NASIYAHAN si Diego Capalan na tama nga ang kutob niyang sa maayos na condominium ang kinalalagyan ng unit ni Michelle Dimapalad o Michie.
Very accessible iyon sa lahat ng lugar mula sa market, eskuwelahan, mall at pati na rin sa ospital at simbahan. Pero nakalihis iyon sa main road kaya kahit paano ay may pakiramdam pa din na residential ang area.
Nasa loob ng isang subdivision ang gusali, pero condominium ang nakabungad bago pa ang mga bahay-bahay.
May tatlong gusali ang condominium na may swimming pool sa pinakagitna. Limang palapag lang ang taas ng bawat gusali, hindi high-rise na gaya ng makikita sa Makati at Ortigas area.
Kaunti lang ang gamit niya, dalawang malaking maleta kaya madali ang kanyang paglilipat.
Iyong isa, puro equipments niya sa work ang laman kagaya ng laptop, printer, scanner, at iba pa. Ang pangalawa, mga damit at personal na mga gamit.
Kailangan talaga ay kaunti lang ang mga gamit niya. Kung hindi, mahihirapan siya magpalipat-lipat ng lugar kapag kailangan na umalis.
Bibili na lang siya ng iba pang mga kakailanganing gamit kapag naka settle na siya. Kung tutuusin ay may basic furnishings na ang kuwarto kagaya ng kama, side table, lamesa at silya. That's all he needed anyway.
Dalawang set ng beddings, kurtina, table lamp, hangers, at maliit na salamin ang mga inilista niyang bibilhin. Kung dito siya sa Pilipinas magpapalipat-lipat, idadagdag na niya ang mga bibilhin sa kanyang mga gamit. Iiwan na lamang niya kapag sa ibang bansa na siya pupunta.
Ang plantsa at washing machine ay puwede siya makigamit kay Michelle, huwag lang niya masisira kung hindi ay papalitan pa niya.
Nakita niya kanina na kompleto naman ito sa mga gamit sa kusina. Plato, platito, baso, mug, at kubyertos na lang ang idadagdag niya kung maselan ito sa mga gamit na iyon at walang ipapagamit sa kanya.
He was thankful that Michelle chose him to be her housemate. After the interview, he thought he'd better be looking at other ads.
Kaya nga nag-effort siya sa pagkumbinsi sa dalaga para siya ang piliin. Pero totoo naman ang lahat ng sinabi niya, wala itong po-problemahin na hihiram siya sa mga personal nitong mga gamit. At wala siyang balak na totohanin ang pagiging beki.
Saka sisiguraduhin niyang magiging maayos ang kanilang pagsasama. Low-key lang siya dapat.
Noong una ay akala niya lalaki ang naghahanap ng housemate dahil may vikings sa email address nito. Mga mananalakay na kalalakihan ng Scandinavia ang Vikings, pero sa history ng bansang iyon ay seafarer lang sila at traders.
Kaya hindi niya akalain na babae pala ang gumamit niyon sa email. Siguro ay talagang nag-iingat si Michelle sa totoong identity nito dahil marami na rin manloloko sa panahon ngayon.
At nang mag inquire siya, sa reply email ay may pictures ng unit na minimalist ang design, at cool shades ang mga kulay ng sofa at mga kurtina. Kaya akala talaga niya ay lalaki ang nakatira doon.
So he was more than surprised to see a gorgeous lady wearing a sky blue jacket inside that cafe. She immediately smote him. Napaka feminine pa nito sa pagkilos at mahinahon din magsalita. Siguro ay napapakalma nito ang mga kliyente sa call center.
Petite at average height ng Pilipina ang built at taas ni Michelle, pero may dibdib ito at umbok sa pang-upo na na-emphasize dahil sa maliit na beywang. Medyo maputi ang babae pero tama lang, hindi iyong kulay ng nagpaputi.
Maamo ang maliit at cute na mukha nito na may heart shape na hugis. Mabilog ang mga mata na binubungan ng makapal na kilay at pilik.
Medyo matangos ang maliit nitong ilong na bumagay sa mataas nitong cheekbone. Bumagay ang full lips nito na mukhang tutulis kapag nagtatampo o inaasar. Michelle is not his usual model-like type, pero trip niya ang ganda nito.
Naisip ni Diego, napakasuwerte naman niya kasi napakaganda ng magiging housemate niya… hanggang sa napilitan siyang magpanggap na paminta. Ayon kay Michie, iyon ang tawag sa mga lalaking ayaw magpahalatang bakla.
Tingin naman ni Diego ay walang masama roon dahil si Michie lang naman ang pinakiusapan niyang itago ang sikretong iyon. He can't believe he's pretending to be gay when he's not. Pero malamang mas mahirap magpanggap na straight kung totoong bakla ka.
Pansamantala lang naman iyon, kapag nakabawi na siya financially ay maghahanap din siya ng sariling apartment kaya tiis-tiis lang sa pagpapanggap.
Hindi rin naman kasi siya puwede sa mga liblib na probinsya ng Pilipinas, malilintikan ang trabaho niya kapag wala o mabagal ang internet. Paano na ang kabuhayan niya?
Hindi naman niya kailangan magpalambot sa kilos at pagsasalita, lalo na at may paminta naman pala. Hanggang naniniwala si Michie na ganoon nga siya, walang problema.
He was thankful when Michelle contacted him the following day. Gamit ang mga equipments niya, he was able to produce fake police and NBI clearance.
Madali lang naman. Gamit ang original niyang clearances several years ago, pinalitan niya ang pangalan at ginawang mas recent ang picture. Salamat na lang sa makabagong software program na meron siya.
Nakapagpagawa na siya ng mga pekeng dokumento dahil sa pagtatago niya. Noon pa niya naisip bumili ng papel na kakailanganin niya sa mga ganitong pagkakataon, para magmukhang authentic ang mga dokumentong kailangan niya.
Hindi naman manggagantso si Diego, natuto lang siya mameke ng mga dokumento nang kinailangan niyang magtago mula kay Einar. At sana, hindi na siya matunton pa nito sa Pilipinas.
Napakislot si Diego nang may kumatok sa pintuan. Tumindig siya mula sa pag aayos ng mga damit sa cabinet at saka ibinukas ang pinto.
"Yes?" tanong niya kay Michelle. Nakasuot na ito ng pambahay at nakasipit ang buhok. Sinalubong din siya ng amoy ng adobo. Gusto tuloy kumulo ng tiyan niya.
Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang tingin ng dalaga sa kanyang katawan. Shit! Nakalimutan niyang naghubad nga pala siya ng polo bago mag-ayos ng mga gamit dahil kabubukas pa lang ng aircon, at mainit pa kanina.
He gets that reaction from women very often, pero hindi niya alam kung bakit natuwa siya ng husto nang ang dalagang nasa tapat niya ang pinamulahan ng pisngi. Mukhang hindi ito sanay makakita ng half-naked na lalaki.
Gusto niya ang nakitang reaksyon nito na halatang naapektuhan. Kung hindi lang niya kailangan magpanggap na paminta, he would indulge her in staring at his body for as long as she likes.
Gusto niya ang nakitang init sa mga mata nito, it made his heart race a little bit. Is he making her feel hot? He likes that idea.
Pinigilan ni Diego ang mapangiti para hindi naman mapahiya ang dalaga. She looks so darn cute and pretty blushing like that. Gusto niyang manggigil. He had to admit that her reaction is turning him on.
Ay mali, paminta nga pala siya. Bawal makipag flirt sa kanyang housemate. Kaya muntik na siyang mapikot, dahil sa pakikipag-flirt. Dapat ay natuto na siya.
Dapat ay hindi rin siya maging attach sa dalaga, kasi ay wala naman siyang balak magtagal. Falling in love is not an option for him.
"Ahm, may kailangan ka?" untag niya kay Michie na nag-ba-blush pa rin. He stifled a smile.
"Ito ang duplicate card key mo. Huwag mong iwawala, ha. Iyong photocopies ng i.d. at clearances mo ay na-submit ko na sa condo administrator kaya i-re-register kang resident na dito. Ikaw na lang ang magpunta sa kanila para mag-apply ng internet connection.
"Pero iyong contract ng pag rent mo sa akin, sa ating dalawa lang iyon. Ipapa-notarize ko pa bago kita mabigyan ng kopya," paliwanag ni Michie sa kanya habang iniaabot ang susi.
Napaki-usapan din niya ang dalaga na kung maaari ay six months lang muna ang kontrata nila. Sinabi naman niya ang totoo na nag-iisip din siya na kumuha ng sariling apartment kapag nakabawi na siya sa mga gastusin. Saglit lang ito nag-isip at pumayag din agad.
Kinuha ni Diego ang card, at hindi nakaligtas sa pandama niya ang malambot na kamay ng dalaga. Napatingin siya sa mukha ni Michelle nang tila ay para itong napaso sa kanyang hawak, halatang nagulat ang dalaga.
Baka hindi ito komportable mahawakan ng bakla. He should be careful with her then. Pero mas gusto sana niya na ang reaction nito ay dahil naaapektuhan niya.
Tsk, dapat ay tigilan na niya ang kapilyuhan niya. Hindi na siya dapat naghahanap ng batong ipupukpok sa ulo niya. Saka na ang love life, kapag naayos na niya ang problema.
"Thank you. Iyong sa internet, kahit hindi na kasi may mobile wifi naman ako. Kung sakali lang na pumangit ang connection nitong wifi, saka na lang ako mag-a-apply ng internet connection," aniya.
Tumango-tango si Michelle. "Just for tonight, dahil alam kong nakaka stress din ang maglipat, nagluto ako ng hapunan. Puwede tayong mag share dahil marami naman iyon."
Lumawak ang ngiti ni Diego. This seeming princess-like lady can cook? Wow!
"Pero pagtiyagaan mo na lang nga kasi nag-aaral pa lang akong magluto, kaya madalas ay palpak," dugtong ng dalaga. At least pranka ito at hindi nagkukunwari, mga katangian na gusto niya sa isang tao.
"Okay lang, basta edible ay masarap na sa tiyang gutom," sabi ni Diego sa natutuwang tinig. At dapat ay hindi niya sinabi iyon…