"PA welcome home, i missed you so much." Sabik na niyakap ko si papa. Mahigit apat na buwan ko rin itong hindi nakita.
Meet Oscar Villena, my ever lovable, caring and sweet father in the world. Well for me it is.
Palagi nag-a-out of the country si papa kahit nu'ng highschool pa lamang ako. Madalas pa ako noong magtampo kasi lagi itong wala.
Naalala ko nagrebelde pa ako dahil gusto kong pauwiin si papa. Naglayas ako at kila Lorenzo tumuloy, pero nang malaman ni Lorenzo na nagrerebelde ako ay kinaladkad ako nito pabalik sa amin para makapag-usap kaming pamilya.
Bully talaga ang lalaking iyon, hindi ako kinampihan. Anyway, nagkaayos rin naman kami dahil ipinaintindi nila sa'kin na para saykin lang din ang ginagawa nila, for my future.
Matapos kong yakapin si papa ay nakita ko ang mga gamit nito sa sala kasama ang mga shopping bags.
Nanlalaki sa tuwa na tumingin ako kay papa. "Is it all mine papa?"
Natawa naman ito. "Of course! it's all yours. Your my only daughter." Unica iha kasi ako kaya madalas akong ini-spoiled ng pamilya. Even my grandparents.
Hindi ko napigilang yakapin ulit ito."Thank you Papa. Your the best talaga!"
"Sure Sweetie! Go take a look of it."
Agad kong nilapitan ang mga shopping bags. I'm so excited to wear all of this. Iba't-iba ang mga tatak ng mga ito. Merong para sa damit, bag, accessories and make-up. Pero ang pinaka favorite niya sa lahat ay ang sapatos.
I really loves shoes. Sa sobrang pagkagusto ko sa mga ito ay nagkaroon na ako ng koleksyon. Magmula sa pinakasimpleng disenyo hanggang sa mga limited edition shoes.
Ngayon pa lang ay pinag-iisipan ko na agad kung anong damit ang ipapares ko sa mga ito.
Pero napahinto ako sa pagtitingin sa mga ito ng maalala ko na tumawag ito dahil kailangan niya ang tulong ko.
"Pa, you said you need my help? What is it?"
Unti-unti ko munang nililigpit ang mga gamit ko. Sa kwarto ko na lang ito titingnan lahat.
Nag-aalangang lumapit ito sa akin.
"Ahmm.. Sweetie, you know naman na kaya ako umaalis ay dahil inaasikaso ko ang business natin abroad right?"
Natawa naman ako sa pagpapaliwanag nito. "Pa, you talk like your talking to a child. I'm an adult na."
Niyakap ko ito.
"I know. But for me your still my baby." Gumuhit ang ngiti sa labi ko.
Maswerte ako dahil mababait at mapagmahal ang magulang ko. Hindi lahat binibiyayaan ng ganito.
Humiwalay na ako dito at salitang tiningnan sila mama at papa, "okay okay, so what is it Pa?"
Tumingin muna si Papa kay may Mama. Napakunot noo naman ako. Nagpapalitan ng tingin ang kanyang magulang.
"So ano magtititigan na lang po ba kayo?"
Bumuntong hininga muna ang kanyang ama bago ito nagsalita. "Kara, Nagkaproblema kasi ang business natin abroad. May isa sa empleyado natin ang nagnakaw ng pera ng kumpanya. I assigned him to pay our monthly bill to CM Corp. dahil nang hiram tayo ng malaking halaga para ipaayos ang mga nasira nang dinaanan ito ng bagyo," pahayag nito.
"naging maayos naman ang pagbabayad natin sa kanila. We are continuously paying our debt. Pero yun ang akala ko." Bumuntong hinga ito. "Lahat ng perang dapat ay ibinayad sa CM Corp ay nilulustay pala sa sugal. Nang malaman ko 'yun ay agad ko siyang pinakulong. I trusted him! but he just spent all of our money for that gambling!"
Kaya ba napauwi ito para dalhin ako sa America para tumulong doon?
"That's why you need me there? Wala namang problema sa'kin Pa. I'll go there if you really need me."
I can file a indefinite leave habang inaayos pa namin ang problema sa kumpanya. Maiintindihan naman siguro ito ng Superior ko.
"No. May nahanap naman na akong makakatulong satin. They will help us to pay CM Corp."
"Then that's good Pa."
"But they have condition."
Bigla nag-alangan ang kanyang ama sa sasabihin nito kaya si mama na ang nagpatuloy.
"They want... marriage."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito.
Marriage? as in kasal?
"Pa.."
"I know. It's all my fault. Nagtiwala ako sa empleyado kong 'yon. Kung nag-ingat lang sana ako hindi ka sana madadamay sa problemang ito. I did try to borrow from other companies I know. Pero hindi nila ako magawang pahiramin dahil may utang pa tayo sa CM Corp." Napatakip ito ng mukha pagkapos ginulo nito ang sariling buhok. Lumapit si Mama at hinimas ang braso nito para pakalmahin.
"Sa ngayon, sila lang ang pag-asa natin. Bago ako umalis doon ay kinausap ako ng CM Corp. Kung hindi ko raw sila mababayaran, kukunin nila ang kumpanya bilang kabayaran. I can't let that happen, pamana ito ng lolo't lola mo. Malaki ang paghihirap nila dito, para lang mapalago ang kompanya."
Hindi ko alam ang sasabihin. Gusto kong makatulong pero hindi ko kayang gawin ang gusto nito. Ang magpakasal sa taong hindi ko kilala. A marriage for convenience.
"Please Kara think about it. You are our only hope."
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay pinili ko munang magkulong sa kwarto para pag-isipan ang dapat kong gawin.
I don't want to marry someone I don't know.
I decided to call Maricar.
"Hello..." Boses ni Maricar.
"Maricar!"
"Aw! Kara nabingi ata eardrums ko. You don't need to shout, I can hear you clearly."
"Maricar, I don't know what to do." Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadya kong luha.
"Bakit? may nangyari ba?"
"May problema ang business namin abroad. Papa want me to help."
"Then help. Anong problema doon?" Nahihimigan ko ng pagtataka ito.
"Ang hirap kasi ng hinihingi nilang tulong mula sa'kin. I can't.. I can't do that. I can't marry someone i don't know."
Ilang sandali itong hindi nagsalita.
"Wait! I thought we're talking about business? but why it suddenly change into marriage?" Ramdam kong naguguluhan na si Maricar.
"It is a marriage for convenience."
Sandaling natahimik ulit ang kausap. "Hello... Maricar?"
"What?!"
"Wow ha.. napakalate naman ng reaksyon mo."
"I mean- Uso pa pala yang ganyan? Sabagay, your rich. Uso nga pala ang ganyan sa mga mayayaman."
Agad naman ako napabangon mula sa pagkakahiga. "Seriously! I need your advice. Not that! okay."
Huminga muna ito ng malalim. "You know what Kara, nasa sayo ang desisyon. Marriage is a sacred union of two people. Ang dapat na ikasal ay yung taong totoong nagmamahalan dahil it only happen once."
"I know that's what I thought too.."
"Pero in your case, you have reasons. Gagawin mo ito para sa pamilya mo. Para sa pamilya ng mga taong nagtatrabaho sa kompanya niyo. Your doing this because its for the sake of people around you."
Hindi ko mapigilang maluha sa mga sinabi nito. "Hey! are you crying?" Agad kong pinunasan ang mata ko.
"Hindi ah! May sipon lang."
Narining ko ang tawa nito sa kabilang linya. "Minsan lang ako mag advice kaya seryosohin mo. Hihintayin ko :yung bayad mo sa advice ko. Burger na lang, paki deliver."
Natigil ako sa pag-iyak at natawa. "Baliw!"
"Kara, malay mo matutunan mo rin mahalin yung lalaking ipapakasal sayo. Usually ganun ang nangyayari sa mga arranged marriage."
Biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Lorenzo.
"Maricar, can we keep this a secret lalong-lalo na kay Lorenzo?"
"Why? he's your bestfriend. He should know." tanong nito.
"Sasabihin ko rin naman. Maghahanap lang ako ng tyempo."
Hindi ko pa alam kung paano ko ito ipapaliwanag kay Lorenzo.
"Okay, if that's what you want." Nakahinga ako nang maluwag. Hindi pa ako handang sabihin ito kay Lorenzo.
"Thank you."
- - -
SAMA-SAMA kaming kumakain sa dining area. Masaya ako dahil nakumpleto ulit kami sa hapag-kainan na talaga namang bihira lang kung mangyari.
Mas marami ang pagkaing nakahain ngayon dahil narin sa pagdating ng kanyang ama.
Masayang nag-uusap sila Mama at Papa. Kinukwento ni Mama ang mga nakaraan nila. Sadyang mahal na mahal nila ang isa't isa na inaalala nito ang mga past dates nila.
"I'm really glad na hindi natapon yung drinks sakin. Wala akong dala extra clothes. Magmumukha akong basang sisiw. Baka hindi mo ako nagustuhan noon." ani Mama.
"Hindi mangyayari yun. Ikaw kaya ang pinakamaganda sa mata ko." Ngumiti ito pagkatapos ay dinampian ng halik sa noo si Mama.
"Bolero ka pa rin. Baka naman marami kang binobola doon sa kompanya?" Naniningkit ang matang tanong ni Mama.
"Walang makakapantay sa iyo mahal ko."
"Mahiya ka nga sa anak natin Oscar. Ang harot mo."
Napangiti na lang ako sa mga ito. Para pa rin silang mga teenagers kung mag-usap.
Tumukhim muna ako para mapansin ako ng mga ito. "Ehem!"
Tumingin naman sa akin si Papa. "May ubo ka ba anak?"
Napakamot naman ako ng ulo.
"Wala po. Pa, Ma nakapagdesisyon na po ako." Tinitigan ko ang magulang ko. Nakaabang ito sa anumang sasabihin ko.
"Maluwag naming irerespeto ang desisyon mo anak." Si papa, tumango din ang kanyang ina.
Ngumiti siya dito. "Pumapayag na po akong magpakasal."
Nagkatinginan sila mam at papa.
Lumapit sakin si Mama at niyakap ako.
"I'm sorry, anak."
Sunod na lumapit si Papa at niyakap kaming dalawa ni Mama.
Pinigil ko ang luha ko, ayokong umiyak sa harap nila.
Hindi ko muna iisipin ang sariling kaligayahan, ang mahalaga ay matulungan ko ang pamilya ko at ang pamilya ng mga nagtatrabaho sa amin.
Mukhang hindi talaga para sakin ang Love. Laging tutol ang tadhana. Siguro baka in next life pagbigyan niya na ako at si Lorenzo.
- - -
Author's Note:
Sorry po ngayon lang nakapag-update. Naging busy sa work. Alam niyo na malapit na ang Christmas. hehehe. Please visit my Wattpad account : katrengracia. I have other stories there.
Anyway enjoy reading! thank you.