Chapter 28

CHAPTER 28

--ALEX:

"Ang ganda ng mga bituin noh?" Out of nowhere na sabi niya.

Kanina pa kasi kami dito sa bakuran na kumakain ng barbeque pero ngayon lang siya nagsalita.

"Yeah." Sagot ko habang nginunguya yung barbeque.

Marami pala siyang biniling barbeque para sa aming dalawa. Mabuti naman. Kasi kung kaunti ang binili niya, kulang namin haha.

"Naniniwala ka ba sasinasabi ng iba na ang mga bituin daw ay ang mga namatay nating mahal sa buhay?" Tanong niya habang nakatingin sa mga bituin.

"Ewan ko."

"Bakit naman?"

"Basta hindi ko alam, ikaw ba?"

"May part sa akin na naniniwala ako, meron ding hindi."

"Bakit naman?"

"Hindi ko din alam eh—aray! Amasona ka talaga, Ba't ka ba nambabatok ha?!" Binatukan ko, akala ko kasi may rason siya pero hindi din pala niya alam. -_-

"Hahahahaha, if you have seen your face haha, its so damn priceless." At humagalpak na ako ng tawa.

Nang matapos akong tumawa, nakita ko naman si unggoy na nakatulala at nakanganga. Ano'ng problema niya?

Winagayway ko naman sa harap ng mukha niya ang kamay ko pero wa epek.

Nung pumalakpak naman ako tsaka siya nakarecover.

"Hello, earth to Jacob. Nagtratravel ka ata eh." At ang kinagulat ko naman eh yung ngumiti siya. Yun bang parang batang binigyan ng candy.

' "Hindi ba ako nananaginip? Pakisapak naman ako oh." Sabi niya. Kaya naman pinagbigyan ko siya.

"Aray! Ba't mo ako sinapak?!" Wow ha, siya ang nag-utos sa akin na sapakin siya tapos tatanungin niya ako kung bakit ko siya sinapak? Baliw ba siya?

"Ask yourself." At inirapan ko siya.

"Aw, yeah Inutusan pala kitang sapakin ako. Grabe ha, ansakit mo manapak, para kang hindi babae." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"By the way, ba't mo pala ako tinatanong kung nananaginip ka?"

"Kasi naman, tumawa ka mismo sa harap ko at tinawag mo ako sa pangalan ko. Once in a blue moon lang ka yun kaya ang akala ko nananaginip ako." Namula naman ako sa sinabi niya.

Yeah right, hindi ako gano'n kadalas tumawa. Pero medyo madalas kapag kasama ko ang family ko.

Hindi naman kasi ako showy masyado sa nararamdaman ko. Gusto ko yung feeling na mahihirapan ang ibang tao na basahin kung ano man ang nasa isip ko. Baka kasi i-take for granted nila ako. Kaya mas pinipili ko na lang na hindi gumawa ng mga actions na magdudulot sa iba na i-take for granted nila ako.

"Baliw ka na." Natatawang sabi ko.

"Sinong baliw huh?" Nakangisi siya sa akin at nakita kong papalapit siya sa akin kaya naman umatras ako hanggang sa naramdaman ko ang halaman sa likod ko.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at ako naman nanlalaki ang mata ko na halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya.

Akala ko hahalikan niya ako, pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya na talagang ikinagulat ko.

"HAHAHAHAHAHA-TAMA NA! ANO BA HAHAH, NAKAKAINIS KANG UNGGOY KA HAHAHAH." Kilitiin ba naman ako sa tagiliran ko.

Malamang malakas ang tawa ko kasi malakas rin ang kiliti ko sa tagiliran. -_-

Nagpagulong-gulong kami sa damuhan habang nagkikilitian kami.

"Anlakas ng tawa mo baka magising ang kapit bahay." Sabi niya sa akin kaya nabatukan ko nanaman siya.

"Nakakailan ka na ha, malapit na talagang matanggal itong ulo ko kakabatok mo sa akin tsk." Habang hinihipo hipo ang ulo niya.

"Shunga ka pala eh, kung hindi mo sana ako kiniliti edi hindi ako tatawa ng malakas, engot mo talaga." At uminom ako ng softdrink in can.

"Wow, na-shunga na nga ako, na-engot pa ako. Ang hard mo talaga sa akin kahit kailan." Natawa naman ako sa sinabi niya haha.

"*Yawn* Sige pasok na ako sa loob, inaantok na ako eh. Ikaw na lang ang maglipit diyanA" at nagpagpag naman na ako ng shorts ko.

"Sige, goodnight Alexa." At ngumiti nanaman siya ng matamis.

"Geh, night." Pagkatapos nun, dumeretso na ako sa kwarto ko kasi totoong nakarmdam na ako ng antok. Siguro dahil sa buong araw na paghahanap namin.

-

Kinaumagahan, nakita ko si unggoy na naghahanda ng breakfast.

"Ano'ng meron?" Tanong ko habang humihikab hikab .

"Ahh, maaga tayong aalis ngayon kaya sabayan mo na akong kumain."

" 'Diba Sunday ngayon? Magpapahinga dapat tayo."

"Yun nga, Sunday ngayon ka lalabas tayo."

"Saan naman?"

"Punta tayo ng mall." Sabay kindat niya sa akin.

"Ayo'ko."

"Bakit naman? Sige na, sama ka na."

"Basta ayo'ko."

"Kapag hindi ka sumama sa akin, hindi kita ipagluluto ng pagkain mo." Takutin daw ba ako.

"I don't care."

"Hindi kita papasakayin sa kotse ko kaya magcocommute ka 'pag may pupuntahan tayo." What the?! No way!

"Tsk, fine!" Sabay irap ko sa kanya.

"Yehey, papayag din pala eh, pakipot pa." Bulong niya pero narinig ko naman.

"Blackmailer!"

"HAHAHA!" Sige tawa lang. -_-

"Ano'ng gagawin natin doon?" Tanong ko sabay hila ng upuan at sinimulan ng kumain.

"Matutulog tayo sa Mall." Muntik ko namang maibuga ang kinakain ko dahil sa sinabi niya.

"Seriously?!"

"At dahil pogi na nga ako, hot pa, joke lang yun." At ngumisi siya.

"Naku, kung wala lang tayo sa hapag-kainan siguro nabatukan na kita ngayon." Saka ko siya inirapan.

"So dapat pala magpasalamat ako kasi nasa hapag-kainan tayo." Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.

"Yeah, right." At tinuloy ko na ang pagkain.

-

Bilisan mo nga Alexa, ambagal mo naman kumilos, nauna ka pa ngang naligo sa akin pero mas nauna akong natapos kesa sa'yo.

"I don't expect you to care." Nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa garahe.

"Yeah, girl things." Umiling-iling naman siya.

"Ano?" Tanong niya nang nakita niya ang kamay ko na nakatapat sa mukha niya.

"Ako magddrive." Sagot ko.

"Seriously?!"

"Yeah, so give me your goddamn key mister!"

"Oh eto na." At inabot niya sa akin ang susi ng kotse.

"Psh." Sabay kuha ko ng susi sa kanya at sumakay na sa kotse para paandarin ito.

Mabagal ang pagpapatakbo ko ng kotse habang nasa loob pa kami ng subdivision then nung nasa high-way na kami, doon ko pinaharurot ng mabilis ang kotse. Nakita ko namang nakangiti si unggoy. Buti na lang at walang speed limit dito sa dinadaanan namin kung hindi baka presinto ang bagsak namin.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C28
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk