"Mommy!" Habang nagdidilig ng halaman ay narinig ko ang pagtawag ng anak ko saakin.
Patakbong lumapit ito saakin kaya hininto ko muna ang ginagawa ko at sinalubong siya ng yakap.
"Mom--my!" Sinubsob niya ang sarili niya sa leeg ko at laking gulat nang marinig ko ang paghikbi nito.
"Mom--my! They buwwied me. Isusumbong ko sila kay dada!" I snorted. Gusto kong tumawa sa kakyutan ng anak ko dahil sa hindi kayang pagbanggit ng L.
Agad na humiwalay ako sa yakap at hinawakan ang matatabang pisngi niya. I know what's wrong again. They bullied him again.
My poor baby boy. Na-aawa akong makita siyang ganito. Naiinis ako sa sarili ko.
Hindi ko man lang siya maipagtanggol. Wala man lang akong magawa para sakanya.
"Baby, Mommy's here okay? It's alright. Hindi ba sabi ni dada bibili tayo ng maraming toys pag hindi ikaw umiyak?" Tumango siya saakin at tuloy-tuloy parin ang pagdaloy ng luha niya. Agad ko naman hinalikan ang tungki ng ilong nito.
Pilit niyang pinunasan ang luha at pagkatapos ay ngumiti siya saakin.
"Mom-mmy.. they said na..da-daddy doesn't wav me kasi he-he weft me. It's that true m..ommy?" Tanong nito sa kalagitnaan ng paghikbi niya.
Hindi ko kayang makita ang anak ko ng ganito. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na patay na ang ama niya. Ayokong magsinungaling. Ayokong umabot sa puntong magagalit ang anak ko dahil sa kasinungalingan.
Kung sakaling tanungin niya man ako kung bakit iniwan siya ng ama niya, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung saan ako magsisimula.
Agad binuhat ko si diam habang hinahagod ang likod nito. Napagisipan ko nalang na panoorin ang paborito niyang cartoons na Tom and Jerry at baka sakaling makalimutan niya rin ang nangyari.
--
I felt a huge hands stroking my cheeks and the next thing I know ay naramdaman ko na ang paglapat ng labi niya saakin. I was immediately awake at nakita ko agad si jero.
"You're awake, love."
Si jero ang tinatawag na dada ni diam. Ang matagal-tagal ko na naring karelasyon. Nakita ko naman ang pagtanggap niya kay diam, at malaki ang pasasalamat ko doon.
Tatayo na sana ako pero agad din bumalik sa pwesto nang mapansing nakasubsob pala si diam sa dibdib ko. Agad kinuha ni Jero ang anak ko saakin.
"Hindi ko namalayan nakatulog pala kami. Anong oras na at Anong oras ka dumating?" Sunod-sunod kong tanong sakanya.
Tumayo na ako at agad niya namang hinawakan ang baywang ko para madikit sakanya.
"Kakarating ko lang at nakita ko kayo ni diam dito. Are you hungry? Ipagluluto kita." I felt him scent my hair before kissing the side of my head.
"No love. Kumain na kami ni diam habang nanonood ng cartoons na paborito niya. Ikaw kumain ka naba? Alam kong pagod kana. You should take your rest."
Tumango lang si jero sa akin.
Agad na umakyat kami sa kwarto ni diam at hinatid siya doon.
Humiwalay na kami ni diam kay mommy at daddy. Pumayag naman sila sa gusto ko basta wag lang daw silang kalimutan na bisitahin. Akala mo namn kung anong layo eh ang lapit lang naman ng nililipatan namin.
Daddy bought this house malapit lang din sa estasyo namin. Kaya kahit hindi man kami magkasama ay malapit parin kami sakanila.
Lumabas na kami sa kwarto ni diam at tumungo na sa kwarto namin ni jero.
Hindi pa ako nakapasok ay nabigla ako ng hinila ako ni jero. Nanlaki ang mata ko ng idinikit niya ako sa pader at agad hinalikan.
I want to reciprocate his kisses pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya.
Ilang beses niya ng ginawa ito pero ni kahit isa ay hindi ko tinugon iyon.
Alam kong naramdaman ni jero ang hindi ko paghalik pabalik sakanya kaya siya na mismo ang tumigil.
"You're tired again."
Walang bakas na emosyon na sabi niya.
"I--
Hindi ko pa natapos ang sasabihin ay inunahan niya na ako
"No love. It's alright. You're tired, I understand." Umalis siya sa harapan ko at dumiritso na sa banyo.
Nang nawala na siya sa paningin ko ay parang nanghihina ang tuhod ko.
Hindi ko alam kong bakit hindi ko kaya.
Hanggang sa nakahega ako ay bitbit ko parin ang konsensya ko.
Sana pinagbigyan ko nalang si jero. Alam kong nagtatampo na siya saakin dahil lagi ko siyang inaayawan.
Why I can't give myself a try and just return his kisses instead?
Bakit hindi ko kaya? Anong meron?
Yes, I do love him. Pero bakit? Bakit ganun?
Lalaki si jero at meron din siyang pangangailangan na hindi ko pa kayang ibigay sakanya.
Ang dami kong tanong sa sarili.
Ni kahit isa ay hindi ko man lang masagot kung bakit.