"Naku balae, kung kaya pa ng tuhod ko ay aakyatin ko din iyong hagdan paitaas. Kaya lamang ay medyo marupok na ang tuhod ko!" ani tatay ni Jion iyon na si Mr. Lorenzo Guia, nakaupo ang mga ito sa sala habang nagkukuwentuhan. "alam mo naman ang mga tumatanda!"
"Naku ay para naman hong napakabata pa ninyo!" ang ama naman ni Yra iyon. "pero sabagay ako man ay nahirapan ng husto bago makarating sa ituktok ng hagdan kanina."
"Dad, Mom!" tawag ni Jion sa mga magulang nito, Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya sa parte ng mga iyon. "I want you to meet Ms. Yra Brijino, their daughter. Yra meet my mother Odette and father Lorenzo."
"Nice to meet you po Sir, Maam." Bahagya siyang nagbow bago iniabot ang kanyang kamay sa ina ni Jion. Nang abutin iyon ng ginang ay bigla siya hinila nito at niyakap. Nabigla man ay hindi na siya nagpahalata at gumanti na rin ng yakap dito. Hiyang hiya siya dahil amoy pawis ang kanyang katawan.
"We are so please to meet you Hija!" ng bitawan siya ng ginang ay tatay naman nito ang nakipagkamay sa kanya.
"Pasensya napo kayo medyo nalate kami ng dating." Ani Heshi, ito naman ang humalik sa pisngi ng ginang.
"Oh, Heshi dear! How are you?" ani Mrs. Odette dito.
"I'm good tita, medyo busy lang po sa bago naming project kaya hindi ako nakapagpaalam sa inyo bago kayo umalis ni tito last time."
"Napakasipag mo talagang bata ka. Hinay hinay sa trabaho Hija, so sobrang pagkabusy ninyo ni Juno ay nawalan na kayo ng oras sa pagpapakasal. Naiinip na kami sa paghihintay kung kailan niyo kami bibigyan ng apo." Saad naman ni Mr. Lorenzo dito.
Nagkatawanan ang apat na matatanda, "Hon, okey lang kung.hindi pa naiisip nina Juno at Heshi ang magkasal, andito naman si Jion eh! Baka naman gusto na nilang mauna ni Yra wala namang problema doon!" saad naman ni Mrs. Odette. "sabihin niyo lang agad at ng makapagprepare na kami."
"I'm still waiting for her answer mom, if she said yes then you better prepare yourselves." His bunny smile appeared on his face.
"Why? Are you hesitating about my son Yra." Nag-alalang tanong ng ginang sa kanya.
"Well I kinda understand Her, married life is not easy. So you have to think about that carefully." Mapangunawa namang tugon ni Mr. Lorenzo.
Tiningnan siya mabuti ng kanyang ina, bagaman hindi ito nagsasalita ay hindi maitatago sa mukha nito ang pagaalala sa usaping iyon. Gayundin ang kanyang ama, tanging ang magasawang Guia lamang ang naaaliw sa topic na iyon.
Mukhang nakahalata naman si Jion kaya inaya na nitong magtanhalian ang mga kasamahan nila. Pagkatapos kumain ay namahinga lang ng kaunting oras at mayamaya pay nagpaalam na ang mga magulang ni Yra, ipinahatid naman ang mga iyon ni Jion sa kanyang driver. Nagpaiwan sila ni Heshi at nangakong uuwi rin sa kanilang bahay kinagabihan.
"Gusto mo bang pasyalan itong buong lugar? Meron na akong mini zoo malapit dito." Anyaya sa kanya ni Jion. "Heshi wanna Join us?"
"No! kayu nalang, napagod ako sa pagakyat dito and youre brother will be here any minute, hihintayin ko nalang sya." Hindi man lang nito ibinaba ang binabasang libro ni Chinkee Tan, Sineseryoso talaga ng kaibigan niya ang usaping pera.
"Lets go." Inalalayan siya nito palabas ng bahay. "medyo malayo layo rin dito yun Zoo, konti palang ang mga ibon at hayop, hindi ko pa kase napapagtuunan ito ng pansin dahil sa iba kong negosyo.
Medyo malayo nga sa bahay nito ang naturang zoo, 400meters pa ang kanilang nilakad, pagdating doon marami na siyang nakitang hayop. Mga baboy ramo, Ostrich kung ano ano pa. sarinsari ding uri ng ibon ang naroon. Mayroon ding tatlong bahay sa paligid niyon, mga residente daw doon na kinuha ni Jion para mangalaga ng kapaligiran.
"Bakit naisip mong magtayo ng ganitong klase ng lugar?" tanong niya kay Jion habang naglalakad lakad sila sa paligid ng animal. fence na kinalalagyan ng mga baboy ramo. "napakalayo naman nito sa gaming development at architechtural design."
"For peace of mind!" iniunat nito ang isang kamay sa ere, na para bang gustong abutin ang bunga ng punong mangga sa kinalalagyan nila. "I may not look like it, but I love nature. It simply gives me energy, everytime I came here all of my stress and worries from work, my overthinking will fade away." She looks at him, the sincerity in his words are all shown in his very handsome face. He looks so fresh in his plain white shirt and rip jeans. She can't stop staring in his thigh muscle, Malaki ang sira ng pantalon nito, mula tuhod ay umabot sa kalaghatian ng hita nito dahil nasabit iyon kanina sa bakod ng pilitin nitong abutin ang isang pirasong sinigwelas na nakabitin sa punong malapit sa kanila.
"Wanna see the entire part of it?" Huh! Hindi namalayan ni Yra na medyo matagal na pala siyang nakatitig sa parteng iyon ng katawan nito. "are you interested?"
Napalunok siya ng laway. Lintek! Baka makahalata itong naglalaway na sya! Nginisian niya ito "Im just thinking, bagay pala sa ang ganyang outfit! Nagmukha kang bata ng sampong taon."
"talaga ba!?" inilapit nito ang mukha sa kanya, "sa pagkakatanda ko eh sa mukha nakikita ang edad, hindi sa hita!" Shit! Hindi madaling utuin ang isang ah!
"Well in my case, sa balat ako tumitingin hindi sa mukha!" nilabanan niya ang titig nito.
"Kung sa balat ka tumitingin eh mas maganda siguro kung nakahubad mo akong titingnan, baka mag mukha nalang akong eigthteen years old sa paningin mo pag ganon." Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya.
Napaurong siya ng bahagya kaya hindi niya napansin ang nakausling bato sa likuran ng kanyang paa, nawalan siya ng
balanse. Napapikit nalang siya at hinintay ang pagbagsak sa putikan ng kanyang katawan. Pagmulat niya ng mata ay sinalubong siya ng maputing bagay sa kanyang harapan. Si Jion iyon, pilit nitong pinigilan ang pagbagsak niya sa putikan kay dalawa silang bumagsak doon, gusto sana niyang namnamin ang pagkakadikit ng kanilang katawan subalit hindi naman niya kayang tiisin ang amoy ng kanilang kinalalagyan.