Unduh Aplikasi
55.22% My Wacky Girlfriend / Chapter 37: Chapter 31 - Game Over

Bab 37: Chapter 31 - Game Over

• ALYNNA MARIE PAREDES •

"Oh my God!"

"Hanggang dito ba naman sa art studio?"

"Hindi ba sila makapaghintay?"

"Sobra naman nilang wild!"

"Shit! Idol na idol ko na talaga si Ynna!"

Pagkabukas na pagkabukas palang ng pinto ay halo halong chismisan na agad ang narinig ko. Gusto kong umiyak pero hindi ito ang tamang panahon para doon. Mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang katawan ko. Naka-bra pa naman ako pero nakakahiya kasi yung bra ko. Kaya mas okay na wala nalang akong bra nung nakita nila ako. Mas masahol pa kasi sa nipple ko yung bra ko eh. Angry birds kasi yung style ng bra ko. Sa left yung picture nung baboy at sa right yung picture ni angry bird. Pulang pula ako sa kahihiyan kaya mabilis kong hinanap yung white t-shirt ko at isinuot agad. Walang hiya naman oh. Bakit ba ito yung sinuot ko ngayon?! Ito kasi yung una kong nahablot eh. Bakit ba kasi may ganito akong bra? Hindi ko rin alam sa wardrobe ni Shibama. Wagas. Nakikiuso pati na rin ang mga bra.

Tinignan ko si Sky at nakita kong nagpipigil siya ng tawa niya. Oo na. Natatawa siya sa bra ko. Kung bakit ba naman kasi ito yung bra ko nang balaking kunin ni Sky ang lahat ng meron ako eh. At kung bakit ba naman kasi ito ang bra ko nung mahuhuli pa ako ng halos buong classroom namin, isama pa ang principal na mukhang pinisa yung mukha sa sobrang nakabusangot.

Hindi ko lubusang maisip kung bakit parang wala lang na pakialam si Sky na nahuli na nga kami. Aba't ayaw pa rin magsuot ng saplot? Bruhildo talaga. Ako pa talaga yung pumulot ng damit niya at isinuot yun sa leeg niya. Smile smile pa siya. Walang hiya 'to. Pero nawala din ang smile niya nang napunta ang mga titig niya kila Dave at Farrah na halata namang siyang may pakana ng lahat ng mga pangyayaring ito. 

"Sorry, sorry." patuloy na pagbigkas ni Dwight sa aming dalawa ni Sky. Bakit naman kaya siya nagsosorry? Anong meron? Imposible namang siya ang dahilan kung bakit kami nahuli 'di ba? Halata naman kasing sila Farrah at Dave iyon. At alam kong hindi rin naman magagawa ni Dwight iyon sa amin ni Sky kung sakali.

"Bakit siya nagsosorry?" bulong ko kay Sky. Nagbikit balikat lang siya. Pareho na kaming nakadamit ngayon at nakatayo na sa harap ni Principal Busangot upang magpaliwanag. 

"I am so dissapointed, Fortaleza & Anderson." saad ni principal Busangot.

"Sorry, ma'am." bulong ko.

"Sorry is not enough, Ynna. You will have to face your consequences. Please follow me at my office. Now."

"Konsekwen--ano?" tanong ko kay Sky habang sinusundan na namin si Miss Kurdapya, este si miss principal pala sa office niya. 

"Punishment." sagot niya.

"Ah. Lagot." sabi ko sabay sign of the cross. Lord, alam mo na ha. 

Nang nakarating na kami sa office niya ay hindi na siya nagpaligoy ligoy pa. Sinabi na niya agad ang magiging parusa namin. Ang buong akala ko ay masususpend kami o kaya naman maeexpel pero iba ang naging parusa sa amin nito.

"As much as I would like to suspend or expel you in this school, I know I can't because you two are one of ECB's biggest names. Kaya naman, ang magiging parusa niyo nalang dalawa ay isang temporary restraining order. Hindi kayo pwedeng makitang magkasama, mag-usap o ano pa man hanggang matapos ang taong ito. Intiyendes?" taas kilay na sinabi ni Principal Busangot.

"What?! You can't do that!" tumayo si Sky sa pagkakaupo habang sinasabi niya ito.

"I can. I am the Dean, remember?" sagot niya kay Sky. Dean pala ang tawag sa kanya. Kala ko kasi principal. Hehe. Pang high school yata yun.

"She is my girlfriend. You can't make her stay away from me." seryosong sagot ni Sky kay Dean.

"Sky..." singit ko habang hinawakan ko ang braso niya.

"Hep hep. No touching." saway naman ni Dean.

"Sky okay lang. Hanggang Pasko lang naman 'di ba? At saka pwede naman tayong makapag-usap at magkita kapag wala tayo dito sa school eh. Kasalanan din naman natin. Hayaan mo na siya." sabi ko.

"Wow. You have matured a lot, Ms. Fortaleza." pumalakpak yung Dean habang sinasabi niya sa akin ito. Nang-iinsulto ba 'to o ano? Kainis ah.

"This is not happening." sabi ni Sky.

"It is already happening, Anderson. Just deal with it." sagot naman ni Dean bago siya tuluyang lumabas na ng office niya para pumunta kung saan man. Pinapirma niya kami ng mga kasulatan na nagsasaad na sumasangayon kaming dalawa na hindi kami magkikita o mag-uusap hanggang matapos ang buong Disyembre.

Paglabas na paglabas namin ni Sky ng office ay hindi na kami pwedeng magkalapit pa. Kung hindi ay may parusa nanamang mangyayari na ayaw naman namin pareho. Lalo na si Sky dahil masyado rin kasi niyang iniingatan ang grades niya. At ako naman, hindi man ako ganun ka maingat sa grades ko, hindi na rin ako pwede pang magkaroon pa ng bagong mga problema dahil baka dumating ang mga iyon sa tatay ni Janina. Mahirap na. Patay ako dun kung sakali. Buti nalang at uwian na. Lalabas na din naman kami ng ECB. Kaya magkakasama pa rin kami ni Sky. 

At tulad ng inaasahan, paglabas namin ay sari saring bulungan nanaman ng ibang mga estudyanteng hindi pa umuuwi ang sumalubong sa amin. Syempre, naroon din ang naka-smirk at malademonyong mga ngiti nila Farrah at Dave. Hindi ko alam kung paano ba sila napapasaya ng mga ginagawa nila sa buhay nila. Mga insecure kasi itong mga ito eh. Hindi yata sila mabubuhay kapag wala silang inaaway o tinatapakan.

Hindi ko nalang sila pinansin. Lumakad nalang akong mag-isa sa ibang direksyon palayo kay Sky. Magkaibang direksyon lang naman ang tatahakin namin pero magkikita pa rin naman kami pagkalabas namin sa ECB para ihatid niya ako pabalik sa condo eh. Hindi naman kami magkakahiwalay talaga. Pero isa lang ang sinisigurado ko, hindi ko na gagamitin yung bra kong ito kahit na kailan. Nakakahiya talaga!

(See Ynna's bra on the media. :P ----->)

***

Naglalakad kami ngayon ni Sky pagbalik sa condo pero tahimik lang kaming dalawa. Ang awkward kasi. Alam naming pareho na muntik na talaga kaming bumigay sa temptasyon kanina. Pero hindi namin kaya pag-usapan iyon sa ngayon. Wala yatang kayang magbukas ng topic tungkol doon. Kaya ayun, tahimik lang kaming naglakad hanggang nakarating na kami sa pintuan ng condo namin. Hinalikan niya ako sa noo at tuluyan nang nagpaalam at umalis na. 

Pagpasok ko naman sa unit namin ay sinalubong ako agad ni Shibama. Pansin kong bumalik na siya agad sa dating Shibama. Masayahin na siya ulit at malandi. Nakakatuwang pinapansin na niya ako ulit. Kung tutuusin ay kinukurot kurot pa nga niya ako ngayon eh. Namiss niya yata ako. Hehe. Bandang huli ay hinug ko siya. Yakap na mahigpit. Noong una ay nagulat siya pero pagkatapos ng ilang segundo ay niyakap na din niya akong pabalik. Kahit isang araw lang niya akong hindi pinansin, miss na miss ko na ulit yung dating Shibama. Parang kapamilya ko na rin kasi siyang ituring.

"Bakit mo ako hindi pinansin kanina?" tanong ko habang naka-pout. 

"Ah. Yun ba. Sorry na Ynns. Masama lang talaga pakiramdam ko nun girl." sagot niya habang yakap yakap pa rin ako.

"Eh bakit kahapon di mo rin kaya ako pinansin."

"Masama lang nga pakiramdam, girl! Paulit ulit?!"

"Eh sino yung lalaking kasa---"

"Hep! Dinner time na. Don't ask questions na. Tatawagin ko nalang muna si Caloyskie para sabay sabay na tayong kumain. Okay?" 

"Ah. Okay." sabi ko. Ako lang ba o parang may tinatago talaga sa akin si Shibama? Pero kung meron man, ano naman kaya iyon at ano ang dahilan niya para paglihiman niya ako? Napaparanoid nanaman yata ako. Tama nga siguro si Sky, mongoloid nga siguro ako.

Chicken Mc mc mc Do ang ulam namin ngayon. Oo, nagpadeliver lang kami kasi nakita namin yung commercial ni Toni at Alex Gonzaga. Ayun. Natakam kami. Kaya eto ngayon ang pinagsasaluhan naming tatlo. Bati na nga pala kami ulit ngayon ni Caloy. Hindi pa kasi niya nalalaman yung mga nangyari kanina sa amin ni Sky. Ayoko sanang maglihim sa kanya pero mas makakabuti talaga iyon eh. Kasi kapag hindi niya alam, hindi kami nag-aaway. 

Habang kumakain ay bigla kong naalala yung pagsasabi ni Dwight ng walang katapusang 'sorry' kanina nung mga oras na nahuli kami ni Sky na walang saplot. Hindi ko talaga maintindihan ang pangyayaring iyon kaya naman itinanong ko nalang kila Shibama at Caloy. Baka maliwanagan ako kung sakali.

"Shibs, Caloy..." panimula ko.

"Hmm?" sabay sila. Nakakatawa. May landi nga lang yung boses ni Shibama.

"Ano kasi... si Dwight kanina. Sorry siya ng sorry. Hindi ko naman alam kung bakit."

"Huh? Why naman siya magsosorry?" si Shibama.

Oo nga pala. Hindi nila maiintindihan kung hindi ko ikwekwento. Kaya naman wala sa sariling ikinwento ko nalang ang lahat simula nung binigay ng professor yung project hanggang sa muntik na kaming mag-ano ni Sky. Masyado akong nadala sa pagkukwento at hindi ko namalayang nariyan pala si Caloy. Kasi kay Shibama lang talaga ako nakatangin kasi naman kilig na kilig at tuwang tuwa siya eh. Siya lang din kasi yung sumasagot sa mga sinasabi ko. Si Caloy ay tahimik lang kaya ang akala ko ay hindi naman siya interesado. Sa kabilang banda ay halos mabasag na pala ni Caloy yung hawak hawak niyang baso sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya dito. Uh-oh.

"YNNA NAMAN!" sigaw ni Caloy.

"B-Bakit?" sabi ko. Pero mukhang alam ko na kung ano ang ikinagagalit niya.

"Anong bakit? Naririnig mo ba yang sarili mo? Naririnig mo ba yang kinikwento mo? At proud na proud ka pa niyan? Menor de edad ka palang!" sigaw niya ulit.

"Caloy naman hindi naman sa ganun..."

"Anong hindi naman sa ganun? Halos ibigay mo na lahat ng meron ka! Kung hindi ka lang nahuli edi nagalaw ka na nung hinayupak na Sky na yun ngayon?! Wala ka na bang respeto sa sarili mo ha?! Pinalaki ka naman ng maayos ni tito Peter ah! Bakit ka nagkakaganyan ngayon?"

"Kasalanan ko na. Alam ko iyon, Caloy. Hindi naman natuloy eh..." nayuko kong sinabi.

"Ano?! Yun lang ang dahilan mo? Kasi hindi natuloy? Buti nalang hinuli kayo! Kasi paano kung natuloy?! Ha? Paano kung nabuntis ka, Ynna? Ang bata bata mo pa! Dapat mga pangarap ang iniisip mo sa ganyang edad hindi ang pakikipagrelasyon sa mga taong hindi naman nirerespeto ang pagkababae mo!"

"Nirerespeto ako ni Sky!" pagdedepensa ko.

"Talaga? Respeto ang tawag mo dun? Dumilim lang ang paligid, huhubaran ka na? Kunwari takot sa dilim pero may iba naman palang binabalak na masama? Nako Ynna, kung ako sayo ay habang maaga pa at wala pang masamang nangyayari sayo ay hiwalayan mo na yang Anderson na iyan. Wala siyang ikabubuti sayo."

"Caloyskie tama na. Wala naman may gusto ng nangyari eh." singit ni Shibama. Naramdaman niyang kailangan ko na ng tulong niya. Sobrang nasasaktan na ako sa mga binitawang salita ni Caloy.

"Ikaw kasi Shibama kinukunsinti mo pa itong si Ynna eh. Magsama nga kayo!" galit na sabi ni Caloy bago siya nagwalk-out sa hapag-kainan. Kanina pa pala niya ubos yung pagkain niya. Kakasabi ko lang kanina na bati na kami ni Caloy 'di ba? Sinasabi ko na nga ba at mas mainam kapag hindi niya alam ang mga nangyayari. Kasi lagi nalang siyang nagagalit sa akin. At higit pa sa lahat, sobrang nakakasakit sa dibdib ang mga binibitawan niyang salita sa akin dahil alam kong lahat iyon ay totoo. 

"Hayaan mo na yun, girl. Nag-aalala lang yun sayo. Syempre best friends kayo." sabi ni Shibama pagkaalis ni Caloy.

"Oo nga." tipid kong sagot.

"O pagkatapos kang nahubaran ni Sky? What happened?" tanong ni Shibama. Gusto pa rin niyang ituloy ko ang kwento ko sa kabila ng naging reaksyon ni Caloy.

"Ah. Ayun. Nahuli kami ng Dean. Nakita kami on the act na ganun ang itsura ng mga kaklase ko, yung teacher, yung Dean, si Farrah at Dave, at ni Dwight. At doon paulit ulit na nagsosorry si Dwight." pagpapaliwanag ko. 

"Omg." gulat na sinabi ng bakla. Tinakpan niya ang bibig niya na para bang may narealize siya.

"Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya nagsosorry sa amin."

"Simple. He is the traitor." seryosong sabi ni Shibama.

"Siya ang traydor?"

"Yes."

"Paano naman nangyari iyon? Porket ba nagsosorry traydor na agad?"

"I am now 200% sure na siya ang traitor. Believe me." sumeryoso na talaga ng tuluyan ang mukha ni Shibama.

"Hindi kita maintindihan, Shibs."

"Nevermind that. Anyways, wag mong pansinin yang si Caloyskie."

"Huh?! Ano naman ang kinalaman ngayon ni Caloy? Ang gulo mo naman Shibs."

"Kung gusto mo talaga si Sky at gusto mo na talaga ibigay ang tahong at mani mo, go lang ng go. Hihihi!" bumalik na siya sa dati niyang mood, kumembot siya at dumiretso na sa kwarto niya. Pero bago pa man siyang tuluyang makapasok ay inilibas niya ulit ng kaunti ang ulo niya. "Ninang ako ha!"

Baliw.

Pumasok na rin ako sa kwarto ko upang matulog na at magpahinga. Itetext ko sana si Caloy ng 'sorry' para naman medyo bati na kami at least bago man lang ako matulog pero pagkita ko sa cellphone ko, panay texts ni Dave ang sumalubong sa akin na tila ikinabadtrip ko ng todo. Ano bang problema niya sa buhay niya? Nakakainis!

Dave Buenavista:

Babe, I love you. 

Babe, mas magaling pa rin ako diyan kay Sky noh.

Babe, makipagbalikan ka na sa akin please.

Babe naman, magreply ka naman sa akin.

Babe, good night.

Kung pwede ko lang sabihin sa kanya talaga na ako si Ynna Paredes at hindi ako si Janina Fortaleza, matagal ko nang ginawa. Pasalamat siya at hindi pwede. Pagtitiisan ko nalang muna ang mga panggugulo niya sa akin sa ngayon.

***

[Eastville College of Business]

School day nanaman. At may restraining order kami ngayon ni Sky. Hindi ko alam na kahit sa school ay pwede rin palang ipatupad iyong mga ganun. Sa mga palabas ko lang kasi napapanuod yung ganun eh. Pagkatapos niya akong ihatid ay humiwalay na siya agad sa akin. Utos ko din naman iyon. Para lang masabi ni Dean na marunong din naman ako sumunod sa mga rules niya. Baka kasi alam mo na, baka magsumbong sa papa ni Janina. Ayaw talagang humiwalay ni Sky noong una pero buti naman at napilit ko pa rin siya sa huli. Nag-promise kasi ako na magdedate naman kami mamaya after class eh. Doon ko lang siya napapayag.

Ang bagal ng oras kapag hindi ko kasama si Sky. Pati mismo ba naman sa classroom na magkaklase kami ay pinaupo kami sa sobrang magkabilang dulo ng silid. Hanep. At hindi rin kami pwedeng maglapit ng palihim dahil inannounce lang naman ni Dean sa buong ECB na kapag may nakakita daw sa amin ni Sky na magkalapit o magkasama ay isumbong agad sa kanya. At meron daw premyo ang makakapagsabi. Kaya naman bantay na bantay tuloy halos ng estudyante sa mga galaw namin ni Sky. Lahat gustong makakuha ng premyo. Ano ba naman kasi yung premyo? Automatic perfect grade yata sa buong sem. Pwede ba yun? Hindi ba parang ang daya? Kainis talaga. Ang unfair ng buhay.

Tapos ito pang si Dave, lapit ng lapit sa akin. Hindi ko na nga lang pinapansin. Kunwari nalang meron akong pinapakinggan na music. 

Pagkatapos mahabang araw na hindi ko man lang nakakausap si Sky ay sa wakas at uwian na rin. Naeexcite na kasi akong nakita siya dahil magdedate kami ngayon! Yey! Mabilis kong inayos lahat ng gamit ko at dumiretso na papunta sa labas ng ECB para hintayin nalang ang paglabas ni Sky.

5 minutes...

15 minutes...

30 minutes...

Ang tagal ko nang naghihintay pero hindi pa rin siya lumalabas. Ayaw ba niya akong makita agad? Nakakatampo naman yun. Nagmadali pa naman akong magligpit ng gamit ko. 

Naisip kong bumalik nalang ulit sa loob ng ECB para puntahan kung saan naroroon si Sky. Pero syempre hindi ko siya lalapitan. Titignan ko lang kung ano ang ginagawa niya at bakit hindi pa kasi siya lumalabas para kitain ako. 

Pumwesto ako sa likod ng malaking halaman para matanaw ko mula doon ang mga ganap sa mula The Vengeance room. Medyo marami kasing taong nagkakagulo doon kanina pa. Hindi ko alam kung bakit. Hindi rin naman kasi ako pwedeng lumapit. 

Noong una, hindi ako sigurado kung naroon ba si Sky kasama ng maraming taong nagkukumpulan. Pero nang narinig ko ang boses niya, ang galit na galit niyang boses, ay nakasigurado ako agad na siya nga iyon. Pero bakit siya sumisigaw? Bakit siya galit... kay Dwight?

"What the fuck, of all people! Why you?!" sigaw ni Sky saboy suntok sa mukha ni Dwight. Hindi lumalaban si Dwight.

"Sorry Sky, natakot lang ako dahil baka ipagkalat nila yung video ni Debbie." si Dwight. Nagmamakaawa na halos.

"That's why you chose to betray us instead?!"

"Hindi ko sinasadya Sky. Sorry talaga!"

"And now I can't even go near her!"

"Sorry talaga... hindi ko inakalang aabot sa ganito."

"Fuck you---"

"Tama na Sky." pagsasaway ni Erick kaya naman tumigil na rin si Sky. "Lalo mo lang pinapasaya si Farrah at Dave."

Tumingin ako sa direksyon nila Farrah at Dave at ayun nga, malademonyo nanaman ang mga ngiti nilang dalawa. Nakakainis na talaga. Konting konti nalang at susugurin ko na talaga sila.

Lumalabas na tama ang hinala ni Shibama. Si Dwight nga ang nagtraydor sa amin kila Farrah at Dave. Pero ano naman kaya yung dahilan niya na baka ipagkalat daw nila Farrah at Dave yung video ni Debbie? Anong video naman kaya iyon at nakuha pang traydurin kami ni Dwight para lang doon? Pero kahit na nalaman ko na ngayon na si Dwight nga ang traydor ay hindi naman ako nagagalit sa kanya. Kasi alam ko naman na may rason naman siya kung bakit niya ginawa iyon. Masasabi ko lang na iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa isang tao. Masaya pa rin ako dahil alam kong mahal niya si Debbie. 

"Ynna, I'm sorry about what Dwight did. I-I didn't know." si Debbie. Hindi ko alam na nasa likod ko na pala siya. Pareho kaming mukhang nagtatago dito sa malaking halaman.

"Okay lang yun noh." ngumiti ako sa kanya. Yung walang halong kaplastikan.

"I can explain. That video that Farrah h---" 

"Okay lang nga sabi 'di ba? At least ngayon tapos na. Hindi mo kailangang magpaliwanag Debbie. Alam kong hindi naman ginusto iyon ni Dwight na gawin. Sadyang naipit lang talaga siya sa sitwayson."

"Thanks, Ynna." niyakap ako ni Debbie. "Don't worry, I'll make him fix his mess."

"Okay na yun. Ano ka ba." 

"For you." may binigay sa akin si Debbie na pink cartolina. "Open it."

Binuksan ko yung pink na cartolina at bumulagta sa akin ang mga salitang nakasulat doon na pagkalaki laki kaya naman imposibleng hindi iyon nakita ng ibang mga kaklase ko na nakapaligid sa amin.

I CAN'T GO NEAR YOU BUT ALWAYS KNOW THAT I LOVE YOU, YNNA. SEE YOU ON OUR DATE LATER, BABY. - SKY ANDERSON

Kahit hindi kami magkalapit ay kayang kaya pa rin niya akong pakiligin ng bonggang bongga. Kayang kaya pa rin niyang patubuin yung buhok ko ng sobrang haba sa harap ng maraming tao. Kayang kaya pa rin niyang iparamdam sa akin na ang swerte swerte ko kahit hindi ko siya kasama. 

Nakita ko nalang bigla na sumimangot si Farrah at nagwalk-out na kasama ng boyfriend niyang hilaw na si Dave. Ako naman ngayon ang tumawa at ng "Beh, buti nga" sa kanila. Mga inggitera at inggitero kasi. Sabi nga ni Taylor Swift, haters gonna hate hate hate hate hate. Che!

***

Palabas na ulit sana ako sa hotel nang biglang may nag-announce na kailangan daw muna namin ulit na magtipon tipon sa school grounds para nanaman sa isang importanteng announcement. Nakakainis kasi kung kailan excited na excited na akong makita si Sky, ngayon pa sisingit itong announcement. Pero wala naman akong magagawa, pumunta nalang ako sa isa sa mga upuan doon para makinig. Syempre, since nasa ECB pa rin kami, hindi kami pwedeng maging magkatabi ni Sky. Ang saklap ng life. Buti nalang at may cartolina ako. 

Nagulat ako na imbis na mga school admin staff ang umakyat sa stage, si Dwight ang humawak sa mikropono at nagsalita. Nako, mukhang ito yung sinabi kanina ni Debbie na 'Don't worry, I'll make him fix his mess.' Tinotohanan niya pala.

"Hello, pasensya na sa oras niyo. Gusto ko lang kasi kunin ang pagkakataon na ito para magsorry kila Ynna at Sky. Nahuli sila kahapon na walang pantaas na saplot. Hindi nila kasalanan iyon. Kasi yung mismong pagbro-brown-out, at yung mismong pagkakalock sa kanila sa art studio, kasalanan ko iyon."

"Na-blackmail kasi ako ni Farrah at Dave eh. Sinabihan nila ako na ilalabas nila yung secret video ni Debbie kung hindi ko sila tutulungan pabagsakin si Ynna at si Sky. Natakot lang ako para kay Debbie. Ang tanga tanga ko kasi nagpauto naman ako sa mga pananakot nila. Kaya Sky bro, at Ynna, sorry na talaga. Hindi ko talaga gustong umabot sa ganito. Pasensya na."

"Nakausap ko na din pala si Dean. Ipapawalang bisa na daw niya yung restraining order. Kaya ayun, sorry talaga. Sana mapatawad niyo pa ako."

Napangiti nalang ako sa mga sinabi ni Dwight. At least ngayon ay okay na ang lahat. Tapos pwede na kami ulit magkausap at magkadikit ni Sky ko. Ang saya lang. Kumbaga sa movie ay narating na namin ang happy ending.

"At siya nga pala, tutal ngayon nalang din naman ako makakatayo sa harap niyong lahat. Gusto ko rin sanang sabihin kay Debbie na mahal na mahal ko siya." kilig na kilig na sinabi ni Dwight. Ang bilis din niyang magshift ng mood. Kanina parang nagpupuppy dog eyes habang nagsosorry. Ngayon parang babaeng nagdadalaga sa kilig.

"I love you too!" sigaw ni Debbie mula sa likod. At parang walang nangyari, maayos na ang lahat.

Konting sandali pa ay umakyat na si Sky sa stage. Medyo kinutuban na akong gagawin niya iyan para hanapin ako. Medyo wala kasing tyaga yang si Sky na hanapin ako eh. Mas gugustuhin pa niyang iannounce sa buong school para mabilis niya akong makita. Ang akala ko ay iaannounce niya sa school na tulungan siyang hanapin ako pero iba ang sinabi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa mga sinabi niya.

"Dave and Farrah! Listen to me. Nice moves you got there. Planning us out and all that.. you look so insecure on our relationship. But in the end, you're just another failure. Farrah, please just accept the fact that we are already over. I don't love you anymore. And Dave, please stay away from Ynna. She is mine and mine alone. Ynna and I are breaking free. So get lost."

"Another thing, Farrah, stop your childish ways. The planned engagement will never push through. Because my relationship with Ynna will be forever. Fortaleza and Anderson will merge soon. So back off, losers."

"And Ynna, wherever you are, let's just meet outside ECB. Same place. I am excited to date you. Heard that? Farrah & Dave? We. Have. A. Date. We love each other. Game over." tinapos niya ang kanyang speech nang nakasmirk.

Kahit medyo nakakaalarma yung merge merge na sinasabi ni Sky, masaya pa rin ako sa mga nangyari. Kasi kahit anong pilit na pabagsakin kami ni Farrah at Dave, sa huli sila pa rin yung naging talunan. Sa huli, sa kanila pa rin bumagsak yung karma. Pero hindi pa rin tapos ang mga ito. Darating pa ang panahon kung kailan dapat ko nang sabihin kay Sky ang lahat ng katotohanan. At araw araw kong ipinagdarasal na sana maintindihan niya ako pagdating ng araw na iyon.

Game over? Hindi pa yata. 

Pero sa ngayon, makikipagdate muna ako. Hihi. 

--

A/N

Yay! You just reached the 2nd half of MWG!!! Yup! MWG is 60 chapters long. No more. No less. Fixed yan noon pa man! Haha! And for that, congratulations to you dahil pinagtyagaan mo ako! Apir! :** Sana pagtyagaan mo pa rin ako for another 29 chaps and yung epilogue. Please? Hihi. 

The main story of MWG is just about to start pagdating ni Janina. :) Please note that the next two chapters will be all about Janina. It's purely her POV only. Pahingahin na muna natin ang Skynna for now, breaking free na daw sila eh. :P

Uy, sabi ko Saturday ang update. Kaya pinilit ko. Saturday pa rin naman 'di ba? 11:30 PM na nga lang. :P Hahaha! At least this time, hindi na ako talkshit. :)))

♥ Mhariz


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C37
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk