Mary's Point of View
"Huwag kayong magkukumpulan! Parating na yung paramedics! Umalis kayo sa daan!"
Sigaw ng isang grupo habang tinutulak niya ang mga estudyanteng nasa daan niya. Nagsisitakbuhan naman ang iba pang mga estudyante habang ang ilan ay takot ang nakalagay sa kanilang mga mukha.
Saglit lang ang nagdaan at nakarating na ang mga paramedic para buhatin si Ma'am Trixie na wala pa ring malay habang ang dugo ay patuloy na lumalabas sa kaniyang sugat. Anong nangyari sa kaniya? Gusto kong malaman!
Habang binubuhat ang katawan ni Ma'am Trixie, bigla na lang nagbukas ang kaniyang mga mata at tumingin sa akin. Tumayo ang aking mga balahibo dahil ginalaw niya ang kaniyang buong katawan nang todo.
"Tulong! Mary Carmen! Si Mary Carmen!"
Lalo akong natakot nang tinawag niya ang aking pangalan. Hindi ko inaakala na tatawagin niya ako nang ganito. Napayaatras ako dahil sa takot na naramdaman ako at nagtago sa likod ng ibang estudyante.
"Ma'am, stay calm!"
Sabi ng isang paramedic at may tinurok kay Ma'am Trixie na dahilan para siya'y maging kalmado at mawalan muli ng malay. Pagkatapos ay dinala na siya sa ground floor kung saan naroon ang ambulansiya. Ipinasok siya roon at dinala na sa ospital habang ako'y napayuko sa sahig dahil sa daming tanong na pumasok sa aking isip. Ano na talaga ang nangyayari? Hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko.
"Oh my gosh, Mary! Did you hear what Mrs. Trixie say?! She called your nam-"
Bigla na lang sumulpot sa aking tabi si Angelia na napakatining ng boses. Agad kong tinakpan ang kaniyang bibig para hindi marinig ng iba na ako yung tinatawag ni Ma'am Trixie. Hindi ko naman kasi alam kung bakit niya ako tinawag. Hindi naman niya siguro ako kilala kasi transferee lang naman ako rito.
Ngunit natatakot na talaga ako dahil tatlong tao na ang aking nakita na halos pare-pareho ang kanilang sinapit. Sana hindi mabawian ng buhay si Ma'am Trixie.
"May kinalaman ka ba sa nangyari kay Ma'am Trixie? Bakit niya tinawag yung pangalan mo?"
Bigla naman bumulong sa akin si Kristine na kasama si Noelle na parehong may mukhang nag-aalala. Unti-unting lumuha ang aking mga mata dahil sa kanila.
"Guys, wala talaga akong kinalaman sa kaniya maliban kagabi!"
Bigkas ko sa kanila na may tonong nanginginig sa takot. Hindi naman sa nagiging OA na ako pero nakakatakot kapag dumating na sa punto na kung saan binibintang na ako ng lahat. Wala naman akong kinalaman kay Ma'am Trixie.
"Ano bang mayroon kagabi?"
Tanong ni Noelle habang apat kaming naglalakad papunta sa classroom namin. Lumunok muna ako bago ikuwento sa kanila.
"Pinapunta kasi ako dito kagabi ng hindi ko kilalang lalaki. Pagkarating ko rito, nagkataon na nahuli ako noon ni Ma'am Trixie, tapos pinadala ako sa barangay ng guard. Ayun na ang pinakahuli kong nakita si Ma'am Trixie"
Sagot ko kay Noelle habang nanginginig pa rin ako sa takot. Bigla naman nanggulat si Angelia sa akin na parang hindi niya sineseryoso ang usapan namin.
"Why did you go there in the first place?"
Tanong sa akin ni Angelia nang nakangisi. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba sila o hindi, kung magsisinungaling ba ako o magsasabi ng totoo.
"Saan barangay ka pinapunta? Doon ba sa may kanto?"
Hindi pa ako nakakasagot sa unang tanong ay dinagdagan pa ni Angelia ang mga sapat kong sagutin. Tumango ako sa kaniya nang nakanguso.
Napatitig na lang siya sa akin nang husto dahil ngayon lang namin napagtanto na papalapit na kami sa aming classroom. Hindi pa namin napalalim ang aming usapan na lalong nagtulak sa akin na gumawa ng paraan para malaman kung ano ang nasa likod ng mga sunud-sunod na kamatayan o trahedya.
Pumasok kami sa aming classroom kung saan naroon na aming mga kaklase na tahimik na lamang hindi kagaya kahapon na sobra kung mag-ingay. Tinititigan lamang kami habang kami'y papunta sa aming mga upuan.
"Angelia!"
Sigaw ng isa sa mga lalaki na si Ralph.
"Everyone, for your information, my dad is already investigating Mrs. Trinidad's daughter, and unfortunately, hindi pa siya nakikita so remember to pray na sana makita na muli si Andrea"
Seryosong pagsagot ni Angelia na may buong tapang kung magsalita.
"Good morning everyone!"
Biglang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang guro namin na magtuturo ng General Mathematics. Umayos ang buong klase at nagpokus muli sa leksiyon na parang normal na araw lang, na parang walang nangyayaring kakaiba.
-•-
|12:30 PM|
Hindi ko inaaakalang aabot pa ako ng ganitong oras dahil sa dami ng iniisip ko. Mabuti na lamang at uwian na para hindi ko na ulit makikita ang isang lalaking nagkakagusto sa akin. Hindi naman sa paasa ako pero kailangan ko munang mag-aral nang mabuti.
"Bye guys!"
Pagpapaalam ko kina Kristine at Noelle habang naghiwalay kami ng daanan. Bibili pa kasi ako ng mga gamit para sa paaralan sa pinakamalapit na bilihan.
Tahimik na tinahak ko ang daan papunta sa tindahan na sinabi ni Kristine sa akin habang ang hangin ay unti-unting lumalakas. Pero habang ako ay naglalakad, hindi ko pa rin maiwasang mag-aalala sa mga taong nauwi sa trahedya ngayong linggo. Sana maging okay lang sila kung nasaan man sila.
Pagkalipas ng ilang minuto, dinaanan ko ang isang kalye na walang tao, dahil ito raw ay shortcut papunta sa tindahan sabi ni Kristine. Nakikita ko na mukhang napakahaba ng kalye na ito, habang pinagmamasdan ko ang mga lumang bahay na dikit-dikit.
Tahimik ako sa pagyapak ng aking mga biyas ngunit hindi naalis sa aking isip na tumakbo dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko. Bigla na lamang nakarinig ang aking mga tainga ng malalakas na tawanan na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Nakakita ako ng isang eskinita sa kanan ko at dito ko narinig ang tawanan ng mga lalaki. Alam kong mukhang delikado pero gusto kong pumunta sa loob ng eskinita baka mamaya may malaman akong kakaiba.
At hindi akong nagduda na pumasok sa eskinita nang mabagal at nanginginig.
"Wait lang, mga pare, my dad is calling"
Narinig ko ang isang malalim na boses sa loob. Natakot ako nang makita ko ang isang matangkad na lalaki na papalabas sana sa eskinita. Wala siyang damit na suot at kitang-kita ang kaniyang maskuladong katawan.
Tumitig siya sa akin at napangisihabang ang cellphone ay tumutunog dahil may paparating na tawag. Sabi ko na nga ba na mali ang desisyon ko.
"Sorry po, nagkamali lang po ng pasok"
Salita ko sa kaniya at napatawa nang pilit. Tatakbo na sana ako ngunit hinawakan niya ako nang mahigpit sa braso. Shit, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Sino ka?"
Tanong niya sa akin. Napalunok ako habang lumilingon ako sa mukha niya. Hindi ako makasagot dahil sa katawan niya na nakikita ko.
"Pre, Benedict! Onis yan?"
Narinig ko na naman ang boses ng isa pang lalaki, na naglakad papunta sa amin, kasama ang isang babae na ang kapal ng makeup.
"Probably one of my dad's assistant para alamin kung anong ginagawa ko"
Sambit ng lalaki habang napapatawa.
Sandali lang, ito ba yung Benedict na nag-aaral din sa Bernaz Central High School na ipinagkakaguluhan nina Angelia?
"Look, babe, I'll pay you double than what my dad paid for you. 'Wag mo lang sabihin ang mga pinaggagawa ko"
Dagdag pa niya nang napahinto ang kaniyang titig sa akin, habang isinuot niya ang t-shirt niya na kulay rosas.
Ano raw? Wala akong maintindihan, kasi hindi ako binayaran. At bakit niya akong tinawag na babe?! Nakakainis itong lalaking ito.
"Hindi naman po ako binayaran ng kahit sino. Nagkamali lamang po kasi ako ng pagpasok"
Tugon ko sa kaniya habang unti-unti nang tumataas ang tono ng boses ko dahil nawawalan na ako ng pasyensya. Napatawa naman itong Benedict sa akin.
"Sige alis ka na kung ganoon"
Aniya at binitawan ang aking braso. Mabuti naman at makakaalis na ako pagkatapos ng mga kahihiyan na ito. Lumabas na ako ng eskinita kasabay nila.
"Hoy! Gusto mong sumama sa amin magpahula?"
Balak ko na sanang maglakad nang mabilis ngunit tinawag ako muli ni Benedict. Ano ba naman iyan? Ano naman ipapahula ko?
Lumingon ako sa kanila at bumalik nang may pilit na ngiti.
"Sige haha!"
Sambit ko na may halong tawa.
"Ayan! Anyways why don't we introduce each other? My name is Benedict Apacia"
Pagpapakilala ni Benedict. Tama nga ako at siya nga yung nasa paaralan na pinagkakaguluhan.
"I'm Gerald and this is my clingy girlfriend, Juliana"
Bigkas naman ng isang lalaki na hawak ang baywang ng kaniyang girlfriend. Ngumit naman ako dahil sa naramdaman kong bait nila.
"Mayroon kaming ginagawa kaya pupunta muna kami sa manghuhula para malaman namin kung ano magiging kapalaran namin kapag tinuloy namin yung binabalak namin"
Narinig ko ang matamis na pagsasalita ni Juliana. Hindi ko maiwasan na magandahan sa mukha niya at sa kutis ng balat niya.
"Yup, so sumama ka na sa amin! We can ride on my car!"
Pagsigaw ni Benedict sa likod ko at agad na hinawakan ang aking kamay. Hinila niya ako papunta sa isang sasakyan na mukhang mamahalin. Bakit parang ang bilis namin maging close?
Nakaupo ako sa harapan kasama si Benedict na nagmamaneho ng sasakyan habang nasa likod nakaupo sina Juliana at Gerald. Sinimulan nang ipaandar ni Benedict ang sasakyan.
"Alam mo, kung hindi mo napapansin, kakaiba na ang pakiramdam ko dito sa Mastoniaz. I don't fucking know why there are sudden deaths happening in this town. Gusto kong malaman kung anong nangyayari dito"
Pagpapaliwanag ni Benedict sa akin habang ang kaniyang mga mata ay nakapokus sa daan.
"Ay! Ako rin po! Curious na akong malaman kung ano yung nasa likod ng mga nangyayari rito!"
Tugon ko sa kaniya. Ngunit wala na akong narinig pang mga salita sa kanila dahil nanatili na silang tahimik na na nakaupo.
Ano pa bang magagawa ko? Ipinikit ko muna ang aking mga mata at nagpatugtog sa aking cellphone.
-•-
|6:30 PM|
Nagising ako sa matinding ingay ng pag-uusap nina Juliana at Gerald sa likod. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako nang bongga.
"Do you want drinks?"
Nagulat ako nang inalok ako ni Benedict ng isang juice. Mahiya-hiya kong kinuha ang juice na nakalapag sa harap ko.
"Ayun na yata yung place!"
Nagturo si Juliana sa isang maliit bahay sa gitna ng mga puno. Hindi ko na namalayan na kakaunti na lamang ang mga gusali na nakikita ko dito sa lugar na ito.
Inihinto ni Benedict ang sasakyan sa gilid ng bahay, at dito na ako nakaramdam ng matinding kaba.
Tahimik kaming bumaba ng sasakyan at lumapit sa pintuan ng bahay. Ang mga ilaw sa loob ay nakabukas na nagtatanda na may tao nga sa loob.
Mabagal na kinatok ni Gerald ang pinto habang binabasa ko ang isang papel na nakadikit sa pader.
1923-1973
Hindi ko naintindihan ang nakalagay sa papel. Napatulala na lamang ako habang hinihintay namin na may magbukas sa pinto.
"Oh, welcome mga bata! Magpapahula kayo? Pasok kayo!"
Nagbukas ang pinto ng bahay at aming nakita ang isang matandang lalaki na may salamin.
Pumasok kaming nakangiti at tahimik at pinaupo sa mahabang sofa malapit sa pinto.
"Pia! May magpapahula!"
Sigaw ng matanda. Narinig namin ang mabilis na mga padyak sa isang hagdan at aming nakita ang isang babaeng nasa edad na 50-60 na nakasuot ng bestida.
"Magpapahula ba kayo ng inyong kapalaran? Suwerte kayo at walang bayad ngayong araw!"
Bigkas niya sa amin. Nakakatuwa siya dahil kahit medyo matanda na siya ay kaya niya pa rin tumalon-talon.
Tumitig siya sa bawat isa sa amin nang seryoso. Ngunit natakot ako nang tumitig siya na parang nag-aalala sa akin. Anong mayroon? Malas ba ang aking kapalaran?
"Patawad pero nararamdaman kong sinumpa ka. Hindi ko alam pero kailangan mong mag-ingat nang husto!"
Lumuhod siya sa akin at hinaplos ang aking buhok. Bakit ang bilis ng mga pangyayari?
"Paano po ninyo nasabi na nasumpa siya?"
Tanong ni Gerald sa manghuhula. Niyakap niya ako nang biglaan dahilan para mapaluha nang saglit. Anong mayroon sa akin? Sino naman susumpa sa akin?
"Pareho ang aking naramdaman sa dating nagpahula sa akin. Sinumpa rin siya noon at sa kasamaang palad, namatay siya nang hindi nalalaman ang dahilan"
Sagot ng manghuhula sa amin. Napalingon sina Juliana sa amin na nag-aalala rin. Ganoon din ba ang sasapitin ng buhay ko? Ayokong mamatay nang hindi nalalaman ang dahilan.
"Actually, Ma'am, pumunta po kasi kami rito para magpahula ng kapalaran namin dahil balak po namin humanap ng mga sagot sa mga misteryosong pagkamatay ng mga kababayan na-"
Nagsalita naman si Benedict na pinatahimik ng babae.
"Gusto niyong malaman ang sikreto ng bayan na ito? Hanapin niyo ang libro ni Reylina Sanchez na pinamagatang 'The Diary of a Flower'. Tiyak na medyo maliliwanagan kayo sa mga nangyayari"
Pagpapaliwanag niya sa amin. Mukhang gusto ko na talagang alamin at sana nga may malaman ako.
Pero hindi ko pa rin inaalis sa pakiramdam ko na nasa gitna ako ng panganib, na parang may papatay sa akin kahit anong oras.
"Basta lahat kayo, mag-ingat sa mga desisyon niyo at mag-ingat dahil hindi mo kilala ang mga taong nasa paligid niyo"
Dagdag pa niya at napatayo na mula sa sahig. Tumango lamang kami sa kaniya at ngumiti. Dumaan ang ilang minuto at ako lamang ay nakayuko sa sahig habang ang ibang mga kasama ko ay nagpapahula sa babae.
Pareho lang ba ang sasapitin ko sa nangyari sa babeng tinutukoy ng manghuhula? Malapit na ba ang araw ko? Basta ang tanging hiling ko lang ay malaman ang sikreto sa likod ng mga ito.