Unduh Aplikasi
32.25% Thieves of Harmony / Chapter 20: Consequences of the Apple

Bab 20: Consequences of the Apple

Nang makita ko sina Asclepius, Lea, Harmonia at Lycus ay lumapit ako kaagad sa kanila. I kept chill, although alam kong may nangyayaring mali.

"Nasaan si Cassandra?" Tanong ko kahit alam ko naman kung nasaan siya.

Napatingin naman si Lycus sa likod ko. Nagkunot noo siya at masamang tiningnan si Castor at Pollux sa likod ko. Nagulat ako nang marahas niyang kunin ang kamay ko, at dalhin sa kaniyang tabi, "Saan ka ba nanggagaling? Kanina ka pa naming hinahanap," his voice sounded so dark kaya't napaatras ako.

Dahan-dahan niyang binitawan ang pagkakahawak sa'kin, at napahinga siya nang malalim at napapikit. He cursed some latin words kaya't napanguso nalang ako. Parang engot naman 'to.

"Don't give me that look," sabi niya sa'kin habang nakatingin sa nguso ko. Kaagad ko namang kinagat ang pang-ibaba kong labi para itago ito. Pero sa akala kong magiging okay sa kaniya iyon, mas nainis ata siya kaya sinampal niya ang bibig ko.

Ramdam kong nag-usok ang tainga ko, "Ano ba!"

Napatingin naman sa'kin si Castor at Pollux, at lumapit sila kaagad sa'kin. Lumayo ako kay Lycus at sinalubong nalang si Castor at Pollux. "Naririnig mo ba si Cassandra, Pollux?" Bulong ko sa kaniya.

Umiling siya sa'kin, "Sa tingin ko ay nasa loob siya ng chariot ni Eris. It's protected by a dark barrier kaya hindi ko siya marinig."

Napatango ako at tiningnan ang grassfield. Nagtipon-tipon ang mga natitira sa'min. Binilang ko kung ilan kami ngunit nagulat ako nang makitang 32 kami rito. 33 kung kasama si Cassandra, so isa nalang pala para matapos kami sa labanang ito.

Wala pa ang mga diyos at diyosa, ngunit may isang chariot doon na kulay itim. I assume nariyan sa loob si Cassandra. I clenched my fist. This girl is so stubborn. Ang sabi ko sa kaniya makinig sa mga advices ko, hindi iyong sundan ako kahit saan. This is so frustrating. If she's not a little girl, malamang ay hinahayaan ko nalang siyang mahuli ng mga diyos ngayon.

But sadly, she's not just a little girl to me.

"Melizabeth," napalingon naman ako sa mahinahon na boses ni Asclepius. I sweetly smiled at him, and he returned it back with a sad smile, "Anong nangyari?" Tanong ko nang para bang walang alam.

"Cassandra was captured by the Goddess of strife and chaos, Eris," he answered and I widened my eyes. Pasok na pasok na ako para maging aktor. Well it has been years since I am doing it.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya at naningkit naman ang mata niya habang nakatingin sa chariot ni Eris. "Ang balita ay nagnakaw siya ng golden apple without the permisson of the Gods. Trespassed the garden of Hesperides. Saktong kakarating lang ni Eris sa hardin na iyon."

Napatango naman ako at medyo nagtaka, hindi ko naman nakita si Eris ah. Napatingin din ako sa chariot, I felt guilt but not too much guilt. This is me. I am merciless. Hindi pa nga sumasagi sa isipan kong sagipin si Cassandra at umamin na nagtungo rin ako sa Garden of Hesperides. I mean why would I? Eh hindi nga ako nahuli.

But then, she followed me. Ako talaga ang nagpasimuno ng lahat. Argh!

Nagsimulang magliwanag abg langit at may gintong ilaw na pumalibot sa lahat. Doon ay nagsimulang bumaba ang twelve olympians.

The twelve olympians are the mightiest gods and goddess in the Olympian World. Sila ang pinakamakikisig, malakas; but of course no one could beat the almighty three: Zeus, the skies, Poseidon, the water, Hades, the underworld.

Silang tatlo ang huling bumaba sa lupa.

They all looked at us warily, but Apollo looked somehow nervous. While Hades immediately looked for me. Bahagyang kumunot ang noo ko sa kaniya. This Lord seems to know something.

Lumabas na rin si Eris mula sa kaniyang chariot. Mayroon siyang itim na medyo see-through na telang tinatakpan ang ilong hanggang sa leeg niya. She is wearing a black long skirt with a slit on the sides and black tube sweetheart top with gold outlines. Mayroon ding gold thin girdle sa waist niya, and it defined her curves more. Her black hair was braided until the knees.

She looked beautiful, as her snow white skin complemented her dark features. Iyon nga lang, there was danger in her beauty. Her aura seemed so deadly.

Sabay-sabay na namang lumuhod kaming mga mortal. We bowed down our heads in the presence of the twelve Olympians and Eris. Sa pagdating nila mas lalong nagliwanag ang buwan na halos hindi mo mapapansing gabi pala.

"Rise, mortals," wika ni Poseidon kaya't tumayo na kami. Poseidon was not old looking, instead, he looked like an Asian. His chinky sea green eyes, tan skin, and long ash brown hair that was tied to the back, made him look like someone who would star in films like Mulan. Tss, the Gods are very unexpected.

Pumikit si Eris at tinanggal ang kaniyang mask o tela. Ngayon ay mas lalo pang nakita ang kagandahan niya. "I am Eris, goddess of strife, death and chaos. Siguro naman ay aware na kayo sa nangyaring gulo ngayong gabi. I'm not here to discuss what happened, but I'm here to discuss the punishment," she said and smirked.

The Olympians kept silent. Lumapit si Eris sa chariot at may hinilang gintong tali. I flinched when I saw Cassandra severely hurt by the rope. Nakita kong mayroon siyang mga galos, at napakadumi na rin ng damit niya.

"Since this girl trespassed the garden of Hesperides, and almost picked a golden apple, she is to be punished severely. Marami siyang galos dahil nakipaglaban siya kay Ladon, kung hindi nga ako nakarating, malamang patay na 'to sa lupit ni Ladon, the dragon serpent guarding the golden apple tree."

"Since she wants the golden apple. Then her punishment is the golden apple. She would have to eat two of it," sabi ni Eris at napatawa.

Si Hera na nasa tabi ngayon ni Zeus ay nagsalita, "Ang golden apple ay nakakatulong sa mga Diyos, at matagal na tayong pinagbawalan kumain noon dahil ng mga maaaring consequences. Just like the Trojan War. That apple brings chaos-"

"Exactly!" Eris exclaimed and she seemed so enthusiastic about chaos. Kung sabagay, siya ang diyosa noon. Pero totoo nga bang may mangyayari kapag ginamit ang apple? Pero kumagat ako, ibig sabihin ba noon may mangyayari na?

Is this one of the unexpected happenings?

"I am not done speaking, Eris," matigas na pananaway ni Hera. "Kawalan ng respeto ang manabat sa Reyna ng mga diyos. Unless, you'd also want a punishment, little girl."

"As I was saying, may mga hindi maaasahang pangyayari kapag nagamit ang golden apples. Zeus have already forbidden the use of that apples after Heracles. At ngayo'y gagamitin mo as punishment? Hindi naman ata tama iyon, Eris," saad ni Hera at tinaasan ng kilay si Eris.

Eris rolled her eyes at naglabas siya ng dalawang golden apple. Nagningning naman kaagad ang mata ng iba. They all looked at the apple like a lottery prize.

"This golden apple is meant for deities, or people with blood of ichor. The holy blood of Gods. Ibig sabihin noon, mamamatay ang kahit sino mang kumain nito na walang ichor. It's so unlikely for a mortal to survive a bite, pero di tayo sure," sabi niya at humagikhik. Nagulat naman ako, so it means it is a miracle that I am still alive!

"Kaya naman dalawang apples ang pinapakain ko. To assure her sweet death."

Nanlaki naman ang mata ko. The punishment was not to eat the apple, it was to die.

Eris kicked Cassandra to the grass field. Napaubo naman siya ng dugo at napasigaw sa sakit.

I gasped when I saw her back. Para siyang nakalmot ni Ladon dahil halos makita na ang backbone niya sa lalim ng sugat.

"Cassandra!" at lahat ay napatingin sa lalaking sumigaw.

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C20
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk