Unduh Aplikasi
58.41% My Air to breathe / Chapter 59: Chapter 58 Where are you?

Bab 59: Chapter 58 Where are you?

Jion's POV

"Sir, Please Calm down, ginagawa po namin ang lahat para mahanap ang Girlfriend nyo!" Pilit syang pinakakalma ng pulis na kaharap niya.

Nasa kalagitnaan siya ng meeting ng makatanggap sya ng tawag mula kay Juan Pablo at sinabi nitong may kumidnap kay Yra, dinukot ng mga ang nobya niya sa katanghaliang tapat! halos ay liparin ng sasakyan niya ang daan papuntang opisina ng mga ito at nadatnan niya doon ang halos hindi na makatayong bodyguard at basag basag na mukha ni Anjo.

"Kalma? Anung sinasabi mong kalma? paano ako kakalma kung ilang oras na mula ng dukutin nila ang girlfriend ko ay hindi ko pa rin alam kung nasan na sya!" hindi niya napigilan ang sariling bulyawan ang kaharap na pulis.

Kaagad siyang inawat ng kuya Juno niya "Jion, stop it. Mahahanap natin si Yra at gagawin natin ang lahat makita lang sya okey." habang tinatapik tapik nito ang balikat niya.

Napahawak na lang siya sa sintido niya. Sumasakit na ang ulo nya kakaisip kung saan dinala ng dumukot si Yra, Anong gagawin niya? san nya hahanapin si Yra? San sya magsisimula?

"Sir, binaybay na po namin lahat ng posibleng dinaanan ng mga kidnappers, pero bigla po silang nawala sa lahat ng kuha ng mga CCTV dito sa paligid at yung plate number po na nakuha namin ay hindi nakarehistro." report ng isa pang pulis sa mga kasamahan nito.

"Tsinek nyo ba lahat ng kanto? lahat ng sulok? baka may nalampasan kayo! please paki chek ulit!" pakiusap niya sa pulis.

"Bro, ako na ang bahalang makipagusap sa mga pulis! maupo ka muna sa tabi ni Heshi para makapag isip ka ng maayos." inalalayan siya ng kapatid na makaupo.

Magang maga na ang mga mata ni Heshi kaiiyak, sising sisi ito dahil hindi kaagad sila nakabalik sa opisina at hindi man lang niya naipagtanggol ang kaibigan. Niyakap niya si Heshi, damang dama niya ang takot nito para sa kaibigang nawawala.

Lingid sa kaalaman ng mga pulis ay kumikilos na si Minjy at si Vince dahil may hinala na sila kung sino ang kalaban pero ayaw muna nilang ipaalam sa mga pulis. Kailangan muna nilang kumilos ng lihim para mas mabilis nilang mahanap si Yra.

Mayat maya niyang sinusuntok ang palad. Hindi na sya mapakali pero kailangan niyang magpakatatag, kailangan niyang magisip ng tama para sa mailigtas na kaagad si Yra.

"Sa ngayun po ay wala pa tayung lead kung nasan ang girlfriend nyo Sir, pero Makakaasa po kayo na gagawin namin ang lahat para mahanap sya agad." sani ng pinaka lider ng mga pulis na nandoon.

"Sir pakibilisan nyo po ang paghahanap sa bestfriend ko please! baka kung ano ng ginawa nila sa kanya." humagulhol uli ng iyak si Heshi kaya hindi napigil ni Jion ang pagpatak ng kanyang luha, kaagad niya iyong pinunasan.

kinagabihan ay sa bahay na sila ni Jion nagtipon tipon, doon sila maghihintay ng balita sa mga pulis kung ano na ang nangyayari sa paghahanap nila kay Yra.

Sa bawat pagpatak ng oras ay lalong tumitindi ang takot na nararamdaman niya para sa nobya, inaamin niya sa sarili niyang ngayun lang sya nakaramdam ng ganito katinding takot. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha, ano na Jion magisip ka! mayat maya niyang sinasabi sa sarili habang panay ang tingin niya sa pinto, nagbabakasakaling biglang pumasok doon si Yra.

Sa ngayon wala pa syang magawa, kailangan pa niyang hintayin ang pagdating nina Minjy at Vince dahil ang dalawang ito lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan niya.

"Sir," dali dali nagsilapit ang mga pulis sa tumutunog na cellphone ni Jion. "Sino po yan Sir?"

"Number lang," sagot niya pero bago niya sagutin ay pinindot muna niya ang recorded sa cellphone niya at nagsitahimik naman ang lahat ng naroroon "Hello?"

"Mmm, mmm!" ungol sa kabilang linya.

"Hello, hello? Yra, Yra?" Hindi sya magkamayaw sa pagsasalita, si Yra ba yung nasa kabilang linya ng telepono? "Hello Yra!" halos ay pasigaw na tawag niya sa kausap.

"You hear her right?" ani ng malaking boses mula sa kabilang linya.

"Who are you? what did you do to her?" halos ay madurog ang cellphone niya sa higpit ng pagkakahawak niya doon.

"Sa ngayun, ligtas pa sya!" sabi nito, "Hindi ko lang alam bukas kung buhay pa rin sya!"

"Sino ka? anong kailangan mo? magsalita ka?" bulyaw niya rito.

"Easy man! wala pa akong ginagawa sa kanya! pero pag hindi mo ako binigyan ng 100 milyong cash bukas ng gabi baka may magawa ako sa maganda mong girlfriend!"

"Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo basta wag mo lang syang sasaktan!" napatingin nalang sya sa kuya Juno niya, tinanguan lang sya nito bilang pagsangayon sa sinabi niya.

"Maghintay ka ipapadala ko sayo kung saan ang lugar, at paalala lang walang magagawa yang mga pulis na kasama mo ngayon."

"Hello, hello?" pero wala ng sumasagot sa kabilang linya.

"Ngayun po sir, sigurado na tayong kidnap for ransom ang dahilan ng pagkawala ng girlfriend ninyo, maski paano ay may pagsisimulan na tayo." Wika ng lider ng mga pulis na andoon.

"Ibibigay ko sa kanila ang gusto nila, kahit magkano pa yon!" buo ang loob na sagot niya sa pulis.

"Bro!" sinalubong niya ng yakap ang matatalik na kaibigan, dumating na sina Vince at Minjy kaya mas nadagdagan ang lakas ng loob niya.

Lumayo sila ng kaunti sa mga pulis para makapagusap ng solo lang, muli siyang niyakap nito at saka bumulong "Confirm, si Mr. Amorillo nga ang nasa likod nito at alam na namin kung nasaan si Yra." pasimpleng sabi ni Minjy sa kanya. "Sa ngayun may mga tao na akong papunta sa resthouse nila sa Quezon, Maghihintay nalang tayo ng pagkakataon para makaalis ng hindi naghihinala ang mga pulis kung saan tayo pupunta." hinaplos haplos pa nito ang likod niya para di sila mahalata ng mga pulis.

"Don't worry bro, we already have plans." si Vince naman ang umakbay sa kanya, "Sisiguraduhin nating maliligtas mo si Yra at makakaganti ka sa Mr. Amorillo na yan.

Maski pano ay nakahinga ng maluwag si Jion, ngayun ay alam na niya kung pano sya kikilos mas magiging madali na ang lahat. Sana lang ay wag masaktan si Yra, dahil pag nangyari yun sisiguraduhin niyang magkakasunugan ng kaluluwa!


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C59
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk