Mary's Point of View
Binitawan ko ang door knob ng pinto at dahan-dahang naglakad paakyat sa ikalawang palapag. Kinakabahan ako sa bawat yapak na aking ginagawa. Pahinto-hinto ako sa pagyapak dahil sa panginginig na aking nararamdaman.
"Huwag na po!"
Narinig ko ang sigaw ni Kuya Ernold na parang hinahabol ang hininga. Dito ko napaisip na dapat hindi ko binabagal ang aking mga aksiyon dahil puwede itong maituring na aksidente.
Binilisan ko ang sarili ko at sa pagyapak ko sa ikawalang palapag, nakita ko ang pulang likido na mabagal na dumadaloy sa sahig. Huminto ako nang mapagtanto ko na huli na nga akong pumunta, dahil nakita ko ang kaawa-awang katawan ni Kuya Ernold na nakahilata sa sahig. Napatakip ako ng labi nang makita ko ang matalim na kutsilyo na nakapasok sa kaniyang noo.
Nanginig na lamang ang aking mga binti at napaupo sa sahig, hindi alam kung anong gagawin, iisipin at mararamdaman. Ngunit isa lamang ang aking nagawa, ang umkiyak sa gitna ng trahedya nakamit ni Kuya Ernold. Halos hindi ako makasigaw ng tulong dahil nawalan ako nang boses at alam kong wala rin itong kuwenta dahil walang mga tao rito. Anong nangyari kay Kuya Ernold?! Bakit ganito ang nangyari?! Bakit ako pa ang unang makakakita dito?
Takot ang naramdaman ko habang napatigil ako sa pag-iyak sa oras na napansin ko na bukas ang bintana sa kuwarto kung saan binawian ng buhay si Kuya Ernold. Mataas ang hinala ko na pinatay si Kuya Ernold. Ngunit sa anong dahilan? May malaki bang atraso si Kuya Ernold? At kung mayroon man, kanino?
Bumaba muli ako sa unang palapag upang kunin ang telepono na nakalagay sa mesa niya at sinubukang tumawag sa isang emergency hotline para makuha ang katawan ni Kuya Ernold. Halos lumobo ang aking utak dahil sa daan-daang tanong na aking iniisip habang hinihintay ang mga kukuha kay Kuya Ernold. Pinatay ba siya ng isang mamamayan dito? O pinatay ba siya ng isang nilalang? Pinatay ba siya ng The Humming Lady, na isang sikat na kuwentong-bayan dito?
Basta ang alam ko lamang ay unti-unti nang nagbabago ang aking tingin dito sa Mastoniaz.
-•-
|5:30 AM|
Nakaupo ako sa isang mahabang upuan sa tapat ng ospital kung saan idinala ang katawan ni Mang Ernold. Pinagmamasdan ko ang pagliwanag ng paligid dahil sa unti-unting pagsikat ng araw. Hindi pa ako nakakauwi sa aking bahay kaya alam kong magagalit sa akin si mama dahil kung saan-saan na naman ako pumupunta. Wala rin akong tulog dahil puno ng takot ang nararamdaman ko.
Nakakalungkot dahil hndi na naabutan ni Mang Ernold ang araw na ito kaya't ipinagdarasal ko ang kaniyang kapayapaan. Napatulala ako at natakot dahil dalawang katawan na ang aking nakikita rito sa Mastoniaz. Sino ba ang may gawa nito? At bakit nangyayari ito?
Habang ako'y kumakain ng sandwich, napansin ko ang isang kumikinang na puting sasakyan na huminto sa tapat ng ospital. Isang pamilyar na lalaki ang aking nakitang bumababa mula sa likod ng sasakyan. Nakasuot ito ng itim na salamin at itim na suit. Sunod na lumabas ang isang babaeng ka-edad ko na nakasimangot. Hindi ba si Angelia iyon? Napagtanto ko na rin na ang lalaki na iyon ay ang tatay niya at ang alkalde ng bayan, si Mr. Jeffrey.
Balak ko sanang tumayo at sundan sila ngunit may nagpigil sa akin at hinawakan nang mahigpit ang aking braso.
"Hoy! Kilala kita ah!"
Sigaw sa akin na dahilan para ako ay mapalingon sa likod. Isang lalaki na medyo mataas kaysa sa akin. Nakasuot siya ng normal na damit habang nakangiti sa akin. Tama siya, parang nakita ko na siya pero hindi ko lang matandaan kung saan.
"Hindi mo ako matandaan noh?"
Napanguso ang lalaki sa akin. Natawa naman ako sa kaniyang cute na reaksiyon. Umiling lang ako na nagsasabi na hindi ko talaga siya matandaan. Nakakainis at minsan akong nagiging ulyanin.
"Anyways, my name is Tristan, yung nakilala mo sa park kasama yung kaibigan kong pinagkamalan mong babae. Ayan baka makilala mo na ako"
Pagpapakilala niya na may malaking ngiti sa kaniyang mukha. Lumaki ang ang aking mga mata dahil ngayon ko lang siya natandaan. Siya pala si Tristan na isa sa mga una kong nakilala rito. Napayuko ako dahil nakaramdam muli ako ng hiya sa kaniya. Biruin mo, nakuha ko pang mahiya sa mga pinaggagawa ko.
"So, I just want to know your name kasi mukhang nakakatuwa kang kasama!"
Nakangisi niyang sambi sa akin, na dahilan para akong mahiya nang husto. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Anong ginagawa ko? Kung ano man nangyayari sa akin, ay nakakainis!
"Ah, Mary. Ako po si Mary haha!"
Pagpapakilala ko na sa sobrang hiya ko, hindi ako makatitig sa kaniya ng diretso. Bakit ako naging pabebe nang biglaan? Ano ba naman ito?! Ito ba yung tinatawag nilang love at first sight, kahit na pangalawang beses ko na siya nakita.
"Ah ganun ba. Bakit ka mag-isa rito nakaupo?"
Tanong niya sa akin. Lalo naman tumibok nang mabilis ang aking puso nang siya'y umupo sa tabi ko. Nakakatakot, baka mamaya makita ako rito nina mama na kasama ang lalaking ito.
Humarap muli ako sa harap ng ospital para makita ang pag-alis ng magarang kotse kung saan bumaba si Angelia. Hindi ko alam kung nasaan nagpunta sina Angelia. Napaisip ako na baka pumasok sina Angelia sa loob ng ospital. Sino naman ang bibisitahin nila sa loob? Mabuti at hindi sila dinumog ng mga tao.
"Ang tahimik mo naman, haha! Ang lalim siguro ng iniisip mo"
Nagsalita si Tristan sa gilid ko na pinipigilan ang kaniyang pagngisi. Kung alam mo lang na nasilayan ko ang kamatayan ng isang tanod, hindi ka magkakaroon ng ganiyang ngiti sa akin.
"May kakilala ka bang na-hospitalized ngayon at kaya ka nandito sa tapat ng ospital?"
Tanong niya muli sa akin at dito ko napagtanto na nawala na ang kaniyang ngiti na pinalitan ng seryosong mukha na nakatitig sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya para ipakita ko ang aking nagluluhang mga mata.
Oo, sa bawat pag-iisip ko, lalong nadadagdagan ang mga luha na naiipon sa aking mata. Tinitiis ko lang na makawala ang luhang may hapdi at sakit na pakiramdam.
"Ah, sorry kung naging personal ang tanong ko at siguro itago mo na lang sa iyo kung kailangan mo ng privacy"
Sambit niya sa akin, at tumahimim na. Mabuti na lamang at may nakakapagbigay ng halaga sa aking mga privacy. Ngunit pakiramdam ko nakakawalang respeto ang hindi pagsagot sa tanong ng iba sa akin.
"Alam mo, dito rin inihatid ang aking ina kaya mapait ang aking ala-ala dito sa lugar na ito"
Balak ko sanang sagutin ang kaniyang tanong ngunit bigla na lamang niya iniba ang pinag-uusapan. Napatigil ako sa pagiging emosyonal at inilingon si Tristan na nakayuko sa sahig.
"Sanggol pa lamang daw ako noon nang nasali si nanay sa isang insidente kung saan napatay siya ng isang babaeng dalaga. Malaki ang hinanakit ko sa kung sino man ang pumatay sa kaniya"
Aniya habang naririnig ko ang nanginginig na boses niya habang nagsasalita siya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko maliban sa pagkagulat.
"Ang sabi sa amin na tahimik daw ang bayan ng Mastoniaz, pero ako lang ba ang nakakaramdam na hindi talaga ligtas ang bayan na ito?"
Tugon ko sa kaniya habang pinupunasan ang aking pisngi mula sa aking mga luhang tumulo.
"Sa tingin ko hindi talaga ligtas ang bayan na ito. Pakiramdam ko pinapaligiran tayo ng mga sikretong malapit na tayong tuklawin"
Seryoso niyang pagsalita at tumitig sa akin na parang may sinasabi siya sa akin. Bakit parang hinihikayat niya akong gawin ang isang masamang bagay? Sa kaniyang mga titig, unti-unti akong naging mausisa na malaman ang mga sikretong sinasabi niya.
"Wala bang may balak na subukang hanapin ang mga sagot sa mga tanong ng bawat isa?"
Tanong ko sa kaniya na lalong nagpatayo ng aking mga balahibo kasabay sa biglaang paghangin sa paligid na nagpasayaw ng mga puno't halaman. Tumayo siya sa aking tabi nang walang emosyon.
"May mga nagsasabi na ang mga taong suwerte na mahanap ang mga laman ng sikreto, ay bigla na lamang nagpapakamatay, kaya minsan na ring tinawag ang Mastoniaz bilang The Superstitious Town"
Sagot niya sa tanong. Lalo tuloy akong nanginig sa kaniyang sinabi. Ngunit lalo rin akong nagiging mausisa na malaman kung anong sikreto iyon.
"Gusto kong malaman kung ano ang nasa likod ng bayan na ito, kung ano ang misteryo ng mga suicide ng mga kababayan natin dito"
Tuloy-tuloy kong pagsasalita. Napatawa na lamang itong Tristan na ito. Siguro naiisip niya na baliw ako pero hindi niya alam na seryoso ako sa mga sinasabi ko.
"Sure ka ba sa sinasabi ko? Hindi pa ba sapat yung mga narinig mo? Hindi man natin na mapatunayan ang mga nangayayari pero huwag mong ilagay sa kapahamakan ang iyong buhay"
Tugon niya habang pinapanood ang araw na sumisikat sa silangan. Napalunok ako at nag-isip kung seryoso nga ba talaga ako sa sinasabi ko.
"Mas maganda na kung ako lang ang mapapahamak hindi ang karamihan"
Sambit ko sa kaniya na dahilan para siya ay mapangisi sa akin. Medyo nahiya ako kaya't napayuko ako sa sahig at patagong ngumiti.
"Simulan mo muna sa kung sino at ano sa tingin mo ang nakilala mong kakaiba, ha?"
Bigkas niya nang nakangiti. Gumaan naman na ang aking loob kaya tumingin ako sa taas na unti-unting lumiliwanag at sinubukang tandaan kung sino nga bang kakaiba ang nakilala ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam.
"Wala kang natatandaang tao na nagbigay sa iyo ng kakaibang pakiramdam noh?"
Kinalabit ako ni Tristan sa balikat. Napatango lamang ako habang nakangiti sa kaniya nang pilit. Kailangan ba mayroon?
"Basta if you already know the secrets, sabihin mo sa akin. Also, interesado rin ako doon kaya tawagan mo ako when you need me"
Bigkas niya at nakindat sa akin. Is this guy really flirting in the other way? Pinahiram ko sa kaniya ang aking cellphone upang ilagay ang kaniyang number.
"Mary Carmen Lim!"
Narinig ko ang isang galit na sigaw ng babae mula sa distansiya. Lumingon ako kung saan nanggaling iyon at bigla akong kinabahan nang makita ko si mama na naglalakad papunta sa kinatatayuan namin. Wala na akong magagawa at sigurado na mapapagalitan ako nito nang husto.
"Nandito ka lang pala! Anong pinaggagawa mo? At sino 'to? Hindi mo sinasabi na may kalandian ka na?!"
Sigaw muli ni mama sa akin habang pinipisil ang aking braso. Mabilis na binigay ni Tristan ang aking cellphone na may nakalagay nang number niya.
"Ma! I'm going to explain. Someone forced me to go to the school nang gabi. Eh may nakakita sa akin kaya pina-barangay ako. Doon ako nagspend ng the rest of the night tapos sa hindi inaasahan, bigla ko na lang natagpuan yung barangay tanod na wala nang buhay"
Pagpapaliwanag ko sa kaniya habang hinihila niya ako papunta sa sasakyan namin. Hindi ba siya nakikinig sa akin? Napalingon na lang ako kay Tristan at ngumiti sa kaniya nang pilit. Kumaway naman siya sa akin.
"Ikaw ah! Hindi ka nagpapaalam! Napakadelikado sa bawat lugar tuwing gabi pero dahil sa katangahan mo, itinuloy mo pa rin!"
Ito na naman si mama, nagsesermon sa akin. Hindi talaga mawawala ang sermon niya sa isang linggo. Umupo ako sa dulo ng upuan sa pangalawang hilera, at nag-isip-isip sa mga sikretong itinatago ng bayan na ito. Iniisip ko na baka sumikat ako kapag nalaman ko na ang sikreto. Ngunit sa hindi inaasahan, nakaidlip ako sa gitna na biyahe.
-•-
|7:40 AM|
Mabilis akong tumakbo para makahabol pa sa unang klase. Ayokong maging late sa pangalawang araw ng pasok kundi lalo kong makakasanayan na pumasok nang late araw-araw.
Mabuti at hindi ang guard kagabi ang nagbabantay sa labas ng paaralan kaya nakapasok ako ng mabilis.
Itinakbo ko nang mabilis ang sarili ko papunta sa Main Building kung saan naroon ang silid namin. Nang makarating ako sa gusali, nakita ko ang mga nagkukumpulang mga estudyante malapit sa hagdanan. Anong mayroon?
"Grabe! Hindi ko inaakala itong pangyayari!"
Sambit ng isang estudyante sa gilid ko. Teka lang, anong mayroon? Isiniksik ko ang aking sarili sa bawat estudyante na gusto ring makakita kung anong mayroon dahilan para makita ko kung ano yung pinagkakaguluhan nila.
Hindi ako nagkakamali sa aking nakita. Si Ma'am Trixie na walang malay at duguan ang kaniyang ulo.