HARING BALAKUBAK : Haring kurimaw..... Ano ang gagawin natin ?
Hindi ba tayo gagawa ng paraan upang hadlangan ang ritwal??? Ang galit
na tanong ni haring Balakubak, umuusok pa ang mga butas ng ilong, nag tatagis
ang mga ngipin at kuyom ang kamao .
HARING KURIMAW : natural kikilos tayo!!! Kung hindi natin makukuha ang
itinakda... walang dapat na makinabang sa kanyang kapangyarihan!!!!
Mag - utos kana sa iyong mga tauhan!! Ngayundin ay ipag - uutos ko sa aking
mga alagad na mag - handa sa pag - sugod!!! Ngayun din ay susugod tayo sa
lupain ng mga tikbalang!!! Ang galit ding saad ni haring kurimaw.
HARING BALAKUBAK : ngunit paano ??? Hindi ba dapat noong isang linggo
pa natin isinagawa ang pag sugod??? Aabutin tayo ng halos isang linggong
paglalakbay bago marating ang kanilang lupain...
May alam ka bang paraan upang makarating tayo doon??? Ora mismo????
Now na??? Ang naguguluhang tanong ni haring Balakubak kay haring Kurimaw
HARING KURIMAW : ah???? Oo nga ano??? Ano ka ba Balakubak!!!! Isang linggo
ka na dito sa palasyo!!! Bakit ngayon mo lang ipina ala - ala sa akin ang bagay na
iyan??? ang galit na galit na usig ni haring Kurimaw kay haring Balakubak, na agad
nahintakutan, mabilis na sumiksik ito sa isang sulok,
Isa ka ring tanga at kalahati na gaya ng anak kong walang silbi!!!! Puro kayo inutil
Ano nga ba ang aasahan ko sa iyo??? Halos malaki lang sa isang dangkal ang taas
mo!!! malamang kakapiranggot din ang utak mo??
PURO KAYO MGA INUTIL!!! ang lalong nag - init ang ulong sigaw ni haring Kurimaw
Pati tenga at ilong nito ay umuusok na rin sa galit...
Balik sa kaharian ng mga tikbalag...
Nakarating na sa talon at patungo na sa mahiwagang batis ang pangkat nila Arnie
masuyong inalalayan ni Borjo si Arnie sa paglalakad patawid sa talon nangangambang
mabasa ang puting kasuotan ng dalagita.....
Sa wakas!!!! Narating na nila ang mahiwagang batis..... ilang minuto na lang ang
hihintayin ng lahat bago ganap na mag hating - gabi....