Unduh Aplikasi
4.34% THE BOYISH AND THE PLAYBOY (TAGALOG) / Chapter 1: CHAPTER 1
THE BOYISH AND THE PLAYBOY (TAGALOG) THE BOYISH AND THE PLAYBOY (TAGALOG) original

THE BOYISH AND THE PLAYBOY (TAGALOG)

Penulis: iamyanagi

© WebNovel

Bab 1: CHAPTER 1

"Hoy tibo, ibalik mo yung motor ko!" Singhal ng lalaking nakahighlights ang buhok. Hinarang nila sa madilim na parte ng kalsada ang isang tomboy.

"Ano ka sinuswerte? Pinusta mo yun sa karera natin!" Matapang na saad ng tomboy.

"Di naman ako seryoso ng sabihin ko yun" Wika ng lalake.

"Wala ka palang isang salita eh, ah basta sakin na yun" Pagmamatigas ng tomboy na nagngangalang Reyann.

"Aba matigas ka ah!" Wika ulit ng lalake at akmang susuntukin si Reyann, mabilis na nakailag ang tomboy. Sumunod namang sumugod ang lalaking may dalawang hikaw sa isang tenga, pero katulad ng nauna, sa hangin lang din ito tumama dahil mabilis na nakayuko si Reyann upang makailag.

Si Reyann naman ang nagsimulang umatake, sinipa nito sa sikmura ang lalaking nakahighlights, tumilapon sa lupa ang lalake, sumunod naman niyang sinuntok sa mukha ang lalakeng may dalawang hikaw sa isang tenga, sumubsob din ito sa lupa, kapwa hirap makabangon ang dalawang lalake sa malakas na atake ng dalaga, di makapaniwala ang mga ito sa lakas na ipinamalas ng dalaga.

"Ano gusto niyo pa? Di lang yan ang kaya ko" singhal ni Reyann sa dalawang lalake, nagsipag bangon ang mga ito pero hindi para lumaban kundi para umatras

"Hindi pa tayo tapos tibo! Babalikan kita!" Pagbabanta ng lalakeng nakahighlights ang buhok. Patakbong umalis ang dalawa

"Hindi ko kayo aatrasan mga ugok!" Sigaw ni Reyann sa mga papalayong lalake, inayos nito ang nagusot na t-shirt at dinampot ang nahulog na sumbrero, at tinungo na nito ang kinaroroonan ng kanyang sniper 150 motorcycle at mabilis nitong pinaharurot.

*****

Nagkalat sa sahig ang mga pinaghubarang damit, nakakalat sa mesa ang pinagkainan, at bukas ang T.V, yan ang nadatnan ni Ariella sa townhouse na inuupahan ng kapatid nitong si Reyann, sa Pinyahan Subdvision sa Sampaloc, Manila. Isa-isang pinagdadampot ang mga damit na nagkalat at iniligpit ang mga pinagkainan sa mesa, pagkatapos ay tinungo nito ang kwarto ng kapatid

"Reyann bumangon ka nga jan!" Singhal nito sa kapatid. Napabalikwas ng bangon si Reyann sa lakas ng singhal ni Ariella.

"Ate naman eh, natutulog ang tao" Reklamo ni Reyann at kinukusot kusot ang mga matang hirap maimulat

"Bumangon kana nga jan! Hanggang kailan ka magiging ganyan? Bakit di mo ayusin yang buhay mo ha?" Sermon ni Ariella

"Ang aga-aga pa ate! Maya mo na'ko sermunan" Wika muli ni Reyann at muling nahiga sa kama

"Maaga? Alas onse na ng umaga!" Binuksan ni Ariella ang bintana, at pagbukas ay kumalat ang maliwanag na sinag ng araw sa buong kwarto.

"Ano na naman bang inatupag mo at napuyat kana naman?" Pagbubunganga pa ni Ariella sa kapatid, at dahil maliwanag na, napansin ni Ariella ang ilang galos sa braso ni Reyann.

"Napano na naman ang mga yan?" Lumapit si Ariella sa kapatid at tinignang maigi ang mga galos. "Kailan kaba titigil ha? Sumasakit ang ulo ko sayo!" Nagtitimping wika ni Ariella, nahihirapan sya sa piniling istilo ng pamumuhay ng kapatid.

Katulad ng nakagawian, tanging katahimikan lang ang isinagot ni Reyann sa kanyang ate.

"Aalis na'ko, pinagdala lang kita ng pagkain" Pagpapaalam ni Ariella sa kapatid. "Eto ang pera mo, ilalagay ko nalang dito" Saad ni Ariella at inilagay sa ibabaw ng bedside table ang isang sobre, wala paring imik si Reyann hanggang sa makalabas na ng kwarto niya si Ariella.

Kinuha ni Reyann ang sobre at tinignan ang laman, naglalaman ito ng 20 thousand pesos, parte niya ito sa lingguhang kita ng restaurant na pamana ng kanilang ama, ang ate Ariella at kuya Rico niya ang nagma manage ng restaurant, apat silang magkakapatid at pangalawa siya sa bunso, ang bunso nila ay si Paolo, nag-aaral ito ng college sa kursong criminology. Ang panganay na si Ariella ay nakatapos ng culinary at si Rico naman ay HRM(hotel and restaurant management) kaya sila ang magaling magpatakbo sa kanilang restaurant. At siya? Wala pa siyang natatapos, ECE(electronics and communications engineering) ang kurso niya, pero pahinto hinto siya, dalawang taon palang ang natatapos niya sa kanyang kurso, kagaya ngayong taon, huminto ulit siya dahil di niya gusto ang isa sa mga prof niya. Ang babaw na dahilan, kaya ang ate Ariella niya ay gigil na gigil sa kanya, kaya naman binawasan nito ang parte niya sa kita ng restaurant.

Bumangon si Reyann at naghilamos, kinain ang dalang pagkain ng ate niya, at pagkatapos ay umalis upang pumunta sa bangko, kahit ganyan lang siya ay nag iipon siya para sa sarili, inilalagak sa bangko ang kalahati ng kanyang parte.

*****

Kakagaling ni Reyann sa barbero, pinabawas nito ang kanyang buhok, medyo humahaba na kasi, hindi siya sanay na humaba ang buhok, ang gusto lang niya ay pilmi itong hanggang tenga ang haba.

Naglalakad siya sa kahabaan ng M. Delafuente St. sa Sampaloc, Manila ng mga oras na iyon, iniwan niya sa kanilang restaurant na nasa J. Marzan St. sa Sampaloc din ang kanyang motorsiklo, bahagya palang siyang nakakalayo sa barber shop ng maramdaman niyang parang may sumusunod sa kanya, huminto siya, ramdam nyang may papalapit sa kanya.

"Nagkita tayo ulit tibo" Nakangising sabi ni Jon, ang lalaking nakahighlights ang buhok na nakaaway ni Reyann noong nakaraang gabi

"Makakaganti narin ako sayo, tignan ko ang tapang mo ngayon" Lalo pang lumapit ang grupo ni Jon sa kinatatayuan ni Reyann, humarap naman si Reyann sa grupong tila naghahamon sa kanya.

"O ikaw pala highlight boy, ang dami mong back-up ah" Alanganing ngumiti si Reyann, nasa sampu ata ang kasamang back-up ni Jon

"Sinadya ko yan, para makasigurado akong makakaganti ako sayo" Ngumisi na naman si Jon.

"Ah eh..pwede bang isa-isa lang, mahina ang kalaban" Nagawa pang magbiro ni Reyann.

"Bakit naman ako maniniwala sayo?" Hindi maalis ang ngisi ni Jon. "Sugurin nyo na!" Utos ni Jon sa mga kasama. Pinalibutan muna ng limang kalalakihan si Reyann, tinignan isa-isa ni Reyann ang mga kalaban, napapailing ito.

"Marami sila, no choice ako, kailangan kong gamitin ang huling alas ko" - Wika ni Reyann sa sarili.

Nagsimula ng umatake ang mga kalaban, panay ilag lang ang ginagawa ni Reyann, nailagan niya ang apat na atake, pero hindi ang panglima, tinamaan siya ng suntok sa mukha, pero hindi nya yun ininda, gumanti siya ng atake, pinagsisipa nya ng ubod lakas ang bawat isa, may tumilapon, may napaupo, may sumubsob, at ng makatiyempo ay ginamit na niya ang huling alas...

Kumaripas siya ng takbo, yun lang ang huling alas niya sa mga sandaling iyon, ang tumakas, siguradong sa ospital ang bagsak niya pag kinalaban ang sampung iyon.

"Hoy!" Sigaw ni Jon "Anong tinatanga tanga nyo jan?! Habulin nyo!" Hinabol nga ng mga kalalakihan si Reyann, naghabulan ang mga ito hanggang sa makarating sa isang mall.

*****

Hingal na hingal si Reyann nang marating ang isang Mall, batid niyang hinahabol parin siya ng grupo ni Jon, sinadya niyang sumuot sa mataong parte ng Mall upang mailigaw ang mga humahabol sa kanya.

Patuloy parin sa pagtakbo si Reyann hanggang sa marating niya ang parking lot ng Mall, nagpalinga linga ito sa paligid

"Hayun siya, habulin niyo! Kailangan maturuan ng leksyon yan!"

"Patay na!" Nasabi ni Reyann sa kanyang sarili, nakita siya ni Jon.

Nagpatuloy sa pagtakbo si Reyann, at ng wala na siyang matakbuhan ay naghanap nalang siya ng sasakyang pwedeng pagtaguan, nakakita siya ng kotse na medyo nakasiwang ang pintuan sa back seat, mabilis niya itong tinungo at pumasok sa loob ng kotse, sumiksik siya sa ilalim ng mga upuan upang hindi siya makita ng mga humahabol sa kanya.

Naramdaman ni Reyann na may pumasok sa driver seat ng kotse, di siya kumibo, baka kasi nariyan lang sa tabi-tabi ang grupo ni Jon.

Ilang sandali pa ay naramdaman ni Reyann ang pag andar ng kotse, naalarma siya, pero hindi siya pwedeng makita ng kung sino mang nagmamaneho ng kotse, baka mapagbintangan pa siya nitong magnanakaw dahil basta nalang pumasok sa kotse niya.

"Ouch!" May kalakasang daing ni Reyann, nauntog kasi ang ulo niya sa upuan, mukhang may nadaanan ata silang hamps

"What the-" Hindi naitinuloy ng driver ang sasabihin, sa halip ay inihinto nito ang sasakyan, at pagkatapos ay tumingin sa back seat.

"Who are you?!" Matapang na tanong ng driver na isa palang napaka gwapong nilalang. Napilitang umalis si Reyann sa kanyang pinagkukublian

"Sorry" Napapakamot na wika ni Reyann sa lalake, nag peace sign pa ito. Pinasadahan ng tingin ng driver si Reyann mula ulo hanggang paa.

"Anong ginagawa mo sa kotse ko?" Magkasalubong ang kilay na tanong ulit ng lalake.

"Pasensya na, may humahabol kasi sakin kanina kaya nagtago lang muna ako sa kotse mo" Paliwanag ni Reyann, napansin ng lalake ang hitsura ni Reyann, maraming galos at may sugat sa labi na mukhang nakuha dahil sa suntok.

"Gangster ka noh?" Nakataas ang kilay na tanong ng lalake kay Reyann.

"Gangster?" Natawa si Reyann.

"What's funny?" Masungit na tanong ng lalake.

"Wala lang, yung mga humahabol sa akin pwede pang tawaging gangster, eh ako? Hello! may gangster bang nag-iisa?" Tatawa-tawa paring wika ni Reyann.

"Okey!" Kibit balikat ng lalake, tila hindi interesado sa sasabihin pa ng estrangherang bigla nalang pumasok sa kanyang sasakyan. "You may go" Dagdag pa ng lalake. Hindi kumibo si Reyann, sa halip ay umayos ito ng pagkakaupo sa back seat.

"I said, you may go, bingi ka ba?" Naiinis nang saad ng lalake.

"English ka nang english..mahina ako sa english" Wika ni Reyann. "Tsaka ba't ang sungit mo?"

"Ang sabi ko makakaalis kana, at kung masungit man ako, it's your fault! Malay ko ba kung kriminal ka" Nagtagalog na ang gwapong lalake.

"Ang judgemental mo naman!" Napataas ang boses na saad ni Reyann. "Hindi porque ganito ang ayos ko, kriminal na'ko!"

"Who knows? Maraming manloloko sa panahon ngayon, malay ko ba kung modus nyo lang pala ang ganyan" Sagot ng lalake. "Get out!" Pagtataboy pa nito kay Reyann.

"Ang yabang nito! Di ka ba naaawa sakin? Pano kung maabutan ako ng mga humahabol sakin at mapatay nila ako?" Pangongonsensya ni Reyann.

"Fine! Pero binabalaan kita ah, pag ginawan mo'ko ng masama, sisipain kita palabas ng kotse!" Sumusuko, pero may pagbabanta ding sabi ng lalake, pinaandar na nito ang sasakyan.

Napatango at napangiti na rin si Reyann, ligtas na sya. "Ako nga pala si Reyann, ikaw brad anong pangalan mo?" Tanong ni Reyann, feeling close lang.

"Francis" walang reaksyong sagot ni poging driver.

Hindi na sumagot pa si Reyann, sa halip ay napatitig sya sa poging driver, mukha kasi itong artista, medyo kulot ang buhok nito na may kahabaan ng konte, singkit, manipis ang labi at matangos ang ilong at maputi, para itong leading man sa isang korea novela na palaging nakikita nya sa commercial, hindi naman kasi mahilig si Reyann sa panonood ng telenobela, kaya sa commercial nya lang ito nakikita.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan, ang creepy" Napapangiwing wika ni Francis.

"Wag ka ngang assuming! Di kita type, di tayo talo!" Depensa ni Reyann sa sarili.

"Hindi ako nag-a-assume! Ang sabi ko, creepy, nakakatakot!" Paliwanag ng lalake na si Francis. "San ka ba bababa Miss Gangster? Natatakot na'ko sayo eh"

"Miss Gangster daw" Bulong ni Reyann sa sarili.

"Anong binubulong-bulong mo jan? Tinatanong kita kung san ka bababa" ani Francis.

"Jan nalang!" Sigaw ni Reyann, salubong ang kilay nito, naiinis na sya sa kagaspangan ng ugali ng lalake.

Inihinto ni Francis ang kotse sa tabing kalsada. "Labas na" Pagtataboy nito kay Reyann.

Padabog na lumabas ng kotse ang tibong si Reyann. "Salamat ah!" Sarkastikong saad ni Reyann at pabagsak na isinara ang pintuan ng kotse. "Maholdap ka sana!" Sigaw nito sa lalake na nagpakilala sa pangalang Francis.

"What ever!" Pasigaw na sagot ni Francis.

"Sungit!" Sigaw ulit ni Reyann ng paalis na si Francis.

Nasa J. Marzan St. na pala siya, ilang dipa nalang ang layo ng restaurant nila mula sa kinaroroonan niya. Nang makuha na ni Reyann ang motorsiklo nya sa parking lot ng restaurant nila, hindi na siya pumasok sa loob, sigurado kasing magiging O.A na naman ang mga kapatid nya pag nakita ang hitsura nya.

Itutuloy....


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C1
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk