Unduh Aplikasi
77.27% The Mystery of Deaths [Filipino] / Chapter 17: Chapter 17: Second Deadly Sinner

Bab 17: Chapter 17: Second Deadly Sinner

Belle's Point of View

"Say ah!"

Nakangiti kong pagbigay kay Carmelle ang isang kutsara ng oat meal.

"Tita, hindi na po ako baby!"

Padabog na sumagot sa akin si Carmelle habang nakaupo sa upuan. Natawa lamang ako sa kaniya habang sinusubo sa kaniya ang oat meal.

"Where is ate Mary? Hindi ko na po siya nakikita"

Habang ngumunguya si Carmelle, hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalita. Napatulala ako ng ilang segundo habang iniisip kung nasaan na ba ang batang iyon.

Ano ba nangyayari doon sa batang iyon? Ako mapapagalitan nito ni Sir Paul dahil sa kung anong pinaggagawa ni Mary.

"Anak, I'm sure na nasa maayos na lagay si Mary, nasa paligid lang yan. Pero nag-aalala ako sa kaniya. Hayaan mo, kapag umuwi na si Ate Freya mo, bukas na bukas ay hahanapin natin si Ate Mary"

Hinaplos ko ang balikat ni Carmelle na mukhang nag-aalala. Sino ba naman ang hindi mag-aalala kapag wala sa paligid mo ang kapamilya mo.

"Ate can't attend the libing of mama?"

Muling nagtanong sa akin si Carmelle at tumayo upang kuning ang baso ng gatas sa gilid ng mesa. Hindi na ako makasagot dito sa batang ito.

Napalingon kaming dalawa nang marinig namin ang malakas na pagbukas ng pinto ng bahay na nasa likod ko lamang.

"Nakakainis!"

Ang aking kuya na si Matthew na umuwing galit. Halos sinasabunot na naman niya ang kaniyang buhok dahil sa inis.

"Ano na naman iyon? Naglalaro lang kayo eh! Pikunin ka talaga!"

Sambit ko kay Matt habang inaayos ang mga pinggan na paghuhugasan, saka ko ito inilagay sa lababo.

"Kung ako sa iyo, ayusin mo muna ugali mo bago ka makisalamuha sa ibang tao"

Dagdag ko habang naghuhugas ng mga pinggan at baso. Naririnig ko lamang ang malalakas na palo ni Matthew sa pinto. At ito ako, nanatiling kalmado dahil sanay na ako sa attitude nito ni Matt.

"Hindi ko alam kung bakit ang isang 27 na anyos kong kapatid ang nagsasabi ng mga ganiyan. Aalis na nga ako!"

Ani Matthew sa akin at lumabas na ng bahay dahilan para tumahimik muli ang paligid.

Minsan, isinasaloob ko na lamang ang aking kulo dahil alam kong wala akong laban. Kung hindi lang niya ako binibigyan ng pera, marahil na nailabas ko na yung loob ko.

"Tita Belle, puwede na po ba akong matulog sa taas?"

Lumapit sa akin si Carmelle na kinakalabit ang aking baywang.

"Oo naman. Hintayin mo si Tita Belle, aakyat din ako maya-maya"

Nakangiti akong sumagot sa kaniya. Ngumiti lang pabalik sa akin si Carmelle at naglakad na patungo sa hagdan paakyat ng ikalawang palapag.

Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan ay dumiretso ako sa panonood ng midnight news habang nakatuon ang aking pansin sa aking cellphone para magbasa ng mga updates mula sa aking mga kaibigan.

"Hoy, Belle!"

Nagulat ako nang bumukas ang pinto para marinig si Matthew na tinatawag ang aking pangalan.

"Hinahanap ka ng mga pulis!"

Bigkas ni Matthew na ikinakaba ko naman. Naririnig ko ang mga sigaw ng mga kasama ni Matthew sa labas ng bahay namin na tumatakbo paalis.

"Anong kailangan nila sa akin?"

Tanong ko sabay ipinatay ang TV sa aking harap at tumayo para tingnan ang mga pulis na naglalakad patungo sa pinto namin.

"A-ano ho ang kailangan nila?"

Mabilis ang tibok ng puso ko habang kinakausap sila. Lima silang nakatingin lamang sa amin na walang emosyon.

"May gusto lamang po kaming tanungin. Maaari po ba kaming pumasok?"

Tanong ng isa sa kanila habang ang dalawa sa kanila ay nakangisi sa amin. Napatingin kami ni Matthew sa isa't-isa, hindi alam kung anong gagawin.

"S-sige po, puwede naman po"

Sagot ko naman sa kanila. Tuluyan naman silang pumasok nang tahimik sa loob. Nang maisara na ni Matthew ang pinto ng bahay ay nanghina ako nang bigla na lamang kami tinulak sa sahig.

"Lagyan niyo ng posas yang dalawang yan. Akyatin niyo yung second floor kung mayroong tao sa itaas"

Tugon ng isa sa kanila habang nakadikit ang aming mga mukha sa sahig. Bakit naging ganito kaagad? Anong ginawa naming masama para gawin sa amin ito?

"Sir! Ano hong kaso namin? Wala po kaming ginagawa!"

Maluha-luha kong kinausap sila. Lumapit sa akin ang isa sa mga pulis at tumingin sa akin nang diretso.

"Wala pero si Mary Carmen Lim, meron.

Dalhin niyo na sila!"

Narinig ko ang malakas na pag-iyak ni Carmen habang dinadala kaming tatlo papunta sa isang police car. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, at ano ang ginawa ni Mary?

~

Mary's Point of View

"Ingat kayo ha?"

"Don't forget to go home early!"

Mga paalala ang ibinigay ng mga magulang ni Kristein sa aming dalawa habang nagtatali ng kaniyang sapatos si Kristein, samantalang naririto ako nakatayo habang nakasuot ng pilit na ngiti.

"Okay mom, dad! Bye!"

Nagpaalam na si Kristein sa kaniyang mga magulang at kami'y lumabas na papunta sa kalsada kung saan may napakaraming mga lantern na nakasabit sa gitna ng dilim.

Napakaingay rin ng buong komunidad dahil sa mga tao ritong sabay-sabay na naghihiyawan habang may mga performance ngayon sa itaas ng stage sa hindi kalayuan.

"Ang saya dito noh!"

Ani Kristein habang tumatalon sa saya. Ngumit lang ako sa kaniya habang nakikinig sa boses ng kumakanta.

May naramdaman akong may kumalabit sa aking balikat dahilan para ako'y lumingon sa likod ko. Nakita ko sina Tristan na nakangiti sa amin nang wagas.

"Kamusta na?"

Tanong ni Tristan sa akin. Nakatitig lang sa akin si Kevin habang kumakain ng sitsirya.

"O-okay lang naman"

Sagot ko sa kaniya nang malakas. Tumawa lang naman sa akin si Tristan. Lagi itong tumatawa sa akin, hindi ko alam kung bakit.

"May palaro doon, UNO. Baka gusto mong sumali"

Itinuro sa akin ni Tristan ang lugar kung saan gaganapin ang palaro. Hindi ko alam na may palarong UNO dito. I love that game pero nakakahiya dahil hindi naman ako nakatira dito.

Nagulat naman ako nang may bumangga sa aking lalaki. Si Rhandall na nakasuot ng shades. Napansin kong tinarayan ito ni Kristein na ikinatahimik na lamang ng sarili.

"I'm sorry, nagmamadali kasi ako para makasali sa UNO hehe"

Ang kaniyang boses ay parang makakasira ng iyong araw kapag narinig mo. Tumakbo siya paalis sa amin habang naiwan ako ritong nakayuko sa lupa, pinag-iisipan kung bakit may mga taong ganito ang ugali.

"Alam mo girl, alam kong naiinis ka doon kay Rhandall. Kung gayon, pareho lang tayo. Nakakainis yung pride niya!"

Bulong sa akin ni Kristein habang pareho kaming nakatitig kay Rhandall. Pride huh?

"May suggestion ako, hindi kasi ako marunong maglaro ng UNO, what if ikaw ang tumalo sa kaniya sa laro?"

Ngumisi si Kristein sa akin. Siguro hindi ito maganda dahil hindi naman ako magaling doon.

"Ayoko e- Hala ano ba haha"

Tumanggi ako ngunit bigla na lamang ako hinila ni Kristein patungo sa laro.

"Sasali po siya!"

Malakas ang sigaw ni Kristein na dahilan para magtinginan ang mga tao sa amin, kasama na rin si Rhandall na masama ang mga titig.

"Okay! Meron pa tayong isang sasali! Dito ka lalaban sa"

Hinila ako kaagad ng isang babae habang naghihiyawan ang ibang mga tao. Ayoko talagang sumali, bakit kailangan ako ang tatalo? Hindi naman ako magaling maglaro. Baka ako pa yung matalo.

Ipinaupo ako sa harap ni Rhandall. Kalaban ko itong lalaking ito. I feel a little bit intimidated habang tinititigan ang kaniyang mga ngisi.

"Are you ready to lose, Mary?"

Bumulong sa akin bigla si Rhandall habang tumatanggap kami ng mga cards. Mataas talaga ang pride nitong taong ito ha.

"Natanong mo na ba sa iyo yan? Ikaw? Are you ready to lose?"

Nagpumilit akong ngumiti sa kaniya habang nagsasalita. Ngumisi lamang sa akin si Rhandall na para bang hindi siya naapektuhan sa sinabi ko.

Pagkatapos namin makatanggap ng mga cards ay agad na sinimulan ang laro. Mayroon siyam na partner na mga manlalaro dito ng UNO, kabilang ako, lahat sila ay seryoso na naglalaro para mapanalunan ang premyo. Ako naman ay nananatiling kalmado sa mga nangyayari habang binibigyan kaming dalawa ni Rhandall ng mga cards.

-•-

|10:45 PM|

Kasalukuyan kaming naglalaro ngunit dalawa na lamang kami ni Rhandall ang natira. Isa lang sa amin ang huling mananalo samantala ang isa ay talo.

"Okay Uno!"

Nakangiting sumigaw si Rhandall dahil isa na lang ang kaniyang card samantalang dalawa na lamang ang aking card.

Natatawa ako dahil alam kong mawawala ang ngiti niya ilang saglit dahil ang aking card ay dalawang wild card, ang isa ay "widl card draw four".

Ibinaba ko ang isa at sabay na sumigaw ng Uno.

"Oww, draw four si kuya!"

Natatawang sambit ng host, dito nagsimulang nainis si Rhandall sa akin.

"And done!"

Ibinaba ko ang huling card na nasa aking kamay at nagdulot ng malakas na palakpakan ng mga tao. Nakangiti akong tumayo mula sa aking upuan at dumiretso kay Kristein na naluluha sa akin.

"Oh my gosh! Congrats girl! Natalo mo siya!"

Niyakap ako nang mahigpit ni Kristein. Nakakagulat dahil hindi naman kami close pero nakuha niya pa rin akong yakapin.

Pumunta kami sa isang room para kuhanin ang premyo na dalawang daang piso at saka kami naglakad sa isang tindahan para bumili ng pagkain.

"Ang talino mo doon girl! Kung ginamit mo kaagad yung wild card, baka matalo ka"

Patuloy pa rin sa pag-iingay itong si Kristein habang ako'y tumitingin ng sitsirya na puwedeng bumili.

"Mary!"

Narinig ko ang pangalan ko sa likod. Si Tristan na may dala-dalang cotton candy sa dalawa niyang kamay.

"Congrats sa iyo tol!"

Sinabi ni Kevin habang ginugulo ang aking buhok na para bang aso lang ako. Ngumiti ako sa kanila habang tinatanggap ang sukli sa tindahan.

"Punta tayo sa abandoned mansion! Maganda yung view doon kapag pinalipad na ang mga lantern!"

Paanyaya ni Tristan sabay turo sa isang malaking mansyon sa hindi kalayuan.

"Eww, ang creepy naman dun girl! Let's go!"

Biro ni Kristein at hinawakan ang aking kamay. Natawa lang si Kevin sa pinagsasabi ni Kristein.

Humihina ang mga hiyaw at sigaw ng mga tao habang papalayo kami sa grupo ng mga tao. Tumatahimik ang lugar habang naglalakad kami patungo sa abandoned mansyon na sinasabi nila.

Dinig lang ang mga nguya namin sa aming mga pagkain dahil sa sobrang tahimik. Bagama't nadarama mo pa rin ang beat ng kanta sa festival.

"Bakit inabandona ito?"

Hindi ko maiwasang magtanong.

"Nasunog! Hindi ba halata? Haha"

Kaagad na sumagot sa aking tanong si Tristan na patuloy sa pagnguya ng kaniyang cotton candy.

Sa aming pagpasok ng pinto sa abandoned mansion ay nakita ko ang iilang mga tao na papalabas habang ang iba ay kumukuha ng mga litrato sa iba't-ibang parte ng mansyon.

Napakalawak ang mansyon na puwede kang maglaro ng tagu-taguan ngunit napakadilim ng paligid.

"Doon tayo sa balcony para pagmasdan ang mga lantern!"

Tumakbo nang mabilis paakyat si Kevin habang tatlo kaming naglalakad lamang paakyat.

Habang nasa ikalawang palapag kami, bigla na lang akong nakarinig ng magandang boses dahilan para ako'y mapatigil at kabahan. Ang boses na iyon ay galing sa The Humming Lady.

Bakit parang yung boses niya ay isang paalala na may mamamatay dahil lagi kong naririnig ang kaniyang boses bago may isang taong mamamatay?

Napagtanto ko na nawala sa aking paningin sina Tristan lalo na at madilim ang aking paligid.

"Tristan? Kevin? Kristein?"

Inilibot ko ang aking mga pagod na mata sa aking paligid habang hinahanap ang hagdan patungo sa ikatlong palapag. Wala akong nakikita! Literal na wala! Parang nakakulong ako sa isang itim na kuwarto.

Ilang saglit ay natumba ako sa sahig dahil nakaramdam ako ng panghihina sa aking katawan at ang aking mga paghinga ay bumibilis.

Nakakita ako ng isang ilaw ng kandila na lumalapit sa akin.

"Nandito ka pala?"

Narinig ko ang boses ng walang iba kundi si Rhandall. Dala-dala niya ang kandila na nagsisilbing ilaw sa dilim.

"Napahiya ako sa mga ginagawa mo"

Unti-unting nagbabago ang boses niya na nagiging malalim dahil sa kaniyang sama ng loob.

Dito ko naaalala si Aling Rosing na nagsabing kailangan kong kumuha ng pitong buhay. Hindi kaya isa itong si Rhandall sa pitong buhay?

Ngumisi ako sa harap ni Rhandall at biglang tumawa nang malakas.

"Anong gagawin mo sa akin?" Haha!"

Napaatras si Rhandall sa oras na ako'y tumatawa sa harap niya. Kita ko sa kaniyang mga mata na bigla siyang natakot. Lumalakas ang ihip ng hangin na pumapasok sa loob ng mansyon dahilan para mamatay ang apoy sa kandila.

"Tumakbo ka na, Rhandall!"

Giit ko at narinig ko ang malalakas na yapak ng sapatos ni Rhandall. Nagsimula akong kalikutin ang iba't-ibang bahagi ng mansyon para maghanap ng matalim na bagay.

Naglakad ako patungo sa isang kusina para mahanap ang isang matalim na itak. Muli, tumawa ako nang malakas habang hinahanap ang aking biktima.

"Nasaan ka na, Rhandall?"

Umaalingawngaw ang aking boses sa isang makitid na hallway habang naglalkad papalapit sa isang pinto. Ipinasok ko itong kuwarto na ito at nakita ang anino ni Rhandall na nakadikit sa pader ng kuwarto.

Bigla akong nakaramdam ng init nang lumapit sa akin si Rhandall na may hawak-hawak ng kandila. Idinikit niya ito sa aking mukha dahilan para ako ay sumigaw.

"Haha! Ikaw lang naman pala ang magiging biktima ng sarili mo"

Isinara ni Rhandall ang pinto ng kuwarto at kinuha ang itak na aking nabitawan. Sakit at hapdi ang naramdaman ng aking mukha. Unti-unting nasunog ang aking mukha dahil sa kaniya.

Ayokong magpatalo dahil alam kong may patutunguhan itong misyon ko. Hindi ko alam pero hindi dapat ako magpapatalo. Tumayo ako mula sa sahig at inagaw ang itak mula kay Rhandall.

"Kung magiging biktima man ako ng aking sarili, aanyayahin na rin kita patungo sa impiyerno! Hahaha!"

Ginamit ko ang aking lakas para maagaw kay Rhandall ang itak at sa hindi inaasahan, mabilis kong nakuha mula sa kaniya ang matalim na bagay. Ipinasok ko ito sa kaniyang tiyan nang wala man lang konsyensya.

"Makukulong ka!"

Ang huling sabi ni Rhandall bago pumikit ang kaniyang mga mata sa harap ko.

"Paalam sa yabang mo, Rhandall"

Bulong ko sa hangin habang hinahabol ang aking paghinga. Tila hindi ko na naramdaman ang hapdi ng aking sugat sa buong mukha.

"Putang*na!"

Tumigil ang aking mundo nang makita ni Kevin si Rhandall n mayroon hiwa sa tiyan.

Makukulong na yata ako.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C17
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk