Unduh Aplikasi
88.88% Win Over Mr. Perfect - Tagalog / Chapter 8: Modina Family

Bab 8: Modina Family

Nanginginig ako dahil sa lamig ng tubig na mula sa fountain. Basang-basa ang damit ko dahil halos pumahiga na ako roon.

"Hala, Sonny...sorry. Niloloko lang naman kita eh."

Lumingon ako sa babaeng kasabay ko sa pag-akyat sa hagdan. Napansin ko na para itong nagsisisi sa ginawa niya.

"Ate naman kasi eh," reklamo ni Sean na nasa likod namin.

Nalaman ko na magkapatid pala silang dalawa. Nakakatandang kapatid ni Sean ang babaeng katabi ko na mukhang kasing-edad lang namin. Ngunit ang totoo ay twenty one na ang edad nito.

Magkapareho sila ni Sean na may tinatago ring kakulitan. Katulad ng nangyari kanina, nagpapanggap lang pala ang ate ni Sean na nagtataray pero ang totoo ay niloloko lang pala ako nito.

"Sorry talaga be," paghingi nito ng paumanhin sa akin kasabay ng paghawak nito sa aking balikat.

"Okay lang po...At—"

"Ate Kris na lang," singit niya. Masayang ngumiti si Ate Kris sa akin. Nagbago na ang tingin ko rito. Hindi tulad kanina na akala ko ay masungit ito.

"Natuwa lang kasi ako...Unang beses kasi ni Sean na magdala ng babae rito." Malakas ang tawa ni Ate Kris habang mapang-asar na nakatingin sa likod, kay Sean.

"Ate!" reklamo ulit ni Sean.

"Ay hindi pala. Nadala mo na rin pala rito si Ishiah."

Napalingon ako kay Ate Kris nang marinig ko ang pangalan ni Ishiah.

"Si Ishiah po?" curious na tanong ko.

"Oo, yung kaklase niyo. Magkababata kasi sila."

Tumango-tango ako sa aking nalaman. Magkababata pala sila. Siguro sobrang lapit talaga sa isa't isa ni Sean at Ishiah dahil magkababata ang mga ito. Ngunit magkababata lang ba talaga sila? Pero anong ibig-sabihin ng yakapan nilang dalawa sa likod ng school building? Wala lang ba iyon? Yakap lang ba iyon ng pagkakaibigan?

Pumasok kami sa isang silid sa second floor. Kulay pink ang pader at napapalibutan ng iba't ibang style ng gown ang paligid.

Lumapit ako sa isang gown na nakaagaw ng aking pansin. Kulay silver iyon at nangingintab sa glitters. Back-less ang style ng damit at may mahabang slit na aabot sa hita nang magsusuot nito.

"Okay lang ba ang design ko?" tanong ni Ate Kris.

"O-opo, ang galing niyo nga po eh."

Naalala kong nabanggit ni Sean na designer ng mga damit ang ate nito kaya unang tingin ko pa lang sa mga gown ay alam ko nang si Ate Kris ang gumawa noon.

"Ate, puwede mo ba siyang hanapan ng masusuot sa Acquaintance party? Sa Sabado na kasi 'yon," tanong ni Sean.

"Sure! Marami akong mga design na kakasya sa iyo. Ako na rin mag-aayos sa 'yo sa Saturday," masayang saad ni Ate Kris.

"Nakakahiya naman po." Napahawak ako sa aking kamay at nilaro-laro ang aking mga daliri.

"Ano ka ba? Pambawi ko na sa 'yo iyon dahil sa kasalanan ko," nahihiyang ngumisi si Ate Kris sa akin. Hindi naman niya kailangang bumawi sa nangyari. Wala lang naman sa akin iyon. Bukod pa roon, hindi naman talaga nito intensiyon na patumbahin ako. Sadyang hindi lang talaga ako nag-iingat kaya nahulog tuloy ako sa fountain.

Napayakap ako sa sarili. Ang lamig dito sa kuwarto ng ate ni Sean. Sobrang lakas ng hanging nilalabas ng air-condition.

"Ay naku, magbihis ka muna pala. Wait kukuhaan kita ng damit." Lumapit si Ate Kris sa malaking cabinet at naghalungkat ng mga damit doon.

Sumulyap ako kay Sean. Nakatingin pala ito sa akin kanina pa. Nagulat ako sa ginawa nito. Tinalukbong niya sa akin ang towel na kanina niya pa pala hawak at hindi ko man lang namalayan kung kailan niya kinuha ang towel na iyon.

"Magpalit ka muna, pasensiya ka na sa Ate ko. Makulit din talaga 'yan tulad ko. Sa kaniya nga ako nagmana eh," bulong ni Sean sa akin.

"Loko," natatawa ko na lang na sabi.

"Dito ka na maghapunan. Magbibihis lang ako, babalik ako rito tapos kain tayo."

"Hala hindi na, kakakain lang natin diba?" Tumingin ako sa labas ng bintana. Umaambon sa labas. Hindi naman talaga iyon ang pinaka-concern ko kung bakit ako tumanggi sa pagkain dito. Gabi na kasi at kailangan ko nang umuwi. Kung hindi ako makakauwi ng maaga ay baka mag-alala sina Mama at Papa. Ayokong mag-alala sila.

"Huwag kang mag-alala, ihahatid kita pag-uwi mo." Pinisil ni Sean ang aking mga pisngi pagkapos hinila iyon na para bang gusto niya nang tanggalin iyon sa cheek bone ko sa sobrang gigil.

"Ahem, ahem."

Napalingon kaming dalawa kay Ate Kris na nagpanggap sa pag-ubo. Agad naman kaming nagkatinginan ni Sean at saka lumayo sa isa't isa.

May dala-dalang damit si Ate Kris. Inabot niya iyon sa akin.

"Sige na, magpalit ka na. Iyon ang CR."

Tinanggap ko iyon at dumiretso na sa banyong tinuro ni Ate Kris.

Malawak ang banyo nito. Halos mas malaki pa iyon sa kuwarto ko sa bahay.

Pinunasan ko muna ang sarili saka nagpalit. Doon na lang ako sa bahay maliligo. Nakakahiya kasi kung dito pa ako maliligo. Ang laking abala na iyon para sa kanila.

Humarap ako sa salamin matapos isuot ang damit na binigay sa akin ni Ate Kris. Masiyadong maluwang sa akin ang damit. Malaki ang blouse na nagmukhang bestida nang isuot ko. Ganon ba talaga ako kapayat? Ngunit sabi naman sa akin nina Mama at Papa ay sakto lang ang katawan ko. Pero ewan ko, sa tuwing may magsasabi o nakakapansing mapayat ako, pakiramdam ko bumababa rin ang confidence ko sa aking katawan.

Lumabas ako ng banyo. Nag-aabang na roon sa akin sina Ate Kris at Sean.

Napansin ko ang pagtingin sa akin si Sean. Sinusuyod nito ng tingin ang buo kong katawan kaya naitago ko na lamang ang aking kamay sa aking likod at saka nag-iwas ng tingin. Hindi talaga ako komportable na may tumitingin sa akin ng ganiyan.

"Tingnan mo Ate, sobrang taba mo talaga. Hindi tuloy kasya kay Sonny ang damit mo."

Nahiya ako sa sinabi ni Sean. Hindi ko alam kung para sa ate niya ba ang salitang iyon o para sa akin.

"Bastos kang bata ka ah!"

Akmang hahampasin na si Sean ng ate niya nang magsalita muli ito.

"Joke lang ate. Ikaw talaga."

Lumabas kami ng silid at pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa silid ay sumalubong na sa amin ang kasambahay ata nila.

"Sir, Maam. Andito po ang Daddy niyo."

Napansin ko ang pagbabago sa reaksiyon ni Sean. Lumungkot ang mukha nito at nagsalubong ang kilay. Nanibago ako sa reaksiyon nito. Hindi ako sanay na nakikita itong nakabusangot dahil sa tuwing magkikita kami nito ay palagi itong nakangiti. Masayang mukha ang palaging sinasalubong sa akin ni Sean.

"Ate, akala ko 'di siya uuwi?" tanong ni Sean kay Ate Kris nang hindi tumitingin dito.

"'Yon din ang alam ko."

Nagulat ako nang hawakan ni Sean ang kamay ko.

"Tara na Sonny. Ihahatid na kita sa inyo."

Nagsimulang maglakad si Sean. Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod dito at magpatangay sa hila nito dahil hawak niya ang kamay ko. Naninibago ako kay Sean. Hindi iyon ang kilala kong Sean o baka hindi lang talaga ako sanay.

"Teka Sean, baka puwede naman kayong mag-ayos ni Daddy," sabi ni Ate Kris sa malayo ngunit hindi siya pinansin ni Sean. Dire-diretso itong lumabas.

Napapaisip tuloy ako kung anong problema. May tampuhan ba sila ng ama? Hindi ba magkasundo ang mga ito? Ano naman kaya iyon.

Sa labas ng main door ay nakasalubong namin ang isang matanda na nakasuot ng pormal na damit. Maayos ang postura at tindig nito at mukhang disenteng tao. Kung susuriin, makikita ang awtoridad sa pagkatao nito. Para bang ito ang uri ng tao na dapat palaging nasusunod dahil kung hindi ay may consequences na mangyayari.

Huminto si Sean at hinarap ang matandang lalaki.

Lumapit din ang lalaki sa tapat namin at saka matalim na tinitigan si Sean.

Bahagya akong napanganga nang sampalin ng lalaki si Sean. Napatakip ako ng bibig sa gulat.

"Bakit ka nandito? Di ba sabi ko, hindi ka makakatungtong sa pamamahay ko hangga't hindi mo sinusunod ang gusto ko?!" galit na sabi ng matanda.

"Huwag kayong mag-alala, aalis na rin ako." Nagpatuloy sa paglalakad si Sean kaya sumunod ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero para sa akin ay parehong hindi maganda ang inasal ng dalawa. Wala akong kinakampihan, maging si Sean ay hindi ko kinakampihan pero sa tingin ko mali ang pinakita nitong asal sa ama.

Huminga ako nang malalim. Sabagay, wala pa naman akong ideya sa totoong nangyari, kaya ayoko munang manghusga.

"Mauna na po kami," paalam ko sa matanda. Hindi ko man lang ito pormal na nakilala kaya nahihiya ako.

Hinahabol ko ang lakad ni Sean. Napakalaki ng mga hakbang nito kaya nahihirapan akong sumabay sa kaniya. Binilisan ko na lamang ang paglalakad ko at sinubukang pumantay sa kaniya.

Lihim ko siyang inoobserbahan. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Sean ano bang problema?

Hindi rin ito nagsasalita kaya hindi ko rin alam kung paano ako mag-uumpisa sa sasabihin. Hindi naman kasi ako magaling sa ganitong bagay. Kadalasan kasi sa tuwing kasama ko si Sean ay ito lagi ang nagsisimula ng topic kaya may napag-uusapan kami. Unlike ngayon, napakatahimik nito kaya napaka-awkward talaga ng pakiramdam ko. Ano ang sasabihin ko?

Hinayaan ko na lang muna siya at sumunod na lamang sa kaniya sa paglalakad. Siguro darating din naman ang panahon na magkukuwento ito sa mga problema niya. Darating ang araw na sasabihin din nito ang issue nilang mag-anak.

'Sean Modina, alam kong may pinagdadaanan ka. Kung kailangan mo ng kausap ay nandito lang ako para sa 'yo.'

Tumingala na lang ako at tinuon na lamang ang atensiyon sa mahihinang patak ng ulan na dumadampi sa aking balat. Ambon lang naman iyon kaya hindi kami mababasa.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
Teacher_Anny Teacher_Anny

Hello mga ka-WOMP. Salamat sa inyong pagbabasa. I love to see your comments, reactions and feedbacks sa story. Next update will be on Wednesday or Saturday.

Again, thank you for reading.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C8
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk