Halika aking bayan ang yong tenga'y ipaling sa akin,
Samahan mo ako baguhin natin ang iyong tadhana,
Sa pamamagitan ng pananalig at pagsampalataya sa Poong Maykapal,
Lumapit ka sa kanya, huwag kang natatakot ni mahihiya.
Humingi ka ng tawad at magsisi kang tunay upang ika'y kanyang patawarin,
Humingi ka ng tulong at ika'y kanyang pauunlakan,
Kumatok ka't ika'y kanyang pagbubuksan;
Sapagkat sya lang ang sa'yo ay makakatulong.
Sya lang ang tanging makakahango sa'yong kinasasadlaka't kinatutubugan,
Oh bayan ko! Manalig ka lang at sumampalataya sa Poong Maykapal.
Sapagkat sya ang iyong matagal nang pinagdarasal;
Na magaalis sa'yong kinasasadlaka't kinatutubugan.
Bayan ko, nawa'y iyong pakinggan aring aking payo,
Kahit ano mang mangyari,
Huwag kang bibitiw sa puder ng Poong Maykapal,
Pagkat sinumang sa kanya'y mapalayo tunay ngang mapapahamak.