Unduh Aplikasi
50% Networks lover / Chapter 1: Networks lover:I am motivated from my family
Networks lover Networks lover original

Networks lover

Penulis: Rosebud88

© WebNovel

Bab 1: Networks lover:I am motivated from my family

Habang nakaupo si messy sa isang resto sa harap ng dagat tahimik syang nagmamasid masid sa mga taong naglalakad lakad habang umiinom ng redwine,sa kabilang banda namumutawi sa kanyang pisngi ang tuwa ng maalala nya ang huling gabing nakatabi nya at nakausap si john.

Si John, isang negosyante sa dubai at bukod pa roon isa din syang top earner ng isang networking company na nagmula sa pinas pero nakabase sila sa dubai.

Si john na di naman ka gwapuhan pero napakabango kapagka binati at kapag nagfriendly kiss & hug kayo. sino ba naman ang hindi makakapansin sa lalaking napakabango at napaka tikas kung tumindig.napahawak si messy sa kanyang buhok ginulo gulo ito at sabay sabi (ahhh bakit ba?bakit ba nasa isip ko sya?..)

Si john kasi ay isang pamilyadong tao na. si john ay isa ng tatay may kinakasama at anak na nakabase sa dubai at bukod pa don meron din pala syang asawa sa pilipinas.babaero nga kung ituring ng mga kaibigan at ka business partner nya. May pagka hambog,mabango at fitted pa kung manamit kaya talaga namang nakakaagaw pansin lalo na mapera pa pero praktikal pagdating sa pera. (bakit nasa isip ko sya? nasagi na naman sa isipan ni messy.)

Si messy ay isang empleyado sa isang firm sa dubai,single,maganda,matangkad at matalino. Mapangarap para sa kanya mga magulang at mga kapatid. kinuha sya ng kanyang kapatid na nagpaaral sa kanya para makatulong na rin para sa kanyang mga nakababatang kapatid. galing kasi sila sa mahirap at malaking pamilya.pang lima sya sa labingdalawang magkakapatid pero sya lang ang bukod tanging naunang nakapagtapos sa kolehiyo,ang apat na panganay sa kanya ay nagsipag asawa na. kaya malaki ang ekspektasyon ng kanyang mga magulang at kapatid sa kanya. sabi nga nila sya na raw ang mag aahon sa kahirapan ng kanilang buhay dahil sya lang ang bukod tanging nakapagtapos ng pag aaral.

Yan na siguro ang pinaka big why nya para ma motivate nya ang kanyang sarili.

Kahit nga ang mag boyfriend ay iniiwasan nya talaga kahit marami ang nagpaparamdam na manligaw sa kanya.ayaw nyang masira ang lahat ng pinagpaguran nya para lang sa isang lalaki. gusto nya munang tumulong sa kanyang mga kapatid at magulang. Iangat sila para hindi na maranasan pa ng mga susunod na kapatid ang dinanas nila noong walang wala pa.

Hirap na naranasan nila na naging eye opener para magsipag sya lalo. dahil kung ikukumpara ang naranasan nya noon ay masyadong mababaw ang hirap na naranasan nya kisa sa hirap na naranasan ng kanyang mga kapatid na panganay.Ang kanilang panganay kasi ay nagsimulang magbanat ng boto ng umedad ng labing apat na taon kaya tumigil na sa pag aaral. ang pangalawa at pangatlo naman ay nakapag high school naman pero nagtrabaho na rin dahil walang pampaaral sa kolehiyo. ang pang apat ay tinamad din at nag asawa na rin dahil nakabuntis ng wala sa oras.kaya ayaw nya na ring maranasan ang paghihirap.pinopursige nyang maiahon ang kanyang pamilya lalo na marami rami din ang umaasa sa kanya. simula kasi ng makapagtapos sya sa pag aaral at makapagtrabaho sa kanya na halos ipinataw lahat ng responsibilidadsa kanyang mga magulang at mga nakababata nyang mga kapatid. para ngang sumpa na kung sino ang susunod na sasalinan ng responsibilidad.Ang lagi nga nilang katuwaan pagnagbibiruan kung sino ang nakapagtapos sya naman ang sasalinan ng responsibilidad. dahil napag aral na kaya dapat magpayback naman ng naitulong ng panganay.

Nakakatuwang isipin pero yun ang katutohanan. katutuhanan na hinding hindi nya matatakasan.buti nalang mataas ang sahod nya.mataas para sa mga umaasa sa pinas pero kung gagastusin sa lugar kung saan sya naroon masyadong maliit. maliit dahil dolyar din ang gastos. tao kasi sya,kumakain,kailangang matulog, naliligo,nagcocomute at nakikiharap sa iba't ibang tao. dolyar din mg gastos kung kwekwentahin nga negatibo pa ang sahod sa gastos at padala.

Kaya kung umiikot man ang araw at the end of the day kayud kalabaw ang labas.ang pinaka regalo nalang sa sarili ang kumain ng marami sa araw ng sweldo. ganun nalang kung isa larawan ang kanyang buhay sa empleyado sa bansang dati ay pinapangarap nya lang pero ng maranasan na nya ay kasumpa sumpa pala pero kailangan nyang tiisin. pasalamat nalang dahil kasama nya ang dalawa nyang kapatid.ang mga kapatid na syang nagpaaral sa kanya. Ang isa ay sa coffee shop at ang isa naman ay sa isang airline company.Silang dalawa ay mga Networkers din yung negosyong ayaw na ayaw pasukin ni messy. Yucks kadiri ang tawag nya sa larangang iyon.magrerecruit recruit wala naman sumasali.pakyut lang ng pakyut.

Yucks na yucks sya sa negosyong iyon kaya nga ang dami dami nyang alibi kapagka niyayaya sya ng kanyang mga kapatid. maraming rason minsan may overtime pero magmumukmok lang pala sa opisina para lang may rason na di makapunta. basta diring diri sya. para lang daw yun sa mga despiradong tao. mga nasa itaas lang ang tunay na yumayaman.gagamitin lang ang pera yan ang mga interpretasyon nya sa networking.pero isa iyon sa naging dahilan para makapagtapos sya sa pag aaral.kaya ayaw nya ring ipakita sa mga kapatid nya na diring diri sya sa networking.

Sa kabilang banda biglang nagyaya ang kapatid nya na magdate sila ng isa nya pang kapatid. palipas oras lang sila. nood sine at kain sa labas.hindi nya alam yun na pala ang simula ng lahat.naka date na nga sya ng kanyang dalawang kapatid. kidnap date kasi wala na syang rason pang tumanggi. nakidnap date na sya. naipaupo sya sa isang seminar.

May palakpakan, may sigawan at hyping na nalalaman. May sisigaw (gusto mo bang yumaman?) at may sasagot namang (power werpa) akala mo kulto akala mo kung saang mundo ka na naipasok. yun pala sa networking business lang.tapos asar na asar ka doon sa speaker dahil nilait na lahat,nilait ang pagiging empleyado. kaya ang sama ng tingin nya sa speaker. masyadpng mayabang akala mo kung sinong makalait ng empleyado e hindi nya nga alam kung pano magpagod bilang empleyado. itutuloy>>


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C1
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk