Unduh Aplikasi
30% TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 12: Chapter 11

Bab 12: Chapter 11

Lei's Point of View

Kaninang umaga hindi ko inaasahan ang pangyayari na iyon. Hindi ko alam na aatakihin si Lola sa puso, kung alam ko lang sana na may sakit siya dapat pala hindi ko na lang tinanong sa kanya ang tungkol sa mama ko.

"Then how can you explain this?" inilabas ko sa bulsa ko ang papel na may sulat galing sa mama ko at saka ko ito inilapag sa mesa.

"Francheska..." tawag sa akin ni Lola at saka niya inabot ang kamay ko ngunit inilayo ko ito.

"Ano? Tama ba ako? Nagsinungaling kayo sa akin? Buhay pa talaga ang mama ko? Ano Lola? Sabihin mo sa akin!" sigaw ko sa kanya. Kating-kati na akong malaman ang katotohanan.

Nakita ko naman siyang napahawak siya sa dibdib niya pero hindi ko na lang pinansin iyon at pinagsawalang bahala na lamang. Tumayo ako sa upuan ko at nagpaalam sa kanya.

"Aalis na po ako. Alam ko namang wala kayong balak sagutin ang tanong ko dahil kasinungalingan lang ang sasabihin niyo sa akin." pagkasabi ko iyon ay naglakad na ako palabas ng kusina. Narinig ko lang naman na tinawag niya muli ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa.

Malapit na akong makalabas sa kusina nang marinig kong parang may bumagsak sa likuran ko kaya naman napalingon ako rito at laking gulat ko na lamang nang makita kong nakahandusay sa sahig si Lola habang hawak nito ang dibdib niya.

Agad naman akong tumakbo papunta sa kanya at ginising siya.

"Lola! What happened?" nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa kanya. Wala akong nakuhang sagot sa kanya dahil wala itong malay. "Manang Felly! Kuya Roger! Tulong! Si Lola!" rinig na rinig sa loob ng mansion ang pagsigaw ko kaya nataranta ang ilang kasambahay na pumunta sa kusina lalo na sina Manang Felly at Kuya Roger.

"Hija anong nangyari?" agad na tanong ni Kuya Roger sa akin nang makita niya ang Lola ko na nakahandusay sa sahig.

"K-kuya si L-Lola..." nauutal na saad ko. Nangangatog ang mga kamay at tuhod ko habang nakatingin sa Lola ko.

Hindi ko alam kung paano at kailan kami nakarating sa hospital basta ang alam ko lang ay may ambulansyang kumuha kay Lola sa mansion kanina. Napatingin ako sa pambisig na orasan ko at alas-otso na pero nandito pa rin kami nila manang Felly at Kuya Roger sa labas ng Emergency room. Thirty minutes ng nasa loob si Lola at hindi pa rin lumalabas ang doctor na tumingin sa kanya.

Kinuha ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko na kanina pa nag-v-vibrate. Mga mensahe iyon galing kay Triton at sa kaibigan kong si Shania. Tinatanong nila ako kung papasok ba ako. Hindi ko na inabala pang sagutin ang mga mensahe nila nang makita kong lumabas na ang doctor na tumingin kay lola sa emergency room.

"Doc, how's my lola? Okay lang ba siya? Anong nangyari sa kanya? May sakit ba siya? Over fatigue? Ano po?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Hija, calm down." hinawakan niya ako sa balikat. "Breath in, breath out." ginawa ko naman ang sinabi niya. "Okay ka na? Are you ready to know what happened to your lola?" tanong nito kaya tumango lang ako.

"She's sick." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Mrs. Vizconde has a heart disease..." parang nabingi ako sa sinabi ng doctor. Nakatingin lamang ako sa kanya pero hindi ko naririnig ang mga binibitawan niyang salita.

Napakurap naman ako at agad na napatingin sa doctor na nasa harapan ko nang tapikin niya ako sa balikat.

"This is the first time na inatake ang Lola mo sa puso. Mabuti nga at agad niyo siyang nadala rito sa hospital kung hindi baka lalong lumala ang sakit niya."

"What? May sakit sa puso ang Lola ko? Kailan pa? Bakit wala po siyang sinasabi sa akin?" tanong ko. Bakit walang sinasabi iyong witch na iyon sa akin tungkol sa sakit niya? Wala ba siyang balak sabihin iyon sa akin?

"Mag-iisang taon na simula noong malaman ng Lola mo na may sakit siya sa puso, hija." napatingin naman ako kay manang Felly na siyang sumagot sa tanong ko sa doctor.

"Alam niyo ang tungkol sa sakit ni Lola, manang?" tumango lang naman siya.

What the hell? Ako iyong apo pero wala man lang akong kaalam-alam sa kundisyon ng Lola ko?

Napatingin naman ako sa pintuan ng emergency room nang bumukas ito at lumabas doon ang Lola ko na nakahiga sa hospital bed habang tulak-tulak ng ibang nurse. Nanlumo ako nang makita kong madaming iba't ibang aparatos ang nakalagay sa kanya. Nandiyan ang oxygen at dextrose na siyang tumutulong sa Lola ko para huminga ng maayos.

"We'll talk later, okay?" pagkasabi iyon ng doctor ay tinapik na niya ako sa balikat.

Sinundan naman namin nila manang Felly at Kuya Roger ang isang nurse na tumutulak sa higaan ng Lola ko papunta sa kwarto niya.

"Thank you po." pasasalamat ko sa nurse na naglagay sa Lola ko sa kwarto niya ngayon.

Nilapitan ko naman ang kama ni Lola at saka ko hinawakan ang kanyang kamay.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka pala?" tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako sasagutin dahil natutulog ito. "Apo mo ako pero hindi mo sinasabi sa akin na may sakit ka sa puso. Kahit naman hindi maganda iyong samahan natin nag-aalala pa rin ako sa'yo." hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. "Lola..." inayos ko ang buhok niya at saka ko hinaplos ang pisngi niya. Hindi ko na napigilan pa at bumagsak na ang mga luhang kanina pa bumabadya na bumagsak sa mga pisngi ko.

"Hija..." pinunasan ko naman ang pisngi ko at saka nilingon si manang Felly nang maramdaman ko siya sa likuran ko. "kami na muna ni Roger ang magbabantay sa Lola mo. Pumasok ka na. Huwag kang mag-alala, tatawagan agad kita pag nagising na ang Lola mo." wika ni manang Felly at saka niya ako nginitian.

"Pero manang..." hinawakan naman niya ako sa balikat.

"Hindi gugustuhin ng Lola mo na um-absent ka. Sige na, pumasok ka na. Ihahatid ka na ni Roger sa paaralan." pagkasabi iyon ni manang ay tumango lang ako at saka ako ngumiti ng pilit sa kanya.

Habang nasa biyahe kami papuntang eskwelahan ay tinanong ko si Kuya Roger.

"Kuya, alam mo ba ang dahilan kung bakit hindi sinabi sa akin ni Lola ang tungkol sa sakit niya?" tiningnan naman niya ako sa pamamagitan ng salamin na nakasabit sa loob ng sasakyan.

"Wala siyang sinabi sa amin, hija. Pero isa lang ang alam ko. Ayaw kang mag-alala ng Lola mo kaya inilihim na lamang niya ang tungkol sa sakit niya." paliwanag sa akin ni Kuya Roger.

Bumuntong hininga naman ako at saka napatingin sa labas ng sasakyan. Tanghaling tapat pa lamang pero sobrang itim na ng langit. Mukhang uulan. Napatingin naman ako sa cellphone na hawak ko nang nag-vibrate ito kaya agad kong tiningnan kung sino ang nag-text.

Where are you right now? Can we meet? - Damon

"Saan naman niya nakuha ang number ko?" tanong ko sa sarili ko. Umiling lang naman ako at saka nilagay sa bulsa ko ang cellphone ko. Wala akong balak na reply-an siya lalong-lalo na ang makipagkita sa kanya.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin iyong sinabi niya sa akin na nangako raw ako sa kanya noong two years old ako. What the fuck? Anong pangako ang ipinangako ko sa kanya noon? Wala akong maalala!

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa eskwelahan. Nagpaalam naman ako kay Kuya Roger bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan at saka ako pumasok sa loob ng paaralan.

"Lei..." napahinto naman ako sa paglalakad nang tawagin ako ng guard na nagbabantay sa harap ng gate. "may babae palang naghahanap sa'yo rito kanina at na kay mister Ventura ang envelope na ipinapabigay nito sa'yo." anito.

"Sinong babae po?" tanong ko.

"Hindi nagpakilala e." sagot nito sa akin.

"Ah, sige po pasok na po ako." paalam ko sa kanya at iniwan ko na siya sa harap ng gate.

Sino kaya iyong babae na tinutukoy ni Kuya guard? At ano iyong binigay niya?

Pagkarating ko sa classroom ay marami ng estudyate pero hindi ko nakita doon si Triton maski si Shania.

Nasaan kaya ang mga iyon?

"Hinahanap mo ba iyong kaibigan ko?" napatingin naman ako kay Apollo nang magsalita ito.

"Nasaan siya?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Hinahanap ko rin siya e." inirapan ko lang naman siya akala ko naman alam niya kung nasaan si Triton.

"Lei!" agad akong napalingon nang marinig ang boses na iyon. Si Shania. "where have you been?" tanong nito nang malapitan niya ako. "Bakit ngayon ka lang? Tine-text kita kanina pa pero hindi ka nag-r-reply!"

Inaya ko naman siyang umupo na muna kami bago ko sinagot ang mga tanong niya. At kinuwento ang nangyari sa Lola ko kaninang umaga.

"Nakita mo ba si Triton?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang naman siya.

"Nasaan kaya iyon?" tanong ko at saka nagsimula na akong magtipa ng mensahe para sa lalaking iyon.

I'm here in the classroom.

Where are you?

Ilang segundo pa ang nakalilipas nang makatanggap ako ng reply mula sa kanya.

Paakyat na ako diyan. Just wait for me.

Itinago ko na ang cellphone ko at muli kong hinarap si Shania. Sinasabi niya kasi ang mga napag-aralan nila kaninang umaga at ibinigay nito ang ilang notes niya para hindi ako mahuli sa lessons.

"Ayan! Libre mo ako a? Hindi free iyang mga notes na iyan." pagbibiro sa akin ng kaibigan ko.

"Whatever."

"Lei!" sabay kaming napalingon ni Shania nang sumigaw si Triton habang papasok ito sa classroom. "Bakit wala ka kaninang umaga?"

"Pumunta siyang hospital." sagot sa kanya ni Shania.

"Bakit anong nangyari sa'yo? Nasugatan ka ba? Napaso? Nagkaroon ng bulutong? Ano?" sunod-sunod na tanong nito at saka niya ako sinuri. Narinig ko namang napa-tsk si Shania sa ginagawa sa akin ni Triton. Naiinis na naman siguro ang kaibigan ko sa lalaking ito.

"Stop." pagkasabi ko iyon ay tumigil naman siya sa ginagawa niya.

"Sorry."

"Nasa hospital ngayon ang Lola ko." wika ko at saka ko siya tiningnan at ganoon din siya sa akin.

"Bakit anong nangyari sa kanya?"

"Inatake siya sa puso kaninang umaga at ako ang dahilan kung bakit nangyari iyon sa kanya." yumuko ako. Ayaw kong makita nila akong umiiyak.

"Nagkasagutan na naman ba kayo ng Lola mo kanina?" tanong ni Shania.

"Kung hindi ko lang s-sana inungkat na naman ang t-tungkol sa mga m-magulang ko hindi siguro mangyayari iyon kay L-lola. S-sana kasi h-hindi na lang ako n-nagtanong pa." pagkasabi ko iyon ay niyakap naman ako ni Shania.

"Tahan na, Lei." hinagod naman nito ang likod ko at saka niya ako tinapik sa balikat bago siya lumayo sa pagkakayakap sa akin.

"Why did you ask Lola Corazon about your parents na naman kasi? Alam mo namang ayaw na ayaw niyang tinatanong mo siya tungkol sa yumao mong mga magulang." tanong muli ni Shania sa akin kaya naman pinunasan ko na muna ang mga luhang lumandas sa pisngi ko.

"Dahil buhay pa ang mama ko." nakita ko namang napairap sa hangin si Shania.

"Anong buhay pinagsasabi mo diyan e, baby ka pa lang noong namatay ang mama mo. Naka-drugs ka na naman ba Vizconde?" tanong nito at saka na siya tumayo sa kinauupuan niya at naglakad na siya papunta sa kanyang upuan.

"Totoo nga ang sinasabi ko!" sigaw ko pero hindi man lang ako nilingon ng kaibigan ko. Napalingon naman ako kay Triton nang hawakan niya ako sa braso ko. "Ano? Hindi ka rin ba naniniwala sa sinabi ko?" tanong ko sa kanya.

"Naniniwala ako. Ikaw pa? May tiwala ako sa'yo e." nginitian niya ako. "Sabay tayong umuwi mamaya, may ibibigay ako sa'yo." tumango lang naman ako bago niya tinungo ang kanyang upuan.

Ano naman kaya iyong ibibigay niya?

Mabilis ang takbo ng oras at uwian na namin. Dahil ako ang inatasan ni Miss Nolasco na kolektahin ang activity na binigay nito kanina ay nagpaiwan muna ako sa klase dahil aayusin ko ang papel na ipinasa ng mga kaklase ko.

"Ito pala iyong nagawa ko." nagulat ako nang makita ko si Triton. Ang alam ko ay ako na lamang ang tao sa classroom. Kinuha ko naman sa kamay niya ang papel na hawak niya.

"Ayusin ko lang itong mga 'to, okay? Hintayin mo na lang ako, mabilis lang ito." paalam ko sa kanya at inayos ang mga papel na hawak ko. Sabay pala kaming uuwi ngayon.

"Tara na?" tawag ko sa kanya nang matapos ko ang ginagawa ko.

Tumango lang naman siya at saka lumapit sa akin.

"Ako na magbubuhat ng bag mo." alok nito pero umiling lang ako.

"Kaya ko na ito, Triton. Don't worry hindi naman ako mapipilayan." biro ko sa kanya bago ko sinara ang pinto ng classroom namin.

"Okay, sabi mo e." nginitian niya ako.

"Ano pala iyong ibibigay mo sa'kin?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa may pasilyo ng paaralan.

May inilabas naman siyang brown envelope sa bag niya at saka niya ibinigay sa akin.

"What's this?" I asked him.

Nagkibit-balikat lang naman siya kaya napairap ako at sisimulan ko na sanang buksan ang envelope na hawak ko nang pigilan niya ako.

"Mas mabuti siguro kung sa bahay niyo na lang buksan iyan." kumunot naman ang noo ko.

"Bakit naman? Ano bang laman nito?" tanong ko at akmang bubuksan ko ito nang hawakan niya ako sa kamay kaya napatigil ako.

"Please..." pagmamakaawa nito.

"Okay, fine."

Ano ba kasing laman ng envelope na ito?

Nilagay ko naman sa bag ko ang naturang envelope habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"For you." napatigil naman ako sa paglalakad nang isang kulay asul na kahon ang iniharang ni Triton sa mukha.

"Ano na naman 'to?" napatingin ako sa kanya.

"Regalo ko sa'yo."

"Regalo? Next month pa birthday ko, Triton. Ang aga naman ng gift na ito." biro ko.

"Regalo ko iyan sa'yo dahil apat na taon na kitang gusto. Dapat nga kahapon ko pa iyan ibibigay sa'yo kasi kahapon iyong araw kung kailan nagtapat ako sa'yo pero busy ka kaya ngayon ko naibigay."

Ito ba ang dahilan kaya pumunta siya sa mansion kahapon?

"Buksan mo na, alam kong magugustuhan mo iyan at babagay sa'yo."

Tumango lang naman ako at dahan-dahan kong binuksan ang kahon. Halos mapanganga ako sa nakita ko. Isang silver na bracelet ang laman ng kahon at may pangalan akong nakaukit dito.

"Amin na iyong kamay mo at ako na ang maglalagay." alok nito sa akin pero umiling lang ako at saka ibinalik sa kanya ang bracelet.

"Triton, hindi ko matatanggap 'to. Mukhang mamahalin. Hindi bagay sa akin."

"This is for you, Lei." Sabi nito at saka niya ako hinawakan sa may pulsuhan ko. "kahit anong jewelry naman ang isuot mo kahit mura o mamahalin babagay pa rin sa'yo." habang sinasabi niya iyon ay kinuha naman niya ang bracelet na nasa kahon at nilagay nito sa kamay ko. "See? Bagay sa'yo." pagkasabi niya iyon ay tiningnan niya ako sa mga mata ko at saka niya ako nginitian.

"I like you, Lei."

Natuod naman ako sa kinatatayuan ko. Parang biglang bumagal ang paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang alam ko. Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi ni Triton.

"T-thank you for liking me, Triton." iyon ang lumabas sa bibig ko.

Nakita ko namang nagtaka si Triton sa sagot ko. Alam kong magtatanong pa sana siya pero laking pasasalamat ko na lamang ng may tumawag sa akin kaya agad kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni manang Felly.

"Hello, manang. Pauwi na po ako." bungad ko.

"Gising na ang Lola mo, hija." rinig kong sambit ni manang Beth sa kanilang linya.

"Talaga po? Sige po papunta na po ako diyan." masayang sambit ko.

"Nandiyan na si Roger para sunduin ka."

"Sige po." pagkasabi ko iyon ay pinatay ko na ang cellphone ko.

Nilingon ko naman si Triton na nasa likod ko.

"I have to go. Bukas na lang tayo sabay na umuwi. Bye!" Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at tumakbo na ako palabas ng gate.

Nang makalabas ako ay nandoon na nga si Kuya Roger at hinihintay ako.

"Kuya Roger!" tawag ko sa kanya at napalingon ito sa akin.

"Gising na ang Lola mo." saad nito nang makalapit ako sa kinaroroonan ng sasakyan.

"Iyon nga po ang sinabi ni manang Felly sa akin. Tumawag po kasi siya. Tara na po?" tanong ko.

Tumango lang naman ito at saka niya ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Pagkapasok ko sa sasakyan ay napalingon ako sa gate kung saan ko iniwan si Triton kanina. Nakatayo pa rin siya doon habang nakatingin sa gawi ko. Kinawayan ko lang naman siya bago kami umalis.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Kuya Roger ng sasakyan kaya mabilis din kaming nakarating sa hospital kung nasaan si Lola.

"Mag-ingat ka, hija baka madapa ka." rinig kong saad ni Kuya Roger.

Lakad-takbo kasi ang ginagawa ko habang papasok sa loob ng hospital. Lahat nga ng dinaanan ko ay napapatingin sa akin dahil sa sobrang bilis ng takbo ko na akala mo ay may hinahabol.

Tumataas-baba ang dibdib ko nang makarating ako sa harap ng kwarto ng Lola ko. Hiningal ako sa ginawa ko. Parang nakipagkarera ako. Nagulat naman ako nang makita ko sa loob ng kwarto ng Lola ko ang pamilya ni Damon kasama siya nang buksan ko ang pinto.

"Hi!" kaway sa akin ni Damon nang makapasok ako.

Bakit sila nandito? Paano nila nalaman na nasa hospital si Lola?

"Hello po." bati ko sa mga magulang ni Damon bago ako lumapit sa kama ni Lola.

"How's your feeling?" tanong ko sa Lola ko.

Nakahiga pa rin siya kaya ang ulo lamang nito ang kanyang iginalaw at saka siya lumingon sa gawi ko.

"Francheska..." mahinang sambit nito at saka iniangat niya ang kamay niya para hawakan ako kaya naman lumapit ako sa kanya at ako na mismo ang kumuha sa kamay niya.

Nakita ko namang may luhang tumulo sa pisngi niya kaya naman pinunasan ko ito.

"Why are you crying?" tanong ko habang nangingilid ang mga luha ko.

"Sorry." iyon lamang ang narinig kong sinabi niya at saka siya pumikit. Pinisil ko lang naman ang kamay niyang hawak ko.

"Magpagaling ka. Saka na tayo mag-usap pag okay ka na." pagkasabi ko iyon ay hinalikan ko siya sa noo.

Naramdaman ko namang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Mukhang nakatulog na naman siya.

"Let's talk." napatingin naman ako sa taong nasa tapat ko. Si Damon. "Tara sa labas." pagkasabi niya iyon ay hinila na niya ako palabas ng kwarto ng Lola ko. Hindi na ako nakapagpumiglas pa dahil mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin at higit sa lahat nasa loob din kasi ng kwarto ang mga magulang niya kaya nakakahiya naman kung bigla ko na lamang sinapak ang anak nila.

"Let go of my hands." mariing sambit ko nang makalabas kami ng kwarto ng Lola ko. Agad naman niya akong binitawan.

"You need to see this." inilabas nito ang cellphone niya at saka may ipinakita siyang litrato.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C12
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk