Unduh Aplikasi
23.33% The Ideal Man / Chapter 7: Chapter 7: Best Friend To The Rescue

Bab 7: Chapter 7: Best Friend To The Rescue

"So guys we have buffet there, kumain na muna tayo at pagkatapos ay make upan at aayusan na kaayo nga mga respective make up artist niyo bago tayo aalis" palahad na kamay na tugon ng nagbriefing sa kanila sa may gawi ng buffet table.

Umuna ng nakakuha ng pagkain si Nathalie pumunta na din ito sa table nila para kumain, dahil sa hindi na sila nakapagbreakfast kanina kaya gutom na gutom na ito, sadya kasing matakaw ang kaibigan niya.Habang si Jeanlie naman ay pumipili ng kanyang kakainin dahil nga diet silang mga contestant, tumungo siya sa vegetables and fruits area ng buffet, hindi niya napansin ang kanina pang sunod ng sunod sa kanya si Margarette na naghahanap ng tyempo para mangasar na naman.

"Oppps sorry! paharang harang kasi" paarting sabi ni Margarette na kunwari ay may kinukuha na pagkain na malapit sa kamay ni Jeanlie kung kaya ay malapit na mahulog ang dala niyang plato, buti nalang at mabilis niya itong nasalo sa ibang kamay niya.Bulyawan sana ni Jeanlie ang babae ngunit madaming kapwa nila contestant ang nakasunod din sa kanila na kukuha din ng pagkain,kung kaya ay tumalikod nalang at mabilis na nagtungo si Jeanlie sa table nilang magkaibigan. Pagkarating niya sa table ay agad niyang sinabi sa kaibigan ang ginawa ni Margarette sa kanya. Kaya napatigil ito ng kain at aktong tatayo para sugurin ang babae ngunit madaling hinawakan siya ni Jeanlie upang pigilan.

"Hayaan muna, titigil din yan kung babaliwalain ko ang mga pasaring niya sa akin" sabay hila sa kamay ni Nathalie para maupo na ito.

"Alam mo besh may araw din yang babaeng yan, tityempuhan ko din ang kabaliwan niya. "

Napaupo nalang si Nathalie at pinagpatuloy ang kain.

Nang matapos na silang kumain ay agad na inayusan na sila ng bawat make up artist nila, habang si Nathalie ay nasa labas at kausap sa cellphone ang ina nito na nasa abroad.

Pansin niyang hinila ni Margarette ang upuan nito palapit sa kanya para malapitan siya nitong tingnan habang sila ay inaayosan. Hindi nalang niya pinansin ito. Maya maya ay panay salita ni Margarette na alam niya na siya ang pinuponterya nito, pero pinili nalang niyang wag pansinin ang bawat patama ng babae.Kaya halos ng mga tao at kapwa contestant nila ay hindi narin gusto ang pag uugali ni Margarette.Paagaw atensyon kasi siya at gusto niya na lahat ng puri ay nasa kanya.

****

Sumakay na si Jeanlie ng van at ang iba pang kasamahang contestant ay nakasunod naman si Margarette at gusto nitong umupo na malapit sa bintana ng sasakyan kung saan nandon si Jeanlie, kung kaya ay binakante nalang ng dalaga kung saan ay nakaupo na sana siya.Nang papasok na si Margarette ay dinaanan niya ang inuupuan ni Jeanlie at sadyang tinapakan ang paa nito, napasigaw si Jeanlie sa sakit kasi nga yung heels ang tumama sa open toe niyang suot na heels din.

"Oops sorry! alam mo naman kasing dadaan ako paharang harang pa yang paa mo di tuloy nasagi sa heels ko" sarkistang tugon nito na nakaupo na.

"Tumigil ka nga Margarette talagang sinasadya mo yang pag apak sa paa ni Jeanlie, kanina ka pa na parinig ng parinig sa kanya ng nasa dressing room pa tayo.At kanina ko pa napapansin na lagi kang gumagaw ng paraan para e sabotahe mo si Jeanlie" pasigaw na sabi ng kapwa contestant nila na si Felice kay Margarette na nasa tabi din ni Jeanlie.

Hanggang sa nagsagutan si Felice at Margarette kaya pinigilan nlang ni Jeanlie si Felice

"Fe tama na, hayaan mo na siya wala lang kasi yang magawa kundi inisin ako, wag nalang nating pansinin baka kasi tayo pa ang babaliktarin ng babaeng yan" giit ni Jeanlie kay Felice habang paharap at pinipigilan ito at pinapahinahon.

****

Hindi makalakad ng maayos si Jeanlie dahil sa sakit na natamo sa pag apak ni Margarette sa kanya, kaya ginabayan na lamang siya ni Felice. Patakbong dala pag alala ang mukha ni Nathalie ng makita ang kaibigan galing din sa ibang van na sinasakyan nito. At agad niya itong tinanong, hindi na sana niya sasabihin sa kaibigan kasi alam niyang manggagalaiti ito kay Margarette baka mag sanhi pa ito ng gulo. Ngunit agad na sinagot ni Felice ang tanung ng kaibigan at kinwento ni Felice lahat ng pangyayari. Hindi nga siya nagkakamali, galit na galit si Nathalie ngunit nawala ang pag alala niya ng makita si Nathalie na tahimik lang at hindi ginawa ang inaasahan niyang susugurin si Margarette matapos marinig ang kwento ni Felice. Pilit na hindi indain ang sakit sa kanyang paa para hindi mahalata ng mga tao din sa venue.

****

Sa kalagitnaan ng pictorial nila ay pinapahinga muna ang mga contestant para sa swimwear pictorial nito. Pakimbot na naglalakad si Margarette papunta sa upuan niya ng biglang hilain ni Nathalie ang upuan kung kaya ay dumeretso sa sahig ang pagkaupo ni Margarette. Biglang sumigaw si Margarette dala din sa kahihiyan. Kasi nakita ng kapwa contestant niya ang pagbagsak niya, maliban kay Jeanlie na nasa comfort room.

"Oops careful dear, masakit ba? buti nga sayo"

sabay sabi ni Nathalie na nasa tabi ni Margarette na kunwari ay nagbabasa ng newpaper.

"What the hell! ikaw ba may gawa nito? " pasigaw na saad ni Margarette.

"Hoi nagbabasa ako dito, wag mo nga akong idamay sa katangahan mo, kasalanan ko bang sahig pala ang gusto mong upuan? " nakangising tugon ni Nathalie sa kanya ng may pang iinis sa mukha. Nagtawanan ang mga kapwa contestant kong kaya ay sumigaw at umalis nalang si Margarette .At sabay nag appear si Nathalie at Felice na nandon din sa pangyayari.

****

Natapos na ang kanilang pictorial kung kaya ay binigyan sila ng time na e enjoy ang lugar.

Nakita ni Nathalie na panay selfie si Margarette sa gilid ng pool kung kaya ay mabilis niyang tinungo ito. Hindi siya napansin ni Margarette na nasa likuran na pala siya nito kasi nga busy sa pagseselfie ang bruhang si Margarette. Kunwari ay mabilis na dumaan si Nathalie sa likuran nito at pasekretong siniko si Margarette na dahilan sa pagkahulog nito sa pool. Sumigaw ito at nakitang siya ang may dahilan sa pagkahulog nito.

"Shits what's your problem bitch! nabasa na ang i phone ko mababayaran mo ba to? well di mo naman afford " pasigaw na salita ni Margarette kahit nasa pool na nga nakalutang ay di parin nawawala ang kayabangan nito.

"Ikaw anong problema mo? bakit mo pinagtripan ang kaibigan ko na si Jeanlie, inaano ka ba niya?Huwag na huwag munang uulitin yun kundi baka sa ilalim na ng lupa na kita ihuhulog bruha. "saad ni Nathalie habang nakaupo sa gilid ng pool paharap kay Margarette na nakatampisaw na sa pool.

Natigilan lang sila ng may pumunta na organizer na tinanung kung ano ang nangyari.Dahil narinig nito ang sigaw ni Margarette. Tumayo nalang si Nathalie at sinabi sa papalapit na organizer "Wala sir, gusto lang daw niyang maligo para naman makuhanan ang maitim niyang budhi. "

At tuluyan ng nagtungo si Nathalie sa kaibigan na para bang walang nangyari at naiwan na lang si Margarette at ang organizer sa pool na nag-uusap.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C7
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk