Unduh Aplikasi
66.66% STE Class' Black Sheep / Chapter 4: Chapter Three

Bab 4: Chapter Three

-ICEL-

Nakakabingi ang katahimikan dito sa room. Nakabalik na kami dito at napagpasyahan nina Sir Paul na dito nalang muna kami magpahinga at matulog, total tapos naman rin kaming kumain. 

Nakahiga kaming lahat sa sahig. Inipon namin sa isang lugar ang mga armchairs para mas lumawak pa ang classroom at magkasya kami. Nasa gitna ako ni Rachelle at LJ. Ayaw kasi ni LJ na umalis ako sa tabi niya baka daw mamaya ay balikan ako ng killer at hindi na niya ako maisalba pa. Well, buti nga siguro kung ganoon nalang, baka kapag namatay ako matatapos na 'to.

"We have to protect each other, now matulog na kayo. Don't worry because Miss Lani and I will not sleep to watch over you." sambit ni Sir Paul at senenyasan kaming ipikit na ang aming mga mata.

Pero sa kasamaang palad, kahit anong gawin ko'y hindi ako makatulog. Nangangamba ako na baka paggising ko, ako nalang ang matira at patay na ang lahat-- o baka hindi na ako magising.

Pabalik-balik lang ang tingin ko kay Rachelle at LJ. Tulog na sila, maging si Lyle na katabi lang ni LJ ay tulog narin at maging ang mga kaklase ko ay tulog na. Buti pa sila ang hihimbing ng tulog, samantalang ako hindi makatulog.

"Hmmm.." napatingin ako kay Rachelle ng bigla siyang umungol at bigla niyang ipinulupot ang braso niya sa bewang ko. My step sister, I miss her.

Napangiti na lamang ako habang titingnan ang maamong mukha ni Rachelle habang tulog, para siyang isang tupang maamo ang mukha.

Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam narin ako ng antok. Tiningnan ko ang relo ko saka nalamang 9 o'clock p.m na pala. Isang oras na ang makalipas simula ng mamatay si Desiree.

Maya-maya pa'y bigla na lamang bumigat ang mga talukap ko kaya napapikit na lamang ako at napayakap pabalik kay Rachelle.

~•~ 

Nagising ako ng may marinig akong kaluskos, idagdag mo pa ang napakalikot na si Rachelle habang nakapulupot parin ang braso niya sa bewang ko. 

Dahan-dahan ko itong tinanggal at nang tuluyan ko na itong maalis sa bewang ko ay agad akong humarap kay LJ. Mahimbing parin ang tulog niya, ganoon rin si Lyle at ang iba pa naming mga kaklase. 

Tiningnan ko naman sandali si Sir Paul at Miss Lani at nakita kong nakatulog narin sila habang nakaupo sa sahig. Mukhang hindi nila kinaya ang antok. Nang tingnan ko ang wristwatch ko ay napagtanto kong 12 midnight na pala.

Babalik na sana ako sa pagkakatulog ng may napansin akong isang maliit na nakatuping papel sa paanan ni LJ. Bumangon ako at kinuha ito saka binuksan at muling bumalik ang takot sa buong sistema ko nang mabasa ang isang tulang nakasulat sa tintang kulay dugo.

"Her eyes were at peace

Innocence was her piece.

Her smile were like heaven,

Too bad she's now in a coffin."

Peace? Innocence? W-who is this person?

Agad kong ilinibot ang aking paningin sa buong classroom at wala naman akong napansing kakaiba.

Lahat sila ay at peace. Innocen-- Puta!

Muli kong tiningnan isa-isa ang mga kaklase ko at muli akong napaiyak ng mapansing may isang tao ang nawawala.

"Icel? What's wrong?" Agad kong pinunasan ang mga butil ng luha na dumadaloy sa mukha ko saka siya tiningnan at ngumiti.

"W-wala. Tulog ka nalang ulit." Kitang-kita ko pa ang antok sa mukha niya kaya hindi na ako nag-abalang sabihin pa sa kanya kung ano ang nangyayari.

Parang nakumpurmi naman siya sa sagot ko kaya tumango na lamang siya at bumalik sa pagtulog.

Nang masiguro kung tulog na si LJ ay kaagad akong tumayo para lumabas at hanapin siya.

Coffin. Malamang nilagay siya sa isang kabaong pero imposible namang may kabaong dito sa building-- wait. Hindi kaya..

Agad akong nagtatakbo nang tuluyan na akong makalabas sa classroom. Sinigurado kong hindi sila magising, mahirap na baka kapag nangyari 'yon may mamatay na naman sa amin.

Tinakbo ko ang malawak na pasilyo papunta sa ikalawang palapag dito sa building. Hanggang 3rd floor ang meron dito dahil kinumpleto na ng board members ang building na ito para lang sa amin.

Nang marating ko na ang ikalawang palapag ay agad akong dumiretso sa faculty room. Alam kong nandoon yun. Yung safe na parang kabaong ang hugis.

Pagkarating ko sa faculty room ay hinalughog ko ang buong lugar. Putek hindi ko na yun mahanap. Malamang inalis ng killer dito.

Lalabas na sana ako para pumunta sa ibang rooms ng mapansin ko ang mga letrang nakasulat sa white board na nasa harapan.

Nakasulat ito sa pulang tinta. Linapitan ko ito at nang titigin ito ay agad kong nasapo ang ulo ko ng malamang isa itong code. Putek maglalaro na naman kami nito?!

Napairap na lamang ako sa sobrang inis at sinikap na i decode ang nakasulat sa pisara para lang mailigtas siya.. Si Angel.

Tinitigan ko ng mabuti ang nakalagay sa pisara at mas lalo akong nanginig sa takot ng mapagtantong hindi ko alam kung paano ito i decode. Puta hindi ako magaling nito! S-si Kirby lang ang mahilig sa ga-- hindi kaya siya ang killer?

Umiling ako at inialis muna ang mga posebling sagot sa katanungan ko. Kailangan kong unahin ang kapakanan ni LJ.

Tiningnan ko ulit ang nakasulat sa pisara at sinubukang i decode ito.

God's army is lost. Where is she? Wanna find her? Step backward and you'll find her.

U-F-X-G-R-L-M-S-Z-O-O

What the fuck is this code? Kailangan kong masagutan to kundi mamatay sa sikip kung nasaan man ngayon si Angel.

Wait, step backward? What is that code again? Oh shit atbash!

Tinitigan ko ulit ito pero sa pagkakataong ito ay alam ko na kung ano ang magiging sagot ng code.

U is the sub for F and F is the sub of U.. Then it means..

FUNCTION HALL!

Matapos mapagtanto ang sagot ay dali-dali akong lumabas sa faculty room at dumiretso sa function hall na nasa ikatlong palapag pa.

Humahangos pa ako ng marating ko na ito. Tiningnan ko ang relo ko saka napagtantong 12:30 a.m na pala. 30 minutes na ang nakalipas simula ng umalis ako sa classroom.

Kaagad kong hinanap ang cabinet na hugis kabaong. Linibot ko ang paningin sa buong lugar at napangiti ako ng makita ko ang isang safe sa dulo ng lugar.

Kaagad ko itong linapitan at nang bubuksan ko na sana ito ay kaagad na tumambad ang numerong 1-9.

Nasapo ko na lamang ulit ang ulo ko dahil sa nakita. Kailan pa ba matatapos ang mga pakulong 'to?!

"TANGINA! BAKIT AYAW MONG LUMABAN NG PATAS!" Napasigaw na lamang ako dahil sa labis na inis at frustration.

Sa huli, wala akong nagawa kundi ang sagutin na naman ang isang problem para makuha ang password. Tangina.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Hint: because of the envy, she died 2 years ago. Who is she?

Napatakip na lamang ako ng bibig ko ng maalala na naman ang nangyari sa kanya. P-paano napunta sa kanya ang usapan? Hindi kaya.. Mali, hindi na makakapaminsala ang multo. Hindi.

"Hi bestfriend"

Agad akong napalingon dahil sa narinig. H-hindi. Nagha hallucinate lang ako.. Hindi totoo ang multo.

"Tulong.."

Napatakip ako sa tenga ko ng marinig ko na naman ang boses niya. Kailangan ko nang sagutan to!

Tinanggal ko ang mga kamay ko sa tenga at dahan-dahang pinindot ang mga numero sa safe. Nanginginig man, nilakasan ko ang loob ko para lang mabuksan ito.

1 3 2 9 2 5 0 9 0 0 5

Napalunok ako ng biglang tumunog ang safe badya na ito'y nabuksan ko na. Ang LRN na ito ay s-sakanya. K-kay Gwen, ang bestfriend kong namatay 2 years ago.

Pumikit na lamang ako at inalis ito sa isip ko. Coincidence lang ang lahat. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng safe at napaiyak na lamang ako dahil da panlulumo ng makita ang bangkay ni Angel. Nakadilat ang mga mata nito at may busal sa bibig.

Dali-dali na lamang akong tumayo at nagtatakbo pabalik sa classroom ng tumunog na ulit ang intercom.

"Wake up sleepy heads. Time check it's already 12:50 a.m." nagpatuloy lang ako sa pagtakbo habang nakayuko. Hinahanap ko kung saan nakakonekta ang intercom. Kailangan kong malaman ang killer!

"For the next riddle,

A boy in peace,

With final rooftop shall cheer.

And die in despair,

In a pointed spear.

Just like the king he was,

Before born with a smear."

Pero habang tumatakbo ay bigla na lamang akong natumba ng may nakabangga ako at nang mag-angat ko ng tingin ay nakita ko si LJ na nagmamadali.

Agad siyang lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo saka niyakap sandali. Matapos ang ilang segundo ay bumitaw rin siya sa pagkakayakap sa akin.

"Nag-alala ako. Kami. Si Rachelle halos mabaliw na kakahanap sa'yo. Si Lyle ayun naghahalughog sa ibang rooms dito makita ka lang... Ako, halos mamatay na ako sa takot at kaba.. Saan ka ba galing?" Hindi ako makasagot, instead umiyak na lamang ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari.

"Angel.. Gwen.. I-.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napahagulhol na lamang ulit ako. Wala akong kaalam-alam. Ano na bang nangyayari? Bakit nagkakaganito ang klase namin?!

"We need to find where's the main intercom's location. G-go to to them. T-tell everyone we must f-find it." Nauutal-utal kung sambit pero umiling lamang si LJ.

"Delika--"

"ICEL RUN!" Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang sigaw at nakita ko si Solomon,ang kaklase kong anak ng principal namin at nang papalapit na siya ay nakita ko ang taong nakamascot ng isang sheep. Putangina yung killer!

"Let's go!" Hila sakin ni LJ kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya dahil sa labis na panginginig.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C4
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk