Unduh Aplikasi
35% Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 21: Untold

Bab 21: Untold

UMUPO ako sa sahig at ibinaba ko ang paa ko, konting maling galaw ko lang ay posibleng mahulog ako sa lumang building na ito. Kahit naman ganito ang kalagayan ko, nasa katinuan pa naman ako at hindi pa nagbalak na magpakamatay, tanging si Kyrine lang ang nag-iisip na gagawin ko 'yon.

Nakarinig ako ng yapak ng paa kaya lumingon ako sa taong iyon.

"Kanina ka pa rito?" tanong ni Damien sa akin at umiling naman ako.

"Hindi. Mas nauna lang ako sayo ng konti," sagot sa kanya at inalis ang tingin sa kanya. Pinagmasdan ko ang siyudad ng Pampanga na lumiliwanag dahil sa pinagsamasamang ilaw ng building, mga bahay, at mga sasakyan.

Napakaganda.

Naramdam ko na umupo siya malapit sa akin ngunit may sapat na distansya pa rin.

"Ang ganda, 'no?" tanong niya ngunit hindi ako sumagot. "Isa akong photographer, madami na akong napuntahan na magagandang lugar subalit ang tanawin na 'to, ang pinaka nagustuhan ko sa lahat. Gusto ko kasi talaga ang mga lights. Ang sarap sa mata titigan." Usal niya sa masayang boses at maliit na napangiti ako.

"May nangyari ba?" untag niya sa akin pagkaraan. "K-Kung gusto mo lang sabihin sa akin, pero kung ayaw mo, ayos lang din. Gusto ko lang malaman mo na handa akong makinig." Usal niya pagkatapos ay magaan siyang ngumiti sa akin.

"Nagbabasa ka diba ng mga libro ko?" tanong ko imbes na sagutin ang sinabi niya.

"O-Oo, nagbabasa ako." Halata ang gulat ngunit sumagot pa rin siya sa tanong ko.

"May ikukuwento ako sayo, isa itong story na hindi ko pa nasusulat at ikaw ka pa lang makakaalam nito," sambit ko sa kanya. Umayos ako ng upo at pinagmasdan muli ang tanawin na nasa harap ko.

"Ang babaeng bida sa kuwento ay isang simple at masayahin na babae. Para siyang katulad mo na nagiging masaya kahit sa maliit na bagay. Nong tumuntong na siya ng college ay nag-umpisang tumibok ang puso niya sa isang lalaki. Gwapo kasi ito at idagdag pa na napakasipag nitong mag-aral kaya mas lalong siyang na-inlove sa lalaki," kuwento ko sa kanya at hindi ko mapigilan na mapangiti. "Madalas kasi natatalo ng taong masipag mag-aral ang puro pa-gwapo lang."

"Psst! Diba siya 'yong crush mo? Si Josiah?" bulong na tanong ni Kyrine sa akin na tinuro pa si Josiah na abala sa pagbabasa ng libro na malapit lang sa puwesto namin. Sinenyasan ko siya na tumahimik, nakakahiya kasi na baka marinig ng lalaki.

"O-Oo, huwag ka ng maingay. Bilis, magreview na tayo," usal ko sa kanya at inilabas ang mga notes ko.

"Ah, siya ba 'yong crush mo, Caelian! Si Josiah! Oo, tama siya nga pala yong crush mo!" nanlaki ang mata ko dahil sa lakas ng boses ni Kyrine. Lahat tuloy ng tao sa library ay napatingin sa amin pati na si Josiah!

Pero mabilis din niyang inalis ang tingin sa akin.

"Hindi nagtagal naging magkaibigan sila dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ngunit sa babae ay isang biyaya iyon dahil sa wakas nakausap niya na ang taong gusto niya," usal ko na hindi maiwasan tumawa ng mahina sa dulo.

Sumakay ako ng elevator kasama ang nagmamadaling estudyante katulad ko dahil malapit ng mag-umpisa ang klase. Nakipagsiksikan ako para pindutin ang 8th floor dahil nandon ang room ko.

Tumaas na ang elevator at nagsilabasan na ang lahat ng estudyante pagkarating sa 5th floor. Magkaklase pala ang mga iyon kaya nahihilo ako sa ingay nila dahil kahit ang sikip na hindi nila mapigilan na dumaldal. Ang babaho pa ng hininga ng iba at idagdag pa amoy ng mga pagkain na dala nila.

Ako na lang ang natira at sinarado ko na ang elevator ngunit nainis ako dahil hindi ito umakyat dahil may pumindot sa labas kaya bumukas ulit ito.

Unting-unti bumukas ang pintuan ng elevator at nakita ko si Josiah na nakatayo doon.

Pagkabukas ng pintuan ay pumasok na siya at pinindot ang 7th floor button. Ako naman ay natuptop na sa kinatatayuan dahil kasama ko lang naman ang taong gusto ko. Pakiramdam ko ay ang sobrang liit ng lugar kahit nasa 20 katao ang kasya dito.

Sobrang tahimik ng buong elevator dahil naka-focus lang kami sa pulang number na nagbibigay kaalaman sa amin kung anong floor na kami.

Ngunit...

Nakarinig ako ng kumukulong tiyan.

Napatingin ako kay Josiah at dahan-dahan siyang lumingon sa akin.

Tinitigan niya ako at napalunok ako. Nakita ko siyang mahinang napailing na para bang dissapointed siya sa akin.

"Dapat bago ka pumasok, kumain ka dahil estudyante ka. Kapag kasi hindi kumain ang isang estudyante, nawawalan siya ng focus sa pag-aaral dahil inaagaw ng atensyon niya ang tiyan niyang nagugutom na," sambit niya sa marahan ngunit seryosong tono. Nakagat ko ang labi ko sa pagkapahiya.

"Napapadalas na ang pagsama nila at naging matalik na magkaibigan sila. Kahit gusto ng babae ang lalaki hindi niya hinahayaang mahalata ng lalaki ang totoong nararamdaman niya dahil natatakot siyang layuan nito at mailang sa kanya. Saka, kuntento naman siya sa kung anong meron sa kanila lalaki," nakangiting usal ko at inaalala ang araw na iyon.

"Caelian, mag-swimming na kasi tayo sa dagat! Ano, forever ka na lang ba manonood sa amin?" sambit ni Kyrine habang hinihila ako papuntang dagat ngunit dahil ayaw ko talaga ay hinila ko pabalik ang kamay ko. Nanahimik ang buhay ko rito sa ilalim ng niyog kaya 'wag niyang guluhin.

"Ayaw ko nga kasi. Mag-swimming ka nalang mag-isa," sagot ko sa kanya at umayos muli ng upo sa buhanginan.

"Sige na kasi, sumama ka na sa am—" Napatigil siya nang may nakita sa likod ko. "Oh! Josiah! Nandiyan ka pala! Kausapin mo nga itong Caelian, ayaw mag-swimming, e. Sayang lang binayad sa kanya ni Tita tapos hindi niya susulitin! Konti nalang talaga maniniwala na ako na may tinatagong libag ang babaeng 'to!" sumbong niya at napasimangot ako.

Umalis na si Kyrine at sumama na classmates niya. Lahat ng school department sa university namin ay sama-samang nagkaroon ng celebration party dahil sa matiwasay at magandang kinalabasan ng school year namin. Wala kasing bumagsak at lahat masuwerteng nakasabit.

"Bakit ba ayaw mong mag-swimming? May trauma ka ba sa dagat?" tanong ni Josiah ngunit halata ang bahid ng pag-aalala.

Umiling naman ako bilang sagot.

"Wala akong trauma sa dagat. Sadyang hindi lang ako marunong lumangoy. Buti pa sana kung swimming pool 'yan atleast kapag gumilid ako, may hahawakan ako para hindi lumubog…pero sa dagat, wala akong mahahawakan," nakasimangot na sabi ko at tinitigan niya ako. Iniisip niya siguro kung nagbibiro ba ako ngunit seryoso ko lang siyang tiningnan at sa dulo, napatawa siya.

Sinamaan ko siya ng tingin nang tumagal ang pagtawa niya. Tumikhim naman siya at inilahad ang kamay sa akin.

"Edi, hawakan mo ang kamay ko. Sigurado hindi ka na lulubog," nakangiting sabi niya.

"Ang dating magkaibigan ang turingan na nauwi sa pagmamahalan. Ika nga nila, hindi pwedeng magkaibigan ang lalaki at babae dahil baka may mahulog na isa o pareho silang ma-inlove sa isa't isa" nakangiting sabi ko sa kanya at sinilip siya, nakita kong nakikinig siyang mabuti sa kuwento ko.

"Naging maganda ang relasyon nila at hinahangaan ng karamihan. Sabi pa nga ng iba, 'perfect couple' daw sila. Parang sinadyang ginawa raw sila isa't isa dahil fit na fit silang dalawa," kuwento ko pa sa kanya na may tinatagong ngiti ngunit kalaunan ay unti-unting nawala 'yon. "Sa relasyon, dapat ay pinaghalo-halong kilig, saya, lungkot, at sakit para makabuo ng magandang relasyon kaya kung puro saya at kilig lang nararanasan niyo...magtaka ka na...dahil siguradong may mali," malungkot na sabi ko sa kanya.

"Josiah, saan tayo pupunta next week? Sa Zambales kaya? Hindi pa kasi ako nakakapunta doon. Sabi nila maganda raw ang isla do'n," nakangiting usal ko sa kanya at malambing na niyakap siya saka inilagay ang ulo ko sa dibdib niya.

Nakahiga kami ngayon sa gitna ng garden. May blanket na pula bilang pangsapin namin at sa kanan ko naman ay nakalagay sa basket ang dala naming pagkain.

"Caelian, masaya ka ba?" biglang tanong niya sa seryosong tono at napakunot ang noo. Itinangala ko ang ulo para sana salubungin ang tingin ngunit nakatulala lang siya sa langit.

"Oo naman. Sobrang masaya ako dahil isang taon na lang ay matutupad na ang pangarap ko. Hindi man nagustuhan nila mama ang kinuha kong career pero sinuportahan pa rin nila ako," nakangiting sabi ko sa kanya subalit hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya.

"Sa relasyon natin? Masaya ka ba?" tanong niya sa mas seryosong tono at hindi ko na nagugustuhan ang mga tanong niya.

"Oo naman! Sobrang masaya ako dahil may boyfriend akong katulad mo," pilit na ngiti at masayang usal ko. May nararamdaman talaga akong kakaiba, at ito pakiramdam na kahit alam ko ay ayaw ko ng alamin pa.

"Bakit gano'n? Ikaw, hindi man lang nagbago ang nararamdaman mo simula ng maging tayo...pero ako...habang tumatagal nawawala na ang nararamdaman ko para sayo," bulong na sambit niya ngunit pakiramdam ko ay isinigaw niya 'yon sa akin. Naramdaman ko ang pagtigil ng tibok ng puso ko.

"Sa isang relasyon, mahalaga na parehong mahal ng dalawang tao ang isa't isa...at sa relasyon natin...wala na ang mahalagang bagay na iyon. Tanging ikaw na lang ang nagmamahal sa ating dalawa," sambit niya at naramdaman ko ang paglukot ng kung ano sa dibdib ko. Umalis ako sa puwesto ko at umupo. Tinitigan ko siya at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"A-Akala ko mahal mo ako? Diba iyon ang sinabi mo?" tanong ko sa kanya na may hinanakit sa tono.

Sa unang pagkakataon ay tiningnan niya ako at wala akong mabasa do'n. Seryoso lamang siya at nakakaya niyang titigan ako kahit nakikita niya na akong lumuluha dahil sa lumalabas sa bibig niya.

"Oo, tama ka, minahal kita. Pero nong nakaraang araw...nagising na lang ako ng walang nararamdaman sayo. Hinahanap ko ang pagmamahal ko sayo...pero wala akong nahanap," diretsong sambit niya at mas bumuhos ang luha ko. Naalarma ako nong tumayo siya at pinagpag ang pants niya kaya tumayo rin ako at hinarap siya.

"B-Baka pwede pa natin pag-usapan, Josiah. Siguradong maaayos pa natin 'to," usal ko sa kanya.

Ngumiti siya ng tipid sa akin at inilagay sa likod ng tenga ko ang mahabang buhok ko.

"Sa tingin mo ba, sasabihin ko 'to sayo kung maaayos pa?" untag niya sa akin at napaluha ako. "Sobra kitang minahal, Caelian....at napagtanto ko na kahit mahal na mahal mo ang isang tao...darating ka pa rin sa punto na tatanungin mo ang sarili mo kung...totoo ba ang naramdaman mo? O gawa-gawa lang ng isip mo 'yon? Dahil kung totoo nga bakit nawala?" sambit niya at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Maaari na totoo nga na pagmamahal ang naramdaman ko sayo ngunit hindi naging sapat iyon para umabot hanggang dulo. I'm sorry, Cealian. Pero mukhang hanggang dito na lang tayo," usal niya at napaawang labi ko sa gulat at sakit na nararamdaman ko.

Tatalikod na sana siya sa akin ngunit ewan ko kung saan ako nakakuha ng lakas para pigilan siya at hinawakan sa pulsuhan.

"T-Teka lang. Paano naman ang napag-usapan natin noon? D-Diba sabi natin, kapag nawawala na ang pagmamahal ng isa sa atin, gagawa tayo ng paraan para bumalik iyon? Paano mangyayari 'yon kung makikipaghiwalay ka na sa akin? K-Kung iiwan mo na ako?" sambit ko sa kanya at sunod-sunod na pumatak ang mabibigat na luha sa mga mata ko.

"Paano natin mababalik ang isang bagay na kusang nawala?" untag niya at natigilan ako. "Huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin. Tapusin na natin ang relasyon na 'to," usal niya at siya mismo nagtanggal ng kamay ko sa pulsuhan ko saka siya naglakad paalis.

"Sa wakas ng kuwento, iniwan ng lalaki ang babae," pagtatapos ko sa istorya. "Sa bawat kuwento, sa libro man o sa totoong buhay...madalas na nag-uumpisa sa masaya ngunit nasa atin ang desisyon kung gagawin nating masaya...o malungkot ang wakas," sambit ko sa kanya at humarap sa kanya.

"Sa kuwento mo...ibig sabihin, malungkot na wakas ang pinili nila?" tanong ni Damien sa akin.

"Hindi," mabilis na sagot ko at nakita ko siyang naguluhan.

"Ha? Edi, ano?"

"Isang masakit na wakas ang pinili nila," sagot ko sa kanya at mapait na napangiti.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C21
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk