Unduh Aplikasi
7.4% Dark Glazer Academy [COMPLETED] / Chapter 2: Chapter 1

Bab 2: Chapter 1

-Athena Brix Alexandro-

"Great job, Athena! Napaka-galing mo talaga! " pag-puri sakin ni Coach Demetri.

"Thank you, coach. " nakangiting sambit ko habang inaayos ang mga gamit ko sa aking bag. Kakatapos lang ng training namin at kakapalit ko pa lang din ng damit.

"O sya, mauna na muna ako at nandyan na ang kaibigan mong conyo. Haha. " sabi ni coach saka umalis. Tumingin naman ako sa entrance nitong gymnasium at nakita ko ang kaibigan kong grabe makapag-punas ng alcohol sa kamay at braso.

Arte talaga -.-

"Woi! " tawag ko sa kanya dahil mukhang hindi nya ata namalayan na nakalapit na sya sakin.

"Uy, Athena, I'm so fast naman makarating dito. Anyway, can you please make bilis-bilis dyan? Because, it so many germs here and it's really mabaho. Eww. " maarteng saad nya.

"Sana hindi ka na lang pumunta. " sabi ko habang isinusukbit ang bag ko sa aking likuran.

"Hala! It's just a joke lang naman eh. You know, I'm just kidding, okay? Don't take it seriously. " sabi nya habang nag-papahid na naman ng alcohol sa kamay at braso nya.

Paano ko nga ba naging kaibigan 'to? -.-

Anyway, ang tinraining ko nga pala kanina ay taekwando. Libangan ko ang taekwando kapag bored ako or malalim ang iniisip ko. Katulad na lang ngayon. Hays.

"Asan kotse mo? " tanong ko sa kanya ng marating namin ang parking lot.

"There oh! That kulay red. " turo nya sa kotseng pula na mukhang bago. Bagong bili na naman 'to, panigurado.

Lumapit na kami doon at sya naman ay sumakay na sa driver's seat at ako naman ay sa passenger's seat. Nilagay ko ang gamit ko sa likuran para 'di na ako mahirapan pa.

"So, where are we going ba? " tanong nya.

"Mall. " maikling sagot ko ngunit nagulat ako nang bigla syang pumreno.

"Sira ka ba?! Bat ka pumreno?! " inis na tanong ko sa kanya. Mabuti na lang at naka-seatbelt ako.

"San nga ulit tayo pupunta? " tanong nya ulit.

"Mall. Bingi? " tss.

"Kyaaaaaaaaah! Magmo-mall tayo! Oh em gee! I'm really happy! Gosh! Congrats, Athena at naging babae ka na! " sabi nya pa na para bang nanalo sa lotto.

"So, pumreno ka dahil lang don? " tanong ko at tumango-tango naman sya. Napapikit na lamang ako sa inis. Nako! Kung hindi ko lang kaibigan 'to, sinipa ko na 'to sa mukha.

"Anak ka nga naman ng tokwa, oo! Jusko, Ereya! " sabi ko sa kanya pero nag-peace sign lang ang gaga.

Nag-drive na ulit sya.

"So, bakit mo naisipang mag-mall? What happened to the world? Bumaliktad ba? " natatawang tanong nya pa.

Hays, eto na.

"Naaalala mo pa 'yung Dark Glazer Academy? " tanong ko sa kanya at nakita kong napatingin sya sakin saglit.

"W-what about that creepy academy? " nauutal nyang tanong. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"I passed their examination. " sagot ko. Sandali na naman nya akong tinitigan at pagkatapos ay binalik ang paningin sa daan.

"R-really? Congrats, Athena. " nakangiting sambit nya ngunit alam kong peke lamang iyon.

"I hope you'll understand, Ereya. " nakatungong wika ko.

"No, it's okay. I understand. " sabi nya ulit.

Kung tinatanong nyo kung ano ang Dark Glazer Academy o DGA. Isa itong paaralan ng mga.. LALAKI. It is an all boys school where in some of the bad ass boys are there. Mafia, hoodlums, thug, gangsters and such. Bago pa lang ako nag-enroll sa paaralang ito ay nag-saliksik muna ako patungkol dito. Nalaman kong kaonti lang palang tao ang nakakaalam ng paaralang ito at puro iyon mayayaman. Pinapatapon ng mga business man or woman ang mga anak nilang lalaki dito upang mag-tino ngunit mali sila ng pag-aakala. Imbis na tumino at umayos ang mga ito ay lalo lang silang naging magulo at barumbado. Dahil na din siguro sa mga grupong nasalihan nila.

Nalaman ko ring sa eskwelahang ito, araw-araw may gangfight at may pataasan din ng rangko dito. Kapag ang grupo mo ang merong pinakamadaming napatumbang grupo, kayo ang king of the week. Kayo ang hari ng isang linggo. Sa loob ng isang linggo, hindi kayo pwedeng sumali sa mga gangfights. Kayo ang pipili kung sino ang karapat-dapat na sumunod sa inyo, ngunit sa eslwelahang ito, merong isang grupo na ilang taon nang hari pero hindi ko na nalaman ang pangalan ng grupong iyon at kung sino-sino ang miyembro nito. Kontrobersyal masyado ang eskwelahang ito kaya nahirapan na akong alamin iyon. Ang mahalaga ay nakapasok na ako sa kanilang eskwelahan at maisasagawa ko na ang aking paghi-higanti.

Ang rason kung bakit ako kumuha ng pagsu-sulit sa kanilang eskwelahan ay para mag-higanti at hanapin kung sino-sino ang pumatay sa kuya ko. Five years ago since my brother died. Kami na lang ang magkasama noon dahil wala na ang mga magulang namin, I was 15 years old at that time and my brother was 18. Hanggang sa isang gabi, umalis sya dahil may importante daw syang pupuntahan. Inisip ko noon na sa trabaho nya sya pupunta dahil isang working student ang kuya ko. Hinintay ko sya pero biglang bumagsak ang balikat ko nang may nag-punta sa bahay at sinabing patay na ang kuya ko. Simula noon, naging matapang na ako, ano pa nga ba ang magagawa ko? Mag-isa na lang ako. Mabuti na lang at nakilala ko si Ereya, sya ang naging sandalan ko sa lahat ng bagay, kaya kahit ganyan sya ay maswerte ako dahil nakilala ko ang tulad nya.

Simula din noong araw na namatay ang kuya ko, pinagplanuhan ko na kung paano hahanapin ang MGA pumatay sa kanya.

"We're here. " walang-siglang sambit ni Ereya. Tumingin ako sa labas ng kotse at nasa mall na nga kami. Hays, masyado kasing okupado ang isip ko patungkol sa eskwelahang iyon.

"Ah, yeah. " nasabi ko na lang. Lumabas na ako sa sasakyan at ganon din sya.

"Ereya, I'm really sorry. " pag-papaumanhin ko. Alam kong mahirap ito para sa kanya dahil simula pa nga lang noon, kami na ang magkasama, kami na ang nagkakaintindihan. Kung mahirap sa'kin na malayo ako sa kanya, alam kong MAS nahihirapan sya.

"It's okay. Tara na at tutulungan kitang mamili ng mga dadalhin mo sa creepy school na 'yun. " nakangiting wika nya.

Gusto ko pa sanang mag-salita ngunit ramdam kong ayaw nya ng pag-usapan pa ang patungkol doon.

Ngumiti na lang din ako sa kanya.

"Tara. " sabi ko din.

Nag-lakad na kami papuntang loob ng mall at pag-pasok namin doon ay dumiretso kami sa isang botique. Tsk, puro pambabae lang ang nandito. Hindi ko pwedeng isuot 'yan sa DGA. Magpapanggap nga akong lalaki diba?

"If iniisip mo na this is for you, mali ka. Bibili muna ako ng akin, duh! Mamaya na kita bibilhan ng damit dun sa panlalaking damit. " sabi nya habang nasa mga damit pa rin ang paningin.

"Ako na ang bibili nang akin. " sambit ko din. Humarap sya sakin habang nakaarko ang kaliwang kilay nya.

"Ako ang bibili nang sa'yo. It's my treat dahil for the first time, nag-mall ka. " natatawang sambit nya.

"Psh! Big deal ba talaga 'yun? " tanong ko.

"Aba'y oo naman! Para sa isang taong hindi nakita ang bestfriend nyang pumupunta sa mall at puro taekwando lang ang ginagawa, big deal 'yun! "

"Okay. " maikling sagot ko.

Mabuti naman at okay na kami. Akala ko talaga magagalit sya sakin. Sana lang tama ang desisyon kong pumasok sa DGA. Sana mahanap ko ang mga taong pumatay sa kuya ko.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
Ellaine_Mojado Ellaine_Mojado

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C2
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk