Unduh Aplikasi
66.07% Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 37: When Jealousy Strikes

Bab 37: When Jealousy Strikes

"Sinong kausap ni Wonhi, kuya?" tanong ni Jei ng maabutan niya ang kanyang kuya sa kanilang sala.

"Si Khamila," kaswal na sagot ni Rain na hindi inalis ang mga mata sa binabasang magazine. "Anyway, tumawag si itay kanina. Tinatanong kung kelan ang bakasyon mo."

"Did you tell him?" sagot ni Jei. Pilit niyang kinakalma ang sarili mula sa selos na nararamdaman. Umiling ang kanyang kuya saka tumingala sa kanya at biglang natawa.

"Bakit po?" takang tanong ni Jei. Nagkibit balikat lang si Rain. Halos malukot ang mukha nito sa pagpipigil ng tawa kaya lalong nainis ang dalaga. "Kuya!"

"Sorry," natatawang saad ni Rain. "What are you doing?" Biglang tumigil si Jei saka narealize ang sinabi ng kanyang kuya.

Dahil yata sa pagngingitngit ng kanyang kalooban ay wala sa loob niyang inilabas ang compact foundation mula sa kanyang makeup pouch at nag-apply ng konting kolorete sa kanyang mukha. Pagkatapos maglipstick ay nagretouch siya ng eyeshadow at blush. Nasa kalagitnaan siya ng paglalagay ng mascara ng tumingala ang kanyang kuya at matawa sa ginagawa niya.

Inirapan niya ang nanunuksong tingin ni Rain bago huminga ng malalim. "Anong mali sa ginagawa ko?" tanong niya saka itinuloy ang naudlot na paglalagay ng mascara.

Lalong lumakas ang tawa ni Rain at dumekwatro pa siya saka ipinatong ang binabasang magazine sa kanyang kandungan. "Are you jealous? Masyado kang halata, sis," tukso nito sa kapatid.

"Nonsense! Why will I be?" dipensa ni Jei.

"Coz there's a sentence tattooed on your forehead that says: I am jealous!" tukso ni Rain. "So she still gets to your nerves, huh?"

"Hindi nga! Kainis ka naman kuya," asar na sagot ni Jei.

"Alright! If you say so. But I think your eye shadow is a bit too dark. Baka pagkamalan kang panda ni Wonhi mo," saad ni Rain.

"Che!" sigaw ni Jei sabay talikod at nagmartsa patungo sa kanyang kwarto.

Mula sa kanyang kwarto ay nauulinigan niya ang pinag-uusapan nina Khamila at Wonhi. Malapit na sa sukdulan ang inis ni Jei lalo pa't naririnig niyang nagtatawanan ang mga ito.

"Hi! How are you?" bungad ni Jei sa dalawa. Sa gulat ni Wonhi ay bigla siyang nasamid sa fruit juice na inihanda ni Khamila para sa kanya. "Hi, ate Khamila!" Tumango lang si Khamila sa kanya.

"Good. Are you going out?" maang na tanong ni Wonhi ng mapansing naka- mini denims shorts at puting polo si Jei at fully madeup pa ito. Tinignan siya ni Wonhi mula ulo hanggang paa. Napatitig ito na animo'y naghahanap ng matinding eksplanasyon mula sa nakangiting dalaga.

"Yup. I will go out with my workmate. Korain invited us to visit his shop today," kaswal na sagot ni Jei. Biglang nainis si Wonhi pagkarinig sa pangalan ni Korain ngunit hindi niya ito ipinahalata dahil naroon si Khamila.

"What time will you go out? And what time are you coming back?" pa- cool ngunit sunod- sunod na tanong ng binata.

"Hey, she's young and single. Let her have fun. Besides, Korain seems to be a perfect gentleman," saad ni Khamila. Sa kabila ng tawa ni Wonhi, halatang hindi siya sang-ayon sa paglabas niya. Lalo pa't may bahid ng sarcasm ang tawa nito.

Hindi na ito pinansin ni Jei kaya't matapos magpaalam sa kanyang kuya ay dumiretso siya sa cafe ni Korain. Nagulat ang binata ng makita siya dahil sa katunayan ay gawa- gawa lamang niya ang kunyaring paglabas. Naaalibadbaran lang siya sa presensiya si Khamila. Naguilty tuloy siyang ginamit ang binata.

"H-hi! What brings you here?" nahihiyang tanong ng binata.

"This is a cafe, Korain. What should I do here?" biro ni Jei na ikinatawa ni Korain.

"Sorry. What do you want to have?" saad ng binata.

"Uhm... milkshake and a slice of your fruitcake," order ng dalaga.

Maya- maya ay tumunog ang kanyang cellphone. Si Wonhi! Sasagutin sana niya ngunit bigla siyang inatake ng kagagahan. Pilyang ngumiti si Jei saka pinatay ang kanyang cellphone.

"Here's your order, ma'am!" nakangiting saad ni Korain habang inilalapag ang food tray na may lamang milkshake at fruitcake. "Just call me when you need anything."

Tumango siya saka masayang kumain. In fairness, masarap ang fruitcake. Inatake ulit siya ng guilt kaya nagdesisyon siyang anyayahan si Korain sa kanyang mesa. Hindi maipinta ang mukha nito sa sobrang gulat.

"Are you asking me?" nag-aalangang tanong nito. Nakuturo pa ito sa kanyang sarili at tumungin sa paligid upang siguruhing siya ang tinutukoy ng dalaga.

"Yep. You can also order what you want and charge it to me," natatawang sagot ni Jei.

"No need. Talking to you would be enough," saad nito na hindi maitago ang excitement sa luwang ng pagkakangiti.

"It would be weird if you'll just sit there and watch me eat," saad ni Jei. Tumango si Korain bago kumuha ng isang baso ng tubig dahilan para matawa si Jei. Kung gaano nag-eenjoy si Jei sa pagkain at pikikipag-usap kay Korain ay siya namang pagkainis ni Wonhi.

"Who are you calling?" takang tanong ni Khamila kay Wonhi. Umiling lang ito. "Gosh! Wonhi, I understand that you wanna protect your li'l sister but she's a grown woman. She's pretty and she deserves to have fun," sermon nito na lalong ikinainis ng binata.

"I am not calling Jei! I am calling someone. And you don't have to know about it. You're not my mom nor my lover," inis na sagot ni Wonhi. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Natameme si Khamila ngunit mabilis ding nagkabawi mula sa pagkagulat at daling nag-sorry.

"Anyway, don't you have any plans to go back to work? I'm sure a lot of agencies would be pleased to welcome you."

Tahimik lang si Wonhi saka bumuntong hininga. "When it comes to my career, talk to Rain. He handles all my transactions," maya- maya ay sagot ni Wonhi. "I appreciate you coming here but I am a little tired. Thanks," dagdag nito.

Nadismaya si Khamila sa lantarang pagtataboy nito sa kanya ngunit ngumiti na lamang siya saka tumayo. "Very well. It's nice to see you alive. I just hope that who ever did this will pay," masuyong saad nito.

Saktong nasa pintuan si Khamila ng bigla siya lumingon. "Geuronde omonimeun... odisso? (Siyanga pala, nasaan ang nanay mo?) Last time I heard, she was boasting about dining with you," biglang tanong ni Khamila na pumukaw sa interes ni Wonhi.

"Morago?! (Anong sabi mo?)" marahas na tanong ng binata. Nagtaka si Khamila sa biglang pag- iiba ng mood ni Wonhi. Lalo pa't nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Bigla siyang inatake ng takot kaya tinawag niya sai Rain.

"What happened?!" tanong ni Rain ng makita ang galit na mukha ni Wonhi.

"I don't know. I... I just asked him about his mom," kinakabahang saad ni Khamila.

"She told you... that, did she?" mariing tanong ni Wonhi. "What else did she tell you?!"

Pinaglipat-lipat ni Khamila ang tingin sa dalawang binata. "N-nothing else. Wh-what's going on? Why are you mad at me?" naiiyak sa takot na tanong nito.

"Follow me," saad ni Rain. Sumunod ito sa sala. Napapakislot ang dalaga sa bawat sigaw ni Wonhi.

"Did you hear it first hand? What else did she tell you?" tanong ni Rain. "Was that last Saturday?"

Tumango si Khamila. Nang mapagtanto ang nais ipahiwatig ni Rain ay bigla niyang natutop ang kanyang bibig.

"No!" mahinang saad nito. "Oh my god!"


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C37
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk