Mabilis na tumikhim si Neptuno upang kunin ang pansin ng lahat
ng siyokoy sireno at sirena upang ipakilala sa lahat si Arnie
Neptuno : ahem.... hrmmmm Mga mamamayan ng Atlantis, nais
kong ipakilala sa inyo ang ating panauhin na tutulong sa atin upang
hanapin ang nawawalang tinidor. Siya ang babaing itinakda... Ang
Babaeng ipinahayag ng propesiya na itinakdang mag ligtas at maging
taga - pamagitan sa mga tao at enkanto ganon na rin sa mga gaya nating
nilalang na namumuhay sa pusod ng dagat.
Mga mamamayan ng Atlantis Ang itinakda!!! Si Arnie.... Ang pagpapakilala
ni Neptuno kay Arnie sa lahat ng naroroon.
Muli namang tumayo si Arnie sa kina uupuan at yumukod pa sa mga siyokoy
at sireno na lalong lumuwa at nanlaki ang mga mata ng mapag masdan ang
Kanyang bilugang dib - dib na kumalog pa at halos kumawala sa pagkaka - ipit
ng pang itaas na bahagi ng kanyang suot na panlangoy...
Arnie : hi.. . Kumusta kayo ang pag bati at sabay pag kaway pa ni Arnie matapos
ang ginawang pag yukod, tila ito artistang nag po promote ng pelikula
sa pag kaway at pag bating ginawa...
Hello... Ang sabay sabay namang tugon ng lahat kay Arnie.
Si Neptuno naman ay umupo na sa kanyang trono matapos ipakilala si Arnie, ngunit
laking gulat niya ng may ma upuan siyang buntot ng sirena sa kanyang trono , ng lingunin
niya ito ay nakita niya si Sirenita at Fishna sa kanyang likuran na patuloy na nagtatago.
Neptuno : Sirenita!!! Fishna!!! Ano ba ang ginagawa ninyong mag ina diyan sa aking likuran?
ang iyamot na tanong ni Neptuno sa mag ina na kanyang naupuan ang mga buntot.
Sirenita : ipag paumanhin po ninyo Bathalang Neptuno . Ang agad na pag hingi ni Sirenita ng paumanhin.... Hawak ang kamay ng anak, dahan dahan umalis si Sirenita at Fishna sa likuran ni Neptuno...
Hindi pa man sila nakaka layo sa tabi ni Neptuno ay kumilos ang isang kamay ni Arnie
may lumabas na munting liwanag sa kanyang hintuturo, dumeretso ito sa kabibeng nakapalamuti
sa buhok ni Sirenita ,
tumusok ito at bumaon sa kabibe bago nito tinangay palabas ng palasyo si Sirenita, patungo sa tuktok ng isang nakausling korals at doon ay isinabit ang sirenang nag pupumiglas at hindi makakawala ,tila may kapangyarihang bumabalot sa munting kabibe sa kanyang ulo na maging ang kanyang mahabang buhok ay pinipigilan nitong matanggal mula sa
kabibe....