Unduh Aplikasi
29.62% Finding Sehria / Chapter 8: Chapter 7 - Truce

Bab 8: Chapter 7 - Truce

Lei's POV:

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata. Bumungad sa paningin ko ang mga poster ng anime na nadikit sa pader. 

Napabangon ako bigla. Nasa loob na pala ako ng kwarto ko pero hindi ko matandaan kung paano ako nakarating dito. Nakasuot na ako ng paborito kong ternong pajama na kulay sky blue.

Agad akong napatakbo pababa dahil sa huling alaala na rumehistro sa utak ko. Si mama!

Bahagyang nawala ang kaba sa dibdib ko ng masilayan ko si mama sa kusina na abalang nagluluto ng agahan.

"Mama!"

Halos lundagin ko na siya. Gulat na gulat si mama nang muli ko siyang ikulong sa isang yakap.

"Okay na ba kayo? Yung sugat niyo po? Akala ko iiwan niyo na ko."

Nakahawak siya sa dibdib niya nang humarap siya sa akin. Pinisil niya ang ilong ko. 

"Ikaw na bata ka! Ke aga-aga nanggugulat ka! Pasalamat ka wala akong sakit sa puso. Anong sugat ba pinagsasasabi mo? Maayos naman ang likod ko. Nanaginip ka ba ng masama? Naku, bata ka! Sinabi ko sa'yo magdasal ka muna bago matulog nang hindi ka nananaginip ng kung ano."

Napangiti na lang ako sa mga litanya niya. Mukhang binura na ni Fina ang alaala niya sa mga nangyari.

Nang mga sandaling nakayakap ako kay mama, isang desisyon ang nabuo ko.

Magiging malakas ako. Hindi ko na hahayaang mawalan pa ulit ng taong minamahal. I'll do whatever it takes to gain powers to protect them, even if I have to go through hell.

"Sige na. Maghilamos ka na at asikasuhin mo na yang bisita mo," utos ni mama. 

Nanlaki ang mata ko ng ituro ni mama si Azure na nakaupo sa aming hapag-kainan. Kanina pa ba siya diyan?

"Good morning!" bati ko bago ako tumakbo sa c.r at naghilamos. Inayos ayos ko pa ang buhok ko. Nakakahiya naman, baka nakita niya na may panis na laway pa ako. Oh, no! Ang image ko.

Umakyat ulit ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Nagpabango pa ko. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. 

"Para kang tanga self," bulong ko sa sarili ko.

Nang bumaba ako ay naabutan ko sila ni mama na nag-aalmusal na. Panay ang kwento ni mama. Tango-tango lang ang isinasagot ni Azure. Para siyang yung laruang aso na tumatango. Daldal kasi ni mama.

"Salamat pala ulit," sabi ko sa kanya nang makaupo ako sa tapat niya. As usual ngumiti lang siya. Ang tipid talaga sumagot nito.

"Ano palang ginagawa mo dito?" halos pabulong kong tanong dito. Sumubo ako sa tinapay na hawak ko.

"Gusto ko lang malaman ang lagay mo. Nag-aalala sila. Mabuti naman at nagkamalay ka na," tugon nito.

"Ano bang nangyari?"

"Nasa plaza tayo nang bigla kang mawalan ng malay. Siguro dahil sa init at dami ng tao. Kaso halos buong araw kang walang malay, sabi ng doctor fatigue lang daw," paliwanag ni mama. Napalitan na nga ang alaala niya.

"Aalis na ho, ako." Magalang na paalam ni Azure nang matapos kami ni Azure. Eat and run lang, koya? Joke!

"Salamat sa pagbisita, hijo. Balik ka ulit."

"Ingat ka!" paalala ko sa kanya.

Nakakalokong ngumiti sa akin si mama nang makaalis na si Azure. Ano na naman kayang iniisip nito?

"Boyfriend mo ba yun, nak? Naka-move on ka na agad kay Franco? Foreigner ba siya? Bakit blue ang mata niya?"

Hay naku, ma. No comment.

***

Rinig ko ang tsismisan ng mga estudyanteng nakatambay pa sa may locker hall. At dahil tsismosa din ako ng slight, pasimple akong nakinig sa usapan nila. Binuksan ko ang locker ko at tinignan ang sarili ko sa salamin na nandun. Nagpanggap akong sinusuklay ang maikli kong buhok.

"Grabe talaga yung nangyari sa plaza no?"

"Oo nga, dami ding namatay."

"Hay, buti wala ako dun."

"Saan naman kaya galing yung mabangis na hayup na yun?"

"Mabuti na lang at napatay din nila."

Siguro ang tinutukoy nila ay ang pag-atake ng mga goblin nung nakaraan. Mababangis na hayop pala ha? Alam kong isa lang yan sa mga pekeng alaala na itinanim ni Fina sa mga utak nila. Ibang klase din pala magmanipula ng alaala ang babaeng yun.

"Bakit kaya di ka maglagay ng bangs? Para Dora, dora, dora the explorer!" 

Padabog kong sinara ang locker ko at sinamaan ng tingin si Austin. Kumanta pa ang hayup, wala naman sa tono. 

"Kwento mo sa pagong."

"Hahahaha! Joke lang. Kamusta na?"

"Okay na. Kaso sumama ulit pakiramdam ko nang makita ko ang mukha mong pangit."

Nagpogi pose si Austin. "Itong mukhang 'to? Pangit? Ang pogi ko kaya."

Mukhang timang talaga.

"Aanhin mo naman ang kagwapuhan kung si crush hindi mo mahagkan. Boom panis!" singit ng kadarating lang na si Elliot.

"Pagkat si kuya ay natotorpe, mukha kasi siyang tae," dugtong ko. Naghigh-five pa kami ni Elliot.

Halos hindi na maipinta ang mukha ni Austin dahil sa pagkabanas. Malakas ang tawanan namin ni Elliot, pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante. Tawa din kayo, dali.

"Ang saya niyo. Anong meron?" 

Dumating naman si Fina. May suot suot siyang pink na headband. Ngayon ko lang siya nakita na nagheadband, kulot na rin ang dulo ng buhok nito.

"Nagpakulot ka?"

Ang tagal ko lang natulog, paggising ko kulot na siya.

"Bagay ba?" parang nahihiyang tanong niya.

Sabay sabay kaming nag-thumbs up nila Austin.

"So ano ngang pinagtatawanan niyo?" curious na tanong ulit ni Fina.

"Wala. Torpe kasi ni Austin! Ikaw na lang manligaw," bulalas ko. Kailangang maglayag na ang barko ko.

Nanlaki ang mata nilang dalawa ni Austin. Mabilis naman akong kumaripas ng takbo bago pa wakasan ni Austin ang buhay ko.

****

"Gwapo talaga ni sir, no?"

Parang dwendeng kinikilig si Glessy sa tabi ko. Kung alam lang niya talaga kung gaano katanda na itong si Sir Hidalgo, parang tatay na niya. Pero, gwapo naman talaga si Sir.

"Akala ko ba si Janus ang crush mo?" pabulong na tanong ni Fina.

"Nagagwapuhan lang ako kay Sir, pero si Janus talaga crush ko. Hihi!" 

"Ewan ko sa'yo Glessy." 

Binalik na lang ulit ni Fina ang atensyon niya sa harap para makinig sa lecture ni Sir.

"Ikaw Lei, wala kang bagong crush?"

Napangiti ako. "Meron."

"Hala! Sinoooooo?"

"Secret!" sagot ko. Nag-pout naman ito. Cute talaga. Sarap ibulsa.

Noong lunchbreak na namin, nagtungo ako sa kabilang section. Nakasilip ako sa may pintuan, hinahanap ang matingkad na kulay ng buhok niya.

"Sinong hinahanap mo?" tanong nung isang estudyante.

"Si Janus?"

"Yung supladong blondie? Baka nasa rooftop. Doon daw natambay yun eh."

"Sige! Salamat!"

Mabagal ang mga hakbang ko patungo sa rooftop. Nag-iisip ng mga sasabihin ko sa kanya. Hindi ko pa kasi siya napapasalamatan sa pagliligtas niya kay mama. Hay, sana naman hindi na niya ako sungitan. Ang sakit na kaya ng tainga ko sa kakabulyaw niya.

Natagpuan ko siyang nakasandal sa railings habang nakatanaw siya sa baba. Nakalikod siya sa akin. 

Bigla na lang umihip ang hangin, sumayaw din sa hangin ang buhok niya. Parang napakadulas tignan ng buhok niya at parang gintong kumikinang naman ang mga hibla nito sa tuwing natataman ng sikat ng araw.

"What ya doing here, Lei?" Nakatalikod pa rin siya sa akin.

Siguro matalas talaga ang pakiramdam niya na kahit wala naman akong ginagawang ingay ay nakilala niya agad ang presensya ko.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit naging ganun ako kasaya nang sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag niya ko sa pangalan ko.

"What?" Nakakunot noong nilingon niya ko.

"I have a favor." Lumapit ako sa kanya. Nakatingala na naman ako sa kanya. Ang tangkad talaga ng lalaking 'to.

"Favor?" He repeated.

"Oo. At huwag kang tatanggi please?" Nagpuppy eyes pa ko. Wala pang nakakatanggi sa akin kapag ginamit ko na ang alas ko. Cute ko kaya pag nag-puppy eyes.

"No." 

Bumagsak ang mga balikat ko. Bwisit na boy kidlat 'to! Wala pa nga akong sinasabi!

"Sige na! Turuan mo ko kung paano mapalabas ang kapangyarihan ko. Please!" pangungumbinsi ko. Ipinagdikit ko pa ang dalawang palad ko.

"You want me to train you?" He asked. He looks confused.

"Yes! Sige na please? Tulungan mo na ko, para maging malakas na ko. Para hindi na ko useless."

Napatitig siya sa akin. A hint of guilt was visible on his soft-brown eyes. Hala siya! Marunong palang maguilty si koya. Actually, nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya noon pero hindi ko naman din ugali magtanim ng sama ng loob.

I heard him sighed. "Why me? You can ask Azure or Azval to train you."

"Ayoko dun! Ang strikto ng magkambal na yun kapag training. Ikaw na lang."

Bwisit. Ang hirap hirap namang kumbinsihin nitong si boy kidlat. Gamitan ko na kaya ng dahas? Joke! Baka tustahin lang ako nito.

"Okay! Okay! But what will I get in return?"

Saglit akong nag-isip tapos parang may bumbilya na biglang umilaw sa utak ko.

"Ice cream! Lilibre kita ng ice cream!"

Kumislap-kislap ang mga mata niya. Nakangiti siya ng malapad. Ang simple lang naman pala ng kaligayahan nito.

"Deal!" sabi nito na hindi na maalis ang ngiti sa labi. Ice cream lang pala katapat mo, boy.

*****

"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Lei? Baka mabinat ka at mahimatay ka na naman." Kanina pa ako tinatanong ni Fina nito. Worried naman masyado this girl.

"Kaya ko 'to! Trust me, nag-flanax yata 'to." I flex my invisible maskels to her. Napa-facepalm naman siya. She looks so done with me.

Umupo na lamang siya sa may batuhan, magkatabi sila ni Austin. Ayiiiiieeee~

"Ready ka na, Lei?" Nag-aalangang tanong naman sa akin ni Elliot.

Nasa secret training ground kami dahil sa pakiusap ko. Hiningi ko ang tulong ni Janus para i-train ako, pero syempre kasama ko ang mga kaibigan ko. Mahirap maiwan mag-isa kasama ni boy kidlat no! Awkward kaya nun.

"Sige na, Elliot. Gawin mo na!" Excited much ako. Hindi ko pa kasi nakikita ang totoong kakayahan nito.

Nagbuga muna siya ng isang malalim na hininga. Nag-stretching pa siya. Rinig na rinig ko ang pagtunog ng mga buto niya.

"Okay! Superman, here we go!" sambit niya bago niya buhatin ang isang higanting tipak ng bato sa harap niya.

Ang lakas niya! Hindi ko akalain na ganito pala kalakas si Elliot. Nagawa niyang buhatin ang malaking bato ng walang kahirap hirap. Ni hindi man lang ata siya pinagpawisan. Para siyang si Bong Soon na may superhuman strength. Amazing!

"Ihahagis ko na ba?" tanong ulit ni Elliot.

"Sige lang! Come on, boy!"

"S-Sigurado ka, Lei?"

"Oo, ako pa ba? Sige na bato mo na!"

"Lei, be careful!" sigaw nina Fina at Austin.

Napatingin naman ako kay Janus. Tumango ito. Nakahanda na din siyang umalalay if ever man pumalpak ako.

"Game ka na ba?"

Isa pang tanong Elliot, sasamain ka na sa akin.

"Game na!" sigaw ko pabalik.

"Okay."

At hinagis niya nga yung malaking bato. Mabilis kong inilahad ang dalawang kamay ko para patigilin ito pero hindi ito nag-fefreeze. Pabagsak na ito sa akin. Uh, oh!

"Takbo!" sigaw ko.

Nagtakbuhan kami ni Elliot sa magkaibang direksyon samantalang si Janus naman ay mabilis na pinagpira-piraso ang malaking tipak ng bato gamit ang espada niya. Nakapikit pa ito habang ginagawa niya yun. Ang cool ni boy kidlat!

Napaatras ako nang dahan dahan siyang lumapit sa akin. Wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya.

Plok.

Mahina niya akong binatukan. Hayup! Kapag nagkabukol ako lagot siya sa akin! Hindi talaga siya gentleman. Nambabatok ng babae.

"Concentrate and focus on your power. This is not a game. If you won't take this seriously, then don't waste my time," sermon pa nito.

Hay, oo na!

"May isa pa kong pabor. Hehe."

Nagsalubong na naman ang mga kilay niya. Bakit ang pogi niya kahit napaka-bugnutin? Mas lalo nga siyang nagiging gwapo kapag masungit siya. Siguro yun talaga charm niya.

Heh! Awat self! Anong charm charm ba yang sinasabi mo? Charmander~

"What?" naiinip na tanong niya.

"Pwede bang magtagalog ka naman? English ka ng english nasa Pilipinas po tayo."

Duduguin na kasi talaga ilong ko sa kaka-english niya lagi.

"I'll try," sabi na lang niya. "T-tuloy natin 'to bukas." Nahihiyang napakamot siya sa batok at naglihis ng tingin.

Aba! Masunurin naman pala si koya.

Ilang araw naging ganun ang takbo ng buhay ko. Pagkatapos ng klase, diretso ako sa training ground namin para magsanay. Kahit paano naman masasabi kong may improvement na ko. Nakokontrol ko na ng maayos ang kapangyarihan ko. Yeah, boy! Magaling na trainor si Janus, to be honest!

"Mukhang nagkakasundo na kayo ni Janus ha," komento ni Austin pagkatapos niyang uminom ng tubig sa tumbler niya.

Nanunuod na naman kami ng soccer practice nila. Break time nila kaya nandito siya sa bench kung saan kami nakaupo. Sumasagap ng tsismis ang gago.

Napatingin ako kay Janus na nakahiga naman sa gitna ng soccer field. Snob talaga nito. Hindi man lang makipag-friends.

"Kami? Magkasundo? Eh ang sungit sungit nga ng boy kidlat na yan. Lagi na lang nakabulyaw."

"Pero atleast naging mild na. Hindi gaya dati, sobrang harsh niya sayo," wika ni Fina.

Sabagay. Kahit paano naman bumabait siya, yun nga lang kailangan ko pang suhulan ng ice cream. Hirap kunin ng loob niya.

"Si Cecilia ba yun?" turo ni Glessy sa babaeng naglalakad papunta sa gitna ng field.

"Don't tell me si Janus ang bagong prospect niya?" naka-arko ang kilay naman ni Fina.

Nakatuon lamang ang atensyon namin sa gitna ng field kung saan nakahiga pa rin si Janus. Ilang sandali pa ay nakalapit na sa kanya si Cecilia. Nagpapabebe ang gaga. Siguro nakikipag-kilala siya kasi nakalahad ang kamay niya. Gusto yata maki-pagshake hands. Eew, germs. Huwag mong tanggapin, Janus!

Nagtawanan kaming lahat ng tumayo sa pagkakahiga niya si Janus at walang sabi-sabing nilayasan si Cecilia. Para ngang hindi niya nakikita si Cecilia eh. Napapadyak na lang sa inis si ate girl. Pahiya siya eh.

Pero mas ikinagulat pa ng lahat nang dire-diretsyong lumapit sa akin si Janus. Nagbulung-bulungan na naman yung ibang mga babae.

"Ice cream," wala na namang kaemo-emosyon na saad niya.

"Ano?"

"I want an ice cream. Buy me."

Aba! Kailan pa ako naging utusan ng lalaking ito? Masyado nang namimihasa porket may utang na loob ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. Nakakailang na ewan.

Ang dami dami pang mga tao dito sa field, lahat sila pinapanuod kami. Hindi pa nakakatulong ang pang-aasar nina Fina, kinikilig kilig pa ang mga lintik! Baka isipin ng iba may crush ako dito kay boy kidlat.

"Let's go."

Bigla na lang niya akong hinila, para naman akong tanga na sumunod na lang sa kanya.

And oh boy! Nakaramdam ako ng sparks sa magkahawak na kamay namin. Bakit?

Bakit may ganun?

I shrugged the thought away. Malamang may sparks, eh si boy kidlat nga siya.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C8
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk