Unduh Aplikasi
37.83% Falling for my Gay Housemate! / Chapter 14: Diego’s secret

Bab 14: Diego’s secret

KATATAPOS maligo ni Michie. Kauuwi lang niya galing sa bahay ng magulang. Kahapon, sumabay na siya sa kapatid pauwi pagkatapos nito i-abot sa kanya ang notarized contract nila ni Jamie.

Speaking of her housemate, naguguluhan talaga siya sa ikinikilos ng paminta. Biglaan ang paglalantad at nung nagpaalam sila ni Mike na aalis na, lumabas ito na hindi na shaving cream ang nasa mukha. Sa palagay niya ay lotion na ginawang mudpack din.

Sobrang weird ng mga inilalagay. Sabagay, may iba nga na putik, kape, oatmeal, o kaya ay suso ang inilalagay sa mukha eh. Napatingin siya sa shaving cream ni Jamie at may naisip siyang gawin.

Pagkalabas ng banyo ay sinalubong siya nang mabangong amoy ng niluluto ni Jamie. Pagdating niya kanina ay kararating lang din ng lalaki mula sa supermarket.

"Ang bango naman niyang niluluto mo. Ano ba ang putahe natin ngayon?" bati ni Michie bago nilapitan si Jamie.

Nawala ang ngiti sa mukha ng paminta nang bumaling sa kanya. "A-ano `yang nasa mukha mo?" gilalas nitong tanong.

Ngumisi siya. "Humingi muna ako sa bote mo, shaving cream," aniya sabay kindat. Muntik na siyang mapasigaw nang hawakan ni Jamie ang kanyang braso at hinila siya papunta sa lababo.

"Teka! Ano ba?" protesta niya.

"Hugasan natin ang mukha mo. Hindi ka dapat naglalagay ng shaving cream sa mukha," matigas na sabi ni Jamie.

Walang nagawa si Michie nang tanggalin nito ang shaving cream sa kanyang mukha. Magtatanong sana siya at mag-po-protesta pero napakabilis ng kilos ni Jamie. Sa isang iglap ay natagpuan niya ang sarili na tinutuyo ang mukha gamit ang kanyang tuwalya.

"Ano ka ba? Ayaw mo na naglalagay ako ng shaving cream sa mukha, pero kahapon ay kung anu-ano pa ang nakalagay sa mukha mo. `Di ba sabi mo nakakalambot ng balat ang shaving cream?" tanong niya.

Iba-ibang emosyon ang nagpalit-palit sa mukha ni Jamie. Makikita roon ang inis, aliw, natatawa, at naiirita. Ano ba `to? Parang sabog sa kung ano mang gamot.

Baka naman may iniinom na hormonal pill para maging babae? Gusto niyang manggilalas sa naisip. Sayang naman talaga si Jamie kahit mukhang nakapag-desisyon na ito kahapon. Nang gumalaw ang adam's apple ng lalaki ay saka lang niya napansin ang posisyon nilang dalawa.

Naka-alalay ang isang kamay ni Jamie sa likod niya, habang ang isa ay nakahawak sa tuwalya na tanging nakapagitan sa kanilang dalawa.

Nag init ang kanyang mga pisngi. Hindi niya alam kung itutulak niya ang paminta na baka naman ika-offend nito, o hintayin itong lumayo sa kanya.

Pero OMG, kung siya lang ang tatanungin, hindi na siya lalayo pa. Gusto niya ang init na dulot ng pagkakalapit nilang dalawa, ang inaalok ng katawan nitong matibay na sandigan, at ang titig nito na tila ay siya lamang ang nakikita.

At ang nalilito niyang puso, nagwawala sa bilis ng pagtibok dahil unti-unting bumababa ang mukha ni Jamie sa kanya. Hahalikan ba siya nito? Dapat ba siyang umiwas?

Pero bakit ba siya iiwas? Eh gusto nga niyang malaman kung paano halikan ni Jamie Santos.

Unti-unting bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata at ang kanyang mga labi ay naghihintay sa pagdampi ng mga labi nito.

"Sino `yang kasama mo? Sino `yang kasama mo? Sino `yang kasama mo?"

Muntik na napalundag si Michie sa narinig at kusa na silang bumitaw sa isa't isa.

"Ano `yon?" gilalas niyang tanong. Boses ng batang babae ang nagtatanong na tila ba ay nananakot kaysa nagtatanong.

"Sorry, bagong message tone. Ipinasa nung isa kong pilyong kaibigan. Mula daw `yan sa isang movie na ang title ay Pagpag. Horror film daw," paliwanag ni Jamie.

"Kaya pala," aniya. Alumpihit siya bago nagpaalam sa lalaki na pupunta muna siya sa kanyang silid. Pagpasok ng kuwarto ay saka lang siya nakahinga ng maluwag.

Ano ba ang nangyari kanina? Kung hindi dahil sa plywood na ringtone, nahalikan na siya ni Jamie. `Di ba nagladlad na ang paminta nung dumating ang kuya niya? Bakit umaastang lalaki na naman ito? Ay naku! Nakakalito talaga.

****

NAGISING si Diego sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. The room has the look and feel of Mediterranean design. And his head is throbbing like hell.

Oh, right, ilang bote nga pala ng alak ang naitumba niya kagabi. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang ginawa niya, occasional drinker lang naman siya.

Nasapo ni Diego ang noo. Kasama niya si Anneliese kagabi. Dalawang buwan na siyang nakatira sa Finland nang nakilala niya itong magandang babae sa isang convenient store. They flirted there until she asked him out.

Fifth date na nila kagabi, at kahit nag-e-enjoy siya sa company ni Anneliese, hindi niya maramdaman na magkakaroon sila ng long term relationship, dahil alam naman niyang hindi siya magtatagal sa lugar na iyon.

It was a nice place, but he can't see himself staying there for good. Kaya nagpasya siyang sabihin sa dalaga na iyon na ang huli nilang paglabas. Puwede naman sila maging magkaibigan na lang.

Akala niya ay maluwag sa loob na tinanggap iyon ng dalaga. Then she started drinking, at hindi niya ito matanggihan kaya napainom din siya.

Speaking of Anneliese…. Napasinghap si Diego nang may yumakap sa kanya. At namilog ang kanyang mga mata nang makita ang babae na nakalingkis sa kanya. Kinapa niya ang sarili.

OMG! He's naked! Expletives were bursting inside his head. Paano nangyari ito? At sa pagkakadikit sa kanya ng dalaga, alam niyang hubad din ito. Shit!

Wala siyang maalala kung may nangyari nga sa kanila. Sa panahon na nag-de-date sila, hindi niya ginagalaw ang babae, ngayon pa kaya?

Biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang isang may edad na lalaki, na bukod sa nanlalaki ay nanlilisik ang mga mata. Balbasarado ito at matangkad na malaki ang katawan. He looked like a Viking.

At hindi lang ang nakakatakot na mama ang pumasok sa silid, pati mga alipores nito na apat na lalaki na hindi nahuhuli ang hitsura sa nauna. Nanang ko po!!!

Napa diretso nang upo si Diego kaya bumagsak sa tabi niya si Anneliese. Subalit agad niyang naisip na nakahubad sila kaya hindi niya hinayaang malaglag ang kumot na nakabalot sa kanila. Inayos pa niya ang kumot sa pagkakatakip sa babae.

"What's the meaning of this? And who are you? Why are you with my daughter?" dumadagundong na tanong sa kanya ng nakakatakot na mama.

Habang nag aapuhap ng isasagot, bukod pa sa pag-iinda ng kumikirot na ulo na mas lalo pang sumasakit ngayon, at paghahanap kung saan napunta ang kanyang mga damit ay biglang bumangon si Anneliese.

Pumupungay pa ang mga mata ng dalaga na nakatingin sa kanya bukod pa sa mapanuksong ngiting nakasilay sa mga labi. Hindi ba nito napapansin na nandoon ang ama nito?

Ang dami niyang gustong itanong sa babae pero dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari at labis na pagkabigla ay hindi siya makapagsalita. Ang tindi naman ng kanyang hang-over. At napamaang si Diego nang magsalita ito.

"Can't you see, daddy? Diego and I are in-love. And he's going to marry me. We've been dating, and I know he's the one for me."

Kulang ang sabihin na nawindang siya sa narinig. May warning signal sa kanyang utak na isa lang ang isinisigaw, pinipikot siya ni Anneliese! Hindi makapaniwalang tinignan ni Diego ang babae.

Sa wakas, nakapagsalita din si Diego. "What the hell?! What are you doing? I'm not marrying you! This is a setup, and you can't do this to me!" halos histerical na sabi niya.

At bago pa siya makakurap ay may dumapo na kamao sa kanyang mukha.

****

Napabalikwas sa kama si Diego. Agad niyang kinapa ang sarili at nakitang naka boxer shorts siya. Tinignan niya ang kapaligiran bago nakahinga ng maluwang.

Nasa unit siya ni Michie at panaginip lang ang lahat. Pero kahit ganoon, pawis na pawis siya at naghahabol ng hininga.

Tumayo siya bago isinuot ang bathrobe na isinabit niya sa silya. Mula noong dumalaw si Mike, minabuti niyang lagi na lang gamitin ang kanyang bathrobe, for emergency purposes. Lumabas siya ng silid at dumiretso sa banyo.

Naghilamos siya ng mukha. Binasa niya ang kanyang face towel bago pinunasan ang katawan.

Nang mapatingin siya sa salamin ay binundol ng kaba ang dibdib niya. Tuwing napapanaginipan niya ang nangyari sa kanila noon ni Anneliese, hindi nagtatagal ay natutunton ni Einar, ang ama ni Anneliese, ang kanyang pinagtataguan.

Mabuti na lang, bago pa siya mahuli ay sinusunod niya ang kanyang instinct at lumilipat na siya ng bansa.

Ang ibig bang sabihin ay kailangan na naman niya lumipat ng lugar? Napailing si Diego. Hindi. Ayaw na niyang magtago. At ayaw niyang umalis. Hindi niya kayang iwan si Michie. Not now, not ever.

Kinapa ni Diego ang dibdib. Si Michelle. Mukhang hulog na hulog na ang damdamin niya para sa babae. Bakit hinayaan niya ang sarili na maipit sa sitwasyon na ito? Paano niya masasabi sa dalaga ang kanyang tunay na damdamin kung ang alam nito ay bakla siya?

Noong muntik na niya itong mahalikan, sinikap niyang iwasan ang mga pagkakataon na matutukso siyang muling subukan na halikan si Michie. Hindi rin naman nagtanong ang dalaga, at pabor iyon sa kanya.

Kung sakali man na nagtanong ito, puwede naman niyang idahilan na hihipan sana niya ang naiwang shaving cream na dumikit sa kilay nito kahit wala naman talaga.

Patong-patong na ang kasinungalingan niya, wala naman kaso kung magdagdag pa siya ng kaunti pa. But he knew deep inside, and all the lies were eating him up and burning him to the ground.

Napakislot si Diego nang mag ring ang kanyang cellphone, at least ay normal ang ringtone. Napangisi siya. Pero kumunot ang noo niya nang makita kung sino ang tumatawag. Si Ivan.

Kaibigan niya ito na half-Filipino at half-British. Nakilala niya si Ivan sa isa sa mga bansang pinuntahan niya. Nagtatrabaho ito sa isang international intelligence agency.

Nang mabangga ang sasakyan nito sa isang car chase ay nagmalasakit siyang dalhin ito sa ospital. Mula noon ay naging magkaibigan sila. At ito rin ang tumutulong sa kanya para maiwasan si Einar. Tuwing tumatawag ang kaibigan niyang ito, isa lang ang sasabihin nito.

"Ivan! What's up?" At hindi na siya nagulat sa isinagot nito.

"Einar is closing on you. Get out of there as soon as possible. I told you to avoid places with CCTV. They can hack that system."

"I can't. I won't leave this time," walang pag-aalinlangan na sabi ni Diego habang naiisip si Michie.

"Then you know you're getting married in no time," mabigat na sabi ni Ivan.

Napangisi si Diego nang may umilaw na bumbilya sa kanyang utak. "Yes, I know."

At pagkatapos nilang mag usap tungkol sa iba pang mga bagay, noon lang siya nakahinga na maluwang sa loob.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
Purple_Quill Purple_Quill

Okay! It's another Friday. Have a safe and healthy weekend, everyone. ^^

Maraming salamat po sa pagbabasa.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C14
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk