Unduh Aplikasi
40.47% The Mermaid, the Prince and the Wizard (Tagalog) / Chapter 16: Mermaid's Tale: Abduction and Allies

Bab 16: Mermaid's Tale: Abduction and Allies

NALAMAN nina Prinsesa Zyda at Prinsesa Lilisette na isang prinsesa ring tulad nila si Azurine. Hindi nga lang nila alam kung saang bansa ito nagmula. Syempre joke lang ang kaharian ng lumbalumba. Walang gano'ng bansa. Pilit mang paaminin si Prinsipe Eldrich, ay wala silang napala.

Sinabihan ni Eldrich ang ama niyang hari at reyna na napuwiin na ang dalawang prinsesa sa kanilang bansa. Subalit si Zyda mismo ang ayaw umalis sa tabi ni Eldrich. Habang si Liset nama'y walang tutol sa desisyon ni Eldrich. Gusto na rin nitong umuwi sa Sario upang makita ang kanyang amang hari.

Dahil dito, inatasan si Seiffer na samahang ihatid si Liset sa kanilang bansa. Sakay ng malaking barkong panlayag, sinamahan ni Seiffer si Liset pauwi. Kasama rin nila ang ilang kawal ng palasyo upang magtanggol sa kanila. Alerto rin ang pinadalang espiya ng kaharian ng Alemeth upang mag-ulat kung sakaling sumalakay ang mga pirata.

Sa loob ng silid ni Prinsipe Eldrich, buong siglang ginagawa nina Azurine at Octavio ang trabaho nila bilang personal na katulong ng prinsipe.

Isang mahabang buntong-hininga ang ginawa ni Octavio na siyang kumuha ng atensyon ni Azurine.

"Nasaan na kaya sila ngayon?" Tinutukoy niya si Liset. Nalungkot itong si Octavio nang malamang uuwi na ang crush niyang prinsesa.

"Huwag ka nang malungkot. Magkikita pa naman kayo sa ibang pagkakataon," panunuyo ni Azurine sa kaibigan.

"Hay! Sana nga…" nalulugmok na bulong ni Octavio.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, nakaringi sila ng mabibilis na yabag sa labas ng silid. Tila pinatawag ang lahat ng kawal ng palasyo kaya ngayo'y mabilis na tumatakbo ang mga ito sa pasilyo.

Inusisa ng dalawa ang nangyayaring kumosyon sa labas. Sinilip nila sa maliit na uwang ng pinto ang nangyayaring pagkilos ng mga kawal. Nang masilayan ni Azurine si Zyda kasama ni Eldrich. Patungo sila sa malaking bulwagan kung nasaan ang trono ng hari at reyna.

"Mukhang may nangyayaring kaguluhan, Azurine." Isinara ni Octavio ang pinto.

"Kailangan kong malaman kung anong nangyayari," kabadong sabi ni Azurine sa kaibigan. Palihim silang lumabas ng silid at nagtungo sa mataas na tarangkahan ng malaking bulwagan. Ito ang sentro ng palasyo kung saan tinatanggap ang mga taong nais kausapin ang hari at reyna. Dito rin ginagawa ang pag-uusap kung sakaling may iuulat sa hari o ipag-uutos mismo ang hari.

Idinikit nina Azurine at Octavio ang tainga nila sa saradong pinto upang pakinggan ang pag-uusap sa loob. Isang boses ang kanilang na rinig mula sa lalaking may malamig at misteryosong tinig.

"Ano na po ang inyong pasya, Kamahalang Hari?" malamig, misteryoso na tila walang buhay na sabi ng lalaki.

kung hindi sila nagkakamali, may hinala ang dalawa na isa itong espiya ng kaharian.

Nang marinig nila ang tinig ng prinsipe.

"Ama, hayaan n'yong sumama ako sa susunod na hukbong ipapadala para iligtas sina Prinsipe Seiffer at Prinsesa Lilisette!" mariing pahayag nito na waring nagpupumilit na sumabak sa laban.

Kinabahan ang dalawa nang marinig ang katagang sinambit ni Eldrich. "Narinig mo? Nasa panganib sina Ginoong Seiffer at Lady Liset!" aniyang may pangangamba sa narinig.

Nang bumukas ang mataas na tarangkahan, tumambad sa harap ng dalawa si Eldrich na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Azurine? Anong ginagawa n'yo d'yan sa labas?" tanong ng prinsipe.

"Ah-eh..." Nakangiwing napakamot sa ulo si Azurine.

Tumayo si Octavio't buong tapang na nilapitan si Eldrich. "Kamahalan, isama n'yo ako! Gusto kong iligtas si Prinsesa Liset!"

Nagulat si Azurine sa turan ni Octavio. Lalaking-lalaki ang dating nito, buo ang loob na pinakiusapan ang prinsipe. Napapangiti si Azurine sa pagtitig niya sa kaibigan. Gagawin nito ang lahat para sa minamahal niya.

"Sasama rin ako!" Tumayo rin si Azurine para sumama sa pagliligtas sa dalawa.

Subalit…

Dumaan lang si Eldrich sa gilid nila't nang makalampas. "Hindi maaari!" tipid nitong sambit sa kanilang dalawa. Lumingon pa si Eldrich kay Azurine bago umiling. "Hindi ko maaaring isaalang-alang ang kaligtasan ninyong dalawa. Dumito na lang kayo sa palasyo at maghintay ng magandang balita," anitong seryoso ang mga mata.

Tama naman kasi siya. Bilang isang prinsipe ng kaharian hindi niya maaaring ilagay sa kapahamakan ang ibang tao. Higit sa lahat ang taong ito ay kanyang pinangakuan ng proteksyon. Ang babaeng hindi niya hahayaang masaktan nino man.

***

"DITO lang kayo at huwag aalis!" mahigpit n autos ni Eldrich kina Azurine at Octavio.

Wala ring nagawa si Eldrich kahit anong paghihigpit niya sa dalawa na huwag sumama. Nagpumilit ang dalawa at pumuslit sa palasyo. Palihim silang sumakay sa barkong pandigma na sinasakyan ng prinsipe. Nagtago ang dalawa sa malaking bariles na walang laman. Gagamitin ito na lagayan ng mga sanda ng mga kawal. Dahil mabigat, ang akala ng mga kawal ay may laman kaya ipinasok nila ito sa loob ng barko. Nang makalabas ang dalawa, nakapaglayag na ang barko sa dagat. Kaya nang makita sila ni Eldrich, wala na silang nagawa.

Tumango ang dalawa bilang sagot sa prinsipe. Nasa baybaying dagat sila ng Zugart sa bansa ng Oero. Nakarating sila sa pang-apat na bansa ng SEPO alliance.

Ang Oero, ito ang bansang napapaligiran ng tubig. Magkagano'n man ang Oero ay pinamumunuan ng Makapangyarihang salamangkera at hindi hari. Kaya ang Oero lamang ang natatanging bansa na walang hari o reyna. Ang mga mamamayang nakatira rito ay nag-aaral ng mahika at ito ang kanilang panlaban sa mga pirata. Kaya hindi makapasok ang pirata sa bansa ng Oero dahil sa mataas at dekalidad na magic barrier na nagsisilbing proteksyon ng Oero.

"Kakausapin ko si Meister Hellena," wika ni Eldrich sabay talikod at hinarap si Zyda. "Ikaw na munang bahala sa kanila, Prinsesa Zyda."

"Sige lang, Kamahalan."

Tuluyang umalis si Prinsipe Eldrich kasama ng mga kawal. Natira ang ilan sa baybayin kasama nina Zyda upang magbantay sa kanilang barko.

"Bakit hindi tayo maaaring sumama?" tanong ni Azurine.

Humalukipkip muna si Zyda. "Kasi, bawal ang babae sa palasyo ni Meister Hellena." Itinuro niya ang palasyo ng Oero na tanaw sa baybayin ng Zugart. "Kilalang makapangyarihang witch si Meister Hellena. Ang kaso, mahilig din siya sa mga lalaki at ayaw na ayaw niyang nakakakita ng babae sa loob ng palasyo. Kaya hindi siya lumalabas ng palasyo at tanging mga tagasunod niya ang gumagawa ng lahat sa labas ng kaharian. Ang Oero ay kilalang bansa ng mga witch at wizard. Pero dahil sa panahanon ngayon, iilan na lang ang gumagamit ng mahika kaya hindi na rin sila pinapansin."

Natulala si Azurine sa kuwento ni Zyda. Bago na naman ito para sa kanya. Mayamaya'y lumapit ang isang kawal na kanina'y kasama ng prinsipe. May dala itong itim na telang pangtaklob sa ulo.

"Pinapasunod kayo ng prinsipe. Isuot n'yo raw itong balabal sa ulo para sa kaligtasan n'yo."

Sinunod naman nila ang inutos ng kawal. Maliban kay Octavio dahil lalaki siya walang taklob ang ulo niya. Tanging mga mata lamang nila ang litaw sa suot nilang taklob sa ulo.

Habang naglalakad patungo sa palasyo. "Para saan ba itong suot natin?" usisa ni Azurine.

"Para hindi makita ang mukha natin. Sinabi ko nang ayaw na ayaw makakita ni Meister Hellena ng babae sa palasyo 'di ba?" ani Zydang hindi komportable sa suot sa ulo. "Mabuti nga at ibinaba nila ang magic barrier kanina pagkadaong natin sa baybayin. Mukhang alam niya din ang pakay natin sa kanila," pabulong na pahayag ni Zyda.

***

ISANG sexy, kaakit-akit at maalindog na babaeng nasa edad trenta ang pinuno ng bansang Oero. Siya si Meister Hellena Suuko, mula sa ikatlong henerasyon ng kilalang witch clan sa mundo. May kulot, kulay abo at mahabang buhok. Mahaba ang pilikmata gayon din ang kilay niyang tila nang-aakit sa porma. Ang labi niyang mapula dahil sa makapal na lipstick at kulay kahel na mga matang mapang-akit. Higit sa lahat, nag-bo-bounce ang pares ng malulusog niyang dibdib.

Nakaluhod sa paanan ni Meister Hellena sina Azurine at Zyda habang nasa tabi naman sina Eldrich at Octavio. Dahil nakatakip ang buong ulo ng dalawa hindi kita ni Hellena ang hitsura nito.

"Pakiusap, hinihingi namin ang tulong n'yo, Meister Hellena." Nayuko si Eldrich, habang nasa gilid siya ni Hellena. Nakaupo sa trono si Hellena at nakatitig sa prinsipe.

"Kanina mo pa sinabi ang pakay mo, gwapong prinsipe." Tumayo si Hellena't lumapit sa kinaroroonan nina Azurine. "Sila ang kasama mong babae hindi ba?" Iniyuko ni Hellena ang ulo niya kasabay nito ang paglaylay ng kanyang dibdib na napansin ni Azurine. "May naaamoy akong kakaibang kapangyarihan sa isang 'to!" Sabay turo kay Azurine.

"A-Anong ibig n'yong sabihin?"

Ngumiti nang may mapang-akit na tingin si Hellena kay Eldrich. "Sige papayag akong tulungan kayo na iligtas ang kapatid mong si Seiffer na kinaiinisan ko!" Malakas ang pagyabag ng takong ng sapatos ni Hellena sa sahig patungo kay Eldrich. "Sa isang kundisyon," mahina niyang bulong nang hawakan niya ang pisngi ng prinsipe. "Samahan mo ako sa isang gabi ng kaligayahan pagkatapos n'yong mailigtas ang kapatid mo." May kasamang alindog ang bawat salitang binibitiwan ni Hellena. Halatang inaakit niya ang prinsipe. Bago tinitigan niya nang malagkit si Azurine. Nagtama ang kanilang mga tingin. Lalo pang hinimas ni Hellena ang kamay niya sa dibdib ng prinsipe na siyang ikinakagat-labi ni Azurine.

"Sige pumapayag ako," mabilis na sagot ng prinsipe. "Kinakailangan ng tulong ng kapatid ko sa lalong madaling panahon. Kayo lang ang alam kong makakatulong sa amin nang malaki. Matapos kong makita ang kapangyarihang ginamit ni Seiffer, sigurado akong kaya n'yo ring magapi ang mga pirata," seryosong litanya ni Eldrich na nagpahanga kay Meister Hellena.

Humalakhak nang malakas ang babaeng pinuno. "Pinapahanga mo talaga ako, Eldrich. Kaya gustong-gusto kita kumpara sa kapatid mong nakakainis!"

Nang mga oras ding iyon inatasan ni Hellena ang mga tauhan niya na sumanib sa hukbong hinahawakan ni Eldrich upang iligtas sina Seiffer at Liset.

"Siguradong paghihiganti ang motibo ng mga piratang dumukot sa kanila. Wanted si Seiffer dahil sa ginawa niya kay Zanaga." Naglakad patungo sa gitna si Eldrich. Tinulungan niyang tumayo ang dalawang babae sa harapan ni Hellena.

"Sige na, umalis na kayo! Siguraduhin mo lang ang pangako mo!" Naupo sa trono si Hellena. Hindi pa rin maalis sa paningin ng babaeng pinuno ang mga matang tumitig sa kanya galing kay Azurine.

"Siya nga pala, sa susunod gusto kong makilala ang babaeng nasa likod ng balabal na 'yan. Kahit ayaw na ayaw ko sa mga babae. Naiiba ang isang 'yan!"

Tumango lang si Azurine. Nagbigay galang naman ang ibang naroroon bago lumabas ng palasyo. Bumalik sila sa baybayin ng Zugart at hinintay ang pagdating ng ipinadalang mga mahikero ni Meister Hellena.

Tinanggal nina Azurine at Zyda ang taklob nila sa ulo.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo, Prinsipe Eldrich?" may pangambang tanong ni Azurine.

"Huwag kang mag-alala. Alam ko ang ginagawa ko."


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C16
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk