Unduh Aplikasi
97.87% My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 46: Remembering You

Bab 46: Remembering You

"Yna, are you staying late?" Tanong ng kaibigang si Shine ng makitang seryoso pa rin siyang nagta-type sa laptop.

"Yes, nasa condo naman si Lola Claire para mag-alaga sandali kay Sean." Aniya.

"Ok. Pero matanda na si Lola. Anyway, mauna na ako. Take care." Paalam nito at malungkot siyang sinulyapan ng babae. Ikinuwento kasi niya dito na nagkita na sila ni Daniel pero hindi siya naalala ng lalake.

Hindi niya alam kung gaano na katagal na oras ang lumipas pero nakaramdam na siya ng pananakit ng likod at pagsakit ng kanyang mata. Napagpasyahan na rin niyang umuwi. Napabuntong-hininga siya ng maalala si Daniel na nakasakay ng motor nito at nagsusundo sa kanya.

Tila nakikita pa rin niya ang motor na iyon sa tabi ng daan. Napakurap siya ng tila hindi imahinasyon ang nakikita niyang motor. Katulad ito ng motor ni Daniel…at ang lalakeng nakasakay doon…

"Daniel?!" Tila huminto ang oras ng sandaling iyon at slow motion ang pagbaba ni Daniel sa motorsiklo nito. Inalis nito ang suot na helmet at seryosong nakatingin sa kanya. Tila nawalan ng lakas si Yna at hindi na niya nagawa pang makahakbang mula sa kinaroroonan.

"Please, don't Daniel.." Bulong niya sa sarili ng makita ang madilim na mukha ni Daniel na mabilis na papalapit sa kanya hanggang sa tuluyan na nitong tawirin ang distansyang namamagitan sa kanya. Mabilis na hinapit nito ang kanyang katawan at siniil siya ng isang marahas na halik. Maya-maya pa ay naging marahan na ito. Tinigilan lang nito ang ginagawang paghalik sa kanya nang maramdaman nito na basa ng luha ang kanyang mukha.

"Yna, I'm sorry.." Garalgal na boses na ani nito sabay din ang pagpatak ng luha sa mga mata.

"I'm sorry that I was not able to recognize my own wife! Please forgive me…please…?" Lumuluhang pagsusumamo nito habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Humihikbing itinaas niya ang mga palad at sinumulan ding punasan ang luhang pumapatak sa mukha ng lalake.

"Do you remember everything now?" Malambing niyang tanong dito.

"Yes." Mabilis na sagot nito saka nakangiting tumitig sa kanya.

"But why you didn't feel anything when you saw me at your house the other day?" May pagtatampong himig niya habang nakapulupot ang mga braso sa leeg nito.

"Who told you that! I just controlled myself in kissing you because I thought you're my relative, Yna Crisostomo." Paliwanag nito sa kanya.

"So kasalanan ko pa na 'yun ang pagpapakilala ko sa 'yo?" Kunwari'y inis niyang ani dito. Lalong napalawak ang ngiti ng lalake saka siya kinantalan ng maliit na halik sa labi.

"Ofcourse not. I should listen to my heart, baby." Nakangiting wika. "I miss you so much." Ani nito saka mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.

"I miss you more." Sagot niya saka sinalubong ang maalab na halik ng lalake. Kapwa sila hinihingal ng ilayo nila ang mga labi sa isa't isa.

"You have to meet Sean." Biglang sabi niya dito. Napakunot naman ang noo nito.

"He's our son." Nasasabik niyang pagbabalita dito. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha ng lalake.

"When your parents brought you to the US for medication, I found out I was pregnant." Paliwanag niya dito.

"Oh my God.." Hindi makapaniwalang bulalas ni Daniel saka siya muling hinalikan.

"I can't wait to see my son." Puno nang kaligayahan ang pusong muli niyang siniil ng halik si Yna.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C46
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk