Unduh Aplikasi
7.14% (FILIPINO) Belle Feliz's Lollipop Boys / Chapter 5: Chapter Four

Bab 5: Chapter Four

NAPAPITLAG si Jillian nang walang ano-ano ay ibinagsak ni Tita Angie sa harap niya ang tatlong tabloids. Nasa opisina siya nito nang araw na iyon dahil ipinatawag siya nito.

Nagtatakang binuklat niya sa entertainment section ang isang tabloid. Matagal na siyang hindi nagbabasa ng mga tabloid. Madalas kasi ay naiinis lang siya kapag may mga mapanirang tsismis na lumalabas tungkol sa kanya o tungkol kay Enteng.

Ano nga ba ang relasyon ni Paul Vincent kay Jillian Belgica? Magkaibigan nga lang ba talaga sila? Iyon ang nakalagay na titulo ng isang artikulo. May kuha rin silang larawan doon ni Enteng habang pasakay sila sa kotse nito.

Nakalagay sa artikulo na nakabantay palagi si Enteng sa mga shooting niya. Kahit saan daw siya pumunta ay kasama niya ang lalaki. Binibigyang-kulay ng lahat ang mga pangyayari. Hindi raw gawain iyon ng isang kaibigan sa kapwa kaibigan.

"Hindi ko po ito kasalanan, Tita," aniya. "Siya po ang mapilit na magtungo araw-araw sa shooting namin."

Her manager sighed. "I know. Lagi ko na rin siyang pinagsasabihan na huwag kang puntahan pero matigas ang ulo niya. Sinasayang niya ang bakasyon niya."

Dalawang linggo na nilang ginagawa ang pelikula at dalawang linggo na ring palaging nasa set si Enteng. Sanay na sanay na nga ang mga kasama niya na naroon ito. It was like he was part of the movie already.

Kahit na palagi niyang sinasabihan ito na hindi siya nito kailangang bantayan, hindi pa rin niya mapigilang maging masaya. Nakikita niya ito araw-araw, nakakasama, at nakakausap. Palaging maraming pagkain sa set dahil dito. Alagang-alaga siya nito.

Hindi siya nagkamali sa pagtitiwala kay Direk Simon. Hindi nito hinahayaang maging pangit o mahalay ang mga kuha niya. Pinoprotektahan nito ang katawan niya. Her fellow actors were all veterans. Marami siyang natututuhan sa mga ito. Kahit ang mga ito ay tinutukso sila ni Enteng na baka nagbabago na ang relasyon nila. She just always smiled. Sawa na siyang sabihing kapatid lang ang turing niya sa binata.

Isang linggo nang maugong ang balita tungkol sa kanila ni Enteng. Hindi niya pinansin noong una. Ang akala niya ay kusang mamamatay iyon. Ngunit lumalala na ang lahat. Kaya nga kinakausap na siya ni Tita Angie.

"Mamamatay rin ho `tong mga tsismis," wika niya. "Don't stress yourself too much."

"Hindi lang naman `yan ang dahilan kung bakit kita ipinatawag dito. Bumababa ang ratings ng primetime show mo. I'm receiving endless e-mails and petitions from your fans. They are all convinced that this current movie you're doing is a bad idea. Nagagalit din sa `yo ang ilang fans nina Isabela at Paul. Lumalandi ka na raw. May impresyon sila na inaagaw mo si Paul."

Nalukot ang mukha niya. Isabela Lim was Paul Vincent's TV love team. Maraming fans ang mga ito. Umaapaw raw ang chemistry ng mga ito sa screen. Kapag magkatambal ang dalawa sa isang proyekto ay siguradong sure hit iyon.

She never liked Isabela Lim. Kahit ano ang pilit niya ay hindi niya magawang makipagplastikan sa babae. Mabigat na mabigat ang loob niya rito. Babae rin siya at alam niyang malaki ang pagkagusto nito kay Enteng. Kung makaasta rin ito minsan ay tila pag-aari na nito si Enteng. Sa mga interview ng dalawa ay palagi itong masyadong malambing. Enteng indulged her. Kailangan iyon para sa publicity. Nang tanungin niya ang kanyang kaibigan kung may relasyon ito kay Isabela, "We're not official," ang sagot nito.

Ikinatuwa niya iyon kahit pa may ibang kahulugan ang naging sagot nito. Maaaring may casual relationship ang dalawa.

"What do we do now?" tanong niya kay Tita Angie.

"Huwag muna kayong magpakita nang madalas na magkasama sa publiko," sagot nito.

"Pero si Enteng naman po ang mapilit lagi," pangangatwiran niya.

"Kakausapin ko rin siya. Kung ayaw niyang gamitin nang tama ang bakasyon niya ay bumalik na lang siya sa pagtatrabaho. Marami na ang kumukuha sa kanya."

"He deserves a long vacation. Halos isang taon din siyang walang pahinga."

"Hindi naman pahinga ang ginagawa niya. Binabantayan ka niya. Diyos ko, hindi ka na bata para bantayan. Kailan niya makikita iyon?" Bakas na bakas sa mukha nito ang frustration.

Pati siya ay na-frustrate na rin. "Iniisip ko rin kung kailan niya makikita na isa na akong ganap na babae," wala sa loob na naibulong niya.

"Akala ko ba wala na `yan?"

Natigilan siya.

Her manager's face softened. "I've been telling you this many times in the past. Get rid of it, Jilli. Accept the fact that Enteng isn't the one for you. He sees you as a sister, his best friend forever. You have always been out of his league. Kung magugustuhan ka niya, noon pa sana. Don't think I'm being a kontrabida, anak. Sinasabi ko lang ang mga nakikita ko. Marami ang nagtataka kung bakit hindi na kayo nagtambal uli. I've been receiving offers pero tinatanggihan ko. Bukod sa mas magaganda ang mga ibang offer, alam ko rin na lalong mahuhulog ang loob mo sa kanya kapag nagtambal kayo uli. Hindi mo mapaghihiwalay ang realidad sa hindi. Ang ending, masasaktan ka lang. Mawawasak pa ang maganda ninyong pagkakaibigan. Gusto mo ba iyon?"

Umiling siya. Si Tita Angie ang tanging tao na nakakaalam ng tunay na damdamin niya para kay Enteng. Mahusay itong bumasa ng tao at kahit magkaila siya ay mahuhuli rin siya nito.

Alam niyang totoo ang lahat ng mga sinabi nito. Ngunit kahit ano ang pilit niya, patuloy pa rin ang puso niya sa pag-asa. Patuloy pa rin siyang umaasam na sana ay dumating ang araw na magbago ang lahat sa kanila ni Enteng. Sana ay mahalin siya nito katulad ng pagmamahal niya rito. Even if it was already next to impossible, she couldn't help but hope for a happy ending for them.

"WHAT the hell is wrong with you, Paul?"

Hindi pinansin ni Enteng ang sinabi ni Isabela. Patuloy lamang siya sa pagtanaw sa labas mula sa malaking bintana niya habang naninigarilyo. Nagtungo ito sa condominium unit niya nang gabing iyon. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay sinunggaban na siya nito para sa isang napakainit na halik. Agad na tumugon siya. Isinara niya ang pinto at isinandal ito roon.

Bigla na lang niya itong nabitiwan nang may ibang mukha na sumagi sa isip niya: Jillian's sweet face. Naiimahe niyang ito ang hinahagkan niya. Inis na inis siya sa kanyang sarili. Paano niya nagagawa iyon sa kanyang kaibigan? He was such a pig.

Ilang araw na niyang natatagpuan ang kanyang sarili na iniimahe si Jillian na sinasayawan at hinahagkan siya. Kahit ano ang pilit na waksi niya roon ay hindi niya iyon mapigilan. Araw-araw, lalong sumisidhi ang kagustuhan niyang matikman ang mga labi nito.

Minsan, ayaw na niyang pumunta sa mga shooting nito dahil nadedemonyo lang siya. Ngunit hindi rin naman niya matiis na hindi ito makita. Pakiramdam niya ay nais niya itong makasama palagi. Nais niyang palagi itong nakikita. Hindi talaga niya alam kung ano ang nagbago at bigla na lang naiba ang tingin niya sa kanyang kaibigan.

Naramdaman niyang niyakap siya ni Isabela mula sa likuran. She kissed his nape while her hand travelled downward. Pumikit siya at pinilit na mag-concentrate. Sinikap niyang huwag gumuhit sa balintataw niya ang mukha ni Jillian.

He had been celibate for months. Naging sobrang abala kasi siya sa trabaho. Iyon ang dahilan na naisip niya kung bakit naapektuhan siya sa striptease dance ni Jillian. He tried bedding one of his playmates after the first shooting day. He thought the strange feeling would vanish if he took the heat off. But he was not able to perform. Napahiya lamang siya sa partner niya.

And now, Isabela was willing to take the heat out but again, he was not able to react appropriately. Lumayo siya rito bago pa siya lalong mapahiya. He could not believe this was happening to him. Isabela and him had that casual relationship for so long. Ikinatutuwa ng fans nila na hindi lamang sila simpleng magkaibigan o magkatambal sa harap ng camera. Many people loved their tandem. Marami ang umaasam na sa simbahan na mauuwi ang lahat.

Malaki ang pagkakaiba niyon sa tunay na buhay. He did not love Isabela. Nilinaw na niya ritong isang kaswal na relasyon lang ang kaya niyang ibigay rito. Wala siyang pananagutan o responsibilidad dito. Pumayag naman kaagad ito. Moderno itong mag-isip.

"What is really wrong, Paul?" tanong nito, bakas ang inis sa tinig.

"Nothing. I'm just tired. Go home," tugon niya sa malamig na tinig.

Lumabi ito. "Tired? Nakakapagod talagang magpunta sa shooting at bantayan si Jillian," sarkastikong sabi nito.

Hindi siya sumagot. Muli itong yumakap sa kanya. Nais niya itong itulak palayo ngunit nagpigil siya.

"Nagseselos na ako, Paul."

"Wala kang karapatang magselos."

"Ano ba ang mayroon sa babaeng iyon at nananatiling napakahalaga niya sa `yo? Are you in love with her?"

Kinalas niya ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya. Naglakad siya patungo sa kuwarto niya. "Go home, Isabela."

Ikinandado niya ang kanyang silid. Humiga siya sa kanyang kama. What was really wrong with him? What was happening to him? Bakit kakaiba bigla ang mga nadarama niya para kay Jillian?

Was he in love with his best friend?

Marahas na ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit ba siya nakikinig kay Isabela? For years, he and Jillian developed a very beautiful friendship. Ayaw niyang sirain iyon, ni ayaw niyang mantsahan man lang. He would never ruin her trust.

Binuksan niya ang kanyang laptop. Nagtungo siya sa Web site ng mga Paullian. Mga fan ng love team nila ni Jillian ang nagtatag niyon. It was a very small community. Iilan na lamang ang mga aktibong miyembro niyon. Ngunit nananatiling mahalaga ang mga Paullian sa kanila ni Jillian. They were their first fans. Hindi sila iniwan ng mga ito kahit na nagpapalit-palit na sila ng mga kapareha. Napakatiyaga rin ng mga ito sa paggawa ng mga fan fiction at edited o manipulated artworks tungkol sa kanila.

Napangiti siya nang makitang tila buhay na buhay ang mga miyembro doon, hindi katulad dati na napakatahimik palagi. Naka-post ang ilang mga picture na magkasama sila ni Jillian nitong mga nakaraang araw. Marami yata ang mga kinikilig. Kahit walang ibig sabihin ang mga litrato ay pilit na nilalagyan ng kulay. They were all convinced that their dream to see them together was finally becoming true. Ganoon yata talaga ang buhay ng isang fan. Pilit na ginagawang realidad ang hindi totoo.

Ngunit kahit gaano kayaman ang imahinasyon, bumabalik pa rin ang realidad. Ang realidad sa kanila ni Jillian, magkaibigan lamang sila. Hindi sila lalagpas doon.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nalungkot dahil doon.

"NAGPA-SCHEDULE ako ng isang interview para sa inyong dalawa."

"Po?" halos magkapanabay na sambit nina Jillian at Enteng sa sinabi ni Tita Angie.

Nagtataka si Jillian. Dati ay hindi pinapatulan ng manager nila ang mga tsismis na nagsasabing may romantikong relasyon sila ni Enteng. Hinahayaan lang nila iyon hanggang sa kusang matabunan iyon ng mga ibang balita.

"I want everything clear, you two hear me?" wika ng manager nila sa matigas na tinig.

"Why are we being so serious about this?" nagtatakang tanong niya. "Dati naman po—"

"Marami na ang naiinis sa `yo, Jillian. Some Isabela fans branded you as 'pasimpleng mang-aagaw' already. Naluha raw si Isabela sa isang interview nang tunungin tungkol sa estado ng relasyon nila ni Paul Vincent. Enteng, pagsabihan mo `yang girlfriend mo."

"She's not my girlfriend," mariing tanggi ni Enteng.

"Iyon naman pala. Ano ang inaarte-arte niya?" naiinis na sabi rito ni Tita Angie.

Kahit siya man ay naiinis na sa babaeng iyon. Ano ang nais nitong palabasin? Wala naman siyang ginagawang masama rito. Bakit nito ginugulo ang nananahimik na buhay niya?

"When is the interview?" tanong na lang niya. She guessed she had to tell the "he's just a brother" crap again.

"Sunday afternoon."

Kapwa na lang sila tumango ni Enteng.

"THANKS, Lei," sabi ni Jillian sa stylist niya pagkatapos siya nitong ayusan. Kontentong-kontento na siya sa ayos niya. Linggo ng hapon at mayamaya lang ay sasalang na sila ni Enteng.

"Are you sure you wanna wear that dress?" nag-aalangang tanong ni Lei sa kanya habang inaayos nito ang mga gamit nito.

"Hindi ba bagay sa akin?"

"Bagay na bagay. Kaya la—"

"Iyon naman pala." Nginitian niya ito nang matamis. She was wearing a pink silk dress. Halos natakpan lang ang puwit niya sa sobrang ikli niyon. Maganda ang pagkakalapat ng tela sa katawan niya. Kitang-kita ang ganda ng hubog ng katawan niya.

Hindi nagtagal ay hinudyatan siyang sila na ni Enteng ang sasalang.

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong sa kanya ni Enteng habang may VTR na ipinapalabas bilang introduction sa kanila bago sila humarap sa lahat. The show was aired live.

"Bakit?" balik-tanong niya rito.

"Mas mukhang pantulog kaysa pang-guesting `yang suot mo," naiinis na bulong nito. "What are you trying to prove?"

Nginitian lang niya ito nang matamis. "Smile, Enteng. Tayo na."

"Please welcome, Paul Vincent and Jillian Belgica!" anang host.

It was their cue to enter. Todo ang naging ngiti niya, samantalang si Enteng ay tipid na tipid. Halatang napipilitan lamang ito. Sana ay hindi iyon mapansin ng mga tao.

Binati nilang pareho ang host ng programa at humalik siya sa pisngi nito. Umupo silang tatlo pagkatapos.

"Jillian, I must say this first, you are looking so smokin' hot. What is happening to you, your royal cuteness?"

She giggled. Bago pa man siya makasagot ay nagsalita na si Enteng. "She is trying to be the royal hotness. She is making sure that we see she got hot curves."

Natawa na siya nang tuluyan. Pati ang host ay natawa na rin. Ngunit kahit tumawa siya ay alam niyang seryoso si Enteng at hindi talaga nito gusto ang suot niya. Bukod kasi sa maikli iyon, medyo malalim din ang neckline niyon. Nasisilip ang magandang hubog ng dibdib niya.

"Bago kami pumasok, binulungan niya ako," aniya habang natatawa pa rin. "Bakit daw ako nakapantulog? Paul Vincent can be very conservative."

Hindi sumagot si Enteng. Ang host ay napangiti. "You must be very special for him, Jillian. Are you guys in love?" deretsahang tanong nito.

"With each other?" tanong din niya rito kahit pa medyo nabigla siya sa biglang pagtatanong nito. Ang akala niya ay paiikot-ikutin muna nito bago nito tanungin sa kanila ang bagay na iyon.

"No, with me," biro nito. "Are you guys in love with each other?" ulit nito sa mas seryosong tinig.

"We love each other," tugon niya sa seryoso na ring tinig.

"Meaning?" the host pressed.

She looked at Enteng. Wala itong imik. There was no emotion written on his handsome face. Hindi tuloy niya maturol kung ano ang iniisip nito sa kasalukuyan.

Was he still pissed off? With what? Her dress? Napakaliit na bagay lamang niyon upang palakihin nito. Hindi naman malaswa ang hitsura niya. Hindi naman siya mukhang bastusin. May iba pa nga na mas daring ang suot kaysa sa kanya.

Tumikhim ang host nang lumipas na ang maraming sandali na hindi pa rin siya nagsasalita.

Ibinalik niya ang tingin dito. "In this industry, it's very hard to find true friends. I'm sure you'll agree with me. Napakasuwerte ko dahil nakahanap ako ng isang Paul Vincent. He is very special because he was my first partner. Mula pa noon ay nasa tabi ko na siya, makinang man o hindi ang bituin ko. He's also my critic. Hindi siya nag-aalangang sabihin sa akin kung pangit o bitin ang performance ko. Siya rin ang unang pumupuri at humahanga sa akin kung maganda ang performance ko. Paul had been a very good friend and brother. I love him for that."

"I love her, too," sabi ni Enteng. Nakahinga siya nang maluwang nang sa wakas ay magsalita ito. "Bukod sa mama ko, walang ibang babae na nakalapit sa akin nang husto. For years we've been great friends. Huwag na sanang mantsahan ng ibang tao ang magandang samahan namin. Huwag na sanang bigyan ng kulay ang lahat."

Pinanatili niya ang kanyang ngiti kahit pa nais na niyang magpaalipin sa lungkot. Masasabi pa kaya niya sa mga tao na mahal niya ito hindi bilang isang kaibigan o kapatid? Darating pa kaya ang araw na maririnig niya mula rito na mahal siya nito hindi na bilang isang kaibigan?

"Is there any possibility that the friendship would turn into something else? Something romantic?"

"Ayokong magsalita nang tapos," ani Enteng na bahagyang ikinagulat niya. "Hindi namin alam kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. Who knows? We might end up together someday."

"Yes, who knows," segunda niya.

Sa mga nakaraang interview ay lagi lang itong ngumingiti tuwing tatanungin ito nang ganoon. Ganoon din siya. Bakit bigla yatang nag-iba ang ihip ng hangin?

"What about Isabela Lim?" tanong ng host dito. Pinigil niya ang sariling sumimangot.

"What about her?"

"Ano na ang estado ng relasyon ninyo ngayon? Totoo bang hiwalay na kayo?"

"Ayoko munang pag-usapan iyan ngayon," simpleng tugon ni Enteng.

Binalingan siya ng host. "What do you feel about this, Jillian?"

"Did they confirm any relationship? Ang alam ko po, wala po," hindi niya napigilang sabihin. "Kaya po hindi ako masasabihang mang-aagaw kung sakali nga pong may namumuong relasyon sa `min ni Paul Vincent."

Alam niyang mapapasama ang imahe niya dahil sa sinabi niyang iyon ngunit bahala na. Pikon na pikon na siya kay Isabela. Ang arte-arte nito, ang yabang-yabang. Wala naman itong karapatang angkinin si Enteng.

Tila bahagyang nagulat ang host. "So, how's your new movie, Jillian?" pag-iiba nito sa usapan.

Ngumiti siya nang malapad. "Great. I enjoy every minute of it. Direk Simon is the greatest."

"Maaari ba naming malaman kung bakit laging naroon si Paul Vincent sa set ng shooting?"

"He's interested in producing an indie film. He wanted to observe." Tumingin siya rito at hinamon niya itong pasubalian ang sinabi niya.

"Yes, I'm interested in producing an indie film," ani Enteng habang sinasalubong ang tingin niya. "Si Jillian ang bida. Para free na ang TF." Then he grinned boyishly, the Lollipop Boy grin that everybody was very familiar with.

"Interesting," anang host.

Then they talked about lighter subjects. Naging madali na para sa kanya ang magbiro paminsan-minsan. Naging madalas na rin ang pagngiti ni Enteng.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C5
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk