"AYOKO NA!" sigaw ni Rioka habang marahang hinahaplos ni Eliza ang kanyang likod.
Sandali namang napatingin sa kanilang gawi ang ilan sa kanilang mga kaklase dahil sa biglang pagsigaw ng dalaga.
Pagkatapos kasi na matunghayan ang ginagawang milagro ng taong gusto niya at ng kanilang guro ay agad siyang dumiretso sa gazebo—kung saan din nakatambay ang kanyang mga kaklase.
"Please tell me what's wrong, Rioka. Para naman may maitulong ako," sambit ni Eliza na puno ng pag-aalala. Agad umirap si Eliza sa kanyang mga kaklase nang makita niyang mukhang nakiki-usyoso ang ilan sa kanila.
"You really wanna know why ngawa ako ng ngawa ngayon?" aniya. "I just caught Xyryl having sex with her," halos pabulong na bulalas ni Rioka sa kanang tenga ni Eliza.
"Who?"
"Miss."
"Miss Alexa?"
Agad tumango si Rioka habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
Napaawang ang bunganga ni Eliza dahil sa gulat. Hindi niya akalain magagawa iyon ng dalawa lalo pa't nasa loob sila ng paaralan.
"Maybe they're breaking now the rules since alam naman nila na wala na tayong pag-asa rito," malungkot na turan ni Rioka.
"No, Rioka. We need to be tough. Kailangan pa nating hanapin si Mayumi and that killer—kailangan pa niyang managot sa kanyang ginawa kay Kath!" ani Eliza na puno ng pag-asa.
Napabalikwas sila nang bigla na lamang sumigaw si Kian.
"Grabe! Pati si Xyryl, natuhog si Miss!"
Mabuti na lamang at maagap na tinakpan ng dalawa ang matabil na bunganga ng binata dahilan upang hindi siya marinig ng ilan sa kanyang mga kaklase. Agad naman siyang inirapan ni Eliza.
Napakapayapa ng buong Academia de Adler ng mga oras na iyon. Makulimlim ang kalangitan ngunit hindi naman ito dahilan upang bumagsak ang malakas na ulan. Buwan ng Hunyo kaya ramdam na ramdam nila ang dalang hangin ng Hanging Amihan. Nagkalat din sa buong paligid ang mga tuyong dahon ng malaking puno ng akasya sa kadahilanang wala nang nakatuka upang magwalis ng mga kalat nito. Ang tanging maririnig ng mga oras na iyon ay ang mga huni ng ibon na tila ba nagbubunyi sa kinahitnan ng dating tanyag na eskwelahang ito.
"Ano 'yon?" Tinuro ni Agustus ang makulay na papel na kasalukuyang nililipad ng hangin kasabay ng mga dahon sa paligid. Agad namang tumalima si Lawrence upang kunin ang naturang papel.
"Ano 'to?" Pagkabahala at pagkalito ang bumalot sa mukha nina Agustus at Lawrence, at ng iba pa nilang mga kaklase nang tuluyan na nilang mabasa ang nilalaman ng papel.
[Wild Blood]
[The thrill begins at the AdA ComLab]
[June 2019]
["Creepy."]
["I think their playing games on us!"]
["AdA ComLab?"]
["Parang iba ang kutob ko rito!"]
"Tara! Puntahan natin!" ani Chynna matapos na makita ang papel.
"And risk our lives there? No!" pag-angal ni Eliza nang makitang nagsitayuan na ang ilan sa kanyang mga kaklase upang sundan si Chynna.
"Edi maiwan ka rito!" sigaw naman pabalik ni Chynna sa dalaga bagay na ikinatakot ni Eliza sapagkat nakita niyang maging si Rioka ay sasama na rin sa grupo. Sa huli, ay napili na niya ring sumama.
"Paano sina Miss Alexa at Xyryl?" ani Kian sabay tingin sa gawi ni Rioka dahilan upang magtama ang kanilang mga mata. Puno ng pang-aasar ang mga mata ni Kian samantalang ang isa naman ay puno ng pagdadalamhati. Agad na nag-iwas ng tingin si Rioka at yumuko. Napailing na lamang si Kian nang mahinuhang walang nakarinig sa kanya. Matapos nito ay naglakad na siya kasabay si Theo at Andrea.
"No! Hindi pwede 'to! Ano na lang ang sasabihin ng mga classmate ko 'pag sinabi ni Rioka ang kanyang mga nakita?" Kinuyom ni Xyryl ang kanyang kanang kamao sabay bato nito sa kawalan, puno ng panggigigil.
Marahang hinaplos ni Miss Alexa ang makisig na braso ng binata upang kahit papaano ay mahimasmasan ito. Inaamin niya na kahit siya ay wala na ring maipapakitang pagmumukha sa kanyang mga estudyante.
Iwinakli ni Xyryl ang braso ni Miss Alexa na nakakapit sa kanyang balikat. "Maling-mali 'to! Dapat 'di na 'ko nagpadala sa libog! I should have known!"
"But, Xyryl? Alam natin pareho na ginusto natin ang lahat ng nangyari," halos pabulong na sambit ni Miss Alexa. "O, tingnan mo nga o... matigas na naman," ani pa niya na may halong pang-aakit sabay dakot sa paglalaki ng binata na natatakpan lamang ng damit nito.
Wala namang nagawa si Xyryl kung hindi ang magpa-ubaya na lang.
PAGOD NA EKSPRESYON ang makikita sa mga mukha ng natitirang mga estudyante ng Academia de Adler matapos na makarating sa gusali kung saan makikita ang computer laboratory ng paaralan.
Ang computer lab ay matatagpuan sa main building ng Academia de Adler. Dito rin matatagpuan ang mga opisina ng presidente at bise-presidente ng paaralan, tagapangasiwa ng pinansiyal, at pananaliksik. May bilang itong 200 na computers at tatlong server na mga computer.
"Tingnan niyong maigi ang paligid... 'di ba parang masyadong tahimik?" ani Andrea na may halong panginginig.
"Hindi nila tayo papatayin ng sabay," saad ni Winter. ["Duda ko, takot siyang mabunyag ang tunay niyang pagkatao,"] dagdag pa niya, matapos ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa kinaroroonan ng computer lab—siyam na metro mula sa entrada ng gusali.
"It's locked!" naiinis na sambit ni Eliza sabay sabunoy sa kanyang mahabang buhok. "Maybe prank lang talaga 'yong flyer... or else patay na 'yong mga staff no'ng play na 'yan."
Sa pagkaka-intindi ni Eliza at ng iba sa kanyang mga kaklase, isang stage play ang kanilang inaasahan na matutunghayan nila pagpasok nila sa computer lab. Samantalang 'yong iba niyang kaklase, ay baka gawa-gawa lamang daw.
Hindi ordinaryo ang pagkakasirado ng naturang computer lab. Hindi kandado ang dahilan ng pagkakasara nito sapagkat kailangan na ilapat ng isang beripikadong indibidwal ang kanyang kanang hinlalaki sa isang thumbprint scanner nang sa gayon ay tuluyan itong mabuksan. Ang mga beripikadong indibidwal na nakasaad ay ang mga tao na may mataas na katungkulan sa naturang paaralan. Halimbawa nito ay ang presidente at ang mga guro ng Academia de Adler.
"'Di ba pwede mo namang buksan 'yan, Pres?" Dahil sa sinabi ni Rixxtan ay nabaling ang lahat ng atensyon kay Winter.
"Now that you've said that, I'll do it right away," pursigidong sambit ni Winter sabay lakad patungo sa pintuan ng computer lab.
Nang makita ni Eliza na nakaharang sina Andrea at Zaira sa dadaanan ni Winter ay agad niyang iwinakli ang mga ito. "Can you two just give him some space? Kitang dadaan 'yong tao e."
"Huwag mo nang patulan pa." Hinawakan nina Hazel at Theo si Chynna nang makitang papatulan nito si Eliza nang makita ang ginawa nito sa kanyang mga kaibigan.
"Pasalamat siya, pinigilan ni'yo ako. Kung hindi baka napatay ko na siya," utal pa ni Chynna na puno ng panggigigil.
Click!
[Welcome to the Computer Lab!]
Sa wakas ay nabuksan na ni Winter ang computer lab. Pagpasok nila sa loob ay isang bulwagan ang bumungad sa kanila, at may dalawa pang pintuan silang nakita. Ang unang pintuan ay para sa Teachers' Faculty samantalang ang ikalawang pintuan ay kung saan makikita ang lahat ng mga kompyuter. Desisyon kasi ng mga tagapangasiwa ng eskwelahan na doblehin ang pintuan upang mapanatili ang malamig na temperatura sa computer lab.
Medyo malamig ang temperatura ng bulwagan ng computer lab kung saan sila nakatayo. Makikita ang concierge—kung saan maaaring sumangguni ang mga panauhin. Sa kasalukuyan ay walang tao doon, nahinuha nilang baka pinatay na rin ang taong nakatuka doon.
May isa ring 20 dangkal na LED Screen HD TV ang makikita sa bulwagan, ngunit sa mga panahong iyon, ay isang gif lamang ang paulit-ulit na pinapakita.
Katulad ito no'ng nasa flyer! Iba't-ibang emosyon ang namutawi sa kanilang mga mukha.
Hindi alam ni Hazel kung bakit kanina pa siya kinakabahan simula nang makapasok sila sa computer lab. Gusto sana niyang magpaiwan na lamang sa labas upang ang iba na lang ang sumilip kung ano ang mayroon sa loob ngunit naisip niya na baka doon naman siya patayin ng killer.
Click!
Tunog ng pag-ikot ni Rioka sa seradura ng pintuan ng pangalawang pintuan.
Pagpasok sa loob ay nagpahinto sila sa kanilang mga kinatatayuan. Pilit nilang inuuwa ang kanilang nakikita sa mga monitor ng mga kompyuter. Nang biglang...
["Do you like my surprise to all of you? My dear Euclid?"] ani ng isang boses sa speaker.
Dahil dito iba't-ibang reaksyon ang makikita sa kanilang mga mukha at kilos. May nagpupuyos sa nagalit, may nainis, may nangatog ang tuhod, may sumigaw, at halos lahat sa kanila ay umiyak ng malakas.
["No, this can't be happening!"]
["Mga demonyo!"]
["Wala na talaga! Dito na talaga tayo mamamatay!"]
["Ano 'to?!"]
["Potangina mo!"]
"Paano mo naatim na gawin ito sa amin, ha? Wala ka bang mga anak?!" galit na sigaw ni Chynna habang nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha nito.
["Anak?"] ani ng boses sa speaker ng mga kompyuter. ["Oo, wala akong anak! Kasi patay na ang dapat na magluluwal ng mga magiging anak namin! Kaya tumahimik ka dahil wala kang alam!"]
"Pero bakit mo ito ginagawa sa amin? At bakit kami pa?" walang emosyon na utal ni Andrea.
["Simple lang. Nasa inyo kasi ang pumatay sa asawa kong yaya niya dati."] Dahil sa kanyang inutal ay nagkatinginan ang mga estudyante sa isa't-isa. Punong-puno ng pagdududa.
Biglang nanlaki ang mata ng isa sa mga estudyante na nasa bandang likuran. Hindi siya makapaniwalang hahabulin siya ulit ng kanyang nakaraan na pilit na niyang ibinaon sa limot. Muntik pa siyang matumba dahil sa pagkabigla. Iba't-ibang mga senaryo ng nakalipas ang pilit na naglalaro ng paulit-ulit sa kanyang isipan. Hanggang sa mawalan siya ng malay.