Nais kong lumaya, ang mga Filipino
Sa kanikaniyang kinasasadlakan
Kahirapan man, problema o mapaano man yan
Ngunit tila malabong mangyari
Marami ang pinipining magtampisaw sa kinadapaan
Pano makakaahon×2
Kung ayaw tulungan ang sarili
Paano makakaahon
Kung walang pagkakaisa
Paano makakaahon
Yan ang tumatakbo sa aking isipan
Isang problema na syang delema×4
Paano magwawakas yaong mga ito
Wala, walang nakakatiyak
Wala nga bang paraan?
O may pagasa pa ba?
Sabi nila kabataan ang pagasa ng bayan
Gayong magulang ang gumabagabay sa bata
Paano matututo kung di natuturuan
Paano malalaman ang tama sa mali kung walang gumagabay
Walang liwanag na syang magiging ilaw
Sa daang madilim, lubaklubak, liko-liko iba't ibang direksyon.
Mayroon akong ibabahagi
Na syang makakatulong ngang tunay
Maykapal ay nariyan
Para sa akin
Para sa iyo
Para sa atin
Manalig ka lang×3
Sa kanya
Di ka nya iiwan
Di ka nya pababayaan
Iwan o pabayaan ka man ng mundo o nasa mundo
Tanging Panginoon lang ang ating sandigan
Tanging Panginoon lang sa ati'y makakaahon sa kinasasadlakan, kinatutubugan
Mapakasalanan o ano pa man
Oh aking bayan iyong itatak sa isip
Buhay ay sa Maykapal nagmula
Buhay rin natin sya lang may karapatang bumawi
Kung wala sya, wala ka, ako, wala tayo
Walang kabuluhan lahat ng bagay
Maging dugo ng Panginoong Jesu-Cristo...
Ating pakatandaan buhay na wala sa Maykapal ay anong pait, hapis, puno ng gulo at tila buhay na patay
Habang ang buhay na kapiling ang poong Maykapal ay higit na mainam at tatawagin kang anak ng Diyos, may bahagi na sa kaharian ng Diyos inilipat na sa buhay mula sa kamatayan
Ayon sa Juan 5:24.