Unduh Aplikasi
43.85% NOVEL BY AYRADEL / Chapter 25: Ipinaglayo

Bab 25: Ipinaglayo

Isang malakas na impact ang naramdaman ko dahilan para tumama ang noo ko sa upuan sa aking unahan. Sobrang naging mabilis ang pangyayari't hindi ko na alam kung anong naging dahilan nito. Dahil doon ay unti-unting nanlabo ang mga mata ko. Masakit man ang katawan ay pinilit ko pa ring hawakan ang aking noo.

Doon ay halos manginig ang aking kamay noong makita ko kung ano ang nasapo ko... dugo...

Maraming dugo... nakaramdam ako ng matinding kaba...

Panaginip ba 'to? Nananaginip ba ako?

Ngunit dama ko lahat ng sakit sa katawan ko. Lahat ng sugat... lahat ng galos damang-dama ko.

Si Nico...

Nanginginig ang tuhod na itinukod ko ang aking kamay para makatayo. Napatingin ako sa paligid at halos lahat ng pasahero ng bus na sinasakyan ko ay wala nang malay. Basag ang salamin at tagilid na ang sasakyan, puno ng usok ang paligid. Sa aking pagtayo ay natanaw ko ang lalaking duguan sa unahang parte ng sasakyan.

Mas lalo akong nanlumo sa nakita ko.

"N-Nico..." iika-ikang lumapit ako sa kanya. Wala siyang malay at halos puno ng dugo ang buong mukha. Naramdaman ko ang pagtusok ng milyong-milyong karayom sa dibdib ko habang hinahawakan ko ang katawan niya. "N-Nico... Nico..." yumakap ako sa katawan niya upang gisingin siya. "N-Nico... please..."

Tumingin ako sa buong paligid. Maraming tao ang nasa paligid kaya naman nagsimula akong sumigaw upang humingi ng tulong.

"Tulong!" pumipiyok man ay sigaw ko pa rin. Pinilit kong itayo si Nico, hindi kami pwedeng magkalayo...

"Dito! Dito mayroon pang buhay!" May ilang kalalakihan ang nagsilapitan sa akin upang kargahin ako.

"S-Si Nico... please... tulungan niyo akong buhatin siya..." naramdaman ko na ang luha ko. "Pakiusap... si N-Nico..."

"Miss, dalian natin dahil nag-leak ang gas nitong sasakyan... ilang minuto na lang at sasabog na 'to." napatingin ako kay Nico na walang malay.

"H-Hindi... pakiusap, isabay niyo na siya sa akin. Pakiusap... kailangang magkasama kami. Please..."

"Miss... kailangan na nating magmadali, wala nang buhay ang lalaking iyan." nanghihinang umalma ako sa pagbuhat niya. "HINDI... HINDI! Buhay pa siya! Sinabi nang buhatin niyo rin siya! Siya ang buhatin niyo dahil kaya kong maglakad!"

Bumaba ako mula sa pagkakahawak ng lalaki upang daluhan ulit si Nico. Kung hindi nila ako tutulungan ay bubuhatin ko siyang mag-isa... Hindi ko siya pwedeng iwan dito. Sabay kaming maililigtas.

Wala na silang nagawa noong bumalik ako kay Nico. Kahit hinang hina ay buong lakas ko siyang sinubukang akayin. Pero sadyang hindi ko kaya... hinang-hina ang buong katawan ko.

"Nico..." punong puno na ng luha ang aking mata. Noong sandaling rin iyon ay nagsilapitan muli sa akin ang grupo ng mga lalaki.

"Miss wala nang oras, tara na!" Ay ilan sa kanila ay hinawakan ako. Laking pasasalamat ko nang ay iba ay binihat na rin si Nico. "Buhay pa ang isang 'to. May pulso pa. Buhatin na rin natin."

Habang binubuhat nila ako at nakikita king buhat rin nila si Nico palayo sa bus ay nabunutan ako ng hininga. Doon bumagsak ang aking katawan. Doon ko mas naramdaman ang pagod,  ang sakit, ang hapdi ng bawat sugat.

May dumalo sa aming mga nakaputing mga tao ngunit lahat ng mga pangyayaring iyon ay hindi ko na naalala pa dahil tuluyan nang nandilim ang paningin ko...

hanggang sa tuluyan na akong walang naramdaman.

Napakabilis ng pangyayari... I thought that was literally just a nightmare...

Na paggising ko ay nasa kama ako't maghahanda sa pagpasok. Magaaral at uuwi kasama ni Nico.

Noong muli akong magising ay puting kisame ang tumambad sa akin, pagkatapos ay ang nakangiti ngunit luhaang mata ni Mommy.

"Mom..." Bahagyang sumakit ang ulo ko kaya naman napahawak ako dito,

doon ay naalala ko ang lahat ng nangyari. Ang bus accident...

si N-Nico...

"Nico!" tatayo sana ako ngunit hindi kinaya ng katawan ko kaya naman napadaing ako sa sobrag sakit.

"Anak, anak, Via..." nagpapanic na hinawakan ni Mommy ang aking balikat para ibalik ako sa pagkakahiga. "huwag ka munang kumilos. Hindi mo pa kaya..." sabi ni Mama habang nakaupo sa tabi ng kama ko. Tumingin ako sa paligid na maingat at puno ng nagkakagulong mga tao. Sobrang sumikip ang tibok ng dibdib ko. Muling lumandas ang luha sa mga mata ko.

"M-Mommy... s-si Nico..." sambit ko habang tumitingin sa paligid. Kunot ang noong tinignan ako ni Mommy.

"May kasama ka ba noong naaksidente ang sinasakyan niyo?" Aniya.

"O-opo..." nanginginig na sagot ko. May ilang luhang kumawala sa mata ko habang tinitignan ang paligid, nagbabakasakaling makita ko si Nico sa ilang hospital bed sa paligid ko. "Opo... si Nico po... K-kasama ko po siya sa bus na 'yon... at... mommy... duguan po siya n'on." Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol habang nagkukwento. Dinaluhan ako ni Mommy para haplusin ang likod ko. "Mommy matindi po 'yung galos niya. Please... gusto kong malaman kung nasaan siya Mommy..."

"Shhh... oo anak, itatanong natin kung nasaan siya ha? Sa ngayon ay magpahinga ka muna. Sa ilang sandali lang ay ililipat ka na namin sa mas private na room para mas makapagpakinga ka."

Nakaramdam ako ng inis kaya kahit nanlalabo ang aking mata ay pinilit kong tumayo at alisin lahat ng nakakabit sa akin. Natatarantang hinawakan ako ni Mommy.

"No Mommy! Kailangan kong malaman kung okay siya ngayon din! Okay na ako!" Hindi ko maiwasang magwala. May ilang mga nurse na ang lumapit sa akin upang turukan ako ng pampakalma.

"Diyos ko... anak ko..." umiiyak na rin na ani ni Mommy ngunit patuloy lang ako sa pagiyak at pagwawala. Sobrang sakit ng nararamdaman ko sa puso ko. Sobrang pagdadalamhati na hindi ko kayang itago lang sa loob ko.

"MOMMY HELP ME PLEASE! Si Nico, please!" Sigaw ko kay Mommy pero hinayaan niya lang ang mga nurse na turukan ako. Unti-unting nagmamanhid ang aking katawan. "Mommy...."

Napahiga ako sa sobrang manhid. Doon ay napatingin ako sa hospital bed na katabi ko. Doon ay halos maghuramento ang dibdib ko noong hawiin ng nurse ang kurtina, at tumambad sa akin si Nico...

Ang walang malay na si Nico. Base sa nakikita ko ay nagkakagulo ang mga nurse sa paligid niya. Mas lalong umingay ang paligid kahit na unti unti ay wala na akong naririnig.

I extended my arms hoping to reach him... to touch him. I wanna touch him so badly. Pero hindi ko na kaya pang igalaw ang buong katawan ko.

Sa huling sandali ay may luhang pumatak mula sa mga mata ko.

"Mahal kita, Nico..." iyon na lamang ang huling nasambit ko.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C25
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk