Ako ay makasalanan
Buhay ko'y walang halaga
Patapon kung ituring ng iba
Tila ba salot ng lipunan
Ngunit salamat sa iyo Panginoon
Nang makilala ka
Nagbago ang takbo ng buhay ko
Oh oh oh! Oh oh oh!
Mga pagkakamali'y
Unti-unting naitatama
Mga bisyo'y
Unti-unting nawawala
Lungkot sa buhay ma'y di mawala
Problema ma'y madagdagan o di maubos
Alam ko at panatag ako
Pagkat nandyan ang maykapal, sa aki'y may nagbabantay, gumagabay at umaalalay.
Siya lang ang tanging sandigan
Tagapagtanggol, Umaalalay, gumagabay
Sa sandaigdigan, sa bawat nilalang
Kung buhay mo'y tulad sa aki'y
Halika't manalangin ka sa kanya
Idulog mo sa kanya ang aba mong kalagayan
Aminin mo na ikaw ay makasalanan
At di mo kayang makawala sa iyong kinasasadlakan
Lumapit ka lang sa kanya
Huwag kang mahihiya pagkat
Tutulungan ka nya×2
Oh, oh, oh! Oh oh oh!
Oh kaibigan, kapatid, kamaganak, kapamilya, kababayan...
Halikayo ako ay inyong samahan
Ha ha ha ha! Ha ha ha ha!
Halikayo muna saglit
Itigil ang gawain
Sama-sama tayong manalangin
Sama-sama tayong umawit
Sumayaw, ipalakpak ang kamay
Purihin ang Panginoong Diyos
Ngayon, bukas at magpakailanman
Luwalhatiin sya
Halina at magsama-sama
Purihin ang maykapal
Magpasalamat at magpuri
Ang bawat nilalang
Lahat ng nilalang ay luluhod
Isigaw lang ang pangalan ni Jesus!
Isigaw ang pangalan ni JESUS!
Hallelujah! Hallelujah! Hallelujah!
Purihin ang Diyos
Amen!